Chapter 2
"What took you so long Yoonsun?" Mingyu asked her with a curious face. "It's every unsual. I'm amazed." Sabay gape.
"Tss. May pa-english ka pang nalalaman. Just forget about it Kim Mingyu!" Sagot ni Yoonsun sabay talikod.
"Teka lang! Wag ka namang basta-bastang mang-iwan. Ang sakit kaya!"
Kahit kailan, kalokohan pa rin ang naiisip nito pero hindi ito tumalab kay Yoonsun pero para kay Mingyu may meankng ito.
Patuloy parin siyang naglakad hanggang sa medyo tumakbo na si Mingyu upang maabutan ito. Nilagay niya ang kaliwang kamay sa kaliwang balikat nito pero tinanggal lang ito ni Yoonsun. Kaya Min Gyu threw a questioning look to Yoon Sun and Yoon Sun answered.
"Look at them (referring to the girls), they're sending death glares on me! I don't want to die yet! So please don't linger any parts of your body on me. Jebal."
Min Gyu was left dumbfounded. He didn't know that him, being handsome will have a negative effect on Yoon Sun. So as a thoughtful friend, nag-isip siya ng bagay na makakatulong para hindi na siya damugi ng fangirls niya. He made a derp face but all his fangirls thought that he's so cute doing it. Kaya wala rin namang silbi. Napangisi nalang siya sakanyang kagwapuhan. Iba talaga pag gwapo. Sabi niya sa sarili.
Huminto si Mingyu nang may napagtanto siya. "Aish!" Sabay batok sa sarili niya. May nakalimutan pala siyang ibigay kay Yoonsun. Ngayon na wala na ito sa mood ay malabo na niya itong makausap pa ng maayos.
"Sayang .." Yun nalang ang nasabi niya.
***
"Yoonsun. Notice me please ~"
Nasa loob na sila ng classroom at katatapos lang ng isang subject nila. Hindi pinansin ni Yoonsun si Mingyu dahil ayaw niyang makarinig ng hindi magagandang salita. Ano bang mali niya sa pakikipagkaibigan niya kay Mingyu?
Sinuot ni Yoonsun ang kanyang headphone at nilagay sa desk ang kanyang mukha. Matutulog nalang siya kaysa pansinin ang pang-eepal ni Mingyu. Nasa loob kasi ng classroom nila ang founder ng funclub ni Mingyu na si Jeon Somi. Pasalamat nalang siya't absent ito ngayon kung hindi ay may ally si Kim Jiho sa pang-bwebwesit sakanya. Kung araw-araw ka bang bwesitin ay siguradong mabwebwesit ka rin.
Sa kabilang banda ay nalulungkot si Mingyu sa hindi pangpapansin sakanya ni Yoonsun. Gusto niya sanang sabihin na isa na siyang trainee sa Pledis Entertainment at gusto niyang ibigay ang isang pass para mai-tour niya ito sa Pledis. Gusto niya kasi itong tuksuhin na gayahin si Nana sa Afterschool! Ano kayang magiging itsura ni Yoonsun kapag naging feminine na ito? Baka marami ng ahjussi ang magkakagusto sa kanya! Hindi maaari! ㅠㅠ
"May meeting ang faculty kaya hindi makakapasok si Teacher Lee Sooman. Pag-aralan daw nating yung pages 89-95 ng Science book dahil may quiz tayo the next day. Yun lang. Gomawo ~" Ang kanilang class president ang nagsalita na si Sejeong sabay high note sa Gomawo.
Napapitlag si Yoonsun dahil sa pagvibrate ng kanyang cellphone. Sinagot niya ito kaagad dahil ang eomma niya ang tumawag.
"Yeobeoseyo? Eomma?"
"Yoonsun, umuwi ka ng maaga. Pupuntahan natin halmeoni mo. Arrasseo?"
"Ne. Annyeong."
Miss na niya ang kanyang halmeoni kaya excited siya masyado na makita ito. Palagi kasi siyang nilulutuan nito at feel niya na mas mahal pa siya kesa kay Yoongi na kapatid niya.
Pagkatapos nun ay timing na nagbell kaya umuwi na siya kaagad without Mingyu knowing. Tutal ay nasa magkaibang direksiyon sila pauwi. Wala na siyang oras para kausapin ito. For sure naman ay mang-eepal lang ito at iabalandra ang kagwapuhan.
Hindi pa siya nakakapasok sa gate ay nasa labas na ang kanyang eomma at may taxi na nakaabang na.
"Eomma, san tayo pupunta?" Medyo curious niyang tanong. Masyadong formal kasi ang suot ng kanyang eomma maya nagtaka siya.
"Ay basta! Sumama ka nalang sakin."
Naguguluhan man ay pumasok na siya sa taxi at hindi nalang umimik. Baka abutin pa sila ng madaling araw sa pag-uusap.
Pagkalipas ng 20 minutes ay dumating na sila sa harap ng TS Entertainment. Bigla namang kumulo ang dugo niya. Grr. Ano ba to si eomma!!! Napaka-ano!!!
"Eomma?!! Nababaliw ka na ba? Anong gagawin natin dito sa entertainment ni Tito Taesung?" Pasigaw niyang tanong.
"Aigoo. Ikaw talaga Yoonsun! Nasa tamang pag-iisip pa ako. Baka ikaw yung nababaliw! Wag mo sayangin ang talento mo. Jusko Yoonsun, pasalamat ka at suportado kita at meron ka pang tito na nagmamay-ari ng isang entertainment. Hindi mo na kailangang mag-audition pa at maghirap! Grab the opportunity anak! Nasa harapan mo na ang kayamanan at tatalikuran mo pa?"
Napairap nalang siya dahil sa sinabi ng kanyang ina. Wala na siyang magagawa pa kundi sumama nalang kahit labag sa kalooban niya at ipinalabas nalang sa kabilang tenga ang sinasabi nito.
Nakabusangot ang mukha niya habang pumasok sa entrance ng TS Entertainment. Hindi niya alam na naglalakad pala malapit sakanya ang SECRET. Bigla siyang natubuan ng hiya. Ang gaganda kasi at ang seseksi pa. Malaki rin ang hinaharap ni Hyosung hindi katulad sakanya na flatscreen. Ang kikinis pa ng legs at ang feminine pa kumilos.
Nang nakalapit sila ng eomma niya sa SECRET ay nagbow siya at nag-annyeong. Medyo kinabahan siya pagkatapos makasalamuha ang SECRET. Naka-school uniform pa naman siya at hawak hawak ng eomma niya ang kanyang kamay. Baka kung anong isipin ng mga tao kung makita sila. Siguro nga ay swerte siya ngayon dahil nakita niya ang SECRET dahil may iba siyang mga kaklase na SECRET TIME na hindi masyadong nakalapit sakanila.
"Pupuntahan ko muna tito mo. Diyan ka lang ha?" Bilin ng mama niya sakanya. Naka-upo lang siya sa isang magandang sofa tinitignan ang mga posters ng artists ng TS na nakalagay sa wall. Ang gwapo naman ng B.A.P.
"Ano kaya feeling maging idol?" Tanong niya sa sarili niya. Bigla siyang napaisip sa sinabi ng eomma niya.
"Wag mo sayangin ang talento mo. Jusko Yoonsun, pasalamat ka at suportado kita at meron ka pang tito na nagmamay-ari ng isang entertainment. Hindi mo na kailangang mag-audition pa at maghirap!"
May point naman talaga ang eomma niya. Hindi na siya mag-aaksaya ng malaking pagod at hindi na hassle. Hindi pa masakit dahil hindi siya marereject at maghihintay ng ilang taon upang maging trainee.
Ginala gala niya ang kanyang mata at nakitang medyo busy ang mga tao. Marami-rami ring naglalakad papasok at papalabas. Ang nakakuha sa kanyang atensyon ay isang pamilyar na babae na naka-usap niya kanina sa comfort room ng school cafeteria. May kasama rin itong dalawang babae na may dalang frappe.
"Si Kim Dohee ata yan ah? Anong ginagawa niya dito?" Bulong niya sa sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top