Prologue
Prologue
"ALADIN!"
Ang masarap kong pagtulog ay naudlot nang dahil sa napakalakas na sigaw na iyon. Bumangon ako at binigyan ng napakasamang tingin ang pinto ng kwarto ko. Inihagis ko ang aking unan sa may sala at padabog na tumayo. Ginulo ko ang sariling buhok at minartsa ang daan palabas.
"Sinong sumigaw?" iyon ang bungad ko nang makita ang kasambahay namin na nakatungangang nakatingin sa asong nasa paanan niya.
I can almost feel the urge of vomiting when I saw the dog's waste in the floor. Color yellow iyon at nakakadiring tignan!
"Ano ba, Aladin!?" nandidiri kong utas at umatras nang kaunti.
"M-Ma'am Cressida..." ramdam ko ang nginig ng kasambahay namin nang tapunan ako ng tingin.
Tinaasan ko ito ng kilay, "Can you please wipe the dog's waste? It's super mabaho!" reklamo ko at napatingin sa asong mabilis ang paghingang nakatingin sa akin.
Inirapan ko iyon at dali-daling tinalikuran. Ayoko talaga ng aso o ng kahit anong alaga sa bahay. Nakakadiri. Unlike me, si mommy ay mahilig sa mga alaga. Si daddy ay hindi tumututol dahil si mommy raw ang batas. Nag suggest nga ako sa kanila na bakit hindi na lang ako ang gawing batas tutal ay anak naman nila ako. Pero hindi naman pumayag. Ang swerte ko naman raw kung ganoon. Tsk. Hinayaan ko na lang. Pero ang ayoko sa lahat...
Tumigil ako sa paglalakad at bumaling ulit sa kasambahay namin, "Ang maingay..." bulong ko at bumalik na sa kwarto.
Sino ba kasing may gusto sa maingay? Iyong sisigaw na lang bigla at akala mo kung ano na ang nangyayari, masi stress ka na lang sa kaba tapos malalaman mong ang liit na bagay lang pala. Why do humans think like that? Bakit ang maliliit na problema ay pinapalaki nila? Tao rin naman ako pero it's a no no for me iyong mga taong ganoon. Nandadamay pa sa kaingayan nila. Oo nga at binigyan tayo ng bibig pero hindi naman iyon para sa sigaw lang. Ang ingay-ingay kaya. Ang sakit sa tainga!
"WOOOOO!" sigaw ko at sumabay pa lalo sa tugtog ng music.
I hate loud noises except... sa bar. Anong bar ba ang hindi maingay? Wala! Pero dito, ibang ingay naman. Masarap sa tainga. Walang halong rindi. Walang halong stress. Solve!
"Shot mo, Cressida!" isang lalaki ang narinig ko.
I gave my friend a big smile at kinuha ang isang shot ng alak sa kaniyang kamay.
Dire-diretso kong nilagok iyon at itinaas ang walang laman na baso, "Bottoms up!" ani ko at tumawa.
Tumawa rin ang mga kaibigan kong nakaupo sa may bar counter. Mahilig talaga kaming mag bar. Halos linggo-linggo ay iba-ibang bar ang napupuntahan namin. Iyong iba nga ay suki na ang tawag sa amin dahil sobra pa sa madalas ang pagbalik namin doon. Iyong bar na malapit sa...
"Uy, girl Cress!"
Nginisihan ko ang aking babaeng kaibigan na nakaupo sa high chair katabi ang bartender na hinahalik-halikan siya sa leeg.
"Yes, darling?" ani ko naman.
"Tapos ka na sa requirements mo?"
Kumunot ang noo ko, "Requirements?" nag-isip pa ako at nang may maalala ay, "Ah! Kay Mr. Cruz? Hindi pa, bakit?" sagot ko at ngumisi ulit.
"Ang tibay mo talaga, girl! Sa Lunes na ang pasahan, ha? Ano? Cramming na naman?"
May umakbay sa aking lalaki na agad kong nilayuan, "Anong cramming? Hindi ako gagawa! Si Mr. Cruz lang naman 'yon. Easy!" humalakhak ako at hindi pinansin ang lalaking nag attempt na lapitan ulit ako.
"Baka pagalitan ka na naman ng mommy mo."
"Ano ka ba? No way! My mom will never know! Kaya ikaw sshh! Okay?" ngumiti ako at hinablot ang aking sling bag sa tabi niya.
I admit that I am a rebel daughter of my parents. Palagi silang busy kaya hindi nila namamalayan na ganito na pala ang tumatakbo ang buhay ko. Bars and clubs. Lahat ng pwedeng gawin ay nagawa ko na but I won't do something illegal. I know my limits and I won't stain my family's name. Nag-iisang anak lang ako kaya hindi pwede iyon. I can have fun all right but without them knowing. At least, that's all I know.
"Girl..." nilapit niya ang kaniyang tainga sa akin at naramdaman kong may inilabas siya galing sa kaniyang bulsa.
"Ano 'yan?" ani ko at kinuha iyon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano iyon. Agad ko iyong ibinalik sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. For Pete's sake! It was a small sachet of a powder! It was a drug! Illegal!
"My goodness! Bakit meron ka niyan?" hininaan ko ang boses baka marinig pa ng bartender na ang kamay ay nasa ilalim na nga blouse ng aking kaibigan.
"Ano ka ba... Matagal ko nang ginagawa 'to. Tikman mo na kasi! Dali na! Masarap kaya!" pilit niyang ibinigay sa akin ang sachet ngunit agaran akong umiling at lumayo na sa kaniya.
I will never do drugs. I swear. Matagal na kaming magkaibigan pero ngayon ko lang nalaman na nagdodroga pala siya. Oo minsan ay parang kalog pero akala ko ay ganoon na talaga siya. Iyon pala ay may sabit! I might be a rebel pero hinding-hindi ako magdodroga. I swear!
"Restroom lang ako," paalam ko at iniwan ang shoulder bag sa upuan.
Iniwan ko ang shoulder bag na sana ay hindi ko na lang pala ginawa.
"Confirm po, Sir! Droga po ito!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang inilabas ng police officer sa shoulder bag ko. Lumabas ako sa sasakyan ko at hinablot ang bag sa kaniya.
"Sir! P-Paano iyan nakarating sa bag ko?" nanginig na ako dahil andami-daming bagay na pumasok sa utak ko nang oras na iyon.
"Sa presento ka na magpaliwanag, Ma'am..."
Before I know, pinusasan na nila ako. Tulala ako buong biyahe papunta sa presento. Nanginginig ang labi ko at ilang ulit na minura sa isip ang kaibigan ko. Shit! Hindi ko inakalang ilalagay niya sa bag ko ang sachet na iyon! At hindi ako nag expect na may checkpoint pa talaga! At may kasama ang mga police officer na mga asong K9 at nasinghot ang bag ko! DAMN! Sana pala ay hindi ko na lang iniwan ang bag ko doon! Shit!
"Mommy, maniwala po kayo... Hindi po ako nagdodroga..." paiyak na ako noong dumating sila Mommy at Daddy sa presento.
Disappointed na tumingin sa akin si Mommy. Si daddy naman ay kinakausap nang masinsinan ang police.
Hinawakan ko na ang kamay ni mommy, "Mom... I swear! Hindi po talaga ako nagdo droga! Kahit ipa drug test niyo pa ako! Kahit ngayon na!" inilayo niya ang kamay sa akin kaya napapikit ako. "Dad..." I tried my best to look miserable at baka naman gumana pero iniwasan niya ang titig ko.
Kinausap niya na lang iyong police.
Nagulat ako noong pwede na raw kaming umalis. Hindi pa tapos sa pakikipag-usap si Daddy sa isang officer kaya nauna na kaming lumabas ni Mommy.
Dumiretso si Daddy sa kotse niya at hindi man lang ako tinignan. I bit my lower lip at tinahak na rin ang daan papunta sa kotse ko. I really am doomed. Kaya nang dumating sa bahay, hinarap agad ako ni Mommy. Si Daddy naman ay dumiretso sa kaniyang kwarto.
"Sigurado ka bang hindi ka gumagamit ng droga, Cressida?"
"Mommy, I swear!" I even raised my right hand, "Iyong kaibigan ko po ang naglagay niyan sa bag ko noong pumunta ako ng restroom. Mommy, paniwalsan niyo ako Alam niyo namang hindi ko magagawa iyon--"
Bumalik si Daddy at tumawa nang mapakla. Nanginig agad ako.
"Hindi magagawa? Nagawa mo ngang magsinungaling sa amin, Cressida. We forgave you last time. Pero iba itong ngayon! Bar! Drugs! For Pete's sake!" ramdam na ramdam ko na talaga ang galit na toni niya.
Last time... cutting class iyong isyu ko sa bahay. I was in my first year as a college student. Nabo-boring ako at ang mga kaibigan ko ay nagka-cutting classes palagi kaya nadamay ako. No, nagpadamay ako. Dumidiretso kami sa mall at naglalaro ng arcades noon. What happened is still fresh in my memory. Noong nangako ako kina Daddy na hindi na uulit at aayusin na ang pag-aaral ko. Ngayon, ibang kaso na ito. They even found out about my bar schedules. My drinking habits and even this... drugs na hindi ko naman ginagawa. That friend! Sasabunutan ko talaga 'yon!
"Daddy, promise, hindi na mauulit." iyon na lang ang tanging nasabi ko.
Hindi naman sila maniniwala kung patuloy kong ipangalandakan na hindi ako nagdodroga. Malaking kasalanan rin naman talaga ang nagawa kong pagsisinungaling sa kanila. Kahit ako nagi guilty na minsan pero wala eh. I am happy going to bars! Ano ang magagawa ko?
"Nasabi mo na iyan noon. I don't think na kaya mo pang magbago. Kung kailan magfo-fourth year ka na ay saka ka naman nagbulakbol. Alam mo naman kung gaano kahirap magbago kapag nasimulan mo ang mga gawaing iyan. You knew my past, Cressida. How many times should I tell you about it? Kung hindi ko lang kaibigan iyong pulis kanina ay sana nakakulong kana ngayon. You disappointed us."
Kahit na hindi sumisigaw si Daddy ay sobra naman ang pagkakadiin niya sa mga salitang binitawan.
"Dad, sorry... Mommy... I promise, aayusin ko na talaga ang pag-aaral ko. Hindi na ako magiging pasaway o ano. Please, give me a third chance..." I could almost feel my hands shaking sa sobrang kaba.
The last time ay check ay binalaan nila akong hindi na paaaralin pa. Ako na lang raw ang bahala sa sarili ko. Yes, I have money pero iba pa rin iyong galing sa kanila. Hindi mauubos. Dahil sa mga pagbabar ko ay hindi na gaano karami ang pera sa mga cards ko. Damn this!
Umiling-iling silang dalawa at iniwan ako sa babang nakatunganga. Dumating ang kasambahay namin at binigay sa akin ang naiwan kong bag sa kotse. Hindi ko man lang namalayan.
"Ma'am!" iyon ang reaksyon niya noong napaupo na ako sa sahig sa sobrang inis sa sarili.
I should not suffer alone. Right! Padabog akong tumayo at hinanap ang susi sa bag bago dali-daling lumabas ng bahay at pinaandar ang kotse nang napakabilis.
Sigurado akong naroon pa ang mga kaibigan ko sa bar. Nang umalis ako kanina ay naroon pa sila at lasing na lasing. Madaling araw pang umuuwi ang mga iyon. Fuck this! Binilisan ko pa lalo ang pagpapatakbo. Wala pang sampung minuto ay narating ko na ang bar. Hinanap ko agad ang mga kaibigan ko at hindi ako nagkamali.
"Walang hiya ka!" kinuyog ko agad ang kaibigan kong naglagay ng droga sa bag ko.
"Aray! Ano ba, Cressida!" sigaw niya at nakuha na namin ang atensyon ng mga tao.
Wala na akong pakealam. Nabuko na nila ako. Idadamay ko ang may pakana.
"Alam mo bang muntikan na akong makulong dahil sa ginawa mo, ha!?" kinaladkad ko siya sa restroom.
"Cress, tama na!" umawat pa ang iba kong kaibigan.
Hindi yata kami napansin ng mga bouncer kaya walang nakakaawat. Ang mga kaibigan ko ay sumama sa restroom. Malaki ang restroom ng mga babae kaya kasya lahat ng kaibigan ko roon. Tinulak ko siya nang mabilis.
"Huwag kayong mangealam dito, ah!" inis kong balik sa iba kong kaibigan.
They looked scared at umatras pa. They know how I am tuwing galit na galit ako. Walang makakapigil sa kanila. They wouldn't dare to intervene. Takot sila. Eh, iba ako magalit. Walang pinapalagpas.
"Anong makulong?" iyon ang sambit ng kaibigan kong ininda ang sakit ng pagkakatulak ko.
"Bakit mo inilagay ang droga mo sa bag ko!? Kung magdodroga ka, huwag na huwag mo akong idamay! Hindi ako adik katulad mo!" sigaw ko.
Nakuha niya pang ngumisi at mas lalong kumulo ang dugo ko.
"Oh, talaga? Tapos? Bakit hindi ka nakulong? Sayang naman! Sana nabulok ka na--"
Sinampal ko siya dahil hindi ko na talaga matantsa ang mga sinasabi niya. Halong galit at pagkamuhi ang naramdaman ko noong oras na iyon. Nakakainis?
"Sinadya mo ba 'to?!" sigaw ko ulit.
"Oo! Sinadya ko! Bakit?"
"SHIT!" Napasigaw na lang ako sa inis. Nanlabo ang mga mata ko at galit na pinatid ang pinto ng isang cubicle. It caused too much noise kaya lumabas na ako nang nagsisibagsakan ang mga luha sa mga mata ko.
Damn! Hindi ko inakalang kaya niya akong traydorin! Ang kapal-kapal niya! Sa lahat ng pinagsamahan namin, nagawa niya pa iyon sa akin? At the expense of our friendship? Shit! I felt so stupid for having her as my friend. Lahat sila! Kaya pala noon pa lang sinasabi na nina Mommy na walang patutunguhan ang mga kaibigang mahilig sa mga kabulastugan. I should have realize back then na tama sila. Ngayon ko pa talaga naisip na andami nang nadamay. Our families' bond, pati pag-aaral ko, at ang social life ko. Nawala nang parang bola dahil lang sa isang kaibigan. I should have known better. This is all shits.
Kinabukasan ay nagising ako sa isang katok sa pinto ko.
"Wait!" sambit ko at bumangon.
Mommy's face welcomed the view. "Good morning, Cress." she kissed my cheek.
"G-Good morning, Mom." Sagot ko na lang.
Anong pakana ito? Bakit tila ang saya niya? Ang huli kong naaalala ay nagkamali na naman ako and I disappointed them pero bakit iba yata ang timpla ngayong umaga? I am certain na hindi naman ako nananaginip o ano kagabi kaya bakit?
"Fix yourself up. Nandiyan ang lola mo."
"S-Si lola?" Namilog ang mga mata ko.
Tumango siya at tinalikuran na ako.
My grandmother, Mommy's mother, has arrive. Sa Cebu naninirahan si lola dahil doon talaga siya ipinanganak. Nasa Manila kami dahil taga Manila si Daddy. Almost five years na yatang hindi kami nagkita ni lola. Last ay iyong birthday ni Mommy.
"Lola!" I kissed her cheek at humagikhik iyon.
"Let's eat, Darling." Aniya at umupo na ako sa tabi ni Mommy.
Kaharap ko si Daddy na tahimik at seryosong nakikinig sa amin. Nagkasalubong ang mga tingin namin at hindi ko alam ang gagawin ko. Sa huli ay isang alanganin na ngiti na lang ang naibigay ko.
Nagkamustahan kami habang kumakain. Maya-maya ay napag-usapan ang tungkol sa nagawa kong kasalanan. Alam na agad ni lola. Madaling araw pa raw siya dumating. Baka pagkadating ko galing bar para sumugod ay iyon din ang dating niya.
"Bakit ka ba kasi nagtitiwala sa mga kaibigan, Cressida?" Nag-usap kami ni lola noong umakyat sina Daddy sa itaas para magbihis.
Aalis raw kami. Kung saan, malay ko! Basta ngayon, I will be still. Susundin ko lahat ng gusto nila. Until things get better.
"Because they were friends, Lola. What can I do?" Sambit ko naman.
She agreed, "How about you come to province with me? Magpakalayu-layo ka muna."
Agad akong tumutol, "Lola, I would never. Alam niyo namang ayoko sa probinsiya. Maingay ang mga hayop doon. Tsaka andaming pollution. Masisira lang ako lalo doon."
My grandmother chuckled. Sakto namang bumaba sina Daddy na nakabihis na.
"What are you talking about, Mom?" Si Mommy.
"Well," Sinulyapan ako ni Lola. "Inaaya ko itong apo ko na magbakasyon sa probinsiya."
Alanganin akong ngumisi sa kanila. Napansin ko ang titig ni Daddy.
"Kahit saan mo pa dalhin iyan, Ma. Hindi na magbabago 'yan."
Aray! Parang bumagsak ang mundo ko noong sinabi niya iyon. Nanahimik si Lola at siniko naman ni Mommy si Daddy. Itinago ko ang pagngiwi dahil sa nararamdamang kirot sa dibdib.
You deserve that, Cressida. Kasalanan mo naman. Kaya ayan at hindi ka na pagtitiwalaan niyan. Nakakainis talaga.
Tumikhim si Daddy, "Tara na, Ma." Aniya at tinahak ang daan patungo sa garahe.
"Hali na, hija."
Nauna na ring maglakad si Lola. Marahan akong hinawakan ni Mommy.
"Okay ka lang dito?"
Tumango ako. Hindi ako sasama sa kanila. Gagawin ko iyong requirements ni Mr. Cruz. Pasahan na bukas at kahit na sinabi ko kagabi na hindi ako gagawa ay gagawin ko. Hindi ko maaatim na bumaba ang grades ko para lang sa kabulastugan ko. Andami ko nang idinamay. Baka mas lalo pa silang magalit sa akin.
Dalawang oras ang tulog ko noong gabing iyon. Shit! Cramming! Kaya ayokong nagca-cramming. Hindi na ako makatulog nang maayos! Whose fault? Akin!
"Akala ko ba ay hindi ka gagawa, Ms. Salazar." Iyon ang kantyawan na narinig ko mula sa mga kaibigan noong naipasa ko na ang requirements.
Umirap ako at hindi sila pinagtuunan ng pansin. Toxics! Wala akong panahon sa mga traydor! Damn traitors!
Isang linggo na lang ang pasok namin at summer break na. Mabuti na lang walang summer class. Ayoko nang makita ang mga pagmumukha ng mga dati kong kaibigan. Baka mas lalo lang akong mainis at sumabog pa.
"May business trip kami sa Hawaii next week, Cress. Sigurado ka bang hindi ka sasama sa lola mo sa probinsiya?" Si Mommy.
"I don't like it there, Mom." Sagot ko at sinuklayan ang buhok.
"You know your Dad's still upset." Inagaw niya ang suklay sa akin at sinuklayan ako. "And trust me... walang ibang gusto iyon kung hindi ang mapabuti ka. But what you did this time is too far, hija. Kahit na ako ay nagalit rin sa'yo."
Pinagmasdan ko ang ekspresyon ni Mommy mula sa vanity mirror ko. Seryoso iyon.
I sighed, "I am sorry, Mom. Kasalanan ko. Kung sana ay kaya kong ibalik ang oras ay gagawin ko. I don't want this. You being disappointed." Ani ko.
"May magagawa ka pa naman para humupa ang tampo ng Daddy mo."
Binalingan ko agad siya ng tingin.
"Sumama ka sa probinsiya."
"Mom, ayoko. Iba na lang." Pagtutol ko agad.
"My mother fixed your father. Kaya napag-usapan na namin ng Daddy mo na baka magbago ka rin."
"Bakit hindi man lang iyan naibanggit ni Daddy?"
She held my hand, "Because he know you won't go. Pero ako... naniniwala akong kaya mong pumunta roon, hija. Kaya pag-isipan mong mabuti. Ito na lang ang tanging paraan para magkaayos kayo ng Daddy mo, okay?" Hinaplos niya ang aking pisngi.
Going to province. I listed the possible variables para makumbinsi ang sariling sumama kay Lola. Nagresearch ako sa internet. Bantayan Island. Akala ko ay purong mga halaman lang ang naroon. There are beaches. Andami. White sand beaches. Crystal clear sea waters. Jaw dropping tourist spots na hindi mo makikita sa syudad. Should I... go there?
"Nasaan na si Cressida at naghihintay na ang lola niya?" Rinig ko ang boses ni Mommy na kausap ang kasambahay.
"I'm ready!"
Napalingon sila sa akin. Naghihintay na nga si Lola sa sala. Her luggages are already in the car. Kinuha rin ang mga maleta ko ng driver namin.
"You take care of yourself there, okay?" Si Mommy at hinaplos ang buhok ko.
I nodded and gave her a hug, "Mag-iingat rin po kayo sa Hawaii, Mom."
My grip on my shouder bag tightened when Daddy hugged me.
"Good decision, baby. Hindi ka magsisisi doon. I promise."
Tumango ako. Well, sana nga! Kasi kung hindi, babalik agad ako. Bantayan Island, I will finally meet you... at the expense of my relationship with my father and to all variables I thought of.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top