Chapter 37
Mingyu's POV
Nagbakasakali ako na bala umuwi si Yoonsun ngayon at hindi nga ako nagkamali.
"Pinabili ko siya ng toyo Mingyu. Puntahan mo nalang." Sabi ni tita na eomma ni Yoonsun. Bakit ba yun pinalabas ni tita eh madilim na? Baka may magka-interes pa dun eh.
Pinapraktis ko sa isipan kung ano ang sasabihin sakanya. Napagdesisyonan ko na umamin na sa.. hmmm.. nararamdaman ko para sakanya. Sobrang nakakahiya talaga ang gagawin ko ngayon. Pero kung papatagalin ko pa to, baka maunahan ako ni Sungjun.
Naalala ko pa nung papauwi ako sa amin, naglalakad, eh may biglang bumusina na sasakyan.
"Mingyu!" Tawag niya sa akin. Syempre kahit na ayokong makipag-usap ay nilingon parin siya at tinawag pa rin yung pangalan niya.
"Anong atin Sungjun?" Nakatayo lang ako habang siya ay naka-upo sa loob ng sasakyan at nakababa yung bintana ng sasakyan.
"Nagkita kami ni Yoonsun este New Sun noong isang araw." Simula niya. Yun ata yung araw din na nagkita kami ni Yoonsun. Nagkita rin pala sila?
Tahimik lang akong nakikinig sa susunod niyang sasabihin.
"Sinabihan ko siya na gusto ko siya at gusto kong manligaw." Nagpantig yung tenga ko sa narinig at halos gusto ko na siyang sakalin. Bakit niya ba nakilala si Yoonsun ko?!
Mabuti nalang at malayo kami sa isa't isa kundi nabugbog ko na siya ng todo. Kinuyom ko ang kanang kamay ko tsaka nagsalita.
"Tapos?" Dapat kong malaman kung ano ang mga plano niya para ma-block ko ang mga future plans niya kay Yoonsun. Walang pwedeng manligaw sa kay Yoonsun kundi ako lang. Bahala na kung bastedin ako basta ba ako lang yung nag-iisang nanligaw. Pero kung desidido itong si Sungjun, wala na akong magagawa. Hihintayin ko nalang na bastedin siya ni Yoonsun.
"Gusto ko sanang magpatulong sayo. Matagal na kayong magkaibigan diba? Kaya madami kang alam tungkol sa kanya. Kung ano ang gusto niya sa isang lalaki at mga paborito niya."
Napa-smirk ako sa narinig. Ano nga ba ang gusto niya sa isang lalaki? Syempre alam ko kung ano ang sagot sa katanungan na iyan. Ako. Ako yung gusto niya. Ako lang naman ang palaging kasamang lalaki nun na hindi kadugo sa buong buhay niya. At matagal na rin kaming magkaibigan. Sigurado akong nagtitiwala na siya sa akin at baka may hidden desire pa siyang nakatago. Katulad nung bigla nalang siyang pumunta sa amin tsaka nanghalik. Haaaay! Dapat noon pa ay dumiskarte na ako.
"Mingyu.. patulong ha? Alam kong malaki ang maitutulong mo sa akin. At wag kang mag-alala, kapag sinagot niya ko, libre kita kahit saan mo gusto."
Lul mo Sungjun. Akala mo di ko afford pumunta kahit saan? Mas gwapo pa nga ako ng mga sampung ligo!
"Hindi ko alam kung may maititulong ba ako sayo Sungjun. Magkaibigan nga kami kaso ayaw na nung makipagkita sa akin."
"Bakit naman? Nag-away ba kayo?"
"Nakita niya kasi ako nung last kaming nagkita, kahapon, na may babae akong kasama kaya ayun nagtampo. At ayaw niya daw akong makita? Sinaboy pa nga niya sa akin yung frappe niya dala niya."
Nice one Mingyu. You're such a good actor. Gwapo pa! Dapat bigyan ko ito ng kaunting detalye si Sungjun tungkol sa amin ni Yoonsun na medyo may something para hindi siya makampante na pwede siyang gustuhin ni Yoonsun at magconclude siya na may gusto sa akin si Yoonsun. Pwede ko rin bang idagdag yung hinalikan ako ni Yoonsun? Hahahahahah.
Nauwi sa walang kwenta yung usapan namin. Nagpaalam na siya na ikinaginhawa ng loob ko. Dapat alam niya kung hanggang saan lang siya pwede.
Nainis talaga ako noong nagtext si Yoonsun tungkol kay Sungjun. Nagtaka tuloy ako kung bakit siya curious sakanya at baka nagka-interes na siya.
Tinakbo ko yung mga tindahan na malapit kina Yoonsun. Nakita ko siya na nakipag-usap sa may-ari ng tindahan at binigay yung binili niya. Naghuhurumentado yung puso ko nang papalapit na ako sakanya. Kaya ko 'to. Pogi naman ako. Fighting!
Spell torpe? M-I-N-G-Y-U. Nung nakalapit na ako sakanya ay bigla namang parang bumaliktad ang sikmura ko. Wala pala akong lakas ng loob para masabi yung nararamdaman ko. Gwapong torpe pala ako.
Ewan ko kung bakit niya ako tinawag ulit. Pero alam kong wala pa siyang ideya sa nararamdaman ko kasi manhid siya. Wala siyang pakialam.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Um... gusto sana kitang imbitahin bukas."
Hinahabol ata yung puso ko ng kabayo! Ano bang meron bukas at gusto niya akong imbitahin? Hindi pa naman niya birthday.
"Eh kasi.. ano.. yung entertainment namin.." gusto niya ba akong imbitahin na lumipat sa entertainment nila bukas?
"Magkakaroon ng isang ball para sa Valentines Day at kailangang may ano.. uhm.. partner. Tsaka kung hindi naman kailangan ay hindi rin naman kita iimbitahin no! At wag na wag kang mag-isip ng kung ano-ano dahil ininvite kita. Ang purpose ko sayo ay maka-attend sa event okay? No more no less. Tsaka gwapo ka naman kaya ikaw yung ininvite ko."
Ay teka.. Valentines Day bukas? Bakit hindi ako alam? Nakalimutan ko na ata.
Napangisi naman ako ng malaki sa sinabi niya. Ipagpabukas ko nalang yung sasabihin ko. At kailangang bukas, masabi ko na. Last chance na bukas kundi game over na ako.
"Ikaw pa. Papayag ako. Malakas ata ang tama mo sakin." Sinamaan niya lang ako ng tingin at kinurot. Ano pa nga bang bago?
"Wala ba kayong gagawin sa entertainment niyo?" Tanong niya sa akin. Oy, may care!
"Trainee pa naman ako kaya pwede pa akong hindi umattend. At mas importante pa yung sayo. Wag kang mag-alala. I will be the most handsome partner there. Hindi ka maipapahiya ng kagwapuhan ko."
"Wala na akong pake jan sa sasabihin mo. Basta text ko nalang sayo yung ibang details. Formal attire okay?"
"Copy!" Inakbayan ko na siya at hinatid pauwi. Kung gets niya lang sana yung ACTIONS SPEAK LOUDER THAN WORDS edi sana hindi pa ako mapapagod kaka-isip.
"Di ka na papasok?" Nagtaka kasi siya kasi hindi na ako tumuloy sa bahay nila.
"Maghahanda pa ako para bukas." Biro ko na lamang. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya sa imbitasyon niya. Parang gusto niya lang makipagdate sa akin pero hindi niya masabi at nasave siya sa event nila. Oh diba!
"Baliw. Sige Mingyu! Bye!"
"Bye!" At nag-flying kiss ako kahit nakatalikod na siya.
"Johahae." Bulong ko sa hangin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top