Chapter Eleven
Mingyu's POV
Hindi na kami nag-abala pang kumain ni Yoonsun dahil nabusog kami dun sa kinain namin kanina.
Oo. Inaamin ko na may crush ako kay Yoonsun pero wala akong lakas na loob para sabihin sa kanya iyon. Baka mag-iba na ang pakikitungo niya sa akin. Ayokong maging awkward kami. Hanggang paghanga muna ako ngayon sa kanya. Malay natin mas lumalim pa ito at magkakagusto rin siya sakin. Hindi naman yun imposible kasi pogi ako.
Kapag makapag-debut na ako, baka magustuhan na rin niya ako.
Baka siya pa ang maghahabol sa pogi kong pagkatao.
Baka siya pa ang unang ma-inlove saming dalawa.
Pero baka kapag nangyari na makapag-debut na ako, makahanap siya ng ibang taong magiging kaibigan niya at mawalan ako ng lugar sa puso niya.. lol kadramahan ko!
*boooogsh*
*boooogsh*
Napatingala ako nang marinig ko ang tunog ng fireworks. Ganun din si Yoonsun. Napangiti siya ng makita ang fireworks.
"Ang ganda naman.." Sabi ko na pinapahiwatig ko na siya. Akala niya ata yung fireworks ang ibig kong sabihin na maganda kaya sumang-ayon siya na maganda ang fireworks. Binalewala ko nalang yun at baka mabuking pa ako. Mga limang minuto rin tumagal yung fireworks display.
"Mingyu, punta ulit tayo rito bukas. Gusto kong panoorin ang fireworks sa kalangitan!" Masayang niyang tugon. Umoo ako sakanya kaya tuwang tuwa siya.
"Dito ka muna, may pupuntahan lang ako saglit." Tumango ako at prenteng umupo sa bench. Hindi na ko nag-abala pang tanungin kung saan siya pupunta.
***
Yoonsun's POV
MATAPOS ang fireworks display ay sinabihan ko si Mingyu na pumunta ulit dito bukas at sumang-ayon naman siya. Gusto ko lang kasi makita ang colorful na fireworks na nagpapaganda sa gabi. Tuwang tuwa naman ako sa kaloob-looban dahil sumang-ayon siya. I-lilibre ko siya bukas dahil siya ang nag-libre sakin ngayon. Gusto kong bumawi.
Makaraan ang ilang segundo ay nasagip ng mga mata ko sina Minjae at Euijin. Naisipan ko na lapitan sila at kamustahin.
"Dito ka muna, may pupuntahan lang ako saglit." Sabi ko kay Mingyu at patakbong pumunta kung saan nakatayo sina Minjae at Euijin.
Hiningal ako kaunti kaya nagpalipas muna ako ng saglit bago binalingan silang dalawa.
"Annyeong!" Bati ko. Napa-O_O naman ang kanilang mata. Halata atang nagulat sa akin. Nginitian naman nila ako at gumanti rin ako ng ngiti.
"Kamusta kayo?"
Unang sumagot si Euijin dahil may biglang tumawag kay Minjae.
"Eto gumagala muna dahil magiging trainee na raw kami bukas. Haaaay. Malapit ng matupad ang mga pangarap ko!"
"Congratulations sa inyong dalawa. Alam kong matatanggap kayo dahil may mga talent naman kayo na super bagay para maging isang idol."
"Salamat talaga Yoonsun. Dahil sa'yo nagkaroon kami ng opportunity na i-showcase ang talent namin sa buong South Korea. Promise hindi ka namin bibiguin." Napahalakhak namin ako sa sinabi niya. Wala naman akong masyadong naitulong. Sila ang tumulong sa mga sarili nila. Dahil sa kanilang talento kaya nabigyan sila ng opportunity.
"Sorry Yoonsun. Tinawagan ako ni Yeji eonnie." Pagpaumanhin ni Minjae. "Sinabi niya sakin na wag daw naming kalimutan ni Euijin bukas. Hahahahaha. Syempre naman hindi namin makakalimutan ang araw na magiging trainee na kami. Sinabi niya rin na wag naming ipagsabi at ikalat na maging trainee kami." Kwento niya.
"Tama yun para naman maprotektahan niyo ang privacy niyo ngayon. Kasi darating din ang araw na palagi na kayong sinusundan ng fans niyo kung saan kayo pupunta." Saad ko.
"Nakakakilig naman yung word na 'fans'." Sabi ni Euijin na tumawa at halata masyado ang eye smile niya.
"Nakakapanibago talaga to." Dagdag ni Minjae.
"By the way sino palang kasama mo rito?" Tanong sa akin ni Euijin. Nilingon ko yung bench na inuupuan namin ni Mingyu at tinuro iyon. "Ah, kaibigan ko. Si Kim Mingyu."
Agad naman akong binigyan ni Minjae at Euijin ng mapanuksong ngisi. "Sus kaibigan? Kaibigan my foot! For sure may gusto yan sayo." Napatawa naman ako sa sinabi ni Euijin.
"Nagpapatawa ka ba? Bakit naman yan magkakagusto sa akin eh hindi naman ako maganda tsaka marami yang fangirls sa school namin. Palagi nga akong naaaway dahil jan. Walang magkakagusto diyan kay Mingyu kung hindi fangirls niya lang. Matitikman mo bagsik ng mga babaeng may gusto sakanya kapag naging malapit kayo sa isa't isa."
"Bakit mo naman nasabi yun?" Curios na tanong ni Minjae.
"Siya kasi dahilan kung bakit kami suspended ng isang linggo. Kasali na rin siyanat yung dalawang pinaka-fangirls niya." Hindi naman makapaniwala ang reaksyon nilang dalawa.
"Bakit? Gwapo ba talaga yan?" Si Minjae. "Tignan mo." Sagot ko.
"Luh? Papalapitin mo ako dun?" Tanong niya.
"Ikaw bahala."
"Minjae tigil tigilan mo nga yan!" Saway ni Euijin. "Makakakita ka rin ng gwapong para sayo. Yang kaibigan niya ay para sakanya lang." Inirapan ko naman si Euijin dahil sa sinabi niya.
"Dohee-ah!" May tinawag si Minjae at kinawayan. Tinignan ko rin kung saan siya nakatingin dahil medyo familiar sa akin ang pangalag Dohee. Nang makita ko si Dohee ay saka lang muna nag-sink in sa akin na may Dohee akong kakilala at yun ang Dohee na tinawag ni Minjae.
Kumaway din pabalik si Dohee kay Minjae at Euijin. Lumapit sa pwesto namin si Dohee atsaka niyakap silang dalawa. Napansin ata ni Dohee na may nakatayo na mas matangkad pa sakanila kaya nabaling ang atensyon niya sa akin.
"Yah Yoonsun!" Bati niya sa akin.
"Annyeonghaseyo!" Bati ko pabalik sakanya at nag-bow.
Muli at binalingan niya sina Minjae at Euijin. "Kasama ko nga pala si Nahyun. May binili lang saglit. Mabuti nalang nagkita tayo ngayon dito! Excited na ba kayong lumipat sa dorm bukas?" Happy na tanong ni Dohee. Medyo na-oout of place na ako dito ah? ㅇㅡㅇ
"Yesss! Super duper excited na kami bukas ni Minjae. Magkakilala pala kayo ni Yoonsun?"
"Yup! Schoolmates kami." Sagot niya. May babae naman na tumayo sa gilid niya at yun ang babaeng nakita ko sa TS kasama niya.
May naproseso sa utak ko na nag-udyok sa akin na tanungin si Dohee. "Dohee trainee ka rin ba sa TS Entertainment?"
"Ne. Kami ang unang trainee doon ni Nahyun. Tsaka sina Minjae at Euijin ang susunod. Isang taon na rin kaming nagtrainee." Napa-ah naman ako sa sinabi ni Dohee.
"Kim Nahyun pala." Pagpapakilala nung babaeng katabi ni Dohee at inabot ang isang kamay sa akin.
"Choi Yoonsun." Nakipag-shakehands ako sakanya.
"Bakit mo nga pala alam na trainee sina Minjae at Euijin? Bffs ba kayo?" Tanong ni Dohee sa akin.
"Ah hindi. Ako ang parang nagscout sakanya. Pamangkin pala ako ni tito Taesung."
May sasabihin pa sana ako ng biglang may nag-interrupt.
"Matagal pa ba yan Yoonsun? Nilalamok na ako dun kakahintay." Nilingon ko ang nagsalitang si Mingyu at tinapunan siya ng masamang tingin.
"Ito nga pala ang nag-iisang kaibigan ko sa mundo. Kim Mingyu." Pagpapakilala ko. Para namang na-starstruck silang apat kay Mingyu.
"Ang gwapo ko no?" Bulong niya sakin at siniko ko siya.
Bakit ba na-starstruck ang mga babaeng to? Naiirita ako!
"Ano? Ma-eestatwa nalang ba kayo diyan?" Tanong ko sakanila. Para namang nahimasmasan ang kanilang sarili at saka nagpakilala kay Mingyu.
"Annyeonghaseyo Kim Dohee imnida."
"Annyeonghaseyo Kim Nahyun imnida."
"Annyeonghaseyo Hong Euijin imnida."
"Annyeonghaseyo Song Minjae imnida."
Pagkatapos nilang magpakilala ay nagpakilala naman si Mingyu.
"Kim Mingyu, ang kaisa-isang poging kaibigan ni Yoonsun."
***
Mingyu's POV
Matapos silang magpakilala sa akin ay ako naman ang nagpakilala.
"Kim Mingyu, ang kaisa-isang poging kaibigan ni Yoonsun sa mundo."
Nag-iisang kaibigan pala sa mundo ..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top