17

17

Nene

Today 22:41

Aga
Nak?
Sorry
Usap na lang ulit tayo bukas
Sama mo si Lance sa bahay
Dito ka matulog bukas ha?
Wag ka diyan

Aga
Nasa site ako bukas ng 7
Baka 10 na ko makauwi

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Engr. Alfonso

Today 22:43

Aga
Alfie
Galit na naman sakin yung dalawa

Alfonso
Bakit?
Engr* Alfie yan ha nakakadalawa ka na

Aga
Kumopya ka lang naman sakin dati, ENGINEER

Aga
Ayon
Kinita na namin si Lance
yung pakakasalan ni Agatha
E nagkainitan na naman kami ni Tanya
Masyado niya kasing ginigisa sa plano
Sa bahay, sa anak, ganon
E di niya pa nga alam kung
gusto ba ni Agatha na mag-anak

Alfonso
Nag-aalala lang yan
Nanay yan eh

Aga
Kaya nga alam ko naman yun
Pero parang sobra naman na kasi
Mukha namang mabait yung Lance

Aga
Tapos nung kasal na usapan
Yung mga gusto niya ang mamahal
Kaya kinokontra ko kasi di naman praktikal
Di ko lang naman kinikontra basta
Nagsasuggest din naman ako

Aga
Narindi yata si Agatha
Umalis bigla e
Napilitan tuloy si Lance na umalis din

Alfonso
E ano bang gusto ni Agatha sa kasal?
Nung dalawa pala?

Aga
Hindi ko alam

Alfonso
Anong di mo alam?
E diba kayo magkakasama?

Alfonso
Kayo lang yata ni Tanya nagtatalo sa plano e
Lugar-lugar kayong dalawa, Ser Arki
Di naman kayo yung ikakasal kayo yung nagpaplano 😂 kaya pala nag-walk out si Agatha e

Alfonso
Naku ha
Bat kayo nagpaplano ng kasal
Baka iba na yan

Aga
Bahala ka nga diyan
Pangit mong kausap

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top