Chapter 31

New Sun's POV

Sobrang kabado kaming lahat dito sa likod ng stage. Ngayong araw ang debut showcase namin at syempre hindi mawawala ang kaba kasi first time namin magperform as a group na live.

Noong December 28 narelease yung music video namin at hindi na kami nakapag-bagong tanong kasama ang pamilya namin kasi bumalik kami kaagad sa pagtratrabaho. January 3 na ngayon. Kami ata ang pinaka-unang magdedebut ngayong taon. Sana lang talaga makilala kami.

Music Video:


Tuwang tuwa kami nung pinanood yung music video namin na Deja Vu. Masaya kami dahil na-meet naman namin ang expectations ng mga tao. Marami ring ibang nationalities na nagustuhan kami. Sabi nila daebak!

"Isipin natin na para sakanila ang lahat ng ito okay? Wag na tayong kabahan para maging successful to. Fighting!" Pagpapalakas loob samin ni Sumin eonnie.

"Fighting!" Sigaw naming lahat. Nagsimula na kaming kumalma at hinihintay nalang na tawagin ang grouo name namin para magperform.

"SONAMOO!" Sabi nung MC. At pagkasabi niya nun, bumukas na yung humarang sa amin at naglakad na kami patungo sa stage. Hindi talaga maiwasan na hindi kabahan. Ayokong madis-appoint ang mga fans namin dito na nanonood.

Nagsimula ng tumugtog ang kanta namin at cue na iyon para magsimula na kami. Kami ang nauna ni D.ana eonnie sa intro.

[D.ana] Yeah, Legendary
[New Sun] TS
[D.ana] Uh Huh, Come On, That's The Way
[New Sun] Ah! Ah! Young & Fresh, Let's Go!

Inenjoy lang namin ang buong stage performance. Gustuhin ko mang kabahan pero hindi pwede. Lahat ng mga fans namin na nandito ay nakakapagbigay ng saya sa akin at feeling ko ganun rin naman ang iba.

Sinayaw naman ang kanta na pinapakita ng best namin. May mga lines din sa kanta na sinasabayan ng mga fans. Nakakatuwa talaga sa feeling ang ganun. Gusto ko sanang kumaway pero hindi pwede baka masira sayaw namin. Hehehe

Todo hataw kami sa part na walang lyrics. Yung break dance. Hinihintay namin talaga yung pag-split nina Nahyun, D.ana at Euijin eonnie. Highlight din siya ng choreography namin. As expected na-amaze naman ang sobra ang mga audience. Hindi ata inaasahan na may ganun na mangyayari.

Debut Showcase:


Nang matapos na namin ang buong kanta ay hinihingal kami sa pagpose sa last na. Ofcourse with our smile wide open na nakatingin sa mga audience. Hindi ko lang inexpect na may makikita akong tao na manonood sa akin o sa amin at may dala pang banner. Guess kung sino? Si Somi at Hyojung. Baka naligaw lang sila dito at pinulot lang ang banner na bitbit nila sa may daan kanina dahil concerned Korean citizens sila kasi naman napaka-imposible.

Yung dating inaaway ako ay sinusuportahan na ako ngayon. Sabi nga nila na the only thing that is constant is change. Baka nagbago na talaga sila at narealize ang mga kamalian. Sana naman ay maganda ang purpose nila sa pagpunta rito at hindi magkalay ng negative tungkol sa akin.

Gaya ng ibang audience, ang ngiti nilang dalawa ay parehong-pareho sa iba. Kung totoo man na supurtado nila kami ay malaking bagay iyon na ikakasaya ko.

Bumalik na ulit kami sa backstage dahil may ibang grupo na naman ang magpeperform.

"Good job girls!" Salubong sa amin ni Yeji eonnie sa backstage. Kasabay namin siyang naglakad papuntang backstage at todo praise siya sa ginawa namin.

"Gusto ko ng sumabog sa kaba kanina! Malaking pagpipigil ang ginawa ko talaga kanina."

"Ako naman ay gustong lapitan at yakapin ang mga fans dahil nata-touch talaga ako sakanila."

"Tapos ang cool nung spit fire here we go ni New Sun at D.ana! Sobrang astig!"

Napatawa naman kami ni D.ana eonnie tsaka ginawa ulit namin ang linya na iyon na tinawanan naman ng lahat.

"At dahil successful ang debut showcase niyo, kakain tayo sa labas!"

Last time na kumain kami sa labas ay may nagawa akong hindi kaaya-aya kaya I will not drink!

"Cheers!" Tinaas namin ang basong hawak namin at tinungga iyon ng sabay. Juice lang yung sa aming lahat kasi may schedule pa kami bukas. Hindi maaaring maglasing dahil mapapagalitan kami ni tito Taesung! Magkaroon pa ng scandal.


"Wait lang po. Sasagutin ko muna yung tawag." Paalam ko kay Yeji eonnie. 6pm pa naman at dapat maaga rin kaming matulog. Baka mamaya ay matatapos na rin yung celebration namin.

"Eomma?"

"Napanood ka namin kanina sa tv!"

Halata sa boses niya na natutuwa siya tsaka feeling proud sa akin. Napangiti naman ako.

"Ano ma? Magaling ba ako?"

"Syempre naman! Ang galing niyong lahat. Tsaka tama rin na pinasok kita jan diba anak? Mapapasaya mo ang maraming tao."

"Kamsahaeyo eomma! Pagbubutihin ko pa po lalo tsaka wag kayong mag-alala sakin dahil aalagaan ko ang sarili ko at hindi ko pababayaan ang kalusugan ko."

"Si Yoongi nga kanina ay todo cheer sayo eh."

"Hindi yun totoo!" Pa-epal ng kapatid ko. Sigurado naman ako na todo support din siya sakin.

"Wag mo ng i-deny Yoongi. Tsaka ililibre kita kapag nakuha ko ang una kong sweldo. Ayaw mo ba nun?"

"Wala akong pake." Sagot niya. Tumawa naman sa kabilang linya si eomma.

"Si Yoongi bumili ng limang album at yung appa mo sampu. Tsaka ako isa lang."

"Di nga ma? Talaga bang bumili sila? Tsaka san naman kumuha si Yoongi ng perang pambili?"

"Sa akin kaya nga isa nalang ang nabili ko dahil lima ang binili niya. Kahit na hindi kayo magkasundo ay mahal niyo pa rin ang isa't isa. Nasisiyahan ako anak dahil pinaparamdam niyo sa amin ng appa mo na hindi kami nagkamali at nagkulang at pagpapalaki ninyo ni Yoongi."

"Eomma! Wag ka ng magdrama baka maiyak pa ako. At baka may paparazzi na nakasunod sa akin at ma-issue ang pag-iyak ko."

"Wag kang feeling anak."

"Saranghae eomma."

"Nado saranghae."

Pumasok ulit ako sa pinagkainan namin at inubos ang natira kong pagkain. Mabuti nalang at hindi pa rin sila tapos sa pagkain kaya nakakain pa ako. Nakakahiya naman na magpapa-antay akong matapos.

"Saranghaneun Sonamoo saengil chukha hamnida ~!"

Kita sa mga mata namin ang excitement. Sana ay makaraos kami at maging successful sa susunod na taon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top