Chapter Fifteen

Yoonsun's POV

  Isang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang nakakahiyang gabi sa buong buhay ko. Ewan ko ba kung bakit ko yun ginawa. Hindi nga dapat ako malasing! Nakakahiya kay Mingyu ㅠㅠ

Hindi ko pa rin siya kinokontak simula nung nangyari yun. Grabeeee. Saang banda ng mundo ako nakakuha ng guts para gawin yun? Eotteokhae!

"Tulala ka na naman Yoonsun." Napatingin ako sa pumasok. Si Sumin eonnie pala.

"Huh? Eh wala lang to eonnie. Hehehe." Sabi ko tas sabay hawak ng cellphone.

Nasa dorm pala kami pero hindi pa ako talaga dito tumitira. At nakadepende lang sa amin kung magstastay na ba kami o hindi. Basta kapag start na yung practice namin for debut, dito na talaga kami titira.

"Yoonsun, inubos mo ba yung pagkain dito sa ref?" Tanong ni Sumin eonnie.

"Ani. Baka si Dohee eonnie yung kumain. Matakaw yun eh." Sagot ko. Nakilala ko na rin yung ibang mga ugali ng mga kagrupo ko. Sa takdang panahon makikilala na rin namin ng lubusan ang isa't isa.

"Hindi si Dohee ang kumain nun. Si Eunae." Sabat ni Euijin eonnie.

Ako ang maknae ng grupo pero parang hindi ako yung maknae sa attitude. Ofcourse, ako ang may pinakabatang mukha sa kanila. Hahaha. Si Nahyun eonnie yung parang maknae samin. At ako naman ang pinakamatangkad sakanila. 171 cm ako tas si Eunae eonnie ang sumunod sakin. So parang hindi talaga ako ang maknae diba?

"Ano ba yan! Nasan si Eunae? Lagot yun sakin!" Sigaw ni Sumin eonnie pero alam kong biro lang yun. Lumabas siya at naiwan kami ni Euijin eonnie.

"Ah! Kaya pala ako pumasok para sabihan kayong dalawa ni Sumin eonnie na ngayon makikipagmeet si Taesung sajangnim. Magbihis ka na Yoonsun, lalabas muna ako at hahanapin si Sumin eonnie."

Nagbihis ako kaagad at hinintay lang silang lahat na pumasok sa dorm para makapagbihis. Matapos nilang magbihis ay dumiretso na kami sa opisina niya.

"Diretso nalang daw tayong conference room dahil nandun na sila." Sabi samin ni Nahyun eonnie.

Na postponed yung meeting namin na sana ay bukas kaagad nung first meeting namin kung saan sumang-ayon ako bilang kagrupo nila.

Tahimik kaming pumasok sa loob at nandun na sina tito, Yeji eonnie at iba pang staff dito sa TS.

"Good morning everyone. Ngayon ay pag-uusapan natin ang group name, logo, stage names at positions niyo. But as I said, keep this to yourselves first okay?" Pag-uumpisa ni tito. Tumango kaming lahat at attentive na nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Do you have any suggestions on what will be your group name?" Tanong niya samin. Nilingon namin ang isa't isa at lahat ay parang walang masabi.

"Pretty Girls?" Unang suggests ni Dohee eonnie at tinype naman yun ni Yeji eonnie sa laptop na naka projector.

"Diva Ladies?" Suggest naman ni Minjae eonnie at gaya nga kanina ay tinype niya rin ito.

"Face Us?" Si Sumin eonnie ang huling sumagot. Nagpasalamat naman si tito sakanila sa mga suggestions pero natawa nalang kami dahil may naisip na pala silang name ng group namin.

"I appreaciate your suggestions girls but we already have a name for you. So your group name will be SONAMOO." Bumilog yung mga mata namin. As in? Sonamoo talaga?

(Sonamoo means Pine Tree)

"Pangalan talaga ng kahoy? Eotteokhae jinjja?" Bulalas ni Sumin eonnie na hindi makapaniwala kagaya rin namin. Sino bang matinong tao ang magpapangalan ng isang group ng kahoy? Baka akalain nila tuod kami at hindi marunong at walang talent!

"Keep calm girls. Alam kong parang walang sense but your group name's name is that you will perform evergreen songs with good messages."

Napa-aah nalang kami. Though we're not that satisfied. Ofcourse, nabaguhan palang kami but for sure sa pagtagal ng panahon we will love it.

"I think it's okay kasi magiging memorable at easy to remember siya." Sabi ni Minjae eonnie. May point rin naman siya.

"And people will find us intriguing kasi may iba pa palang meaning ang Sonamoo and it's us." Dagdag ni Euijin eonnie.

Tahimik lang din akong nakikinig sa gilid nila while nagbibigay sila ng comments patungkol sa group name namin.

"Now your group name has been decided. From now on, you are officially the soon to debut girl group of TS Entertainment, SONAMOO."

Nagpalakpakan naman kaming lahat. Na para bang nabinyagan kami ulit. Masarap pala sa feeling yung ganito. Yung may bago kang pagkakaabalahan. May bago kang kasama at tanggap ka nila. Wala kang maririnig na kahit ano sa kanila at higit sa lahat makakapagbigay ka ng ligaya sa ibang tao.

"We will proceed to our next agenda. It will be your stage names. Hindi ko kayo pipilitin. Kayo ang magdedecide yung mag-stestage name ba kayo o hindi."

Sumaya naman yung mga mukha namin sa sinabi ni tito. Akala ko pati stage names ay sila na rin ang magdedecide.

"Sajangnim, hindi po ako magpapalit. I am Sumin and I will be forever Sumin! Fighting!"

"Ako rin po. Minjae parin po ang gagamitin ko para makilala kaagad nila ako at hindi sila malito."

"Nahyun forever po rin ako sajangnim. Maganda na naman po yung pangalan ko mana sa mukha ko. Hahaha."

"Original name ko rin po ang gagamitin ko. Euijin for the win!"

"Ikaw Yoonsun?" Bumaling sakin si tito tapos ngumiti ako sakanya.

"Gusto ko po sanang maging New Sun ang stage name ko because I will light up your day with new sun everyday!" Sabi ko in hyper tone. Pumalakpak naman sila sa stage name ko.

"Pano mo yan naisip Yoonsun?" Tanong sakin ni Dohee eonnie na pina-O_O ang mata.

"Matalino kasi ako." Biro ko sakanya.

"Sayo Eunae at Dohee?" Tanong ni Yeji eonnie. Kapwa naman nila tinignan ang isa't isa at nag-usap kung sino ang ma una.

"Uhm .. sakin po.." Si Dohee eonnie ang unang nagsalita. "High.D as in H-I-G-H period D. Kasi sabi nga ni sajangnim kasing taas ng alps ang boses ko. Hehehehe."

"Woaaaaah!" Napasigaw naman kaming lahat. Na para bang kinakantyawan siya.

"Tumahimik nga ako!" Saway niya samin.

"Okay. Ako naman. D.ana ang gusto kong maging stage name. As in D period A-N-A. Kasi wala lang. Para unique at maalala ako ng mga tao. Hahahaha."

Lahat kami ay natuwa sa mga stage names namin at nag-aasaran.

"I'll be back guys. May tawag lang akong sasagutin. We will tell you later your positions okay? Sa ngayon ay magpahinga muna ako at magsnack. May pagkain akong pinadala rito."

"Kamsahamnida sajangnim!" Sabi naming lahat.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang number ni Mingyu. Ano bang gagawin ko? Magsosorry ba ako? Pagkatapos kasi nun ay nakatulog ako tas hinatid niya ko sa amin at hindi na kami nagkita simula nun. ㅠㅠ

Ughh! Hihintayin ko na nga lang na siya unang kumausap sakin para di awkward.

***

Nakapag-update na rin sa wakas. Mabuti nalang may cellphone nako ~ ^^

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top