Chapter 6

"Choi Yoonsun!" Para akong nagising sa isang panaginip ng marinig ko na may tumawag sa aking pangalan. Si Mingyu pala iyon na papalapit na sa akin. Tinakbo niya ang distansiya naming dalawa saka hinawakan ang kamay ko.

"Okay ka lang ba? Bakit titig na titig ka sa akin kanina?" Tanong nito na nakapagpalito sa akin.

"Huh?" Iyon nalang ang sinabi ko. Hindi ko kasi siya maintindihan.

"Mga limang minuto mo ata akong tinitigan na walang kurap na naganap. Ano bang nangyayari sa'yo aking kaibigan?"

"Seryoso ka ba?" Tanong ko pabalik. Naguguluhan na talaga ako.

"Masyado ba akong gwapo at ayaw mong tanggalin ang paningin mo sakin?"

"Wag ka ngang magloko. Hindi kita naiintindihan Mingyu."

"Gusto mo i-Spanish ko ang sinabi ko kanina?"

"Kahit kailan talaga! Arggg. Diba niyakap mo ko kanina? Masyado ka na bang nadala sa kagwapuhan mo at naging ulyanin ka na?" Sarkastiko kong sabi sakanya.

"Paano naman kita mayayakap sa distansiya natin kanina? Ano ako si Lofy?" Pamimilosopo nito.

Ay shit! Nag-hahallucinate ba ako kanina? Eotteohke.

Tumawa ng pagkalakas si Mingyu. Parang nabasa niya ata ako. Kung ano ang naisip ko kanina.

"May lihim na pagnanasa ka ba sakin Yoonsun? Masyado kang halata eh. Ini-imagine mo pala ako. Sana naman hindi mo ako hinalay diyan sa isip mo. Paano nalang ako? Ang inosente ko pa naman." Napasimangot nalang ako sa inasal ni Mingyu. Pero mas lalo akong napasimangot nang maalala na nag-hahallucinate ako kanina. Medyo nakakahiya siya ㅠㅠ.

Nakapaskil pa rin ang ngiting timang ni Mingyu. Gusto ko tuloy matawa hini dahil sa kanyang pagngiti na parang timang kundi sa paghahallucinate ko kanina. Nasobrahan ata ako. Ewan ko lang kung saan ba ako sumobra.

"Yah Mingyu! Hajima! Tumigil ka na diyan sa kabuangan mo. Hindi ka na matino."

"Mas matino pa naman ako sayo Yoonsun." Sagot nito na ikanakulo ng dugo ko.

"Shut up!" Sinigawan ko siya para tumigil. Tumigil naman siya at sumersyoso ang mukha.

"Good dog ka naman pala eh. Dapat ganyan ka lang palagi para hindi ka nakaka-inis."

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Niyakap niya ako. Na para bang katulad ng pagyakap niya sakin noong naghahallucinate ako.

"Medyo naawa ako sayo Yoonsun kaya kita niyakap."

"Naaawa ka sakin? Para saan naman?" Tanong ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.

Hindi ko siya tunulak kasi matagal na rin noong huli kaming nagyakapan. Last year ata iyon noong nagbirthday ako.

"Kasi matagal mo nang gustong yakapin kita. Ebidensiya na yung paghahallucinate mo sa akin. Kaya as a thoughtful friend, ginawa ko ang gusto mo sa akin." Tinulak ko siya na muntik na siyang natumba dahil sa impact ng pagtulak ko.

"Aigoo! Ginawa mo pa akong manyak Kim Mingyu." Inirapan ko siya at pinagtaasan ng kilay. "Don't play with me kung ayaw mong ipagkalat sa buong school na hindi ka palaging naliligo."

"Don't play with me too kung ayaw mong ma-bully ng mga fangirls ko."

"Ang bading mo."

"Ang pangit mo." Pagkasabi niya nun ay agad ko siyang sinipa sa paa.

"Pasalamat ka at medyo considerate akong pagkatao at hindi diyan sa 'where it hurts the most' kita sinipa."

Ngumiti naman siya na para bang nasisiyahan sa ginagawa ko.

"Alam mo Yoonsun, miss ko na yung araw na ganito lang tayo. Palaging nag-aasaran at hindi ka nag-alala na baka awayin ka ng mga admirers mo. Sorry kung kasing gwapo ako ng mga diyos sa Mt. Olympus. Hindi ko naman ito ginusto. Biniyayaan lang talaga ako."

Ako naman yung tumawa ng malakas. Napaka-hangin niya talaga. Siguro kung wala kami sa school ay palagi lang kaming ganito ni Mingyu. Nagtatawanan lang at walang ina-alala na ibang mga tao. His my best buddy ever since the world began.

"Sorry din kung hindi ako maganda. Hindi tuloy tanggap ng mga tao na magkaibigan tayo." Seryoso kong saad sakanya. Sumeryoso naman ang kanyang awra.

"Huwag mo nalang silang pansinin Yoonsun. Nandito talaga ako para humingi ng tawad sa lahat ng pangbubully nila sayo. Nadamay ka sa kagwapuhan ko na hindi ko naman inaasahan. Mahirap talagang maging gwapo." Seryoso ang mukha niya at wala kang mababakas na kahit anong kapilyuhan sa kanya. "Sana naman kahit papano ay magkaroon tayo ng time sa isa't isa na malayo sa mga taong ang kikitid ng utak."

Namangha ako sa huling sinabi niya. He's a great friend. Kahit na guwapo siya ay may humble side rin naman si Mingyu.

Pinatuloy ko siya sa bahay namin at sama sama kami ng pamilya ko at ni Mingyu na naghapunan.

"May nanliligaw na ba dito kay Yoonsun, Mingyu?" Tanong ni papa. Dinilatan ko naman ng mata si Mingyu. Warning para hindi siya magloko. Baka sabihin pa niyang oo kahit wala!

"Wala naman po tito.." Napaginhawa ako ng sabihin niya iyon. Good friend. "Natotorpe kasi yung gustong manligaw sakanya. Baka raw po hindi siya sagutin at masasaktan lang siya. Kaya palagi nalang siyang nakamasid rito sa anak mo po tito. Malapit lang daw sana sila pero pakiramdam niya ay sobrang layo nilang dalawa." Nabilaukan ako sa sinabi niya.

"Anak okay ka lang ba?" Tanong ni mama. Kinuha ko yung basong may lamang tubig, ininum iyon bago sumagot. "Huwag po kayong maniniwala diyan kay Mingyu. Walang katotohanan ang sinasabi niyan. Pawang kasinungalingan lamang. I'm warning you." Sabi ko sa pamilya ko at pinalilisikan ng mata si Mingyu.

"Bakit naman magsisinungaling sa akin si Mingyu anak? Hindi ba ako karapatdapat i-respeto at sagutin ng tama?" Umismid ako sa sinabi ni papa. Pahamak talaga itong si Mingyu! Ako pa ang nagmukhang masama!

"Hindi po kasi alam ni Yoonsun iyon tito. Nahihiya yung may gusto sakanya."

"Iyon naman pala eh. Sabihin mo dun na magpaalam muna sa akin bago manligaw kay Yoonsun. Para naman makita ko kung anong klaseng lalaki iyon." Sagot ni papa na halatang natutuwa sa usapan nila ni Mingyu.

"Sigurado po akong magugustuhan niyo ang lalaking iyon tito!" Paninigurado ni Mingyu kay papa.

"Walang magkakagusto sa babaeng iyan kasi buhok lalaki." Sabat ni Yoongi.

"Buhok lalaki nga iyang noona mo pero may nagkakagusto talaga sakanya. Sigurdo ako dun." Sagot ni Mingyu.

"Don't lie hyung."

"Hindi nga sabi."

"Noona is ugly. Walang magkakagusto diyan!"

Aba may hinanakit ata itong si Yoongi sa akin ngayon.

"Yah Yoongi! Produkto ako ng pagmamahalan ni appa at eomma. Wag mong insultuhin ang gawa nila!"

Natahimik naman ito at napatingin kina mama at papa. Mukha ata siyang napahiya sa sinabi ko. Totoo naman iyon eh. Hahahaha. Si Mingyu ay nagpipigil lang ng tawa sa ginawa ko.

***

"Mingyu wala ka bang balak umuwi?" Tanong ko sakanya. 10 pm na kasi at wala pa ata siyang balak umuwi.

"Ayoko pang umuwi."

"May problema ba?" Tanong ko. Umiling naman siya bilang sagot.

"Pag may nag-offer ba sayo na mag-trainee, tatanggapin mo?"

Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Is he pertaining to me or to himself? Hindi ako agad nakasagot sakanya. Alam naman natin na gusto akong pag-artistahin ni mama at wala namang problema doon dahil sigurado akong may mapapasukan ako. But your decision should be accurate. Dapat passion mo ang gusto mong maging at pangarap mo ito. Mahirap kasi na pumasok sa isang bagay na hindi mo alam. Baka magsisisi ka lang sa huli.

"Hindi ko alam. Bakit?"

"Naitanong ko lang. Mahilig kang mag-rap diba? Try mo kayang sumali sa Unpretty Rapstar." Suhestiyon niya na hindi ko naman sineryoso.

"May nag-offer ba sayo? Wala naman silang mapapala kasi wala kang talent." Tinawanan ko siya ng todo na tawang pang-iinsulto.

"Walang talent pero gwapo naman. Super gwapo. Pinaka-gwapo."

"Nasosobrahan ka na ata sa sarili mo Mingyu. Sa tingin mo ba napakagwapo mo?"

Medyo nagsisisi ako sa sinabi ko ng makita ko sa mga mata ni Mingyu na para siyang na-insulto pero sobrang bilis lang na naipakita niya iyon. Hindi niya ako sinagot at naging tumahimik ng ilang minuto bago siya nagsalita.

"Uuwi na ako." Saad niya at dretsong umalis palabas ng gate namin. Hindi ko na siya hinabol kasi baka gusto na niyang umuwi. Pero hindi ako naging komportable sa pag-alis niya. Nasaktan ko ata siya sa sinabi ko. Tumakbo ako papunta sa aking kwarto at kinuha ang cellphone upang magtipa ng mensahe para kay Mingyu.

To Mingyu-ssi:
Jeongmal mianhae Kim Mingyu ..✌

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top