Chapter 28

Pinagbuksan ko ng gate sina appa. Hindi naman sila nagtagal dahil nakauwi agad. Siguro ay hindi masyadong malaki ang sugat ni Yoongi.

Pagkababa nila ay inalalayan siya ni eomma. Naka-bandage na yung kaliwang tuhod niya.

"Kamusta feeling mo Yoongi?"

"Feeling gigil mo si ako!" Bulyaw niya sakin at nilagpasan ako. Okay? Di ko yun expect ah. Napansin ko naman ang hagikhik nina eomma at appa. So pinagtutulungan nila ako? Ganun?

"Anong oras na anak?" Tinignan ko naman yung orasan na nakasabit. Naghihiwa kasi si eomma ng mga lulutuin para sa Noche Buena namin mamaya. Eh hindi ko naman alam kung paano ihiwa yun exactly. May naitulong naman ako. Ako yung naghiwa ng spices kanina.

"Hmm.. exactly 5pm po."

"Akala ko alas sais na. Pupunta pala dito yung iba mong mga pinsan. Dito daw sila magnonoche buena."

So ibig sabihin marami kami dito mamaya. Excited na ko kasi matagal ko na rin silang hindi nakikita.

Dinouble check ko yung mga regalo kung complete ba lahat at walang hindi mabibigyan mamaya sa mga pinsan at aunts and uncles ko. Nilagay ko na rin yung regalo ko para kay eomma, appa at Yoongi. Sila eomma na ang bumili ng pangreregalo sa mga pinsan ko mamaya.

Sinet-up ko na rin yung long table namin para sa amin mamaya para malaki ang maiambag ko sa paskong ito. Naglagay narin ako ng mga prutas na iba't ibang klase na bilog tapos may mga plato na na-inilagay ko at spoon and fork.

Pinalakpakan ko ang sarili ng natapos ko na. Inihanda ko na rin yung mga drinks na iinumin namin mamaya.

"Ang sipag naman ng anak ko. Sabagay, iba na ang kakabusyhan mo sa mga susunod na araw."

Napailing naman ako sa sinabi ni appa pero napangiti rin. Atleast nakita niya effort ko!

"Nagmana kasi ako sa inyo na masipag at matulungin." Biro ko sakanya na ikinatawa niya.

"Seryoso ako pa!" Pagdadabog ko. Wala na rin siyang nagawa kundi tumigil sa pagtawa at yakapin ako.

"Merikurisumasu!" Bati niya sakin. Binati rin niya ako pabalik. Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina para makita kung ano ang ginagawa niya.

"Malapit na po ba kayong matapos jan?"

"Marami pang kulang anak. Alam mo na, marami tayong kakain mamaya. Pero tatlong putahe lang naman ito. Magdadala rin daw sila ng pagkain."

"Yeobo, nanghihingi si Yoongi ng cake." Naparoll eyes naman ako. Sarap talagang sapakin ni Yoongi. Si appa pa talaga ang inutusan. Pwede naman siyang pumunta rito ah. Hindi kaya siga baldado. Feeler talaga yung kapatid ko. =___=

"Kunin mo sa fridge yeobo. Isang slice lang kunin mo. Hindi bayan makapaghintay mamayang hating gabi?"

"Ayaw niya daw lumabas mamaya. Nahihiya siyang makipagkita sa mga pinsan niya."

"Anong namang ikakahiya niya? Eh hindi naman mukha niya yung nadisgrasya!"

Lumapit si appa sa fridge at hinahanap yung cake. Pansin ko lang eh wala namang cake jan nung naiwan ako at nung umuwi sila wala naman silang bitbit. Mga groceries lang yung dala nila.

"Wala naman yeobo eh." Saad ni appa.

"Wala ba? Hindi ba natin nakuha kanina?"

"Sa mall lang tayo naman nagstop over kanina."

"Ay oo nga pala!" Napalingon naman si eomma sakin at nagets ko na kung ano. Ako yung uutusan na kumuha nung cake. Wala naman akong magagawa kundi sundin. So this is life?

"Appa, idridrive niyo ba ako?" Nagbabasakali na sana ay samahan niya ako.

"May mga aasikasuhin pa ako Yoonsun eh. Magtaxi ka nalang okay? Mag-ingat ka." Hinatid lang niya ako sa labas ng gate.

Suot ko ay isang makapal na coat, nakaboots,nakagloves at nakabonnet. Winter kasi kaya sobrang lamig. Alas sais na rin kaya mas lalong lumamig yung simoy ng hangin.

Nakahanap rin ako ng kotse na masasakyan kaagad papunta sa isang pastry shop na inorderan ni eomma. Hindi naman sobrang layo kasi 20 minutes lang naman ang byahe.

Lumabas na ako ng taxi at nagbayad.

"Good evening mam. Ano pong atin?"

Ngayon ko lang napagtanto na mabuti hindi sila nagclose eh magchrichristmas eve na. Baka double pay ang mga trabahante dito.

Binati ko rin ang babae pabalik. Medyo nasa 20s pa ata siya.

Pinakita ko yung resibo ni eomma sakanya at agad naman siyang pumunta sa counter para macheck.

"Hindi niyo pa po pala nakuha?" Malamang hindi pa. Pupunta ba ako rito kung nakuha na?

"Nakalimutan kasi ng eomma ko na kunin eh."

"Wait lang po mam. Hahanapin ko lang po yung cake niyo."

Umupo ako kasi ayokong mangalay yung paa ko. Mabuti nalang meron silang waiting area kung saan pwedeng magtambay yung mga customers.

May nakita naman akong babae na medyo bata pa ata sakin ng tatlong taon, mga 15, na gusto atang lumapit sakin? Hindi ako feeler ha pero feeling ko talaga gusto niyang lumapit sakin. Nginitian ko nalang siya at nag-lighten naman yung mukha niya nung nginitian ko siya. Unti-unti ay lumapit siya sakin tapos yung kamay niya ay nakatago sa likod.

"Annyeonghaseyo New Sun!" Bati niya at nagbow pagkatapos. Dahil sa gulat ay napatayo ako. Paano niya nalaman yun?

"Susuportahan ko po yung Sonamoo forever!" Malaki yung ngiti niya at dun na ako may narealize. Oo nga pala. Nagrelease na ng teasers namin at malamang may makakita. Nakita nga rin ni Mingyu eh.

"Kamsahaeyo!" Nagbow rin ako. Ganito pala feeling kapag na may makakakilala sayo. Medyo nafeel ko rin ang pagkahiya.

"Pwede po bang makapag-autograph?" Nakakakilig pala kapag may manghihingi sayo ng autograph! Hindi ko malilimutan ang araw nato kasi ito ang kauna-unahang may nagpa-autograph sa akin.

Nagdadalawang isip pa ako kung ano ilalagay ko pero nilagyan ko lang ng New Sun na pacursive tsaka may Sonamoo na word sa baba. Hindi rin naman mawawala ang heart heart.

"Neomu neomu kamsahaeyo!"

"Walang anuman. Ikaw pa ang una kong napirmahan."

"Jinjjaru?! Waaah!! It's a great privilege po!" Dahil sa bugso ng damdamin ay niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya.

"Moora mahiya ka naman!" Suway nung babae na nag-entertain sakin kanina. Tumakbo naman palapit sakanya si Moora at bumulong dito. Mukhang ako yung pinag-uusapan nila. Nanlaki naman ang mata nung babae tsaka nilapag yung dalawang box ng cake.

"Pwede po bang magselca tayo?" Hindi naman ako madamot kaya nagselca kami.

(A/N: Selca means selfie in Korean)

"Hindi ko po kayo narecognize kaagad kanina dahil yung cake lang naman ang laman ng utak ko. Mabuti nalang namukhaan kayo ng kapatid ko. Nagagalak po akong makita kayo ng personal. Susuportahan po namin kayo forever at excited na po kami na makita ang music video po!"

"Salamat ng sobra. Aasahan ko ang support niyo sa amin ha? Ikukwento ko rin to sa ibang members."

"Sige po. Salamat!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top