Chapter 36

February 13 na ngayon at bukas na yung ball. Wala pa rin akong naisip kung sino ang magiging partner ko. Ayokong maunang mag-invite kasi babae ako. Hehe.

"May maisusuot ka na ba?" Tanong ni eomma sa akin. Umuwi kasi ako para maibalita yung gagawing ball. Lahat ng mga schedules ko inaalam nila eomma kasi kahit na hindi sila nakabuntot sakin, alam nila kung nasan ako at san ako pupuntahan kung may emergency.

"Yes eomma. Napaghandaan na yun ni Yeji eonnie. Kaming lahat meron na."

"Mabuti naman kung ganun! Dapat ikaw pinakamaganda dun ha? Hindi ako makakapayag na hindi ikaw ang pinakamaganda! Kailangan ko palang tawagin ang tito mo para makahingi ako ng invitation at sa ganun ay makita ko talaga na ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng aattend."

Nataranta ang kaloob-looban ko sa sinabi niya. Hindi pa naman niya alam na may magaganap na pagpapartner doon! Tsaka magmumukha siyang chaperone ko at isa pa hindi na ako kinder na kelangang bantayan.

"Seryoso ka po? Wag na kayong mag-abala pa doon! Tsaka di kayo makakarelate sa mga usapan. Mas mabuti pang magdate nalang kayo ni appa at iwan niyo si Yoongi dito para may catching up time kayo ni appa. Ako na bahala sa restaurant na pupuntahan niyo. Basta ma, wag na wag niyo pong tatawagan si tito ha? At magdate lang kayo bukas ni appa."

Tinaasan naman ako ng kilay ni eomma. Hindi ata naniniwala sa sinabi ko.

"At tsaka ipapa-schedule ko rin kayong dalawa sa salon para imassage at pagandahin at pagwapohin kayong dalawa. Papupuntahin ko rin kayo isang boutique para makapagpili ng damit na susuotin niyo. Dapat kayong dalawa lang ha. Wag na si Yoongi para di na ko mas lalong mabankrupt."

Naging excited ang mukha ni eomma. Excited rin ako para sakanila. Mabuti nalang at naisip ko ito para magkaroon sila ng time para sa isa't isa yung feeling teenagers. Matagal na ata silang nakalabas na magdate na silang dalawa lang. Kasi naman puro naka-hook kami ni Yoongi sakanilang dalawa. This is the time na makabawi ako sakanilang dalawa.

"Wag na wag na wag lang kayong gumawa ng bata." Sabi ni Yoongi na hindi namin inaasahan na sasali sa usapan namin. Gosh all this time ay nakikinig pala siya sa amin kahit nakasaksak ang earphones niya.

"Magseselos ka lang eh kasi may magiging bagong baby na sila eomma at appa!" Tukso ko kay Yoongi. As usual, binigyan niya ako ng masamang tingin na para bang ikakamatay ko.

"Matanda na kami para jan Yoongi! Iba ka pala mag-isip ha. Ikaw sino kadate mo bukas?" Umupo kami ni eomma sa tabi niya at agad siyang tinanong. Meron na kayang nililigawan ang kapatid ko?

"Wala ka talagang ka-date Yoongi?" Todo tanggi talaga siya na wala at wala pa raw iyon sa isip niya.

"Kahit na bibigyan kita ng malaking pera kung may ka-date ka?" Natigilan muna siya saglit. Baka ay nagulat sa sinabi ko na bibigyan ko siya ng pera. Bibigyan ko naman talaga siya kung may magiging ka-date siya. Ayaw ko namang dalhin ang isang babae sa hindi magandang lugar. Dapat maganda ang experience niya kasama si Yoongi at baka malaman pa na artista ang kapatid ni Yoongi at walang pang-afford edi sakin na naman iyon mapupunta ang negative na usapin.

"Aish! Wala nga eh. Kulit niyo naman."

"Baka nakabuntis ka ha! Papalayasin talaga kita rito kapag nalaman ko na nakapabuntis ka." Sabi ni eomma na mas lalong ikinainis ni Yoongi.

"Hindi pa ako ready maging tita ha! Ang bata ko pa para maging tita." Sabi ko sakanya. Pulang pula na yung tenga niya at natawa ako ng malakas. Pikon na pikon na siya sa amin ni eomma.

"Tigilan niyo na nga ako! Mga istorbo."

"Matuturn-off sayo niyan si Mingyu hyung eh." Dagdag niya. Humihirit na naman itong kapatid ko.

Inirapan ko nalang siya at hindi pinansin. Lumabas ako ng bahay kasi may ipapabili sa akin si eomma na isang pouch ng toyo.

"Tao po!"

Lumabas naman kaagad si Aling Simcheong. "Pabili po ng toyo yung malaking pouch. Isa lang po."

"Anong klaseng shampoo ang gusto mo? Head and Shoulders? Hana? Palmolive? Rejoice? Clear? Sunsilk? Gard? Tresemme? Dove?"

Ang sarap namang batukan nitong si Aling Simcheong. Sabing toyo nga gusto ko eh.

"Yung silverswan po yung gusto ko."

"Ah..eh.. hindi naman ito shampoo hija."

"Okay lang po. Yan po ang shampoo ko. For blackening."

Natawa naman siya sa narinig. Mukhang napaniwala ko na pangblackening yung toyo.

"Itrytry ko rin to mamaya! Alam mo na kapag tumatanda namumuti yung buhok. Mabuti nalang at hindi ka sa kabilang tindahan bumili."

"Isang pouch po yung bibilhin ko para black na black."

Binigay niya sakin ay dalawang pouch. Sasabihin ko sana na namali siya ng pagbigay kaso sabi niya ay libre niya iyon sa akin dahil nagshare ako ng isang tip sakanya.

"Salamat talaga Yoonsun! Magiging mas maganda pa ako sayo neto  kapag naipaligo ko na itong toyo sa buhok ko!" Tuwang tuwa na sabi niya at winiggle ang brows. Kung alam niya lang na nagjojoke lang ako!

"12 hours po yan na hindi muna babanlawan. Salamat po rito. Bye!" Sana naman hindi ako karmahin.

Habang naglalakad ako pauwi, naistorbo na naman ako sa ball bukas.

"Oww..." hinimas ko ang forhead ko kasi nabangga ako sa isang tao.

"Jeoseonghamnida." Nagbow ako at maglalakad na sana. Kaso hinawakan ako sa braso nung tao eh. "Oww..." daing ko ulit. Medyo masakit kasi yung braso ko.

"Yoonsun.." boses palang niya, alam ko na kung sino. Agad naman akong kinain ng kaba. Hindi alam kung anong gagawin o sasabihin. Yayayain ko ba siya?

"B-bitawan mo nga ako!" Bulyaw ko para maitago ang kaba na nararamdaman. Nasa isang madilim kami na parte ng daan pero hindi masyadong madilim. Sadyang kunti lang ang inabot ng liwanag ng streetlight dito.

"Ay sorry! Nakalimutan ko na bitawan ka. Masakit ba?"

"OO!" Bulyaw ko sakanya. "Anong bang naisip mo ha at parang mangingidnap ka ng tao?!"

"Ah.. na... napadaan! Oo napadaan lang talaga ako dito. Pauwi na rin ako. Sige mauna na ako!" Nagmamadali siyang tumakbo palayo sa akin. Nagtaka ako kung bakit siya tumakbo palayo sa akin kaya hinabol ko rin siya. Hindi naman mabilis ang pagtakbo niya.

"Teka lang!" Tawag ko at huminto naman siya.

"Nag..ma...madali ako Yoonsun eh! Mauna na ako!" Ako naman yung humawak sa balikat niya na ipinagtaka niya. Binitawan ko yung kamay kong nakahawak kasi nakatingin siya rito.

"TEKA NGA MUNA!" Tinaasan ko na yung boses ko para ma-aware siya na hindi ako natutuwa. "Pwede bang wag ka munang umalis? May sasabihin ako."

Tumayo siya ng tuwid at hinihintay na magsalita ako. Ngayon ay nawalan na ako ng lakas para sabihin iyon sakanya.

Tumikhim muna ako. "Um... gusto sana kitang imbitahin bukas."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top