Chapter Sixteen

Isang oras na kaming naghihintay kay tito na bumalik siya dito sa loob pero hanggang ngayon wala pa rin.

"Yeji eonnie, itutuloy po ba natin ang meeting na to?" Tanong ni Nahyun eonnie na mukhang naiinip. Ewan ko ba kung bakit siya naiinip eh wala naman kaming ibang gagawin maliban sa kung ano ang ipagawa nila samin.

"Lalabas muna ako at kakausapin ko si sajangnim kung ano ba ang gusto niyang ipagawa sa atin."

Lumabas si Yeji eonnie at kami ay naghihintay na makabalik siya pati na rin si tito.

"Naaamoy ko na ang tagumpay!" Sigaw ni Sumin eonnie.

"Ipagdasal nalang natin na magiging successful ang debut natin para hindi naman masayang ang effort ng entertainment at lalo na natin." Saad ni Euijin eonnie.

Tama siya. Dapat naming ipagdasal ang career naming ito. Ayaw namin masayang ang effort naming pinaghirapan namin. Mukha lang kaming tanga kapag mangyari yun. Parang naglakad ng malayo at wala pala kaming patutunguhan. Ang pangit isipin.

"Palagi kong ipinagdarasal na maging successful tayo at makilala hindi lang sa South Korea kundi pati na rin sa buong mundo. Ang ganda isipin nun diba? Yung kilala tayo kahit san magpunta at maraming fans na nakaabang satin kahit saan. Maraming mga camera na naghihintay para kunan tayo ng litrato at mga papel at ballpen para makapagpa-autograph sila satin." Parang timang na nakangiti si Minjae eonnie na sinabi niya yun.

Ang laki siguro ng pangarap niya para sa aming lahat. Ako rin naman, malaki rin naman ang pangarap ko para sa amin kahit na ay una wala akong balak na sumali pero napagtanto ko na subukan naman ang ibang bagay. Baka dito ko mahanap ang kasiyahan ko sa buhay. Ang maging idol at pasayahin ang mga taong susuporta sa akin at samin.

"Gusto ko rin na lahat ng tao, kapag tumugtog ang kanta natin ay malalaman kaagad nila na Sonamoo ang kumanta nun at masasabayan nila ang kanta natin lalo na ang magiging international fans natin na kahit hindi nila language ay masasabayan nila ang lyrics!" Hyper na sabi ni Dohee eonnie. Para siyang nanggigil sa sinabi.

Ang sarap palang pakinggan yung mga sinabi nila. Nakaka-inspire at nakakadagdag ng confidence. Lalo siyang nakaka-engganyo na pagsikapan at pagbutihan namin ito.

"Sorry for the interruption girls. So let's go back to our agenda."

Nakabalik na si tito pati si Yeji eonnie. Lahat naman kami ay nakinig ng maayos sa kanyang sinasabi.

"This time, we will discuss your position in the group. As of Yoonsun or New Sun, obviously, she's the maknae of the group. And your leader .. you will be the one to decide."

Pagkarinig namin nun, nilingon naming lahat si Sumin eonnie.

"Bakit lahat kayo nakatingin sakin?" Takhang tanong niya. Well, alam naming lahat na siya ang pinakaresponsable samin kahit hindi ko pa siya gaanong kakilala.

Makikita naman sa mga kilos niya na palagi siyang parang ina kung umusta. Ganun rin naman si Euijin eonnie pero iba talaga si Sumin eonnie. Siya kasi, masyadong strict pagdating sa dorm namin. Kesyo daw itupi namin mga damit namin, huwag magkalat, maging malinis sa dorm, mga ganun. Si Euijin eonnie naman ay palagi niya kaming sinasabihan na i-off yung ilaw kapag matutulog na kasi mahal ang bayad ng kuryente. Pero mas gusto kong si Sumi eonnie ang maging leader. Napaka-responsable niya sa lahat ng bagay at maaasahan siya. Hindi lang naman ata ako ang sumasang-ayon dahil kaming lahat ay nakatingin sakanya.

"Sumin eonnie, total ikaw naman ang pinakamatanda sa ating lahat, ikaw nalang ang leader namin?" Joke ni Nahyun eonnie.

"Age ba ang dapat pagbabasehan?" Tanong ni Sumin eonnie kay tito.

"Hindi naman. Kung ano ang unanimous decision, yun ang susundin natin and I guess ikaw ang pinili nilang lahat."

"Agad agad po? Wala man lang pagdadalawang isip?" Sabi ni Sumin eonnie. Baka ayaw niya ata ng responsibilidad o nahihiya lang siya?

"Bagay naman po kayong maging leader. Bukod na mas matanda ka pa po samin eh mas responsable ka po kesa sa amin. Ikaw yung mother type ng group." Sabi ko na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Tama si Yoonsun or should I say, New Sun? Nakikita ko sakanya na mas sanay siya sa lahat ng bagay at may marami kaming matutunan sa kanya." Saad ni Minjae eonnie.

"Kung yun ang gusto niyo guys. Kayo ang pumili sakin ha at hindi ako mismo ang nagvolunteer. Wag sana kayong mag-expect sakin ng mataas dahil masasaktan lang kayo. But ang ma-ipropromise ko lang ay gagawin ko ang best ko bilang leader. I will lead you to the right path and I will be the best leader you'll have. I will serve you like a mother. Pero sana wag kayong magpasaway sakin ha? Hehehe. Ayokong may paluin sa pwet ninyo at kurutin. Baka ma-DSWD ako. Hehehehe."

Natuwa kaming lahat sa sinabi ni Sumin eonnie. Mabuti naman at sumang-ayon siya sa desisyon namin at willing sakanya.

"Okay. Our leader is Sumin and our maknae is New Sun. Susunod ay yung mga positions na talaga. We already decided kung sino ang magiging main dancer and like sa inyo. Base on your performance ang naging desisyon namin."

May tinype ulit si Yeji eonnie sa laptop. Iyon ay ang mga positions namin.

Ito yung ginawa niya:

Leader:
Main Vocalists:
Vocalists:
Main Dancer:
Dancers:
Rappers:
Face of the Group:

"For your main vocalists, it will be Minjae and Dohee, I mean High.D. The other vocalists are Sumin and Nahyun." Lahat kami ay nagpalakpakan at tumahimik ulit para sa susunod na sasabihin ni tito.

"Your main dancer is Euijin. Eunae or D.ana is in charge of low rap while Yoonsun or New Sun is in charge of high rap."

Ngumiti kaming lahat at naexcite sa mga position namin.

"And your face of the group is Nahyun."

Leader: Sumin
Main Vocalists: High.D and Minjae
Vocalists: Nahyun, Sumin, Euijin
Main Dancer: Euijin
Dancers: Nahyun, D.ana
Rappers: D.ana (low rap) and  New Sun (high rap)
Face of the Group: Nahyun

"From now on, mga stage names niyo na ang gamitin niyo para hindi na kayo malito."

Nagpasalamat kaming lahat kay tito at pagkatapos dumeritso na kami ng dorm para makapagpahinga. Magiging busy na kami sa susunod na araw. Sana magka-oras pa kami sa sarili namin.

"Masaya ba kayo sa mga positions niyo?" Pumasok sa loob ng dorm namin si Yeji eonnie at may dalang pitong baso ng gatas na nakalagay sa tray. Binigay niya sa amin yun isa isa at pina-inom.

"Oo naman po. Basta pagbubutihin namin para hindi masayang ang effort nating lahat." Sagot ni Sumin eonnie.

"Ipagdasal nalang natin guys na magiging successful ang debut niyo okay? Hindi man kaagad mag top sa mga music charts pero atleast maganda na rin yung may magagandang feedback." Masayang sabi ni Yeji eonnie sa amin.

"Let's do this. Sonamoo fighting!"

***
A/N:
Para hindi po kayo malito, let's take a recap.

1. SONAMOO is their group name.
2. The members are:
*Sumin
*Minjae
*Euijin
*Nahyun
*D.ana (Eunae)
*High.D (Dohee)
*New Sun (Yoonsun)

Sana hindi po kayo malito. Hehehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top