Chapter 4

"NAKAKAINIS!!!!" Nasa bridge ako malapit sa Han River. Dito muna ako tatambay at mamayang hapon na ako uuwi. Nawalan na ako ng gana. Pahamak talaga ang ka-gwapuhan ni Mingyu. Note the sarcasm please.

"Ang ingay mo." May tumabi sa akin na babae. Tinignan ko siya at hindi inaasahan na si Kim Dohee pala iyon. Ngumiti ako ng pilit dahil parang na-shock ako. "Mianhae." Sabi ko sakanya at nag-chuckle na parang awkward.

"Bakit ka nga pala nandito? May pasok pa ah."

"Bigla akong nawalan ng gana makinig sa teacher namin. Paminsan minsan din naman ay lagyan mo ng kaunting kalokohan ang pag-aaral mo para hindi ka maboring." Sagot ko sakanya pero alam naman natin na hindi iyon ang dahilan.

Napatawa naman siya ng malakas sa sagot ko. "Hindi ko yun inaasahan sayo. Noong una kasi tayong nagkita ay parang naiinis ka sa mga taong nag-jujudge sa buhok mo. At ngayon ay sasabihin mo iyon. Hahahaha. Nagagawa mo pang magloko kung ikaw naman palagi yung niloloko at inaaway." Masyado na siyang maraming alam. Mas mabuti pang umalis nalang ako dito.

Sasagutin ko muna siya bago ako umalis. "Ganyan talaga ang buhay estudyante. You don't expect what you don't expect."

"Nakakatuwa ka pala."

"Sad to say, hindi ako clown."

"Sinabi ko bang clown ka?"

"Sinabi ko ba na sinabi mo na clown ako?"

"Ugh! You're impossible!" Naiinis niya na sinabi pero natawa naman siya ng malakas sa huli.

"Baka pagkamalan ng iba na may kasama akong baliw."

"Hindi naman tayo magkasama. Lumapit lang naman ako sayo."

"Anong tawag mo satin ngayon? Long Distance Talk?"

"We are together." Err. Hindi ko siya type -__________- Naalala ko sakanya ang walang kwentang kausap na si Mingyu.

"By the way, ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Sinamahan ko kaibigan ko. Andiyan siya sa may malapit na coffee shop may kausap."

"Ahh."

Natahimik kami sandali at nagpaalam na siya sa akin dahil tapos na raw makipag-usap ang kaibigan niya. Yung kaibigan niya ay yung kasama niya noon na nakita ko sila sa TS Entertainment.

Mag-isa na naman ako kaya naisipan kung bumili ng pagkain at umupo sa isang bench. Dito muna ako magpapalipas ng oras hangga't sumapit ang alas dose.

***

"Eomma, annyeong." Bati ko kay mama na naabutan ko sa kusina na nagluluto.

"Bakit ka umuwi? Maaga bang natapos ang pasok niyo?" Tanong niya. Alangan naman na sabihin ko sakanya ang katotohanan. Medyo nakakahiya naman. Baka kung ano pang iisipin niya at sasabihin na masyado akong over acting. Duh

"Tinamad po ako. Sumakit kasi yung ulo ko dahil pinalo ng teacher namin ang ulo ko." Natawa kaagad ako sa reaksyon niya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang ulo ko.

"Sobrang sakit ba? Sino ba yang teacher mo at irereklamo ko?"

"Wag na po ma. Tanggap ko naman kung bakit niya ako pinalo eh."

"DAHIL NA NAMAN BA JAN SA BUHOK MO?!!!"

"Gutom na ako eomma. Pahingi nalang ng pagkain." Patay talaga ako kapag pumunta to si mama sa school.

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako kay mama na bibili ako ng bagong headphone. Pinayagan naman niya ako at binigyan ng pera.

Lumabas na ako ng store bitbit ang isang paper bag na nilagyan ng binili ko. Dumeritso ako sa isang cafe upang kumain ng ice cream cake. Pumunta ako sa counter ng makitang wala ng ice cream cake na naka-display.

"Excuse me, miss." Tawag ko pero hindi niya ako napansin. Tinignan ko yung nakaburda niyang pangalan sa t-shirt at tinawag siya sa pangalan.

"Hong Euijin?" Napalingon naman siya kaagad sa akin at ngumiti. Wow. Ang ganda nang eye smile niya.

"Yes mam?"

"Meron pa ba kayong ice cream cake?"

"Wala na po. Pero kung makakapaghintay kayo ng mga 40 minutes, makakakain na kayo ng masarap naming ice cream cake." Sabi niya sabay pakita sa kanyang magandang eye smile. Napakaputi pa niya talaga!

"Hmm, wag nalang miss. Iba nalang ang i-oorder ko."

"Pwede ka namang makapaghintay miss." Napakunot ang noo ko ng may isang lalaking tumabi sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at sinabi na ang order ko.

"Kamsahaeyo ~" Sabi ko kay Hong Euijin.

Umorder narin yung lalaking katabi ko pero ice cream cake ang in-order niya. Hindi naman sa gutom ako at gusto ko ng kumain, hindi ko lang talaga gusto maghintay ng matagal.

Naghanap na ako ng vacant seat at umupo na sa isang pangdalawahang lamesa. Hinintay ko nalang na dumating ang order ko.

"Here's your order mam. Just call my name, Seong Minjae if you need something!" Wow engrish.

Ngumiti naman ako sakanya bilang pasasalamat.

Habang kumakain ako ay may nagpeperform sa loob ng cafe. Ang ganda ng boses niya at napaka-catchy. My chance siyang makapasok sa isang entertainment kung gugustuhin niya. Sana ay mascout din siya. Sayang ang kanyang boses kung hindi noya ito maparinig sa lahat ng mga tao.

"Si Seong Minjae .." Napanganga ako nang nakita ko siya. Kaya pala parang napaka-polite niya kanina. Ang masasabi ko lang ay napaka-ganda ng boses niya.

Naramdaman ko nalang yung kamay ko na kinuha ang aking cellphone sa bulsa at dinial ang number ni tito Taesung.

"Yeobeoseyo?" Bati ko sakanya.

"Yoonsun, gusto mo na bang maging artist?" Tanong niya at napatawa naman siya sa dulo.

"Ofcourse not. Nandito kasi ako sa isang cafe tapos may isang babae na kumakanta. Sayang ang boses niya Tito kung hindi mo siya i-scoscout."

Ewan ko ba kung bakit ko ito ginagawa. Ngayon lang ako nagkaganito. Maski nga si Mingyu na may potential ay hindi ko sinuggest kay tito. Feeling ko lang talaga na tumulong ngayon. Sayang ang talent niya.

"Arraseo. May papupuntahin akong staff diyan. Just pm me the cafe's name and address."

"Alright tito. Annyeong." Pinutol ko na ang tawag at lumapit doon sa nagkukumpulan. Baka kasi umalis si Minjae at magkasalisi sila nung staff ni tito.

Natapos na kumanta si Minjae at pinalitan ito ng EDM. Si Minjae parin ang may hawak ng microphone at tinawag ang nag ngangalang Hong Euijin.

Sumayaw siya sa harapan namin at wow. Ang galing niyang sumayaw. Sobrang hataw niyang sumayaw. Nagpalakpakan kaming lahat ng matapos siya at nagbow silang dalawa ni Minjae.

Bago sila tumalikod ay agad ko silang hinabol.

"Teka lang!" Tawag ko sakanila at agad naman silang lumingon.

"Bakit?" Tanong ni Euijin na may pagtataka.

"Pwede ba akong makipag-usap sa inyong dalawa?"

"Busy pa kasi kami. Marami kasing customer na aasikasuhin. Baka masisante kami pag nagkataon." Dismayado man akong ngumiti sakanila dahil sa sagot ni Minjae ay hindi parin ako napanghinaan ng loob.

"Gusto niyo ba maging idol? Mag-debut bilang isang miyembro ng girl group o maging soloist?" Sinabi ko na kaagad dahil baka wala na akong ibang pagkakataon.

"Talent scout ka ba?" Tanong ni Euijin.

"Hindi."

"Nagmamay-ari ka ba ng company o staff o anak ng may-ari?"

"Aniyo."

"Hahaha. Wag muna kaming paasahin. Nakakapagod kapag may nagtatanong sa amin niyan. At wala kaming planong magdebut. Ang kailangan namin ngayon ay makatulong sa pamilya namin at hindi yang pagiging trainee na aabot pa ng ilang years bago makapagdebut. Wala kaming mapapala jan ni Euijin."

Parang nairereflect niya sakin ang emosyon nila ngayon kaya para akong nakarelate din sakanila.

"But please, i-try niyo. Tito ko ang may-ari ng TS Entertainment at sinabihan ko na siya kanina tungkol sa inyo. Pupunta na rin dito ang isa sa mga talent scout niya. Wala namang mawawala sa inyo. Tutulungan ko kayo. Pangako."

"Sa totoo lang, dati rin akong trainee pero huminto ako kasi limang taon akong nag-train at wala akong napala. Ayaw ko na sanang mangarap pa pero sige. I-tratry ko." Gumaan naman ang loob ko sa sinabi ni Euijin. Dati na pala siyang trainee pero hindi nakapag-debut. Sayang naman ang talento niya.

"Wala pa man akong karanasan pero sige. Kung may tiwala ka sa akin, pagkakatiwalaan ko rin ang sarili ko." Mas lalo akong natuwa sa sinabi ni Minjae. Sana maging success ang paglinterview nila at pagiging trainee. Excited na akong makita silang makapag-debut at ma-enjoy ang kanilang mga kanta.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top