Chapter 43

Two months na ang relasyon namin ni Mingyu at syempre going strong kami. Mainggit ang walang lovelife! Hahaha.

Hindi rin kami palaging nagkikita ni Mingyu kasi medyo busy siya tapos ako eh nakatengga lang dito sa dorm namin -3- Si High.D eonnie nga eh palagi lang lumalamon. Minu-minuto ata.

Malapit na rin magdebut ang group nila Mingyu ilang araw nalang at parehas na kaming mga idol. Mas lalong magiging busy siya kasi todo promote pa yan muna.

"Nahyunnie~ Bakit hindi po pa sinasagot ang manliligaw mo?"

Nagtipon kami lahat sa may sofa ng marinig ang sinabi ni Sumin eonnie at si Nahyun eonnie ang nasa hotseat. Hindi siya sumagot at nag-roll eyes. Hmm.. baka hindi sila magkasundo?

"Mabuti pa 'tong maknae natin kasi may lovelife na at gwapo pa! Naku New Sun! Sana ako nalang ikaw. Crush ko pa naman si Mingyu. Wag ka ng magtaka kung sino  ang ahas natin dito kasi ako na yun. Hahahahh." Sinapak ni Sumin eonnie si Minjae eonnie ng sinabi niya iyon.

"Maghanap ka nga ng sayo Minjae! Hindi yung nangsusulot ka."

"Challenging kasi yung manunulot eh. Hahahaha. Peace New Sun! Wag mong seseryosohin. Hahaha."

Napaisip ako dun sa sinabi ni Minjae eonnie. Sana naman walang manulot kay Mingyu ano? At sana hindi siya makahanap ng mas sa akin. Hindi ko ata kaya.

"Akala ko si New Sun yung matagal magdalaga sa atin pero siya rin pala ang mauuna. Nasaktan ba ego mo Sumin? Bwahahahaha!"

"Ang sarap mo lang ibalibag Minjae." Sagot niya. Kami naman ay tahimik lang na nakikinig sakanya.

"Sinong maghuhugas ng pinggan?"

"EUIJIN!" Sabay naming sabi. Wala naman siyang magagawa dahil hindi rin kami magiguilty kung hindi kami manghuhugas. Hehehe.

***

"Newsunnie~~" Napalingon ako ng may malambing na tumawag sa akin. Nasa balcony kasi ako sa second floor namin.

"Waeyo eonnie? May problema ba?"

Tumabi siya sa akin at napabuntong hininga. "Wala naman." Sagot niya pero hindi ako naniniwala.

"Eonnie, pwede mo namang sabihin sa akin kung may problema ka. Hindi lang ako, pati yung ibang mga eonnie." Sabi ko ko sakanya. Hindi ko alam kung napano to si Nahyun eonnie eh.

"Mabuti ka pa kasi parang masaya kayo ni Mingyu.."

Napayuko siya at parang umiiyak. Kaya lumapit ako sakanya at niyakap ka.

"Kung ano man ang problema mo eonnie, sige iiyak mo lang yan."

"Sorry New Sun ha. Nainggit kasi ako sa inyo ni Mingyu kasi going strong kayo eh kami, hindi pa nga kami, wala na eh. Parang malabo na."

Mas lalo pa siyang umiyak. Sa sobrang lakas ng iyak niya, dumating sina Euijin, Sumin, High.D, Minjae at D.ana eonnie. Mahina lang silang lumapit sa amin at hindi na nagtanong kung anong nangyari.

Kapag napamahal na kayo sa isa't isa, magkakaroon talaga kayo ng special connection. Na hindi na kailangang magtanong kung anong nangyari dahil alam niyo na kung ano.

Tahimik na sumali sila sa yakapan namin. Nagulat pa nga si Nahyun eonnie pero hindi naman yun nagtagal. Mas lalo pa siyang umiyak. Ramdam niya ata na mahal talaga namin siya.

---

"Naaawa talaga ako kay Nahyun eonnie eh. Mabait naman siya at maganda. Parang nasa kanya na ang lahat eh pero sinaktan pa rin siya nung lalaki. Hindi makapaghintay ng tamang panahon."

Nasa isang park ngayon kami ni Mingyu at doon kami umupo sa hindi malapit sa lamp post.

Naka-akbay siya sa akin at ako naman ay nakahilig sa balikat niya tapos yung free hands namin ay magka-holding hands. Mainggit kayo please? *puppy eyes*

"Baka talaga hindi siya mahal nung lalaki kasi kung mahal na mahal talaga siya, handa siyang maghintay kung gaano katagal. May assurance naman atang sasagutin siya ni Nahyun diba?"

"Oo meron, kasi mahal siya rin ni Nahyun eonnie. Kaso hindi lang siya handang sagutin iyon."

"Kunti nalang ata ang mga lalaking gwapong katulad ko na marunong maghintay kahit pa isang libong taon ang lumipas."

Siniko ko siya. Ayan na naman kasi ang kapilyohan niya.

"Hindi ka ba nagpapasalamat na gwapo ang boyfriend mo?"

Napangiti ako dun sa tanong niya. Syempre masaya at sobrang thankful kasi siya na best friend ko lang dati ay nagkagusto pala sa akin kahit na sobrang gwapo niya at marami pa siyang magagandang admirers na sexy at hot pero sa akin parin siya napunta.

"Paano kung may makita ka na higit pa sa akin? Paano kung mag-iba ang ihip ng hangin Mingyu at mataboy ng hangin na yun ang pagmamahal mo sa akin?"

Gumalaw siya at hinawakan niya ang mukha ko. "Mga 'paano' lang mo yan Yoonsun.. hindi yan magiging totoo. Pangako na sayo lang titibok ang puso ko at kahit kailan, hindi ako mangangarap ng ibang babaeng makasama sa buhay ko, ikaw lang ang pangarap ko. Hindi na iyon magbabago."

"Talaga lang ha?"

"Talagang talaga!" Kinurot niya ang ilong ko at nagtawanan kaming dalawa.

Naisipan na namin na umuwi. Dala niya ang kotse niya kaya hindi na kami mahihirapan pa.

Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Mingyu kasi may nakita akong nakatayo sa hindi malayo at parang nakatingin sa amin. Sa palagay ko ay hindi naman ito isang photographer o paparazzi o isang fansite kasi wala namang dalang camera.

Hindi na ako nag-abala pang sabihin ang tungkol dun kay Mingyu. Nakisabay na rin ako sa lakad ni Mingyu pero hindi ko mapigilan ang hindi mapalingon. Laking gulat ko na wala na ang lalaking nakatayo.

"Yoonsun? May bumabagabag ba sayo? Parang nakakita ka ng multo ha?" Multo nga lang ba iyon? Pero imposible naman. 21st century na kaya at may multo pang mag-eexist? Napaka-imposible!

Pinatunog ni Mingyu yung sasakyan niya. Pinagbuksan niya muna ako ng pinto sa frontseat. Siya na rin yung naglagay ng seatbelt ko. Pagkatapos nun ay pumunta na rin siya sa pwesto niya.

"Ilang araw nalang Yoonsun at magdedebut kami. Diba hindi kayo busy? Pwede ka bang manood sa debut showcase namin?" Napag-isipan ko rin naman iyon na sumuport sakanya. Sana lang ay hindi tumawag si Yeji eonnie.

"Susubukan ko Mingyu kapag hindi tumawag si Yeji eonnie samin. Pero feel ko wala naman kaming gagawin."

"Pangalan ko lang isigaw mo ha? Baka mapansin ka pa ng ibang members dun."

"Asa ka naman na magkakagusto sila sa akin! Tsaka isang milagro nga na nagkagusto ka sa akin eh. Ayieee kilig na yan." Sinundot ko siya sa tagiliran. Hindi pa naman siya nag-dridrive.

"Hindi yun milagro Yoonsun. Talagang destiny tayo." Sabay wink niya at naglip bite pa. Aba! Nang-seseduce ba siya?

"Sobrang feeling mo Mingyu na maganda ang girlfriend mo. Aalahanin mo yung iba mong members kesa sa akin. Kasi silang lahat ang gwapo. Paano kung ako ang magka-crush sakanila?"

"Subukan mo lang kundi.."

"Kundi ano ha? Ha?"

"Aanakan kita." Pinatid ko yung kanang paa niya. Ang manyak!

"Mandiri ka nga Mingyu! Magdrive ka na nga para makatulog ako ng maaga."

"Asuuuus. Gusto mo naman? Ano sino nasa top?"

Tinakpan ko na yung tenga ko kasi ayaw kong marinig ang mga kabalastugan niyang sinasabi. Ba't ba ako nagboyfriend ng ganito? Aisssh.

Humagikhik siya tapos ako naman ay hindi matimpla ang mukha. Sana lang ay hindi ako pinapantasya sa utak ni Mingyu kundi hihiwalayan ko  talaga siya.

Pinaandar na ni Mingyu yung car niya. Sa hindi malamang dahilan, nilingon ko ulit yung spot kung saan ako may nakita kanina. Imposible talagang multo yun. Pero wala na siya doon eh.

Ganun nalang ang pagkagulat ko ng biglang pumreno si Mingyu at ang lakas ng impact. Medyo nabangga pa sa harapan yung ulo ko.

Narinig ko na nagmura si Mingyu kaya napatingin ako sakanya.

"Ayos ka lang ba Mingyu?" Tanong ko pero hindi niya narinig kasi lumabas kaagad siya. Hinawakan ko naman yung ulo ko at parang may liquid akong naramdaman.

"GAGO KA BA?!" Naagaw ang atensyon ko sa sigaw ni Mingyu. Nasa harapan ko siya at isang lalaki. Yung lalaking nakita ko kanina. Si Sungjun! Bakit siya nandito?!

Napahawak ako sa bibig ng makitang sinuntok ni Mingyu si Sungjun pero hindi naman ito natumba.

"ANONG PROBLEMA MO HA?! GUSTO MO BANG MAKAPATAY AKO NG TAO?!"

Hindi ko na alam kung anong sumunod na nangyari kasi bigla akong nahilo at nanlalabo ang mga mata ko hanggang sa kinain ako ng dilim.

🌸🌸🌸

December 9,2017

H

APPY BIRTHDAY NAHYUN! ❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top