Chapter Eight

Puno na ang classroom namin at nagsisimula na ang second subject. Nandito rin sa loob sina Somi at Hyojung oati ang mga alipores niya. Nanahimik nalang ako sa nangyari pati si Mingyu.

Nahinto yung pagdidiscuss ng teacher namin ng kumatok ang isang teacher. Binati namin siya at pagkatapos ay tumayo sa harapan namin.

"Good morning students. I just want to inform Jeon Somi, Kim Hyojung, Kim Mingyu, Choi Yoonsun, YooA and Mimi to please proceed at the guidance office after this class. Kamsahamnida!"

Umalis na siya at napalitan ang tahimik naming klase ng pagbubulungan. Alam na siguro nila ang nangyari. Ako lang naman palagi ang nabubully dito. Pati ang mga boys ay nagbubulungan din at minsan ay tinitignan kaming mga namention kanina.

"Ano na naman ba kasi ang nangyayari?" Malakas ang pagkakasabi nun ni Taeyong at ang tanong na iyon ay para kay Somi. Balewala lang sakanya kahit na may teacher kami sa loob ng classroom.

Hindi ko narinig ang sinagot ni Somi pero rinig ng buong klase ang sumunod na sinabi ni Taeyong.

"Bakit ba ayaw mo akong sagutin Somi? Ano bang hinahanap mo? Napaka-gwapo ko at talented pa. Isa nga rin ako sa mga heartthrob dito sa school pero bakit ayaw mo pa rim sa akin? Nagpapakatanga ka diyan sa Mingyu na yan? Anong mapapala mo?! Ni hindi ka nga niyan binabalingan eh. Wala kang halaga sa kanya at pwede ba na tigilan niyo na ang pang-aaway diyan kay Yoonsun. Whole section natin ang nadadamay. Hindi lang kayo!"

May point naman si Taeyong doon. Siya rin kasi ang Vice President ng classroom namin at matagal na niyang nililigawan si Somi pero hanggang ngayon ay hindi parin siya sinasagot nito.

Tinignan ako ni Sejeong, ang president ng classroom namin. Nasa gilid ko lang siya kaya madali lang na tignan niya ako.

"Anong nangyari?" Tanong niya. Umiling naman ako at hindi na siya ulit nagtanong pa.
Pero nandoon parin ang kuryosidad at pag-alala sa mukha niya. Nginitian ko nalang siya na sign na okay lang ako.

Tinapik ng teacher namin ang table niya gamit ang stick.
"Class stop the nonsense. Mag-quiquiz tayo kapag hindi kayo tumahimik jan. And to those names who were mentioned earlier you can go now para tumahimik na rin ang klase."

Nilingon ko si Mingyu at tumango naman siya. "Tayo na."

Sabay kaming lumabas. Sina Somi ay sa kabilang pintuan lumabas at dumeretso na kami sa guidance office. Hindi ko alam kung sino ang nagsumbong sa guidance pero gumaan ang pakiramdam ko. Atleast sa tinatagal-tagal na pangbubully nila sa akin ay mababayaran na nila ang kanilang ginawa.

Pina-upo kami sa harap ng table ng guidance counselor. Kami ni Mingyu ang magkatabi at nasa kabilang sofa naman sina Somi at Hyojung.

"Alam niyo na siguro kung bakit kayo nandito?" Umpisa ni Ms. Kang Eun Gun.

"Opo." Sagot ni Mingyu.

"So ikaw pala ang pinag-aagawan nila ha? Infairness gwapo ka. Pwede ka ring maging idol!" Natawa naman si Mingyu sa inasal ni Ms. Kang Eun Gun. Yung totoo ano ang pinunta namin dito?

"Compliment po ba yun miss? Jinjja gomawo!" Nakisabay din si Mingyu sa trip ni miss. Nagtawanan sila ng mga isang minuto bago tumahimik.

"Sa akin mismo nagsumbong si Jeon Somi sa ginawa ni Choi Yoonsun." Bumaling naman siya sa akin. "I guess ikaw ang tinutukoy ni Somi na si Yoonsun?" Tumango naman ako. Pero bakit nagsumbong si Somi? Siya iyong nag-umpisa!

"Tinulak mo raw si Hyojung at tumama siya sa isang desk sa classroom niyo. Am I wrong?"

"Hindi po." Mahina kong sagot. Pinaglalaruan ata nila ako. Ako pa yung pinapalabas na masama!

"Isalaysay mo ang pangyayari Hyojung." Saad ni miss. Hinintay din namin ang sagot ni Hyojung.

"Sinabihan ko lang po si Yoonsun na huwag nang awayin si Somi pero nagalit siya sa sinabi ko. Dahil dun natulak niya ako at tumama ako sa desk. Kaya po ako nagkaroon ng pasa sa braso." Tama naman ang sinabi ni Hyojung na tinulak ko siya pero hindi tama iyong sinabi nya na huwag ko ng awayin si Somi dahil ang totoo sila ang palaging nang-aaway sa akin!

"Nandoon ka sa scene na iyon diba Mingyu? Tama ba ang lahat ng sinabi ni Hyojung laban kay Yoonsun?"

"Tama po si Hyojung sa parteng tinulak siya ni Yoonsun pero mali po iyong sinabi niya na nang-aaway si Yoonsun kay Somi. Ang totoo po niyan ay silang dalawa  ang palaging nang-aaway kay Yoonsun at ang dahilan po noon ay ang pagiging magkaibigan naming dalawa ni Yoonsun. Palagi po nilang tinitirahan ng masasamng salita si Yoonsun at kanina lang po nanglaban si Yoonsun. Inosente po siya at ang may kasalanan ay sina Hyojung. Kung hindi lang sila nakisawsaw sa pag-uusap namin kanina ay hindi masasaktan ni Hyojung ang kanyang sarili."

"Kami pa talaga ang pinapalabas mong masama Mingyu kung ako naman yung nasaktan at may ebidensiya talaga?!" Buong lakas na sigaw ni Hyojung. Si Somi naman ay tahimik lang pati ang mga alipores ni Hyojung.

Tumayo sa Mingyu at tinuro turo silang dalawa. "Huwag ka na ngang mag-deny pa Hyojung! Alam naman natin na noon pa man ay malaki na ang sama ng loob ninyo kay Yoonsun!"

Bakas sa mukha ni Mingyu na nafrufrustrate siya sa pagsisinungaling nilang dalawa. Sino nga ba ang hindi makakaramdam ng frustration?

Napanganga naman sina Somi. Hindi nila akalaing may ganun na side si Mingyu. They knew him for being sweet and playful. Pero lahat ng tao may limitasyon. May ibang karakter at side. Pati nga ako ay di ko inakala na puputok din pala si Mingyu. I thought his calm pero napupuno rin pala siya.

"Mingyu kumalma ka. Hindi naman ikaw ang gustong ibagsak nila eh." Tumayo rin ako at hinawakan ang braso ni Mingyu at pilit siyang pinapakalma. Mabuti nalang at marunong siyang makinig kaya napa-upo ko siya.

"Miss ang tanging tamang sinabi lang po nila ay iyong tinulak ko si Hyojung alam ko pong mali pero that's all. Matagal na rin nila akong binubully dahil kay Mingyu at sa buhok ko na rin. I'm sorry for the mess I caused pero wala po kaming ginawang masama ni Mingyu laban sa kanila."

Halata sa mukha ni Miss Eungun na napapagod siya sa pakikipag-usap sa amin. Tinignan niya kaming lahat bago siya nagsalita.

"Lahat kayo ay masususpende for one week. No buts, okay? And your suspension will start tomorrow. Go back to your classes now para hindi masayang ang effort niyo papunta rito sa school ngayon. I hope all of you will be sorry of what you had done wrong. Lalong lalo na sa inyo Somi. You should apologize to Yoonsun. And you too Yoonsun to Hyojung."

Inirapan lang ako ni Hyojung nung nag-apologize ako sakanya. I knew it. Hindi sila marunong tumanggap ng sorry o kahit man lang ay humingi ng sorry. Wala na akong magagawa pa. And for the suspension na ipinataw sa amin ay okay lang para sa akin. Atleast hindi ko sila makakasalimuha ng isang linggo pero naawa ako kay Mingyu dahil nadamay siya.

"Dapat po ata hindi niyo isali sa suspension si Mingyu. Nadamay lang po siya rito at wala rin siyang ginawang masama!" Reklamo ko. Ganun din ang reaksiyon nina Somi at Hyojung. Ano pang ma-eexpect mo sa mga fangirls ni Mingyu?

Napa-iling naman si Ms. Eun Gun sa inasal namin.

"I'm sorry but it's my final decision. All of you are suspended."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top