Chapter 39

"1 hour nalang bago magsimula. Get ready girls and your partners!"

Lahat kami ay napatingin kay Yeji eonnie at tumango.

"Yung pinsan ko sabi nasiraan daw sila ng kotse! Hindi ko alam kung nagjojoke ba to or ano. Ayaw kong maglakad sa red carpet ng walang kasama. Magmumukha akong kawawa. And I don't like it!" Maiiyak na sabi ni High.D eonnie pero kinalma niya din yung sarili niya para hindi magiba ang make up niya.

Ako naman ay kinuha yung phone tsaka nagtipa ng message para kay Mingyu kung nasaan na ba siya.

From Mingyu:
Don't worry. I'm already on my way.

Hindi na ako nag-abala pang replyan siya. Sana ay walang traffic na magaganap naku! At sana makapaghanda siya sa mga paparazzi na nasa labas ng entertainment namin. He is a trainee at may nakakakilala na rin sakanya. Aish! Nakalimutan kong magtanong na okay lang ba sa company niya na gawin ang ganito. Baka kasi magka-issue pa.

Tinabi ko muna ang mga negative thoughts na pumasok sa isipan ko. I need to stay positive!

Nagbihis na ako ng damit na susuotin. Kaming lahat ay nagbihis na. Meron nalang kaming 30 minutes bago magsimula. Kaya nagretouch na kami't lahat lahat.

"Call your partners now. Papuntahin niyo rito. Double time please!"

Sumunod naman kasi sa sinabi niya. Nandito kami sa dressing room para sa amin at dito na rin kami magkikita ng mga partners namin.

"Sabihin niyo sakanila na sabihin nila sa front desk kung sino ang partnet nila at ipakita yung invitation nila para makapasok. May mga usherettes naman doon kaya hindi na sila mababahala kung saan kayo hahanapin. And aftet that, kung complete na yung partners niyo, call me so that we can proceed to the venue okay?"

***

Third Person

Marami ng mga tao ang dumating sa TS Entertainment para dumalo sa gagawing ball. Lahat ay puno ng ngiti dahil Valentines Day. Binabati nila ang isa't isa. Halos ang kulay ng suot nila ay pula. Na ibig sabihin ay kulay ng pag-ibig.

"Kaya ko to! Fighting!" Pagpalakas loob ni Mingyu sa kanyang sarili. Kabadong kabado naman kasi siya. Nanlalamig ang kanyang mga palad kaya kiniskis niya ito. Kahit na alam niyang gwapo na gwapo siya sa kanyang suot, hindi pa rin siya confident na humarap kay New Sun. Hindi ata nakakatulong ang pagiging gwapo kapag aamin ka na.

Hindi naman siya nahirapang pumasok sa entertainment dahil mahigpit ang security tsaka wala pa namang nakakakilala sakanya ng masyado kasi trainee pa lang siya.

Lumapit si Mingyu sa front desk at ipinakita iyong invitation niya.

"Dito po tayo sir." Sabi ng isang usherette na nilapitan ni Mingyu. Iginiya siya nito na makarating sa dressing room nila Yoonsun.

Huminto sila sa isang pintuan at kumatok yung usherette. May bumukas galing sa loob at ipinakilala si Mingyu bilang partner ni New Sun.

"Annyeonghaseyo!" Si Yeji iyon na bumukas ng pintua. "So ikaw ang magiging ka partner ni New Sun?"

"Opo." Kalmang pagsagot ni Mingyu pero sa loob ay sobra na siyang kinakabahan. Yung puso niya ay naghuhuramentado.

"Gwapo mo naman! Mabuti nalang at napapayag ka niya?"

"Alam ko na po iyon! *insert laugh* at hinding hindi ko po siya kayang matanggihan."

Napa-ows naman si Yeji sa sinabi niya. Sa paraan pa lang ng pagkakabigkas ng mga salitang iyon ay alam na kaagad ni Yeji na may ibig sabihin. Tumahimik nalang siya at tinawag si New Sun para masabi na nandito na si Mingyu.

SA KABILANG dako ay naghihintay sa labas ng dorm nila New Sun si Sungjun. Kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi sumasagot. Inisip niya lang na hindi iyon sumasagot ng random number lalo na't artista si New Sun. Nagtext naman siya na siya si Lee Sungjun at nagsend pa ng picture na naghihintay siya sa labas ng dorm. Pero isang oras na ang lumipas ay wala pa ring nangyayari. Mukha atang naghihintay siya sa wala.

Kinakain na siya ng lamok sa tagal na paghihintay. Sinubukan niya ulit na tawagan ito pero wala pa rin. Naisipan niyang tawagan si Mingyu baka alam kung nasaan si New Sun. Tutal ay mas maraming alam si Mingyu kay New Sun. Pero pati ito ay hindi rin sumasagot sa mga tawag niya. Napabuntong hininga siya ng malalim tsaka napagdesisyonan na sumuko at umuwi nalang. Walang maskin kakaunting liwanag ang dorm nila ni New Sun kaya umuwi siya na dismayado.

Habang sa dressing room naman ay excited na kinakabahan si Mingyu. Namamawis na rin yung mga palad niya kaya kinuha niya yung panyo sa bulsa niya.

"Mingyu!" Parang biglang huminto ang kanyang paligid ng marinig ang boses ni New Sun na tinatawag ang kanyang pangalan. Nakaramdam siya ng milyong milyong boltahe na hindi niya maintindihan. Nangingisay ata siya sa kilig. Hindi pa siya nakalingon kay New Sun jan ah. Pagkalingon niya ay para siyang mabilaukan. Hindi niya kayang lumunok.

Ang ganda niya! Para siyang isang dyosa na napunta sa mundo ng mga mortal. Isang kahangalan at isang malaking kasalanan ang mainlove siya sakanya!

Kinalma ni Mingyu ang kanyang sarili dahil masyado na siyang nagiging oa. Baka pa ay mabawasan ang kapogian niyang taglay.

"Hoy Mingyu! Di ako multo ah. Bakit pawis na pawis at takot na takot ka ng makita ako?!"

Napalaki ang mata ni Mingyu sa narinig. Hinawakan niya yung mukha niya at basang basa yung kamay niya. Sht! Ang pangit ko na siguro!

"H-hindi ako takot sayo. Sadyang medyo hindi maganda ang sikmura ko." Wala na siyang pake kung maisip ni New Sun na natatae siya. Basta ay hindi niya malaman na na-starstruck siya nito. Baka kasi ay maging awkward sila mamaya.

"Punta ka muna sa cr bilis! Baka anong mangyari sayo mamaya. Nakakahiya kapag may pumutok na mabaho." Bulong sakanya ni New Sun. Ayan na talaga. Napahiya na siya pero sinunod naman niya ito para matignan ang sarili sa salamin at makapagretouch.

Kunot ang noo ni New Sun ng makita si Mingyu kanina. Akala niya ay napapangetan siya sa suot nito at hindi bagay. Bigla tuloy siyang kinabahan kasi ganun ang reaksyon ni Mingyu. Parang hindi maatim ni Mingyu na siya ang kapartner niya dahil sa reaksyon na pinakita nito kanina. Medyo nahiya siya sa sarili niya. Alam naman niyang hindi siya yung mga tipo ni Mingyu. Hindi naman kasi siya sexy.

Bumuntong hininga na laman si New Sun. Kahit na pawis na pawis si Mingyu ay hindi pa rin nawawala ang kapogian na taglay nito. Mas lalo lang siyang naging gwapo at hot sa paningin niya. Oo hot kasi bagay na bagay kay Mingyu yung mga pawis na tumutulo sa kanyang mukha. Gusto niya itong punasan kanina. Nacurious siya tuloy kung anong itsura ni Mingyu na topless tapos ay pawis na pawis?

"Yoonsun stop thinking pervert things!" Saway niya sa sarili. Ano bang iniisip niya at ganun nalang ang naiisip niya kay Mingyu? Nainis siya sakanyang sarili dahil dun at mas lalo siyang nainis dahil bumilis ang tibok ng puso niya habang kausap si Mingyu kanina. Nainis din siya sakanyang sarili dahil hindi ata nagustuhan ni Mingyu ang kanyang itsura ngayon. Kaya naman ay bumalik siya sa harap ng salamin at tinignan ng mabuti ang sarili.

"Sana magustuhan ako ni Mingyu."

Wala sa sarili niyang nasabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top