Chapter 41

Nag-suggest si Minjae eonnie kay Mingyu na dapat ay lumabas kami, magdate kami sa first day namin. Aayaw sana ako kasi paano na yung event? Baka mapagalitan ako ni tito. Pero mapilit siya kaya heto kami ni Mingyu sa Namsan Tower. Sila na daw bahala na mag-excuse sa akin. Uuwi rin ako pagkatapos para kapag mahalata ni tito na wala ako at magtanong kung nasan ako, ay maisasagot si eomma.

"Akala ko talaga hanggang papansin lang ako sayo at pang-snob mo lang ang makukuha ko pero may plot twist talaga. Nakuha ko pati puso mo." Inakbayan niya ako tsaka niyakap ng mahigpit. Malapit na kaming makarating kung saan pwedeng maglock ng padlock.

"May plot twist talagang nangyari." Niyakap ko yung kanang braso niya. Ang sarap pala sa feeling na may boyfriend ka!

"Yoonsun alam mo ba kung anong pinaka-tangang bagay ang ginawa nating dalawa?"

"Hindi ko alam tsaka wala pa naman akong katangahang bagay na ginawa." Sasabihin ba niya na katangahan ang mahulog kami sa isa't isa? Para sa akin hindi to isang katangahan. Totoo to. Very bonafide.

"Wag ka namang mag-isip ng ibang bagay!" Pinalo niya yung ulo ko pero mahina lang. Yung tipong hindi nakakasakit.

"Ikaw lang naman ang iniisip ko!" Banat ko sakanya na nagpangiti sa kanya. Ayieeee. Kinikilig si Mingyu ko. Heart heart.

"Pero yung katangan na ginawa natin ay yung pumunta tayo dito eh gabi na. Close na yung gate."

Ngayon ko lang napagtanto na tama siya. Ang tanga pala namin. Hindi na kami nakapag-rethink. Plan ahead talaga dapat ㅠㅠ

"Ang sakit pa naman ng paa ko kakalakad sa heels na to. Nakakapagod. Sayang effort natin."

Tinignan niya ako na may pag-alala. Nag-squat siya para matignan ang paa ko. Kinuha niya yung phone sa bulsa niya at ginawang ilaw para matignan ang paa ko.

"Namumula na pala tong paa mo Yoonsun. Gusto mo bang umupo muna bago umuwi?" Tumango ako. May nakita akong bench sa hindi malayo kaya nagsimula na akong maglakad kaso pinahinto muna ako.

"Hep! Teka lang. Ang mahal na prinsesa ay dapat pagsilbihan ng kanyang gwapong prinsipe."

Nagulat nalang ako ng kinarga niya ako na pa-bridal style.

"Hoy Mingyu! Ibaba mo nga ako dito. Baka may makakita pa sa atin at sabihing naglalandian tayo." Reklamo ko pero hindi siya nakinig. Umikot pa siya ng dalawang beses kaya napasigaw ako.

May tao naman na tinutok yung flashlight niya sa amin. Guard ata yun sa Namsan Tower. Napatawa nalang ako sa nangyari.

"Ayan tuloy! May nakarinig ng sigaw ko. Baka itaboy tayo rito Mingyu at worst, i-ban pa!"

Binaba niya ako na pahiga sa bench. Sakto naman ang bench sa height ko pero hindi totally na kasya ako.

Babangon na sana ako para maka-upo kaso hinarang ni Mingyu yung mukha niya sa mukha ko. Nakasquat ata siya.

"Ano ba!" Sabi ko sakanya pero nagsmirk lang. "Ang ganda mo pala?"

Hindi ako sumagot dahil na-aawkwardan ako sa posisyon ko. Baka maisipan niya na i-rape ako diba? Joke lang.

Kinurot niya yung ilong ko at patuloy lang akong tinitigan. Nakipagtitigan din ako sakanya pero binawi ko rin ang paningin ko. Sa kabilang side ako tumingin.

"Look at me." Sht nakaka-butterfly in my stomache yung english ni Mingyu. Sana hindi ako mamblush.

Nang hindi ako tumingin sakanya ay siya na mismo ang naghanap kung saan ako tumingin at mas lalo pa akong na-aawkwardan. Doon ako kasi tumingin sa kabilang side kaya mas lalong lumapit ang mukha niya. Ramdam ko na yung hininga niya. Nakakakiliiiiiiiiig >________<

"Wag ka ngang ganyan Mingyu."

"And why?" Ayan nag-english na naman siya. Tapos ang deep ng boses niya. Nakaka-goose bumps.

"Bakit ka nahihiya ha?" Tanong niya na ikinakilabot ko.

"A-anong nahihiya?" Nauutal kong tanong. Hindi ko kasi maintindihan ang sinabi niya.

"From now on, wag ka ng mahiya sa akin. Hindi rin ako mahihiya sayo." Sinabi niya yun na magkalapit pala sa mukha namin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Hindi rin ako mahihiya na gawin to." Hindi ako nakapaghanda sa ginawa niya. His lips touched mine. At gaya ng dati, nakaramdam na naman ako ng sandamakmak na pakiramdam.

Pumikit ako para maramdaman yung kiss niya. Hindi naman siya gumalaw kaya nakaramdam ako ng ginhawa.

Nagtagal ata iyon ng ilang mga minuto bago siya humiwalay.

"Your lips is now my favorite. Kissing you is now my hobby."

Tinabunan ko ang mukha ko gamit ang kamay kasi nakakahiya. Naka-upo na rin ako sa wakas at magkatabi na kami.

"Mas nakakalasing ka pa sa Soju Yoonsun." Tumawa siya ng sobrang lakas.

"Anong akala mo sa flavor ng lipstick ko? Isang alak?"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Basta malalaman mo rin yun balang araw." Natuwa talaga siya sa ginawa niya at ako naman ay nabwesit.

"Wag mo ngang abusuhin ang lips ko. Magfifile talaga ako ng kaso kapag patuloy mong gagawin yun."

"Ano ka ba Yoonsun ko ~ Ganun naman ang mag-boyfriend, nagkikiss. Yung iba ngang mag-boyfriend, pang married couple na yung ginagawa. Mabuti nga at ganun lang ang pagkiss ko sayo dahil alam kong hindi ka pa marunong. HAHAHHAAHHAHAHAHHAHA."

"Gageu ka ba?"

"Gwapo lang. Hindi gageu. Hahahahaha."

"Kung makasabing hindi marunong para namang marunong! Ang sabihin mo hindi ka rin marunong kaya ganun ka magkiss!"

Nagulat naman siya sa sinabi ko. Ako naman ay nagsmirk dahil na-corner ko siya. HA HA HA HA.

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko hindi ka marunong ng ibang way ng pag-kikiss kaya ganun ka mag-kiss sa akin." Tinaasan ko siya ng kilay. Ako naman yung natawa sa reaksyon niya. Sobrang nakakatawa.

"Tsk." Tumingin siya sa harapan at naka-pokerface. Totoo ba talaga yun? Hindi siya marunong? Edi ibig sabihin kaming dalawa ang hindi?

"See? Wag ka nga kasi magsalita ng tapos."

I guess bumalik ulit kami sa dati. Yung nag-aasaran lang. Mas gusto ko to kesa namin palagi kaming naglalambingan. Atleast, hindi nawala yung friendship namin. Kahit na kami na, importante pa rin na parang friends lang ang turingan namin. Para kapag may tampuhan, madali lang ma-solve.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top