Chapter 45
Mabilis ang paglalakad ko. Para kasing may sumusunod sa akin na ikinabahala ko.
"Awtseu." Napadaing ako nang mabangga ako sa matigas na bagay. Akala ko ay poste pero dibdib pala ng tao.
"Tumingin ka naman sa daan." Aniya na parang walang emosyon tsaka nilagpasan ako. Hinawakan ko yung noo ko kasi masakit talaga. I conclude na nag-gygym ang taong yun.
Magsosorry na sana ako kaso hindi ko nalang tinuloy. Hindi naman ata siya galit eh.
Nawala na sa isip ko yung parang may sumusunod sa akin. Naglakad lang ako ng normal siya sinuot ko ang headset ko at nagpatugtog.
Now Playing: Hands Up by B.A.P
The sun is still up dahil ala una pa naman pero hindi ganun karaming tao dito sa dinadaanan ko kaya medyo creepy din. Papunta kasi ako sa isang café na pag mamay-ari ng pinsan ko dahil ngayon ang opening.
Isang buwan na din simula nung nagdebut ang group nila Mingyu na Seventeen. Syempre nandun ako sa debut showcase nila at nagsisigaw ng fanchant. Supportive girlfriend be like.
"Congratulations!" Bati ko sakanya nang magkita kami pagkatapos ng show nila.
"Thank you." Sagot niya at agad akong niyakap.
"Dami mong fangirls ha. Tsaka bakit ang pogi niyong lahat?"
"Nagmana sila sa akin at dapat ako lang ang pogi sa mga mata mo."
"Unfair naman yun! Ang sabihin mo ikaw lang ang dapat kong mahalin. Ayieeee. Kilig na yan si Mingyu!"
"Yes baby." Nangilabot kaagad ako ng marinig ang sinabi niya. At uminit yung pisngi ko.
"Sige na umalis ka na baka may makakita pa sa atin!" Hindi naman siya naging matigas at umalis na rin. Timing din na tinawagan ako ni Yeji eonnie para sa isang meeting daw.
Tinawagan ko muna yung pinsan ko na malapit na ako kaya napahinto ako saglit.
"Nag-disguise ka ba? Baka ikaw yung pagkaguluhan ng mga customers imbes na yung mga products namin ha! Naku baka lugi kami kaagad." Napahagikhik naman ako sa iniisip niya. Hindi niya ba na isip na pwede niya akong gamitin upang makabenta siya?
"Naka-bonnet at nakaspecs naman ako. Siguro hindi naman ako kagaad nila makikilala hindi ba?"
"Ewan! Basta bilisan mo ang pagpunta mo rito dahil may naisip akong magandang idea."
Ganun pa din ang paglalakad ko. Kita ko na rin naman iyong café ng pinsan ko.
From Mingyu💖:
Nasaan ka babe?
To Mingyu💖:
Hanapin mo nalang ako sweetiepie. Gamitin mo GPS mo. Ingat. Kbye.
Bahala na siya na hanapin ako tutal matratrace di naman niya. Di na ako nag-abala pang buksan ang sunod na text ni Mingyu.
"Yoonsun!" Sumalubong kaagad sakin yung pinsan ko kahit na mga dalawang metro pa ang layo ko sa café niya. "NEW SUN! SONAMOO!" Sumigaw siya ng malakas na para bang nagpapansin at may nakapansin nga.
Agad namang naki-usyoso ang mga tao. At nang makalapit ako ay agad naman silang namangha na makita ako dito.
"Pumasok ka na dali!" Excited na excited yung pinsan ko nang makapasok na kami sa loob.
"Ikaw yung ilalagay ko diyan sa counter para maraming pumasok dito sa café at bumili!" Napa-iling nalang ako sa naisip niya. Gagamitin niya talaga ako. Ouch.
"Hindi ba pwedeng offeran mo muna ako ng pagkain at pakainin mo?" Umiling siya na ikinadismaya ko. "Aalis nalang ako!"
"Joke lang. Ikaw naman di mabiro. Uhmm.. bibigyan kita ng 20 minutes para kumain. Nakahanda na naman yung pagkain mo eh. Hehehe. Pinaghandaan ko talaga ang pagdating mo. Kapag maraming customers, libre yan pero kapag hindi bayarin mo ang half price. Game?" Wala na akong nagawa at umoo nalang. Pagkatapos kong kumain ay doon na kaagad ako sa counter.
Dahil sa pagsigaw niya kanina ng Newsun at Sonamoo, may mga taong curious na pumasok sa café at nag-order para maka-usap ako.
"Annyeonghaseyo!" Bati ko sa unag customer na pumila. Nagdadalawang isip pa siya na bumati pabalik sa akin.
"A-annyeong!" Pagkatapos kong makuha yung order niya ay nakipagkamay siya sa akin. Gusto niya sana ng autograph ko kaso dumami yung pumila.
"Kyaaah! Di ko inaasahan na ganito kadami ang pupunta dito ngayon! Thank you talaga Yoonsun. You are my angel." Inirapan ko lang siya sa isipan ko dahil bad impression yun sa mga customers kung ililiteral ko. Hahaha.
"Mga 1 hour lang naman kitang ilalagay dito at may 45 minutes ka pang natitira." Wow. Sana may sweldo ako dito sa ginagawa ko.
"I'm waiting for your comeback and I'm too excited! I love Sonamoo." Sabi sa akin ng isang fangirl. Nagpasalamat naman ako sakanya at kinamayan siya. Oo, mag-cocomeback ulit kami.
"Sheet! Comeback?!" Lahat kami ay nagulat sa inanunsyo ni Yeji eonnie. Para naman akong kinikilig.
"Anong concept po ba? Sexy?" Tanong kaagad ni D.ana eonnie. Umiling si Yeji eonnie bilang sagot.
Pinarinig niya sa amin yung kanta at nagustuhan naman namin. Kelangan din namin gumawa ni D.ana eonnie ng rap para sa rap namin.
Isang buwan na rin kaming naghahanda. Ngayon lang din lang ulit kami nagkaroon ng freetime kaya nakapamasyal ako sa café ngayon.
Tapos na kami sa pagrerecording at magsa-ulo ng choreograph. Ang kulang nalang ay magshoot para sa MV at teasers.
Ang pinsan ko ay busy sa paggawa ng mga orders. Ilang minuto nalang at tapos na ako sa mission ko na bantayan ang counter.
Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa pero wala akong oras para makita iyon kung sino dahil mataas pa ang pila.
"Thank you mam. Come again!"
Medyo lumiit na rin yung pila dahil okupado na ang lahat ng tables sa loob at labas.
"Kelangan ko pa atang magpalagay ng second floor at eextend ito dahil hindi kasya ang costumers." Sabi ng pinsan ko at nag-agree naman ako sakanya. Lalo na kung peak season, sigurado ako na dadagsain ito.
"Pwede mo bang lapitan ang mga customers doon at parang i-entertain sila? Jebal!"
"Yes mam."
At dahil wala na akong magawa ay sinunod ko nalang ang sinabi niya. Naaaliw naman ako sa ginagawa ko. May nagpapa-picture at autograph sa akin. Yung iba pa nga ay may dalang album namin.
Habang nagsusulat ako ng autograph ay bigla nalang umingay ang loob ng café. Nagtitilian ang halos lahat ng customers.
"What the?! Bakit napunta dito si Mingyu?" Agad naman akong napataas ng tingin. Si Mingyu nga, na ini-iscan ang kabuuan ng café at hinahanap ako. Nang magtama ang paningin namin ay agad kong nginuso sakanya ang bakanteng upuan.
Todo kilig naman yung girls at dun na lumapit kay Mingyu. Nakalimutan na ata ako eh. Mas marami ring pumasok sa cafe at bumili dahil narinig nila na nandito daw si Mingyu.
Hindi alam ng pinsan ko na magkarelasyon kami ni Mingyu pero alam niya na bff kami. Nilapitan niya to kaagad at gaya ng pinagawa niya sa akin ay pinagawa rin niya si Mingyu.
"Fighting!" Bulong ko sa tenga niya.
Swabe lang yung galaw ni Mingyu at halos lahat ng customers ay babae. Lahat na pala ay babae. Kung kanina ay may mga lalaki ngayon naman ay babae na.
Nagpipick-up lines din si Mingyu paminsan minsan sa mga customers kaya tinadyakan ko yung paa niya. Napangiwi siya dahil sa sakit pero agad namang napalitan ng ngiti iyon. Ang landi niya talaga! Parang wala siyang girlfriend na kasama ah? Pero ang galing niyang magfanservice kesa sa akin. Mas lalo namang natuwa ang pinsan ko.
"Ang swerte ko talaga! Wag kayong mag-alala dahil bibili ako ng tigsasampung album niyo." Sabi ng pinsan kong abot tenga ang ngiti.
Pinagtabi niya kaming dalawa ni Mingyu at pinicturan. Ilalagay niya daw sa frame at isasabit pati na yung ibang selfies namin kasama ang mga customers.
"Sana araw araw kayong nandito ano? Para naman araw araw ay tibo tibo ako sa pera!"
"Ikaw ang yayaman tapos kami? Maghihirap habang buhay?"
"Eto naman sobrang moody. Sige pag-igihan niyo yang pagtratrabaho niyo jan. Hahahaha." Napakamot nalang ng ulo si Mingyu.
"Akala ko pwede na tayong umupo. Nakakapagod kaya dito." Para siyang bata na nagreklamo.
Dumami ulit yung customers. Mabuti sana kung tanging pag-aasikaso lang ng order nila ang ginagawa namin pero nakikipag-usap din kami at iba pa.
"Isang bibingka at french fries na gawa sa kamoteng kahoy sa akin." Ani ng isang nasa 30s na babae. Nalito naman kami ni Mingyu sa order niya. What is bibingka and kamoteng kahoy?
"Mwo?" Sabi ko at tumawa siya. Papamental ko na ba to?
"Joke lang po! Hehehe." Base sa itsura niya para siyang taga Philippines. Sinabi niya na rin kagaad yung order niya at humingi rin siya ng pasensya sa amin.
Nagulat ako ng makita ang sumunod na customer. Ngumiti siya ng pagkatamis sa amin at sinabi ang order niya.
"May café na pala kayong dalawa? I guess it's right to establish a business. Maganda iyong may mapatayo galing sa kinikita niyo."
Nahihirapan akong sumagot sa sinabi ni Somi. You know our past and I don't like her.
Si Mingyu na ang kumausap sakanya. Lumayo ako kasi nakakairitang marinig ang boses niyang nanlalandi kay Mingyu. Some people never change though.
"Kamusta usapan niyo? Kinilig ka naman?"
"Hindi rin. Kikiligin ka pa ba kung simula pagkabata mo ay palagi ka nalang pinipraise na gwapo ka? Nakakaumay na rin Yoonsun." Madrama niyang sinabi sa akin na para bang problema niya iyon.
Napaface-palm nalang ako sa ka-oahan niya.
"Bumalik ulit kayo ha? Lagot kayo pag hindi kayo bumalik!!"
Kumaway kami sakanya at pumasok na sa kotse ni Mingyu. Hindi pa naman nagclose yung café pero gusto ni Mingyu na magdate kami. Ayieeeeeeee.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top