Chapter 40

MINGYU'S ATTIRE!

Sorry hindi klaro yung kay New Sun ㅠㅠ

****

NEW SUN

"Come on now! Magsisimula na ang red carpet."

Lumabas na kaming lahat sa dressing room kasama ang mga partners namin. Mabuti nalang at mabilis lang si Mingyu si cr.

Medyo kinakabahan pa nga ako ng nakita ko siya. Feeling ko kasi malalaman niya yung mga nasa isip ko kanina. Nakakahiya iyong mga iniisip ko. Like sana magustuhan ako ni Mingyu? Anong klaseng kaisipan yun? Pero ayaw kong magsinungaling sa sarili ko. Gusto ko rin na magustuhan ako ni Mingyu. Not the way I look tonight but as myself. I want him to like me as a lady.

Hinawakan niya ang braso ko para igiya ako papunta sa entrance para sa red carpet.

Unang kaming naka-line up. Syempre ang inuna ay yung pinakamatanda, si Sumin eonnie. Halata masyado si Euijin eonnie na kinikilig habang nakahawak sa braso ni Youngjae sunbae. Siya na talaga ang pinakamaswerte.

Binuksan na yung malaking pinto at tumambad kaagad sa amin ang mga photographers. Nagsimula na rin kaming maglakad sa red carpet. Humawak ako sa braso ni Mingyu katulad nina Euijin eonnie na nakahawak sa braso ng kapartner nila. Nakakahiya nga eh baka isipin niyang nag-advantage ako sakanya pero I guess mandatory yung humawak sa braso ng kapartner?

Patuloy lang kami sa paglalakad at nagsmile sa mga camera na nakatutok sa amin. Huminto rin kami para mas lalong maganda ang picture na makuha. When we stopped, Mingyu withdraw his arms. Nakaramdam naman ako ng hiya pero napalitan naman kaagad iyon ng gulat. Yung kanang braso niya ay nakahawak sa aking bewang at mas inilapit pa ako sakanya. Muntikan na nga akong matapilok dahil dun. Sana hindi iyon nacapture ng mga camera.

We both smiled on the photographers. Yung ngiti ko ay sobrang laki. Nakaramdam kasi ako ng kiliti sa bewang ko eh hindi naman ako kinikiliti ni Mingyu.

Naglakad ulit kami kasunod sina High.D eonnie. Inalis ni Mingyu yung kamay niya sa bewang ko. Bigla na naman akong nalungkot. I guess magsasarili nalang ako.

Mas na-una akong naglakad ng kunti kay Mingyu. Naramdaman ko naman na nakasabay siya sa akin.

"Wag mo naman akong iwan." Sabi niya sa tenga ko kaya napahinto ako pero hindi naman iyon nagtagal. Naglakad na ulit kami ng sabay ng hinawakan niya yung kamay ko. Yes hinawakan niya. He intertwined our fingers na ikinabog ng dibdib ko. Holding hands while walking? Not bad. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa kasiyahan na nararamdaman. Gusto ba ako ni Mingyu? Yun ang mga thoughts na nasa isip ko.

Mabagal kaming nakarating sa kung saan ang aming assigned seat. Humawak ako pabalik sa kamay ni Mingyu at nakaramdam ako ng sari't saring pakiramdam katulad nung gabing hinalikan ko siya na walang pasabi.

Nang makarating kami ay hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Hindi pa rin kami umuupo kasi hihintayin namin ang last na maglalakad sa red carpet na si tito Taesung ang nagmamay-ari ng TS Entertainment.

Nang makatingin ako kay Nahyun eonnie ay kinindatan niya ako sabay nguso na parang sinasabi na magkahawak kamay kami ni Mingyu. Paano niya kaya nalaman yun? Tapos silang lahat ay hindi na nakahawak sa partners nila. Kasali na rin sila sa mga pumapalakpak.

Tumikhim ako para makuha ang pansin ni Mingyu at hindi naman ako nabigo.

"Mwo?" Sabi niya at agad ko namang shinake yung kamay naming magkahawak. "Pumalakpak din tayo." Sagot ko sakanya. Ngumisi lang siya na parang timang.

"Ayoko." Bulong niya. Bakit ba nakakakilig siya? Gusto niya bang magkaholding hands kami forever? Kasi ako gusto ko. Ugh ano ba tong mga iniisip ko!

Hinayaan ko na lamang ang kamay namin na magkahawak. Nagpapasalamat ako kay eomma kasi hindi niya ako pinagtratrabaho sa bahay ng madalas kaya soft ang kamay ko.

Dumating na panghuli si tito. Gustuhin ko mang pumalakpak ay hindi ko magawa. Dumiretso sa may mini stage at doon tumayo.

"Welcome everyone to TS Entertainment's annual Valentines Ball!" Palakpakan ang ginawa ng lahat. Nakita ko naman na habang nagpapalakpak si Euijin eonnie ng sobra to the nth level ay nakatingin lang sakanya si Youngjae sunbae ng hindi niya alam. Sht! Nakakakilig ang eksena na ito. Nilingon ko ang ibang mga eonnie ko at napansin din nila. Kinuhanan naman ni D.ana eonnie sila ng litrato at nagrecord ng video si Sumin eonnie.

Nagsimula ng magsalita nag mga nakakataas at kami naman ay as if na nakikinig. Mabuti nalang at katabi ko si Sumin eonnie. Kaya makikipagchikahan ako sakanya mamaya.

"Yoonsun." Napatingin ako bigla sa katabi ko. "Bakit?" Tinaas niya yung kamay naming magka-holding hands. "Pwede ko bang.. hmm.. bita.. kunin yung kamay ko?"

Napalunok ako sa sinabi niya at parang gusto ko ng maiyak! Ano bang ibig sabihin niya?

Kahit na ayaw ko naman siyang bumitiw ay tumango nalang ako.. kahit na masakit. Napansin niya sigurong maraming magaganda ang nandito kaya ayun. Sino ba naman ako para masaktan ng ganito? We are just bestfriends! Wala akong karapatan na masaktan na parang dinurogdurog ang puso ko.

Pagkatapos nun ay hindi ko na pinansin si Mingyu. Nakafocus lang ako sa harapan kahit na hindi naman nagreregister sa utak ko yung mga sinasabi nung speaker.

"Bakit nakabusangot ka jan?" Bulong sakin ni Sumin eonnie pero di ko lang siya sinagot. Ayokong magsalita baka kasi pumiyok ang boses ko at tuluyang maka-iyak ako. Gusto ko kasing maiyak. Ang babaw ko no? Ang tanging sabi lang naman ni Mingyu ay kukunin lang niya yung kamay niya. Baka kasi nangangalay na? Sadyang ako lang talaga yung oa dahil iba ang iniisip ko. Umasa kasi ako.

"Yoonsun magblink ka naman. Kanina ka pa nakatitig sa harapan na walang blink blink."

"Magreretouch lang muna ako." Inexcuse ko ang sarili kay Mingyu. Pumasok ako sa isang cubicle at doon humikbi. Totoo namang magreretouch ako kasi magigiba tong make up ko dahil sa pag-iyak ko. Nilabas ko talaga ang lahat ng sakit na naramdaman ko. Ang pagka-inis at lahat lahat. At bigla kong napagtanto na gusto ko pala talaga si Mingyu. Matagal ko na pala siyang gusto pero nabulag lang ako dahil magkaibigan kami. Gusto ko pala siya noon pa man at ngayon ay parang mahal ko na siya. Hindi naman siguro nagsisinungaling ang feelings diba? Mahal ko si Mingyu.

Mayroon talagang mga bagay na hindi mo aasahan na mangyayari sa buhay mo. I never imagined to fall inlove with my bestfriend. Akala ko ganoon lang talaga ang magkakaibigan.

Hindi naman masyadong matagal yung pag-iyak ko. Binuksan ko ang pintuan ng cubicle at tumambad sa akin ang isang pigura ng tao na ang dahilan kung bakit ako umiiyak. Pinunasan ko ang mga luha ko at kumuha ng lakas ng loob.

"Anong ginagawa mo rito? Girls cr to ah." Nilagpasan ko kaagad siya at humarap sa salamin na nasa sink. Kinuha ko kaagad yung mga kailangan ko para magretouch. Una kung ginamit ay wet wipes.

"Bakit ka umiiyak?" Buong buo ang pagkasabi niya nun na nagbigay sa akin ng kilabot. Kahit na sa reflection lang ay kita ko parin ang kaseryosohan niya at nakakatakot ang aura niya.

"Sumakit yung tiyan ko. Hindi kasi ako kumain kanina tapos hindi pa hinahain nila yung pagkain. Kaya nga galing ako diyan sa loob diba?" Tinuro ko kung saang cubicle ako galing. "Naglabas lang ako ng sama ng loob."

Pinagdasal ko na sana ay bumenta yung palusot ko sakanya.

"Wag mo akong lokohin Yoonsun. Dahil kahit kailan ay hinding hindi kita lolokohin." As if it was the cue that I should face him.

"Believe me or not, wala akong pake." Tumitig ako sakanya. Kailangan na ipakita ko na matatag ako kahit na umasa ako sakanya at nasaktan.

"Matagal na tayong magkaibigan Yoonsun.." magkaibigan? ouch. "At alam kong may malalim na dahilan ang pag-iyak mo. Sabihin mo lang sa akin dahil nag-alala ako."  Ngayon ay lumambot ang mukha niya at hinawakan ang kaliwang pisngi ko.

"Wala lang sabi eh." Sagot ko at pinalis ko ang kamay niya. Haharap na sana ako sa salamin kaso bigla niya akong niyakap patalikod.

"Alam kong may mali. Sabihin mo. Makikinig ako."

Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Para bang isang talon na patuloy lang sa pagbagsak at kailanman ay hindi titigil sa pagbagsak.

"Ikaw.." Yun nalang ang tangi kong nasabi. Sana ay maintindihan niya ang ibig kung sabihin.

Tinignan ko ang mukha niya gamit ang reflection sa salamin. Para siyang nagulat sa sinabi ko. Lumayo siya sa pagkakayakap sa akin at ganun parin ang mga luha ko. Patuloy pa rin sa pag-agos.

"A-ako ba ang dahilan.. ng pagluha mo?" Isang tango ang binigay ko sakanya. Hinarap ko siya at nakitang parang naguguluhan.

"Bakit? Nasaktan ba kita ng hindi ko nalalaman?"

Nagsilbi iyon na apoy para magsalita ako pabalik sakanya.

"OO! NASAKTAN MO AKO NG HINDI MO NALALAMAN! ANG OA KO DIBA? UMIYAK AT NASAKTAN KAHIT SIMPLENG BAGAY LANG IYON?" Sinigaw ko lahat ang sama ng loob ko na iniyak ko lang kanina.

"Yoonsun.. Yoonsun! Huminahon ka muna please. Make it clear!" Napa-upo ako sa sahig ng wala sa oras dahil nanlambot ang tuhod ko.

"Saranghaeyo Mingyu.." Hindi ko alam kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ko o narinig niya ba iyon pero ang importante ay nasabi ko na sakanya.

Naramdaman ko na hinawakan niya ako sa balikat at tinulungan na tumayo. Nang nakatayo ay niyakap niya ako.

"Totoo ba ang sinabi mo kanina Yoonsun? Na mahal mo ako?"

"Ne.."

Pinaharap niya ako sakanya at hinawakan na ang magkabila kong pisnge.

"Matagal na akong may gusto sayo Yoonsun. Nung magkaklase pa tayo, nakaramdam na ako ng ibang feeling. Higit pa sa feeling bilang magkaibigan. Natotorpe lang ako sayo kaya hindi ko nasabi agad. Itong nararamdaman ko ang gusto kong sabihin sayo noong nagkita tayo kasama si Yoongi. Ngayon ay masasabi ko na ang nararamdaman ko para sayo. Kinabahan ako nung sinabin sakin ni Sungjun na gusto ka niya kaya agad naman akong gumawa ng plano para masabi sayo ang totoo kong nararamdaman. Hindi ko nga alam kung paano sabihin at kailan. Mabuti nalang at naisipan mo na iinvite ako dito. Thank you Yoonsun. Kahit na hindi magandang magka-aminan dito sa loob ng cr at napaiyak pa kita, gusto ko lang na malaman mo na mahal kita. Mahal din kita."

Tinitigan niya ako at pinunasan ang mga luha ko. "Neomu neomu saranghae Yoonsun." Binaba niya ang tingin niya sa lips ko at inilapit ang mukha niya sa akin. Pinikit ko naman ang mga mata.

Para akong nasa langit ng maramdaman ko ang lips niya niya lips ko.

Akala ko umasa lang ako. Akala ko maaaksaya lang sa wala ang pag-iyak ko kanina pero nagkamali ako. Pareho pala naming mahal ang isa't isa.

"Will you be my girlfriend?" Sabi niya ng nakaluhod ay at singsing na inilabas. "Wag kang mag-alala hindi ito proposal para sa wedding! Dapat maging mag-jowa muna tayo." Pinalo ko siya sa ulo at pinatayo. Sinuot niya sa akin ang singsing.

"I'm so happy Yoonsun! Hindi ko hahayaan na makuha ka ng iba. I will never give you to others. Sa akin ka lang. You are only mine. Get it?" Bago pa man ako makatango ay hinalikan na naman niya ako.

It was soft and sweet na para ba akong princess. Kung masaya siya, paano nalang kaya ako? I'm in the state of euphoria.

"Congratulations to the new couple!" Bumukas ang pinto at iniluwa doon sina Nahyun at Minjae eonnie.

"Mabuti nalang at napa-aga kami kaya narecord namin ang pagdrama mo New Sunnie ~ May future ka sa pag-acting at Mingyu ang gwapo mo!"

Pumalakpak silang dalawa na parang baliw.

Nakakahiya dahil nakita nila kami!


***

Last update for November! 😂
Okay ba kayo kagabi dun sa MAMA in Japan? Hahahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top