Chapter 29
Masaya kaming kumakain sa hapagkainan kasama ang iba naming mga relatives. Wala ngayon si Tito Taesung kasi nag-out of the country sila ng pamilya niya. Sa Philippines nila napiling pumunta tsaka Siquijor ata yung pupuntahan nila.
(A/N: Lels. Palagi nalang kasing Cebu at Bohol pumupunta ang K-Stars eh ㅠㅠ)
"Eonnie! Kelan ba ipapalabas yung music video niyo?" Tanong ng isa kong pinsan na katabi kong kumakain.
"Hintayin mo nalang. Mashoshookt ka kapag nakita mo yun."
"Waaaaah! Jinjja?! Aabangan ko yan. Sana hindi midnight yan ipapalabas. Katamad kaya maghintay ng midnight."
"Wag kang mag-alala. I-susuggest ko yan sakanila kapag bumalik na ako doon."
Pinasalamatan niya ako ng todo. Gusto niya daw kasing maging supportive cousin in the whole wide world.
"Yoonsun eonnie.. isang daang albums ang bibilhin ko!" Excited siya sa pagkasabi nun. Para namang marami siyang pera sa wallet niya.
"Wag mo nga yang paasahin. Maawa ka naman sa kanya." Sambat ni Yoongi. Wow. Nag-alala ba siya sa akin? Unexpected.
"Pinaglalaban mo ba ako sakanya Yoongi?" Nginitian ko siya tapos mukha naman siyang na-annoy. Kahit na kumakain kami ay nagchichikahan parin. Ganun din naman yung mga matatanda. Pinaglapit kaming mag-pipinsan ng upuan.
Sinamaan niya ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain niya. Ganun na rin kami para tuloy tuloy na yung pag-uusap namin mamaya. Tsaka mga 11:45 kami natapos kumain.
"Ready na ba yung fireworks?" Tanong ng isa kong tito.
"Opo tito. Nai-pwesto na namin kanina yung pitong fireworks."
Sinet-up na namin kanina yung fireworks at iba pang legal na paputok.
Nasa labas kami ngayon ng mga pinsan ko kasama na rin si Yoongi. Naghihintay na mag alas dose na para maisigaw namin ang "Merry Christmas!"
"YOONSUN!" Sigaw ni mama na nakatayo sa pintuan. Tumakbo ako papunta sakanya. Baka may gustong i-utos tutal mabait naman ako ngayon.
"Kanina pa tumatawag si Mingyu. Wag mong iwan yang cellphone mo dito sa loob. Baka may importanteng sasabihin yan."
Kanina pa pala daw tumatawag pero naka-isang missed call lang.
To Mingyu-ssi:
Busy ako.
From Mingyu-ssi:
Alam ko.
To Mingyu-ssi:
Aba!
From Mingyu-ssi:
Gwapo ko.
To Mingyu-ssi:
K.
From Mingyu-ssi:
Ba't di ka interesado sa kagwapohan ko? :"(
To Mingyu-ssi:
Sad. 😣
From Mingyu-ssi:
Merry Christmas :)
"MERRY CHRISTMAAAAAAAS!!!" Umingay na yung paligid kasi December 25 na. Isa isa naming ginigreet ang isa't isa at nagsimula ng magbigayan ng regalo. Pagkatapos naming magpaputok pumasok na kami nagtambay sa sala.
Nakatanggap ako ng iba't ibang cosmetic products at iba pang mga damit na pwede kong magagamit. Kelangan ko raw kasing magmukha ng maganda araw araw para maging proud naman sila sa akin. Huhuhu ako yata ang ginagago nila eh.
Tumayo sa harapan ko si Yoongi at may bitbit na susi. Nakasmirk siyang nakatingin sa akin. Nagfefeeling shock naman ako sa harapan niya.
"Bakit may susi ka?"
"Malay ko ba. Ito ang natanggap kong regalo kay eomma eh."
"Luh! Bakit ka naman bibigyan ng susi?" Gusto ko na sanang matawa ng malakas pero pinigilan ko lang. Shattap muna ako.
"Bibigyan niya ata ako ng motor o di kaya ay car."
"Hala! Ang unfair naman!" Pa-sad effect pa ako.
Yung mukha ni Yoongi ay feeling proud. Sarap niya gisingin sa katotohanan eh.
Ako talaga yung nagbigay ng susi kay Yoongi. Tapos nilagyan ko lang ng pangalan ni eomma yung card sa gift wrapper. Wala kasi akong maisip na ireregalo sakanya tapos dinuplicate ko lang ang susi na yun sa susi ng car namin. Kawawang Yoongi.
Nainis naman ako kasi vibrate ng vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa. Puro mga messages ni Mingyu ang laman. Nasa 20 messages ang nareceive ko galing sakanya at puro hoy ang alam.
To Mingyu-ssi:
Merry Christmas ;)
From Mingyu-ssi:
Kilig naman ako :---)
To Mingyu-ssi:
Shattap.
From Mingyu-ssi:
Pasko na. Gwapo ko pa rin.
Hoy?!
-
Aba!!
-
Merry Christmas!
-
Mamasko ako dyan Yoonsun.
-
Pasko na snob ka pa rin.
-
Djk. Ganda mo kaya.
To Mingyu-ssi:
Pasko na, kagwapohan mo parin iniintindi mo. Magsimba ka naman minsan.
From Mingyu-ssi:
WOW \*_*/. Taas ng reply mo.
To Mingyu-ssi:
Makla ka ba?
From Mingyu-ssi:
Hindi. Napagtanto ko nung kiniss mo ko.
Pumunta ako sa contacts at in-edit ang pangalan niya. Nanggigil kasi ako sakanya eh.
To Mingyu:
Aba!
From Mingyu:
Aba pt.2
-
Joke lang. He he he he
To Mingyu:
❌ To Joke
From Mingyu:
Wag kang magpakalasing.
To Mingyu:
Minor pa ako.
From Mingyu:
Concern lang ako baka kasi pumunta ka dito sa bahay ng lasing at nakawan mo na naman ako ng kiss. He he he he. Ang lamig kaya baka ano pang magawa ko sa yo. ✌✌
To Mingyu:
😈😈😈😈
From Mingyu:
Pero gusto ko talaga malasing ka. He he he. Pagprapray ko na ba?
To Mingyu:
I-pray mo.
From Mingyu:
Okay start na ko.
Nilagay ko muna sa bulsa yung cellphone ko at kinuha yung DSLR na nasa kwarto ko at nagpicture picture kami ng family. Para naman may memories kaming makita in the future.
Napansin ko si Yoongi sa may sulok at parang malalim ang iniisip. Hawak hawak niya pa rin yung susi na regalo ko pero di niya alam na ako ang nagbigay. Nagiguilty tuloy ako! Pero not totally kasi may iba naman akong regalo na binigay sakanya. Syempre kahit di kami magkasundo love ko pa rin siya.
"Tita thank you sa regalo mong limang dress!"
"Walang anuman Yoonsun. Basta ikaw!"
"Blanc and Eclare pa talaga tita ha! Love na love talaga kita." Niyakap ko siya. Siya talaga fave tita ko sa lahat. Hindi natatakot gumastos ng mahal.
Nagpasalamat rin ako sa iba ko pang mga tita, tito at pinsan sa mga binigay nilang regalo sa akin.
"Mga bata, mauna na kayong matulog. Mag-a-outing tayo bukas." Napa-yes namin kaming lahat at nagsipuntahan na sa mga kwarto. Dalawang pinsan ko na babae at isang lalaki ang natulog dito sa kwarto ko kasi tatlo lang yung guest rooms namin.
Sa sahig lang matutulog yung pinsan kong lalaki kasi masikip na dito sa kama ko.
"Good night Yoonsun. Good night Taeha. Good night Minhyuk."
"Good night eonnie/noona Taehee."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top