Chapter Eighteen
"Teka lang!"
"Yoonsun!"
"Hoy!"
"Notice me!"
Pilit kong hindi pinapakinggan ang sinasabi niya. Patuloy lang ako sa paglalakad at patuloy lang din siyang nakasunod sa akin.
"Yoonsun wala pa akong ligo!"
Napatawa ako sa sinabi niya. Wala pa rin siyang pinagbago.
Huminto ako sa paglalakad at slow motion na nilingon siya. Pero paglingon ko wala siya. Feel ko pa siya kanina sa likod ko ah!
May teleportation ba si Mingyu?
Pagharap ko sa harapan ay tumambad sa akin ang naka-derp na mukha ni Mingyu.
"Ano ba?!! Ang panget mo!" Sigaw ko sakanyang mukha.
"Bago kang toothbrush no?" Tumawa siya na ikinainis ko.
"Mas mabuti nga iyon kesa sayo na walang ligo!" Dumistansya siya sa akin at inamoy ang kili kili niya.
"Oo nga wala akong ligo pero gwapo pa rin ako."
***
"Yoonsun, maliligo muna ako para presentable ako sa paningin mo at hindi mo ikahihiyang kasama mo ko tas babalikan kita dito pagkatapos."
Nasa loob kami ng isang café. Malapit lang din to sa bahay nila Mingyu. Mga ilang blocks lang ang layo.
Napag-usapan namin na gumala ngayon. Nasabi na niya sa akin yung pagiging trainee niya at malapit na rin daw silang magdebut. Hindi ko pa nasasabi yung tungkol sa akin dahil gusto ko siyang i-surprise. Na-iimagine ko na ang magiging facial expression niya kapag nalaman iyon.
"Bilisan mo Mingyu ha. Makakatikim ka talaga sakin."
Binigyan niya ako ng nakakalokong tingin. "Syempre Yoonsun. Hindi naman ako ang nag-tatake advantage sa kissable lips ko."
Nanlamig ako sa sinabi niya. Literal na nanlamig at uminit yung pisngi ko. How dare him mortify me?! Bigla ko tuloy naalala ang mga sandaling yun. Sobrang nakakahiyaaaaaa. Gusto kong mgatago sa cabinet. ㅠㅠ
"Shut up Mingyu! Puro ka kalokohan!"
Tinignan ko siya ng napakasama. Yun nalang ang tanging magagawa ko para ma-overcome ang kahihiyang nararamdaman ko.
Umalis si Mingyu na tumatawa habang ako naiwan na nakabusangot.
Ininom ko yung kapeng inorder niya para sakin. 10 am na at medyo gutom ako dahil ramyun lang ang kinain ko kanina. Inubos ko yung kape at lasagna. Nabusog din naman ako kahit papano.
Nag-umpisa ang isang familiar na beat ng kanta at napagtanto kong Wow iyon ng BToB. Head bang lang ang ginawa ko ng una pero sumabay din ako sa kanta nung nagchorus na.
"Geubi dalla namdalla tae tae tae taega dalla I like it I like it
Mwonga dalla neon dalla tae tae tae taega dalla I like it I like it
Don't break oeoeo Okay oeoeo Play Don't break
Don't break oeoeo Okay oeoeo Play Don't break
(Put'em up Put'em up Put'em up Yo!)"
Para akong tanga na sumabay sa kanta at yung ibang taong naka-upo malapit sakin ay nakatingin. Nakalimutan ko na medyo malakas yung pagkanta ko.
"Pwedeng umupo rito?" Tinignan ko ang nagtanong sakin at isa iyong lalaki.
"Bakit?" Sagot ko. Ang dami namang ma-uupuan dito pa talaga siya? Sana hindi niya mamasamain yung pagtanong ko.
"I know na marami pang bakanteng upuan but this spot is my favorite. Araw araw akong pumupunta rito at dito rin ako palaging naka-upo. Kaya kung hindi mo sana mamasamain Miss ay makiki-upo sana ako. Hindi naman ako mang-iistorbo sayo. Tutal apat na silya naman ang nandito."
Tumango ako at ginaya sakanya ang upuan. Ayaw ko mang may makatabi o makaharap ay wala na akong magagawa. Regular customer ata siya rito.
"Okay. Take your sit."
***
"Mingyu bakit ang tagal mo?" Tinawagan ko siya dahil dalawang oras na ang lumipas at alas dose na. Jusko naman!
"Nilagnat kasi ako Yoonsun. Pagkatapos kong maligo lumabas ang lahat ng init sa katawan ko. Naging hot tuloy ako ng wala sa oras. Tinatago ko pa naman sana ang pagka-hot ko pero lumabas talaga siya. Sorry Yoonsun-ah."
Halata sa boses niya na may sakit siyang dinadala. Sakit sa pag-iisip. Kahit na may sakit siya, naisipan pa niya talagang mambwesit.
"So hindi ka pala kawawa."
"Kawawa ako kapag hindi mo ako pupuntahan. Huhuhuhuhu." Narindi ako sa boses niya. Pabebe parang babae!
"Seryoso ka ba talagang may lagnat ka? Baka naman sakit sa pag-iisip na yan!"
Wala nang sumagot kaya tinignan ko yung cellphone ko. Lowbat na pala kaya nawala yung tawag.
Okay. Pupuntahan ko nalang siya sa kanila. Pagkalabas ko ay bumuhos nalang ang malakas na ulan. Crap bakit ngayon pa? Akala ko magandang panahon ang aasahan ko ngayon. May bagyo ba? Hindi man lang ako nainform!
Nakatayo lang ako sa labas ng café habang minamasdan ang pagbuhos ng ulan.
Doon nalang talaga ako kina Mingyu dahil malapit lang dito tsaka makakakain din naman ako for sure. Ang problema lang ay wala akong payong o kapote na pwedeng panlaban sa ulan.
"Need a ride?" Tanong sakin nung lalaking nakipag-share ng table sakin.
"Hmm .. ne." Hindi nako nagpa-hard to get. Grasya na nga tatanggihan ko pa.
"San ka banda pupunta? Malapit lang ba?"
Tinuro ko sakanya yung daan sa left.
"Alam mo yung bahay ng mga Kim? Yung isa ay Doctor samantalang yung asawa niya ay business woman?"
Walang paligoy-ligoy ay tumango siya.
"Yung bahay nina Mingyu ba ang tinutukoy mo?"
"Yes. Kilala mo si Mingyu?"
"Oo. Dati kaming magkaklase nung kinder. Tara na hatid kita. Malapit lang din naman bahay namin sakanila."
Sumakay ako sa kotse niyang sobrang gara. Hindi ko alam kung anong model ito basta ang ganda. Nahihiya akong itapak ang basa kong sapatos sa sahig ng kotse niya.
"Okay ka lang ba? Pumasok ka na baka tuluyan ka pang mabasa jan."
Pumasok nalang ako sa kotse niya at nag-sorry kaagad dahil nadumihan ang napakaganda at napakabango niyang kotse. Isa lang ang masasabi ko sakanya, mayaman.
"Wag kang mailang sakin." Sabi niya. Nahalata niya ata na medyo naiilang ako.
"Okay. Salamat pala sa offer mo.. ah ano pala pangalan mo?"
"Lee Sungjun."
"Salamat sa offer Sungjun. At pasensya ka na sakin. Hehehe."
Ngumiti siya bilang sagot at pinaandar na niya yung kotse niya. Mabilis lang kaming dumating. Mga 1 minute lang ata. Ang lapit lang diba?
"Kamsahamnida Lee Sungjun!" Kinawayan ko siya ng makalabas na ako at tinakbo ang distansya ng gate nina Mingyu. Omg! Wala akong payong baka mabasa ako dito!
Dinamihan ko yung pagdodoorbell ko para mabilis dumating si yaya.
"I think kailangan mo ng payong?" Napatalon ako sa gulat. Hindi ko kasi inaasahan yun.
"Salamat." Nagbow ako at inabot ang kamay ko para makuha yung payong sakanya.
"Isa lang payong ko at sa mommy ko to kaya share muna tayo. Saka nalang ako aalis kapag nakapasok ka na sa loob."
Akala ko pa naman ay ibibigay niya sakin ang payong niya. I didn't see that coming huh!
"Ang gentleman mo naman Sungjun." Komplemento ko sakanya. Para naman siyang nagulat sa sinabi ko. Hindi niya ata inaasahan na sasabihin ko iyon. "Choi Yoonsun pala pangalan ko. Para hindi unfair sayo, gusto ko malaman mo ang pangalan ko."
Bumukas yung gate at sumalubong sakin si yaya.
"Yoonsun! Si Mingyu ba hinahanap mo? Nagkasalisi ata kayo kasi kakaalis niya pa lang. Nilagnat yun pero umalis pa rin. Matigas talaga ang ulo ng batang iyon."
"Sino po kasama?"
"Mama niya tapos may dalawang lalaki ang pumunta rito. Hindi ko kilala pero mga gwapo sila. Mukhang mga artista! Sayang Yoonsun sana nakita mo rin sila."
Pinatuloy sana ako ni yaya kaso tumanggi ako. I think may business matter siya na kailangang puntahan. Sayang naman ang pagkakataong ito. Kailan ko kaya siya muling makikita?
"Taga saan ka Yoonsun?" Nabalik ako sa sarili ko ng may nagtanong sakin. Nakalimutan kong may kasama pala ako.
"Ihahatid nalang kita. Wala kasing taxi ang dumadaan dito eh."
"Pwedeng sa bus stop mo nalang ako i-drop? Medyo malayo pa kasi yung samin." Gusto ko mang tanggapin ang inalok niya, may hiya pa naman akong natitira. Ngayon lang kami nagkakilala.
"Sigurado ka ba? Kung yun ang gusto mo."
Tahimik lang ako sa buong byahe namin at mga 3 minutes lang din yun.
"Salamat ulit Sungjun-ssi." Nginitian ko siya at lumabas na ng sasakyan.
"Sana hindi ito ang huling pagkikita natin Yoonsun!" Sabi niya at pinaandar na ang kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top