Chapter 32

Celebrity na talaga ang turing sa amin ng mga tao. Tsaka nafeel na rin namin ang pagiging celebrity dahil maraming mga tao ang kumakaway sa amin kapag nakikita kami at maraming mga camera na nakatutok sa bawat galaw namin.

Isang buwan na simula nung nagdebut kami at natapos na rin yung promotion namin. Sa ngayon ay nagphophotoshoot kami para sa magazines o di kaya'y CFs.

Naging maligaya ang promotion namin dahil may mga nakilala rin kaming mga groups na naging kaibigan. Nakatanggap na rin kami ng sweldo at nilibre ko si Yoongi. Noong una ayaw pa niya pero kalaunan ay napapayag ko rin. Hindi ko alam kung anong meron kay Yoongi kung bakit nahihiya siyang kasama ako pero napagtanto ko naman iyon nung one time ay nilibre ko siya.

"Saan mo ba gusto mahal kong kapatid?"

"Sa mamahalin noona. Yunh hindi mo afford."

"Aba! Anong akala mo wala akong pera?"

Nasa loob kami ng bus ngayon at nagtatalo.

"Noona bakit hindi ka naka-cap or shades or mask man lang? Baka guluhin ka ng mga tao ha. Mapwepwerhisyo pa ako."

Bigla kong napagtanto na tama siya. Wala nga pala akong dala. Nakalimutan ko. Nakita ko naman na may suot pala siyang cap kaya kinuha ko iyon.

"Pahiram muna Yoongi ha. Ililibre naman kita ng pagkaing hindi ko afford okay?"

Hindi na siya nagreklamo pa at tahimik lang sa tabi ko.

Pagbaba namin ng bus ay hindi ko ianaasahan na may makakakilala sa akin. Kinawayan ko at nginitian. Baka akalain pa na snob ako at maging headline pa sa allkpop, koreaboo, soompi at kpopstarz!

May nanghingi rin sa akin ng photograph. Doon mismo sa babaan ng bus ha. Kaya maraming tao na rin ang naki-usyoso at nanghingi na rin ng autograph at nagpapicture. Hindi na rin mahagilap ng mata ko si Yoongi dahil biglang nawala.

Hindi pa rin nauubos ang mga taong lumalapit sa akin. Shocks! Instant fansign event na ata eto eh. Kailangan ko ng security! g0$h

Natigil naman bigla ang mga taong ng may mga police na dumating. Kinabahan ako bigla kasi baka may nagreport sa akin na nag-uumpisa ng gulo tsaka dito pa sa public area na walang pahintulot. Ayaw ko nga sabing magka-scandal! Eto na ata ang biggest nightmare ko na ayaw kong mangyari.

"Noona halika na. Sila na ang bahala jan."

Napaginhawa ako ng makita ko si Yoongi at kinuha ako sa mga taong pumapalibot sa akin. Akala ko na ako yung puntirya ng mga pulis! Mabuti nalang at andyan sila para matulungan ako.

"Paano nakarating ang mga police dito Yoongi? May nagreport sa akin?"

"Gamit yung police car nila malamang."

"Wag mo nga akong anuhin! Nagtatanong ako ng matino, tas ikaw hindi mo ko sasagutin ng matino."

Wala siyang imik at patuloy lang akong hinihila. Hindi ba siya naawa sa noona niya?

"Ang mahal kong kapatid walang tenga."

"Meron kaya."

"Wala rin siyang dila."

"Meron kaya."

"Wala siyang ligo."

"Mabango ako."

"Hindi siya pogi."

"Hindi ka rin maganda."

"Sinong tumawag sa mga pulis?"

"Ako."

"Is it real? Ikaw ang tumawag sa mga police para tulungan ako sa mga taong dumagsa sa akin?"

Hindi niya ako sinagot at naghanap ng table sa cafe na pinasukan namin. Nahihiya lang talaga itong kapatid ko. Ayaw niya maging vocal! Feeling ko torpe itong kapatid ko. Kawawa naman siya no? Hindi siya vocal na pagka-tao edi hindi niya masabi yung feelings para sa mahal niya. Ayieeee. Di ko ma-imagine na may nagugustuhan pala itong si Yoongi. Parang it's a miracle! Magpapa-fiesta talaga ako para lang doon.

Naka-upo na kami sa table at siya na yung nag-order. At wow. Ang pinaka-expensive talaga ang inorder niya. Ibabankrupt ata ako.

"Yoongi, neomu kamsahaeyo! Kung hindi mo tinawag yung mga police malamang hindi ka pa makakakain nitong pinakamahal na pagkain dito."

"Tss." Pa-cold tong si Yoongi ah. Feeling gwapo na cool sarap sakin. Mukha namang pakboii 😂.

"I really appreciate your deed my dear kapatid. Ikaw na ang best kapatid in the whole wide world. Concern ka sakin pero hindi mo lang masabi. Action is better than words ika nga. Pero reminder lang Yoongi. Kapag may nagustuhan ka, wag kang maging torpe okay? Dapat isigawan mo sa kanya na gusto mo siya. I didn't mean na literal mo siyang sigawan sa harap niya baka maturn-off siya sayo at sampalin ka. Kawawa ka naman kung ganon. But Yoongi, you made my heart melt. Sa simple mong gesture ay isa na yung malaking bagay sa akin. Kahit na gagawin mo ata akong pulubi ngayon, it's alright. Love ka kasi ng noona mo. Hihi. Sana love mo rin ako."

Ang haba ng sinabi ko pero poker face lang si Yoongi. Wala talagang respeto sa noona niya. Nakakasad!

"Magsalita ka naman hoy."

"Ayoko nga."

"Ikaw magbabayad nito kapag hindi ka magkwento."

"Wala naman akong ikukwento."

"Boring naman ng buhay mo."

"Boring ka kasing kapatid. =__="

Wow!? So ako pa ang dahilan kung bakit boring ang buhay niya.

"Mas boring ka kasi hindi ka masyadong nagsasalita. Walang magkakagusto sayo."

"Lalo namang hindi sayo magkakagusto si Mingyu hyung."

"Bakit naman siya nasali sa usapan natin?"

Walang hiya talaga itong Yoongi na ito! Makakarealize din to pagdating ng panahon.

"Crush mo siya noona?" Napatulala ako sa sinabi niya. Nagblink blink pa yung mata ko.

"Wag kang mang-akusa kung hindi naman totoo."

"Nagtatanong ako. Hindi nang-aakusa. Bobo ka ba?"

"Wala kang karapatan na sabihan ako ng bobo ha! Lagot ka kay eomma at appa mamaya. Isusumbong kita."

"Isusumbong din kita kay Mingyu hyung na wala kang crush sakanya. Iiyak yun panigurado at friendship over na kayo."

"Shut up!"

Hindi naman malakas yung pagtatalo naming dalawa dahil nakakahiya iyon at mapalayas kami. Worst ay i-ban.

"Gusto mo akong pagsalitain ngayon ay pinapatahimik mo ako. Jinjja?!" Inis na sabi niya.

"Cr muna ako noona." Tumango ako at ininom yung frappe ko. Tumingin ako sa labas. Kita naman kasi clear glass kaya kita ang mga tao sa labas.

Nakakuha ng pansin ko ay apat na lalaking naglalakad. Parang mga model lang sa kalsada na may photoshoot ah. Pinagtitinginan din sila ng mga tao sa labas. Yung isa ay parang half korean lang. Tinuon ko ang pansin ko sa isang lalaki dahil mukhang familiar. Sideview lang kasi yung nakikita ko sa kanya at hindi rin siya lumilingon.

"Sino ang tinitignan mo diyan sa labas?" Nakabalik na pala si Yoongi at tumingin din sa labas.

"Si Mingyu hyung yung isa diyan ah. Kaya pala nakatingin ka sa labas."

Ows? Si Mingyu yun? Kaya pala familiar. Pero bakit may kasama rin siyang tatlong gwapo? Siguro kasamahan niya sa entertainment nila.

"Wag kang mag-alala noona. Sasabihin ko kay Mingyu hyung na may crush ka sakanya! Tsaka boto ako sakanya!" Hyper na saad niya.

***

HELLO! PLEASE WATCH SONAMOO'S COMEBACK MUSIC VIDEO ENTITLED I (KNEW IT). IT'S OWSUM! THANK YOUUU AND SEVENTEEN'S CLAP!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top