Chapter 48
"Eonnie.." tawag ko kay Yeji eonnie na nakatalikod sa akin.
"Oh bakit Newsun?"
Lumunok muna ako bago nagsalita.
"Gusto ko po sanang magpaalam na magkikita kami ngayon ni Mingyu." Gulat na gulat siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala.
"Nababaliw ka na bang bata ka?! Hindi naman sa pinagbabawalan kita kay Mingyu pero alam mo naman ang sitwasyon ngayon diba? Mapapahamak lang kayo sa gagawin niyo! Mainit kayo ngayon sa publiko at paniguradong maraming mga matang nakaaligid sa inyo."
Wala akong nagawa kundi mapatingin sa tiled floor.
"Mag-iingat po ako. I swear. Kailangan ko lang po siyang makausap. Sa bahay po kami magkikita kaya safe doon."
"Bahala ka na jan sa desisyon mo. Basta ako, sinabihan na kita. I did my part. At mag-iingat talaga dapat kayo. Ayokong nakikita kitang nasasaktan dahil sa nangyayari Newsun."
Tumango ako sakanya pagkatapos ay niyakap siya. Marami na ata akong perwisyo na naibigay sa kanya at sa kagrupo ko. Dahil sa issue tungkol sa akin, naapektuhan ang schedule namin. Hindi rin ako makakasali sa mga promotions for the mean time. Desisyon ko rin naman iyon na sinuportahan ng kompanya. It's for the better.
Kung patuloy lang akong magpapakita sa publiko ay malamang dadami pa ang magagalit sa akin. Sasabihan ako ng masasamang salita.
Wala naman akong nagawang masama sa buhay ko at ng ibang tao pero ganito parin ang nangyari sa akin. Hated by many because I have a relationship with Mingyu.
Hindi nga madali ang pagiging idol. Kung hindi kaya ako tumuloy sa pagiging member ng SONAMOO? Paano na kaya ang buhay ko ngayon? Siguro ganoon pa rin katulad ng dati. Pero mas magaan pa yung pang-aaway nila Somi at Hyojung. Napangiti nalang ako ng mapait sa mga iniisip ko. And now I'm having doubt with my life now huh? Mas gusto ko pa ba yung nakaraan kesa ngayon?
Lutang ang pag-iisip ko habang nakasakay sa car ni Yeji eonnie. Napagpasyahan niya kasi na ihatid ako. Wala rin naman nakakakilala sa sasakyan niya at bago niya itong bili kahapon.
Masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Mas marami akong nakilala at naging kaibigan. Mas lalo din akong nakapag-socialize. Hinding hindi ko pagsisisihan ang kung ano ako ngayon. May napapasaya akong mga tao gamit ang music at sapat na sa akin iyon. Hindi ako naghahangad ng sobrang kasikatan dahil marunong akong makuntento. Sadyang may mga pagsubok lang talaga na kailangang lampasan. Sakit man ang maidudulot nito, alam kong wala naman akong ginawang masama.
"Be strong Newsun okay?" Nilingon ako ni Yeji eonnie at binigyan ko naman siya ng isang assurance na ngiti.
I am strong. Yes. Hindi ako makakaabot ng ganito kung hindi ako malakas.
"Neomu kamsahaeyo eonnie! Annyeong!"
(Trans: Thank you so much. Bye!")
Tinapik niya ang balikat ko at sinabihan ng mga positive things at kung ano ano pa bago siya umalis.
Napagpasyahan kong mag-doorbell at hindi pumasok sa bahay ng diretso. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko.
Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Yoongi na bagot na bagot.
"Ikaw lang pala. Tss. Pinagod mo pa ako noona! Sana dumiretso ka nalang."
Kinurot ko ang pisngi niya na lalo niyang ikinainis. Sinamaan niya ako ng tingin at padabog na naglakad.
Hindi niya ata alam ang nangyari sa akin? Bumuntong hininga nalang ako.
Pagkapasok ko ay tinawag ko kaagad si eomma. Siguradong wala ngayon si appa sa bahay dahil busy to sa trabaho niya. Hindi ko rin nasabi na pupunta ako dito ngayon.
"Yoonsun!" Sinalubong niya kaagad ako ng mainit na yakap. Napalunok ako ng marinig siyang humikbi.
"Okay ka lang ba? May nanakit ba sayo ng personal? Ano anak? Kaya mo pa ba?" Kusa na ring tumulo ang mga luha ko kasabay ng sakanya. Kahit na umiiyak siya, nagawa niya pa ring pahiran ang mga luha ko.
Para akong isang bata na nagsumbong sa mama niya na inagawan ng candy. Damang dama ata ni eomma ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Masakit din na makita siyang nasasaktan dahil sa akin.
"Aniyo eomma."
(Trans: No mom.)
Pinaupo niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Yoonsun.. pasensya na kung nasasaktan ka ngayon. Kasalanan ko 'to. Sana hindi na kita pinilit pang pumasok sa mundong ginagalawan mo ngayon. Ang sakit makitang naghihirap ka anak dahil sa akin. Hindi ka karapatdapat na ibash at kamuhian ng mga tao. Kung siguro ay hinayaan lang kita na magdesisyon sa sarili mo ay hindi mo matitikman ang ganitong kapait na problema. Jeongmal mianhae."
(Trans: I'm very sorry.)
"Eomma wala po kayong kasalanan. Tama lang po na pinush niyo po ako sa pagiging idol. Nagkaroon po ako ng mga kaibigan, may mga tao akong napapangiti at na-iinspire at mas lalo ko pong minahal ang music. Kaya eomma, wag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Wala po kayong nagawang mali at lalong wala akong nagawang mali. Kasalanan ba na naging magkakilala kami ni Mingyu?"
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Nakita ko rin si Yoongi na nakatayo sa harapan namin at bigla nalang akong niyakap.
"Noona wag kang magpapatalo sa kanila. Ako na ang bahala sa mga nagtapon sayo ng masasamang salita."
"Anak nandito lang kami ng appa mo at ni Yoongi. Poproktektahan ka namin. At hindi mo kasalanan na naging magkakilala kayo ni Mingyu. Pinagtagpo kayo dahil para kayo sa isa't isa at itong nangyayari ngayon sa inyo, pagsubok lang 'to."
"Pero anak.. kapag hindi mo na kaya, wag kang mahihiyang sumuko. Hindi ibig sabihin na kung susuko ka, talo ka na. May mga bagay lang talaga na hindi dapat na ipagpatuloy kung paulit-ulit ka lang nitong sasaktan."
***
Sinabi ko kay eomma na pupunta ngayon si Mingyu kaya naghanda siya kaagad ng hapunan.
Tumunog yung cellphone ko at tinignan kung sino ang tumawag. Medyo nagulat ako kasi si tito Taesung ang tumawag sa akin.
"Newsun, nasaan ka?"
"Nasa bahay po. Umuwi ako kanina."
"Narinig ko kay Yeji kanina na gusto mong makausap si Mingyu. Mabuti nalang at diyan sa bahay niyo naisipan mong makipag-usap sakanya. Mahirap ang sitwasyon niyo kung magkikita kayo sa labas. Magkaibigan lang ba talaga kayo?"
Napakagat ako sa kuko ko.
"May relasyon po kami." Narinig ko sa kabilang linya na napasinghap siya.
"Wag po kayong mag-alala tito. Simula pa lang ng pag-aaral namin ay magkaibigan na kami. Hindi na magtataka ang mga taong nakapaligid sa amin kung bakit kami palaging magkasama. Masakit man na itanggi sa publiko ang kung ano mang meron kami, alam kong yun ang mas dapat kong gawin. May mga ebidensya rin akong makakapagpatunay na matagal na kaming magkaigan. Gagawin ko po ang lahat para makawala sa gulong ito."
"Maraming salamat Newsun."
Hindi nagtagal ay dumating na si Mingyu. Niyakap ko kaagad siya ng pumasok siya sa gate namin. Pinapasok ko siya sa loob at sa may sala kami nag-usap.
"Mingyu.. sorry kung hindi kita kayang ipakilala sa lahat bilang boyfriend ko. Hindi ko kasi kaya na makita kang nasasaktan dahil sa akin. Okay lang naman sayo yun diba?"
"Wala kang dapat na ipag-alala sa akin. Kahit ano pa ang sasabihin mo sa harap nila mamaya, tatanggapin ko. Ako ang sasagip sayo diba? Magpapa-presscon din ang Pledis para makuhanan ako ng statement."
"Bukas ata sila magpapa-presscon para sa akin. Sasabihin ko sa harap nila na matagal na tayong magkaibigan. Makakawala rin tayo sa gulong 'to."
"Sana nga Yoonsun. Ayokong makita kang nasasaktan at naghihirap dahil sa akin. Ako ang may dahilan kung bakit ka ginaganito nila. Kaya dapat din na tulungan kita. Kahit na anong magiging desisyon mo, tatanggapin ko."
"Ang swerte ko talaga sayo Mingyu. Saranghae~" Mabilis ko siyang hinalikan sa cheeks niya. Natawa kaming dalawa ni Mingyu ng tumikhim sa harap naming dalawa si Yoongi.
"Bata pa yan si noona, hyung. Hindi pa ako handang magbaby sit ng pamangkin. Tumayo na kayo jan at kumain ng hapunan."
🌼🌼🌼
MERRY CHRISTMAS! HAPPY BIRTHDAY JESUS! 🎄💓
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top