Chapter 44
Minulat ko ang aking mga mata at naramdaman ko kaagad ang sakit ng ulo ko. Napangiwi pa nga ako dahil sa sakit na naramdaman pero binalewala ko iyon dahil gusto kong malaman kung nasaan ako. Ang huli ko lang matandaan ay yung nakita ko si Mingyu at Sungjun tapos yung biglang pagkahilo ko.
Sa amoy pa lang ay alam ko na kung nasaan ako, sa hospital.
"Newsun!" Si Sumin eonnie ang bumungad sa akin. Ang ekspresyon niya ay halo ng saya at pag-alala. Maski ako, sa sarili ko ay nag-alala rin.
"Tatawag ba ako ng doctor? May masakit ba sa iyo?" Umiling ako bilang sagot. Nakaramdam naman siya ng relief. Pero medyo masakit talaga ang ulo ko pero keri naman. At nakabenda ang ulo ko.
"Ikaw lang ba ang nandito?"
"Oo ako lang. Mga dalawang oras ka din na unconscious. Mabuti nga't dalawang oras lang eh. Akala ko mamaya ka na magigising." Nginitian ko siya para makalma ang pakiramdam niya. "Kung si Mingyu ang hinahanap mo, nasa labas siya, kinakausap yung doctor. Ako lang yung kinontact niya."
"Kamusta siya?" Napatawa si Sumin eonnie sa tanong ko. May nakakatawa ba dun?
"Wag kang mag-alala. Walang nangyaring masama sa kanya. Ikaw lang ang nasaktan." Biglang nag-iba ang ekspresyon niya.
"Ano bang nangyari Newsun? Saan kayo nadisgrasya ni Mingyu?" Based on her questions, I guess Mingyu didn't tell her a single thing. Ayaw ko namang mag-sekreto sa kanya.
"Hindi naman reckless driver si Mingyu eonnie, sadyang may humarang sa daanan kaya bigla siyang napapreno ng malakas. Hindi namin inaasahan iyon. Kung hindi siya prumeno baka ay nakapatay siya ng tao."
Bigla ko tuloy naalala si Sungjun. Bakit niya gagawin iyon? Gusto niya bang magpakamatay? Magsuicide? Kung yun ang gusto niya ay sana tumalon nalang sa sa Han River para walang ibang madamay. Napailing ako sa ginawa niya. It was a mischievous act. He was a rogue!
"Tatawagan ko ba ang mga magulang mo Newsun?"
"Huwag na eonnie. Ayokong mag-alala sila at baka pa ay sisihin nila si Mingyu sa nangyari."
"Pero hindi naman iyon kasalanan ni Mingyu. Maiintindihan naman nila siguro yun diba?"
"Hindi ko alam pero mas mabuting wag nang ipaalam sakanila. Pati kay Yeji eonnie. Baka mabalita pa." Tumango naman siya bilang sagot. Nagpalabas ako ng isang malalim na hininga dahil hindi pa niya nasasabi kay Yeji eonnie.
"Hindi rin po ba alam ng ibang members ang nangyari sa akin?"
"Hindi. Hindi na rin ako nakapag-paalam sakanila kasi nagmadali akong pumunta rito. Tignan mo nga yung suot ko oh! Mabuti at hindi ako nakilala ng ibang tao rito. Lagot na kapag nagkataon."
Naiwan akong mag-isa sa room. Lumabas kasi muna si Sumin eonnie para bumili ng ramyun. Papakain sana niya ako ng heavy meal pero umayaw ako. Napwerhisyo pa tuloy siya.
"Mingyu.." bigkas ko sa pangalan niya nang nakitang pumasok. Halata sa mukha niya na-stress siya at namumugto pa yung mata. Umiyak ba siya?
Lumapit kaagad siya sa akin at niyakap ako. "Mingyu hindi ako makahinga!" Biro ko sakanya. Gusto ko naman talaga ang yakap niya.
"Yoonsun.. naega mianhae.. naega mianhae.." Napahikbi siya na ikinagulat ko. Siguro ay sobrang guilty niya sa nangyari. "Sorry if I was heedless. Hindi ko sinasadya na mangyari iyon. Nasaktan tuloy kita."
Niyakap ko rin siya at pinat ang balikat niya. I hope that by patting him, I can ease the guilt he feels.
"Don't worry Mingyu. Alam kong hindi mo naman gustong mangyari yun. Sino ba namang mag-aakala na mangyari sa akin to diba?"
"Kung hindi lang sana nabaliw yung si Sungjun.. tsk!"
"Oo nga.. bakit ba siya biglang sumulpot bigla?" Tanong ko dahil curious talaga ako kung bakit niya iyon ginawa.
"Naguguluhan din ako Yoonsun. Hindi siya nagsalita. Matapos ko siyang komprontahin ay umalis nalang siya. At ikaw.. nakita ko sa kotse na wala ng malay."
🌸🌸🌸
"Hala Newsun! Bakit ka may benda sa ulo? What happened?"
Kinabukasan ay nakauwi na ako. Gusto ko na sanang tanggalin ang benda sa ulo ko pero advice ng doctor na wag muna kasi kailangan ko pa sanang magstay ng isa pang araw pero nag-insist ako na umuwi na.
"New fashion ko 'to. Parang bandana lang. Cool diba?" Sagot ko sa tanong ni Minjae eonnie. Hindi na siya nangulit pa at hinayaan na ako.
Yung iba naman ay naweweirdohan sa new fashion ko. Kinabahan pa nga ako kasi nabalita ako. Nagtrend kasi yung picture naming dalawa ni D.ana eonnie at may caption pang "BENDA THE NEW BANDANA". Oh diba, ang shunga lang.
"Wag mo nga akong pagtawanan Mingyu! Ikaw kaya ang may kasalanan kung bakit ako nakapagsuot ng benda."
Nagtatawagan kami ngayon dahil bukas ay magdedebut na sila. Excited na nga ako.
"Natutuwa lang kasi ako kasi nagtrend ka. Ikaw kaya yung number 1 search sa Naver! Hahaha."
Naputol lang yung pag-uusap namin ni Mingyu nang tawagin ako ni Nahyun eonnie.
"Bakit eonnie?"
"May problema kasi tayo.. I mean ikaw." Nanlamig ako sa sinabi niya. Anong problema ang tinutukoy niya?
"Wala naman akong ginawang masama!" Depensa ko sa sarili ko. Narinig ko sa kabiling linya si Mingyu na nagtatanong kung anong nangyari kaya inend ko yung tawag niya.
"Wala ka ngang masamang ginawa Newsun kaya lang ano.."
"Kaya lang ano eonnie?!" Nafefeel ko na natetense siya at mas nakaramdam ako ng unease.
Dumating naman si Euijin eonnie na nanginginig. May hawak hawak siyang cellphone. Papalit palit ang tingin niya sa akin at sa cellphone.
"Promise me na kakalma ka lang Newsun?" Hindi ko naramdaman na nasa likod ko na pala si D.ana eonnie at hinawakan ako sa magkabilang braso.
Binigay sa akin ni Euijin eonnie ang kanyang cellphone at may plinay ko yung video. Nagtaka ako sa sobrang dilim pa mula sa simula hanggang 5 seconds pero matapos nito ay nakita ko yung video namin ni Mingyu dun sa cr kung saan kami nagka-aminan. Pinause ko muna yun at tinignan sila.
"Naleak ba 'tong video?" Tanong ko pero iba ang sinagot ni Euijin eonnie. Sabi niya tapusin ko muna.
Sobrang nagtaka ako kung ano ang ibig sabihin nila. Hindi ko kasi alam kung bakit kailangan kong kumalma.
"KYAAAAAAAHHHH SHEEEEEEEEET!" Napahawak ako sa dibdib ko matapos makita ang isang aswang na panget ang mukha na nangulat.
"WALANGHIYANG MGA MATATANDA KAYOOOOOOOOO!!!!" Sigaw ko sakanila. Tapos puro tawa lang yung naririnig ko mula sakanila. Mga walanghiya. Na-prank ako!
--
Thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top