Chapter Nine

Simula na ng pagkaka-suspend ko at ang plano ko ngayon ay matulog buong magdamag!

"Yoonsun! Wala ka bang planong pumasok?" Nakatayo si mama sa harapan ng pintuan ng kwarto ko at nakapameywang pa.

"Eomma .. nakalimutan mo na bang suspended ako?" Sarkastiko kong sagot.

Pagka-uwi ko kahapon ay sinabihan ko kaagad si mama sa nangyari sa akin. Kung bakit ako nasuspende. Medyo nakakahiya mang sabihin ay sinabi ko nalang sakanya para hindi siya magtaka kung bakit isang linggo akong hindi papasok. Natawa naman siya doon. Hindi siya nagalit sa akin pero natuwa siya sa ginawa ko. Nagdadalaga na raw ako. Like lol -.-

"Ay oo nga pala suspended pala ang napakabait kong anak. Tumayo ka nalang jan at maligo para kumain at makapag-exercise. Pagkatapos ay magtraitraining ka dahil kapag bumalik na tayo sa TS, napakagaling mo na."

Ang oa ni mama talagaaaaaaaa 😭

Sinunod ko ang sinabi niya. Naligo muna ako tsaka nagbihis ng pang-jogging at dumeritso na sa dining.

"Noona, ang mga katulad mo ay hindi dapat tularan. Malandi kasi kaya ayan na suspend." Biro sa akin ni Yoongi pero alam kong iba ang point niya. Wala atang nararamdaman na pagmamahal para sa akin ang kapatid ko eh. Yung tinidor ko ay parang ginawa na tutusukin ko siya kaya sinaway ako ni papa.

"Have a happy suspension week Yoonsun!" Si papa na buong lakas na humahalakhak. Anong nakakatawa?

"Diba si Mingyu ang dahilan ng pagka-suspend mo? Edi magsama kayo buong week per kailangan mo rin namang umuwi sa tamang oras Yoonsun." Saad ni mama.

"Eomma!" Reklamo ko.

"Wag kang ganyan Yoonsun! Kapag manligaw sayo yung sinabi ni Mingyu na may crush sa yo wag mong sagutin ha?"

"Nasa tamang pag-iisip ba kayo ma?"

"Mas bagay kayo ni Mingyu, Yoonsun at boto ako sa batang iyon." Sabi ni papa na nag-wink pa!

"Gusto ko si Mingyu hyung pero di kayo bagay." Andito na naman ang kontrabida kong kapatid.

"Ah so gusto mo si Mingyu? At kayo ang bagay?"

Tinignan niya lang ako ng masama at tinapos ang pagkain niya. Kunti lang din ang kinain ko para naman kahit papano ay hindi ako lumubo pagkatapos ng suspension week.

"Ikaw lang ang ma-iiwan dito sa bahay Yoonsun. Pasyal ka nalang para hindi ka mabore o di kaya'y magpractice ka okay?" Habilin sa akin ni Mama.

"Mag-advance study ka nalang anak. Gusto mo ipakuha kita ng tutor?" Suhestyon ni papa na agad namang tinurn down ni mama ang ideyang iyon.

"Makakapag-aral siya kapag bumalik na siya sa school kaya kailangan muna nyang mag-hahappy ngayon. Hindi na yan magiging free kapag idol na ang anak mo."

"Sabagay may point ka Hon." Sang-ayon ni papa kay mama pero parang hindi parin ito tuluyang napa-agree.

***

Nasa loob ako ng kwarto at nagpatugtog ng Angel by Yoon Mirae, Tiger JK at Bizzy gamit ang speaker. Sumabay naman ako sa kanta at may pa-sayaw sayaw effect pa.

Nang matapos ang kanta ay sumunod naman ang Sorry Sorry ng Super Junior. Sinabayan ko rin ng sayaw. Medyo marunong naman akong sumayaw. Kailangan lang talaga ng kaunting training at magiging okay na akong maging idol.

Siguro nga oras na na makapagdesisyon ako kung gusto ko ba talagang maging idol o hindi. Sa ngayon, parang gusto ko na para naman ay may ipagmamalaki ako sa sarili ko at sa mga taong nanghuhusga sa akin na pwede akong maging isang taong hindi nila aakalain. Gusto kong may mapatunayan sa kanila. Na hindi ako isang untalented at flirt kay Mingyu. Na mayroon pala akong maibubuga na iba sa paningin nila. Siguro nga oras na rin na i-pursue ko ang pagiging isang rapper.

"Yeobeoseyo?" Sagot ko sa isang unregistered number sa na tumawag sa cellphone ko.

"Yoonsun-ah." Nakilala ko kaagad kung kaninong boses iyon.

"What's the problem Mingyu?" Diretso kong tanong. Baka mambulabog na naman to sakin.

"Puntahan mo ko sa sala niyo. Mga 20 minutes na ako ritong nilalamok!"

Hala?

"Bakit ka nandito samin? Tsaka walang lamok kaya ang bahay namin!"

"Wag ka na ngang magtanong. Baka masira pa araw mo eh. Bumaba ka na diyan at mapakain mo na ako."

Pinutol naman niya kaagad yung tawag. Ugh! Naunahan pa akong mag-end call ㅠㅠ

Tinakbo ko naman ang daan patungo sa sala namin at naabutan ko nga si Mimgyu roon na naka-upo at nakaharap sa malaking flat screen tv namin.

"Mingyu!" Tawag ko sakanya. Lumingon naman kaagad siya sa akin at nagpaskil ng malaking ngisi sa kanyang labi.

"Good morning!"

Hindi ko pinansin ang pagbati niya at agad siyang sinalubong ng tanong.

"Hoy Mingyu. Anong ginagawa mo rito?"

"Wala akong magawa sa amin kundi humarap lang sa salamin at pagmasdan ang kapogian ko. Nakaka-bore kaya ang ganung bagay. Sinasabi ko sa iyo Yoonsun."

"Sinasabi ko rin sayo na kung hindi mo sasabihin sa akin kung bakit ka pumunta rito ay kakaladkarin kita palabas."

"Ang brutal mo naman!"

"Ikaw yan eh!" Inirapan ko siya at tumalikod na. Bahala na nga siya!

"Kahit kailan talaga Yoonsun. Hindi mo magawang pahabain yang pasensiya mo."

"Sorry naman.." Sarkastiko kong sagot. Tumawa naman siya at naglakad papuntang kusina.

"Mama mo ang nagpapunta sakin dito. I-babysit daw kita. Kahit tignan mo pa ang text niya sa akin."

Pinakita nga niya iyong text ni mama at totoo nga! Hindi siya nagsisinungaling.

"Baby ba ako para pabantayan?" Tanong ko kay Mingyu. Nilagay naman niya ang kanyang hintuturo sa kanyang chin.

"Hmm ..ewan ko. Parang? Maikli kasi ang buhok mo. Parang katutubo pa lang. Hehehehe." Pinasok ko yung dalawang hotdog sa bibig niya.

"Ayan kumain ka na!" Nag-hugas ako ng kamay at siya naman ay umupo na.

Hindi ko alam kung niluwa ba niya o nilunok yung hotdog pero nakapagsalita siya sa akin.

"Gusto mo mamasyal?" Tanong niya sa akin.

"Pwede naman."

"San mo gusto?"

"Kahit saan."

Tanging okay lang ang sagot niya sa akin.

"Diyan ka lang. Maliligo at magbibihis muna ako Mingyu."

Yeaaah. Maliligo ako ulit dahil pinawisan ako kanina at magbibihis ako ng attire na panggala. I will make my suspension week fruitful! Lol

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top