Chapter 33

"Hey." Bati sa akin ni Mingyu nung nagkasalubong kami sa isang mall. Kasama ko pa rin si Yoongi.

"Cool." Sagot naman ni Yoongi at nag-fistbump sila. So assuming lang ako na ako ang binati niya.

"Saan na yung kasama mo hyung?"

"Nauna na. Nakita ko kasi kayo kaya pina-una ko nalang sila."

"Sana sumama ka nalang. Wala ka namang mapapala sa amin." Sabi ko at siniko naman ako ni Yoongi.

"Wag ka ngang suplada noona." Bulong niya sakin. Nakangiti lang si Mingyu na nakatingin sa amin.

"Ah..eh.. naisipan ko kasing makipag-usap muna sa inyo. Matagal na kasi tayong hindi nagkita. Noong pasko pa." Paliwanag niya.

"Pero mukhang busy ka ata tsaka late na. Babalik na rin ako eh."

"May 5 minutes pa kayong pwedeng mag-usap. Kaya sulitin niyo na. Aalis muna ako at kapag nakabalik na ako, time is up!"

Mabilis na tumakbo si Yoongi at nawala rin siya kaagad sa paningin namin. Well, anong pag-uusapan namin ni Mingyu?

"Upo kaya muna tayo Yoonsun?" Umupo kami sa isang bench. Sumunod doon ay isang mahabang tahimik. 2 minutes na ata ang nawala sa amin.

"Yoonsun, sampung albums akong binili ko." Umpisa niya. Para naman akong natameme sa sinabi niya. Wow rich kid.

"Thank you. Akala ko nakalimutan mo na ako."

"Sobrang busy ko lang talaga at nirestrict na gumamit kami ng cellphone." Suminghot siya kasi para siyang maiiyak. Gusto ko sanang matawa kaso tinago ko lang. Ayaw ko namang sirain ang moment niya.

"Nakakatampo lang talaga Mingyu. Hindi sapat ang pagbili mo ng sampung albums. Ikaw pa naman ang nag-iisa kong bestfriend tapos ayun nga."

Bukod sa medyo teary eyed siya, may napansin akong hurt sa mga mata niya pagkatapos kong sabihin iyon.

"Yoonsun may gusto sana akong sabihin sayo pero mukhang hindi ngayon ang tamang oras kasi ma-shoshort tayo sa oras. Medyo mahaba haba yung sasabihin ko at alam kong mahaba rin ang isasagot mo."

Sana dumating si Mateo Do ay ipahinto ang oras exempted kami ni Mingyu para naman ay mahaba ang pag-uusap namin.

"Okay." Yun nalang ang nasabi ko. Nakita ko na rin si Yoongi na papalapit sa amin.

"Salamat sa kunting oras Yoonsun. Ayokong tawagin kitang New Sun kasi matagal naman tayong magkakilala."

"Mas mabuti nga iyon."

"Malapit na pala akong magdebut. Sana bumili ka rin ng maraming album. At sana wag kang ma-gwapuhan sa mga kasamahan ko ha?"

Binigyan ko siya ng thumbs up.

"Annyeong!"

"Annyeong!"

----

Hinatid ko na si Yoongi pauwi at ako ay nagbus lang pabalik sa dorm. Mabuti nalang at wala kaming ginagawa sa ngayon at nakapagbakasyon ako kahit isang araw lang.

"Yoonsun?"

Nagmadali akong tumakbo sa malapit na street light at doon tumayo bago nilingon yung tumawag sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang bagpack na suot ko at naghahanda kung ano man ang mangyayari sa akin.

Narinig ko ang papalapit na yapak at naghintay lang ako ng tamang oras para tumakbo.

"Yoonsun!" Saad niya ng nakatayo na rin siya sa ilalim ng street light.

"Lee Sungjun?" Ngumiti siya matapos kong banggitin ang pangalan niya.

"Ang saya naman. Naalala mo pa pala ang pangalan ko." Lumapit siya sakin pero nasa 1 meter ang agwat.

"Hindi naman kasi ako makakalimutin. At paano ba kita makakalimutan kong tinulungan mo ako."

"Congrats pala! Napapanood kita sa tv. Ang galing mo. Ang galing niyo!"

Compliment ata yun kaya napangiti ako.

"Wala naman atang magdedebut kung walang talent diba? Nakakahiya kaya yun!"

"Tama ka rin naman. Nakita ko kayo ni Mingyu kanina sa may mall."

"Oh? Ba't di ka lumapit. Sana ay nagkakwentuhan tayong tatlo."

"Nakakahiya kasi. Tsaka baka magalit si Mingyu. Epal ako sa moment niyo. Hindi naman ako date crasher."

Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya na date crasher. Akala niya ba nagdadate kami ni Mingyu? Duh.

"Naku! You're wrong. Hindi kami nagdadate ni Mingyu kanina. Kasama ko kapatid ko tas umalis saglit kaya kami nakapag-usap dalawa at 5 minutes lang kami nakapag-usap."

"Ows? Kayo lang naman dalawa kaya date na yun."

"Bakit ba ganyan ka mag-isip?"

Hindi ko na namalayan na naglalakad na pala ako papuntang dorm namin at siya nakasunod pa rin.

"San ka pala pupunta?" Tanong ko kasi nakasunod pa rin siya sa akin. Hindi naman dito ang bahay niya. Magkapitbahay kaya sila ni Mingyu.

"Nagliliwaliw lang."

"Gageu. Hahaha."

"Ikaw san ka pupunta? Gabi na. Dito ba bahay niyo?"

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko bang sa dorm ako papunta. Baka kasi mapagalitan ako ni Yeji eonnie. Ayoko naman na may makaalam na hindi alam ng ibang members.

"Secret. Hindi ko pwedeng sabihin." Baka kasi masama kang tao? Hehehehe

"Bakit naman? Ayaw mo bang malaman ko ang bahay niyo?"

"Baka kasi ano.. may magagalit kapag sinabi ko tsaka private siya."

"May sekreto ka ba na tinatago?"

"Wala ah. Sadyang hindi lang pwede."

Mga ilang blocks na ay makakarating na ako sa dorm. Dapat ay umalis na itong si Sungjun.

"Seryoso, san ka nga pupunta?"

Naging seryoso ang mukha niya at tinitignan ako sa mata ng mabuti.

"Gusto kasi kitang maka-usap." Lumulutang ata ang utak ko sa ere kasi wala ako maisip. Seryoso ba siya sa sinasabi niya?

Iibahin ko nalang ang usapan para hindi maging awkward ang atmosphere.

"Naka-usap mo naman ako kaya pwede ka ng umalis. Gabi na baka may mang-hold up sayo tsaka maaga pa ako bukas. You know, my life is different now. Mag-ingat ka sa pag-uwi ha?" Pero hindi siya nagpatinag. Sinusundan pa rin ako sa paglalakad.

"Bingi ka ba?" Hindi ko na napigilang hindi maging sarkastik. Nakakainis eh. Sabi ko uwi na pero wala pa rin.

"Nakakakaba ka naman New Sun." Bigla akong nakaramdam ng ibang feeling sa pagtawag niya na New Sun. Hays. Dapat masanay na ako.

Ini-snob ko siya ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Malapit na talaga ako sa dorm namin at kailangan niya ng makaalis. Hindi naman ako pwedeng lumampas kasi wala na akong alam sa lugar na yun.

"May gusto sana akong sabihin sayo at sana paunlakan mo ako."

Hindi na akong nag-abalang magtanong pa kung ano-ano. At hinintay na lang na magsalita siya.

"February na ngayon diba? Ibig sabihin malapit na ang Valentines Day. Ilang araw nalang at araw na ng puso kaya gusto sana kitang yayain sa February 14."

Naputol ata ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita. Totoo ba yung narinig ko?

"Ayos ka lang? Ayos ba sayo New Sun?"

"Ah..eh.. bakit mo naman gustong makipagdate sa akin?"

Hala? Bakit ko yun natanong. Mas lalo lang yung nakakahiya!

Imbes na nakaharap ako sakanya ay tumalikod ako. Hahakbang na sana ako kaso nagsalita ulit siya.

"Gusto kasi kita."

HALAAAAAAAAA!!!!
O______________________________O

***

Please watch the multimedia above!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top