Chapter 27

"Eomma!!! Appa!!!" December 24 na ngayon at kararating ko palang sa bahay namin. Puno na ng decoration ng iba't ibang styles at color ang nakasabit at nakadikit sa bahay namin. Meron ding nakatayo na 4ft na Christmas tree na kulay green at may star sa tuktok nito. Pinalibutan naman ito ng mga bulaklak, christmas balls at tsaka ceres lights. Sa ilalim naman ay isang pabilog carpet na dito nakapatong yung christmas tree at may mga regalo doon.

Si appa ang unang sumalubong sakin. Feeling ko nasa kusina si eomma at nagluluto kasi naaamoy ko ang niluluto niya.

"Mabuti at umuwi ka na Yoonsun! Miss na miss ka na ni appa." Yumakap ako kay papa at sinabi ring namiss ko siya. Sabagay ilang buwan ba akong hindi tumira dito sa amin.

"Abbeoji! Huhuhu!" Pinatahan naman niya ako kasi medyo umiyak ako ng kunti. Na-overwhelm lang siguro ako kasi sinabi niya sa akin na namiss niya ako.

"Kamusta yung dekorasyon ng bahay natin?" Ngumiti ako ng malaki at nag-thumbs up sakanya. Umaliwalas naman ang kanyang mukha.

"Naku anak! Ako ang gumawa ng lahat ng ito kasi tinamad ang eomma mong magdecorate at si Yoongi naman ay panay longboard lang ang inaatupag."

Namangha naman ako sa sinabi ni appa kasi siya lang daw ang nagdecorate ng lahat ng tao. Noong nagdaan kasing mga pasko ay kami ni eomma yung nagdedecorate. Tinutulungan naman niya kami dahil hindi namin abot yung kisame ng bahay namin at tagabuhat na rin siya.

Pinarating ko sakanya na sobrang galing niya sa pagdecorate at sobrang laki naman ng ngiti ni appa.

"Marunong palang maglong board si Yoongi?"

"Dalawang linggo na niya iyang ginagawa. Naghahanap daw siya ng bagong hobby." Tumango ako at nagpaalam na ibabalik ko muna sa kwarto yung mga gamit ko.

"Anak, ako na." Presenta ni appa at hindi naman ako nagpahard to get. Nagpasalamat ako sakanya ng todo at dumiretso sa kusina.

"Eomma!" Nasurpresa ko ata siya kasi nahulog yung bottle ng tuyo na ilalagay niya ata sa niluluto niya. My bad.

"Yoonsun wag kang manggulat. Ayan tuloy may lilinisin kang kalat." Saad niya at naghanap ng toyo sa cabinet.

"Eh si Yoongi na palinisin mo ma. Wala naman atang natutulong yun dito." Reklamo ko. Nakakatamad kayang maglinis at hindi ko type maglinis.

"Tsaka eomma, hindi mo ba ako namiss? Mabuti pa si appa sobra akong namiss ㅠ^ㅠ." Niyakap ko siya sa likod.

"Mamaya na kita i-miss! Tatapusin ko muna tong niluluto ko para makakain ka. Niluto ko talaga to para sayo."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Sweet naman ng mama ko. Mainggit si Yoongi! Hahaha. Kiniliti ko naman siya sa tagiliran niya kaya tinampal niya yung kamay ko.

"Ano ka bang bata ka! Kitang may ginagawa ako eh. Paano kung ipakain ko sayo ito ng hindi natatapos?"

"Jeoseonghamnida eommeoni." Apologize ko at naging quiet na ako. Hahanapin ko nalang si Yoongi para maglinis.

Pagkalabas ko sa kusina, balak ko sanang puntahan si Yoongi sa kwarto niya baka kasi dun siya nagtatago dahil ayaw niya akong makita.

"Nakauwi ka na pala noona?" Napalingon ako sa maindoor at mukha agad ni Yoongi ang nakita. Bakit ba naging kapatid ko to eh ang pangit ng mukha nito? Joke lang. Syempre mahal ko to kahit panget.

"Hindi pa ako nakauwi. Tsaka hahanapin ko ang kapatid ko sa kwarto niya. Makakaalis ka na." Biro ko at tinalikuran ko na siya. Babalik muna ako ng kwarto para kunin yung binili kong pagkain. Nasa bag ko kasi yun kanina.

"Baliw ka talaga. Panget pa." Aba talaga! Hindi ko nalang siya pinanansin at diretso ng tumapak sa hagdan para pumunta sa kwarto.

Kinuha ko yung pagkain dun tsaka bumaba na. Nadatnan ko si appa na pinagsasabihan si Yoongi.

"Ang tigas talaga ng ulo! Binilhan kita ng kneepad tapos hindi mo ginamit?" Nakabow yung ulo ni Yoongi at yung isang paa niya ay nakastraight habang ang isa ay nakabend. Nakita ko roon na may malaki siyang sugat. Eww so gross!

Tumabi ako kay papa at nagcross-arms. "Hay nako Yoongi. Ang panget mo na nga ginawa mo pang panget yang tuhod mo." Asar ko sakanya pero deep inside nag-alala rin naman ako. Sino bang noona ang hindi mag-aalala? Kapatid kami eh kaya dapat lang mahalin namin ang isa't isa pero yung sa amin hindi formal way.

"At ikaw rin Yoonsun, imbes na mag-alala sa kapatid mo ay inasar mo pa talaga siya!" Sumimangot ako dun at nakita kong binelatan ako ni Yoongi. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.

"Sorry appa." Nakatayo parin ako katabi kay appa at naghihintay sa sasabihin ni Yoongi.

"Ayan kasi, tatanga tanga. Tignan mo ang nangyari sayo. Kawawa ka!" Lumingon sa akin si appa at sinabi na umalis na ako sa tabi niya dahil wala naman daw akong ibang gagawin kundi awayin si Yoongi.

"Yoonsuuuuuun!" Tawag sa akin ni eomma kaya tinakbo ko siya.

"Waeyo?"

"Bakit hindi mo pa nililinis yung kalat? Baka matinik pa ako. Tsaka ano nangyari kay Yoongi?"

Maygad! Gusto kong umiyak at magtantrums dahil ayoko talagang maglinis. Pero wala naman akong magagawa dahil na-injury si Yoongi.

Magrereklamo pa sana ako kaso umalis na sa kusina si eomma. Alangan namang si appa ang palilinis ko? I have no choice but to comply.

Labag sa loob man ang aking paglilinis, nagawa ko naman ito ng mata at bumalik na sa pagkintab yung sahig namin. Naghugas ako ng kamay at pumunta sa sala kung nasaan silang tatlo.

Tapos na palang pagalitan ni eomma si Yoongi at ako naman ay nakangisi na parang nang-aasar. Hindi naman ako pinansin ni Yoongi na ikinaasar ko. Kaya kinuha ko yung alcohol at binuhos sa sugat niya.

"Anong ginawa mo?!!!" Sigaw niya sakin at halata sa mukha niya na nasasaktan siya sa paglagay ko ng alcohol sa sugat niya. To the point na tumulo na ang saline fluid niya! Naguilty naman ako sa ginawa ko.

"Alam mo ba na hindi pwedeng ilagay ang alcohol sa open wound?" Tanong sa akin ni eomma. Halaaaa hindi ko yun alam ㅠㅠ

Napagdesisyonan nila na dalhin sa hospital si Yoongi para matahi yung sugat niya. Sasama sana ako kaso pinaiwan lang ako ni eomma at kumain nalang daw ako dahil hindi pa ako nakakakain.

Guilty na guilty talaga ako sa ginawa ko kay Yoongi.

--
Yoongi below:

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top