Chapter 35

"New Sun gising na ~ gising na maganda naming maknae ~ eeeeeh ~" napabangon ako ng wala sa oras ng may bumubulong sa akin pero kumakanta.

Pumalakpak sa harapan ko si Minjae eonnie ng nakitang napabangon ako. Inaantok pa ako eh. Ba't niya ba ako biglang ginising? Baka may schedule na naman na hindi ipinaalam sa amin kaagad.

"Inaantok pa ako eonnie. Gusto ko pang matulog." Pagmamakaawa ko. Nagperform kasi kami sa isang concert kagabi para sa Valentines Day kasama ang ibang girl at boy groups. Hindi pa man Valentines Day ay nagkaroon na ng concert. Advance concert kumbaga. Nakauwi na kami mga bandang ala una na. Tinapod kasi namin ang buong con at may after party pa na ginawa.

"It's already 9 am! Bumangon ka na jan at magbreakfast. Pupunta kasi tayong TS entertainment mamaya."

Wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Being an idol is not an easy task. When I was a trainee, akala ko magiging madali nalang ang lahat at hawak mo na ang oras mo but I was wrong. Mas malaking responsibilidad ang nakaharap sa amin ngayon. Ang pasayahin ang fans at gumawa ng magandang music.

Kinuha ko ang tuwalya ko at dumeritso na sa cr para makaligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis kaagad ako at naglagay ng make-up bago kumain.

"Wala na bang ulam eonnie?" Tanong ko kay Sumin eonnie na naghuhugas ng pinggan.

"Wala na? Baka inubos nila High.D at Nahyun. Sa susunod gumising ka ng maaga okay?" Tumango nalang ako dahil wala namang mangyayari kung magrereklamo ako.

Kumuha nalang ako ng cup noodles at yun nalang ang ginawa kong breakfast.

"Anong gagawin natin mamaya dun eonnie?"

"Malay ko. Baka magcocomeback na tayo?"

Na-excite ako sa ideya na yun. Sana nga mag-comeback na kami. Namiss ko nang mag-shooting at magrecord ng kanta.

Sinundo kami ni Yeji eonnie gamit ang isang van. Kasama niya yung driver at dalawang body guards.

"Sorry kung hindi na kayo nakapagpahinga pa ng mas matagal. Alam kong pagod kayo dahil kagabi." Aniya at niyakap kami isa isa.

"Wala lang yun eonnie. Pinasok namin to kaya dapat naming harapin ang mga circumstances na darating sa amin." Sabi ni D.ana eonnie na pinalakpakan naman ng lahat.

Pumasok na kami sa loob ng van. Ako yung nasa likuran na part at katabi nung bintana. Medyo inaantok pa kasi ako kaya gusto kong humilig. Sinaksak ko ang earphones ko at pumikit na.

"Awww." Sabi ko sabay hawak sa ulo ko. Nakatulog pala ako. Mabuti na rin yun.

"Omg! Mianhae New Sun. Di ko naman sinadya na ibangga ang ulo mo sa salamin eh." Paliwanag ni Euijin eonnie. Tinawanan ko lang siya kasi yung mukha niya sobrang na-guiguilty. Sinabi ko lang sakanya na okay lang ako at hindi naman masakit.

"Seryoso ka ba New Sun na okay ka lang? Baka anong mangyari sayo eh." Pag-alala niya. Tinapik ko lang siya sa balikat at nagsimula na kaming maglakad papasok.

"Annyeonghaseyo sunbaenim!" Bati namin kay Youngjae sunbaenim ng B.A.P kasi nakasalubong namin siya. Binati rin niya kami pabalik. Kaya naman todo kilig si Euijin eonnie. Crush niya kasi iyon. Sino bang hindi magkakagusto doon eh ang gwapo naman.

"After 5 years natin, liligawan ko na si Youngjae oppa!" Kilig na kilig si Euijin eonnie sa pagkasabi nun. Binatukan naman siya ni Minjae eonnie.

"Bawal munang maglandi ngayon. Tsaka imposible namang magustuhan mo pa yun sa ganung tagal ng panahon!"

Sinaway sila ni Yeji eonnie kasi masyadong maingay at nakaka-istorbo sa ibang tao. Pati naman ako na-iistorbo eh. Hahaha. Kumapit ako sa strap ng bagpack ko pagpasok sa isang room na para sa amin.

"Dito lang kayo. Pupuntahan ko muna si sajangnim para masabi na nandito na kayo."

Pagkalabas niya ay agad namang nagkwentuhan sina Euijin at Nahyun eonnie. Ang pinagkwekwentuhan lang naman nila ay si Youngjae sunbaenim.

"Akala ko talaga noon ay may gusto si Zelo kay New Sun eh." Saad ni Sumin eonnie at napunta ang lahat ng atensyon sa akin.

"Mas mabuti sana yun para kapag si Youngjae oppa ang utusan ni Zelo ako yung haharap sakanya at magiging close kami!" Puno ng hope ang mga mata ni Euijin eonnie. Talagang crush niya si Youngjae sunbaenim eh. Kaso lang bawala magkaroon kami ng relationship kasi nakakadistract iyon at bago pa lang kaming nagdebut. At lalong bawal magkaroon ng relationship dito sa TS kasi magka-company kami.

"Kilala niyo ba si James Reid? He's an actor from the Philippines at sobrang hot at gwapo niya." Kilig na kilig naman si D.ana eonnie na nakatitig sa cellphone niya. Lahat naman kami ay na-curious kung sino iyon. Kaya sinearch namin.

"I-spell mo nga buong pangalan niya." Request ni Sumin eonnie kaya yung keyboard namin na-imbes ay naka Hangul, ginawa naming English.

"J A M E S R E I D"

"Kyaaaaaaaaaaaah! Punta nalang akong Philippines." Sigaw ni Minjae eonnie na nangingisay sa kilig. Sino ba namang hindi kikiligin kung sobrang gwapo at hot nga naman niya? Pati nga ako ay gusto ng lumipad patungong Philippines eh.

"Ay, mag-girlfriend na pala siya!" Dismayadong saad ko. Sayang naman. Pero ang ganda rin ng girlfriend niya. Bagay na bagay sila.

"Anong may girlfriend?!" Napatayo sa gulat si D.ana eonnie. Napahawak sa dibdib niya at nag-aacting na parang nasasaktan. Sobrang nasasaktan.

Natawa naman kaming lahat sa ginawa niya. Sabagay, kung malalaman mo na may girlfriend na pala yung taong gusto mo, syempre masasaktan ka at gusto mong maiyak ng sobra.

"Hindi bagay sayo hoy! Tumigil ka na." Saway ni Nahyun eonnie sakanya. Wala naman siyang nagawa kundi tumigil at maupo ng maayos. Dumating na rin kasi si Yeji eonnie at may binigay sa amin na mga letter.

Sa palagay ko ay para siyang invitation letter kasi may ribbon siya.

Ng matanggap ko yung akin ay agad ko itong inamoy. Ang bango! Invitation letter nga ito. Kulay pula siya at may glitters pa.

Bakit pa kailangan kaming papuntahin dito kung pwede namang ihatid sa amin ni Yeji eonnie ang letter na ito? Hindi pa siya masyadong mapapagod.

"Siguro naguguluhan kayo no? Basahin niyo lang yan at hindi na kayo maguguluhan. Pagkatapos niyong basahin ay may idadagdag ako."

Hindi ata to invitation letter kasi may idagdag siya diba?

Binuksan na namin yung invitation letter at nagsimulang basahin in chorus ang nakasulat. At sa simula ng letter ay nakasulat ang pangalan namin.

SONAMOO's New Sun,

      You are cordially invited on TS Entertainment's annual celebration of Valentines Day on the 24th day of February. You're presence is highly appreciated. Thank you!

         The Company's CEO

Wow. Meron palang Valentines Day celebration dito?

Nang matapos naming basahin iyon ay agad kaming napa-wow.

"Ball ang mangyayari sa Valentines Day at bawal kayong humindi."

Malamang ay bawal. Nakakahiya naman kung hindi kami dumalo.

"At may mga susuotin na rin kayo. Matagal ko na yung hinanda." Dagdag ni Yeji eonnie. She's amazing!

"Hindi po namin to palalampasin! This is our first time kaya bawal kaming hindi umattend." Sabi ni Sumin eonnie. Sa gilid ay kilig na kilig naman si Euijin eonnie kasi chance na raw niyang makasayaw si Youngjae sunbaenim.

"At kailangan niyo ring mag-invite ng partners pwede rin na hindi taga dito. You can invite a friend. Dapat ay lalaki ang iinvite niyo. Sabihin niyo lang sa akin kung sino at nang mabigyan ko kaagad ng invitation letter. Think now. Pagbalik ko, kailangang meron na. Arraseo?"

"Ne!"

Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Yeji eonnie.

"Malamang ay kung kailangan natin ng kapartner na lalaki, kailangan rin ng mga lalaki na babae? No! Kailangan kong pagsabihan kaagad si Yeji eonnie na si Youngjae oppa ang gusto ko." Saad ni Euijin eonnie at nagmamadaling lumabas.

Wala naman akong ibang mayaya na kaibigan bukod kay Mingyu. Yayayain ko ba siya? Baka kasi busy siya diba. At sa 14 pala! Yun ang araw na gusto akong makadate ni Sungjun. Siya nalang kaya ang iinvite ko para masabi ko na tigilan niya na ako. Gosh. Who will I choose?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top