Chapter 6
Chapter 6
Sobrang Unexpected
Ang manalamin ang una kong ginawa kinabukasan. I sighed after making sure na hindi evident ang pagpupuyat ko kagabi. Mabuti na lang at hindi sensitive ang balat ko. Kapag hindi ako masyadong nakakatulog, hindi ako tinutubuan ng pimples o kahit ano. Kahit na noon pa man, hindi ako tinutubuan ng kahit anong pores, white and blackheads, and pimples. Mukhang takot sila sa balat ko at ayaw akong lapitan. Black under eyes are also not evident in my face's skin.
I roamed my eyes around Miguel's room. His place really screams maturity. Sa unang tingin ay alam mong lalaki ang may-ari.
Nang igala ko ang paningin ay tumigil ang mga mata ko sa kaniya. Mahimbing na natutulog sa kaniyang study table. Ang mukha ay nakapatong sa isang librong makapal. Naka gray sweatpants at white shirt na siya.
Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan siya.
Natigilan ako nang may maapakan. Yumuko ako at kinuha ang isang nakalukot na puting papel. Bubuksan ko na sana iyon nang maramdaman ang paggalaw niya. Umayos agad ako ng tayo at bumalik sa kama.
I swallowed hard when his angle changed. Kumpara kanina ay mas napagmamasdan ko na ang kaniyang itsura. Mahimbing pa rin ang tulog niya. Hindi naman siguro siya gigising agad kung lumapit ako 'di ba? With that thought, muli akong tumayo at nilapitan siya. Bahagyang yumuko at tinignan ang kaniyang mukha sa malapitan.
Ang kaniyang medyo makapal na kilay. Ang mga pilikmata niyang palaging nagdedepina sa mga mata niyang madalas na masungit at madilim. Ang matangos na ilong na nababagay lang sa kaniyang labing maninipis na may hugis puso. Ang kaniyang pangang ilang beses ko nang nakitang umiigting.
SHIT! Saka lang sumagi sa isip ko ang nangyari kagabi.
Lumilad sa nakaawang na labi ang sariling palad habang patuloy na inaalala ang lahat-lahat. SHIT! Me and him kissed each other! Naghalikan kami at... Damn!
Nang muli siyang gumalaw ay dali-dali kong tinahak ang kaniyang banyo. My heart beats so fast. Umiinit na rin ang aking pisngi. Natitigan ko ang sarili sa salamin at halos mapamura ulit nang makita ang labi ko. Naalala ko na naman ang nangyari! Pumikit ako. Dinadama at hinahanap ang sagot kung paano kami humantong sa puntong iyon.
He was telling me to sleep. I disobeyed. I was looking for a dress to wear. Kinuha niya ang nakita ko. I tried reaching for it but it didn't work kasi masyado siyang matangkad. Maya-maya ay binigay niya sa akin iyon at... naghalikan kami! DAMNNNN! Napaka unnecessary ng halikan namin given the situation but... nagustuhan ko iyon.
I had multiple boyfriends before and I kissed them all. Malalalim palagi. Ngunit kapag napapansin kong hinahawakan na ako sa sensuwal na paraan ay hindi ko na nagugustuhan. I would always push them away. Tuwing nangyayari iyon, nakikipabreak agad ako sa kanila. I don't know... I just don't like them touching me here and there. I would always feel annoyance. Nandidiri ako. Matagal ko na ring pinanghahawakan na hinding-hindi ako magpapahawak at magpapahalik sa hindi ko kasintahan. It was months ago noong huli kong boyfriend. The reason I broke up with him ay dahil he wants more than a kiss and I remember the exact words I said.
"Oo! Boyfriend kita pero hinding-hindi ko ibibigay sa'yo ang hinihingi mo! You're too far!" Sabi ko kay Anton, ang pangalan ng niya.
Namuo ang galit sa mga mata niya at tinulak ako sa kaniyang kama. It was his birthday. He invited me in his room at pumunta nga ako dahil magbibigay rin ako sa kaniya ng aking regalo. I didn't expect na gusto niyang may mangyari pagkatapos niya akong halikan. Not minding my gift.
"Ano, Cress?!"
Mahigpit niyang hinawakan ang aking palapulsuhan.
"Ano ba, Anton!" Pumiglas ako ngunit hindi nakawala.
"Walang ibang pwedeng makakuha sa'yo maliban sa'kin, naiintindihan mo ba?!"
Galit na galit niya akong tinulak sa kama. Napahiga ako roon at dinapuan ako ng sobrang kaba. Pinagsisihan ko rin doon mismo kung bakit ko siya sinagot. Well, he was kind! And that was when he was still a suitor! Not anymore!
Gumapang siya sa kama at dadaganan na sana ako nang pinatid ko ang parte kung saan alam kong masasaktan siya.
"Damn you, pervert!" Sigaw ko at pinatid pa ang kaniyang likod pagkatapos makatayo.
Tumakas agad ako. Not minding his visitors downstairs. Basta ay namumuo ang mga luha kong pinapaandar ang sasakyan. Hindi ako dumiretso sa bahay. Nagiguilty ako kina Mommy. Hindi nila alam na marami na ang naging boyfriend ko. They allow me to have a relationship pero dapat ay dumaan muna sa kanila. Iniyak ko lahat sa park malapit sa village. Umuwi rin na parang walang nangyari. After that night, I swore to myself na hindi na ulit magboboyfriend pa. I just spent my time in bars. Mas mabuti pa iyon.
Pero ngayon... What happened last night... Was different. Still different, even now. The feeling of wanting more than a kiss. Hindi ko pa iyon naramdaman kung hindi nangyari iyong kagabi. I kissed him like I want more than that. Hindi ko siya tinulak. Hindi ako pumalag. Hindi ako nagalit na hinawakan niya ako. He's not even my boyfriend pero hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ako galit sa ginawa niya. I kissed him back. I wanted more. But he's in control. I remember how he controlled himself by telling his final words.
Hinawakan ko ang labi ko at tumitig sa salamin. I still remember how his kisses were soft as feather. His lips are too smooth to forget. How he kissed me is just telling me that he had girlfriends before. O baka kahit ngayon mayroon? Damn? If ever yes, masisira ang pride ko! Umiling-iling ako.
"No... Of course not!" Pangungumbinsi ko sa sarili.
I composed myself bago tuluyang nakalabas ng banyo. He is still asleep. With those books beside him that are open. Makakapal ang mga iyon. I suddenly remember that book last night. Is he a law student? But how come he became a manager? Did he changed his mind the last minute? Ugh! I really don't know anything about him!
Kumuha ako ng damit sa maleta ko at inayusan ang sarili. Aalis ako. I can't afford to just stay here and waste time. I need to do something. Hahanapin ko sina Anna. At least, I need to.
I was letting my hair down after taking a bath nang lumabas ako ng banyo at tapos nang maligo.
"Where are you going?" Ang masungit na mukha ni Miguel ang bumungad sa akin.
Muntikan pa akong masamid dahil sa gulat. Linilinisan niya na ngayon ang mga nagkalat sa sahig. Ang mga libro ay naroon na rin sa mga organizers at nakahilera na.
Tumikhim ako at wala sa sariling tinaas ang peach sweetheart blouse.
"May pupuntahan lang." Sagot ko at nagblower ng buhok.
Naupo ako sa kaniyang kama at saka ko lang napansin ang isang pinto. Mukhang kwarto rin. Pero hindi niya yata ginamit kasi sa study table nakatulog. What a busy guy.
Gumuhit sa kaniyang itsura ang pagiging masungit. Humilig siya sa cabinet niya at tumitig sa akin.
I swallowed hard, "W-What?" Lalo pa yata noong dumapo ang mata ko sa kaniyang labi.
Napapikit ako. Damn! Bakit ba lagi na lang sumasagi sa isip ko ang halikan na iyon? That was just kissing! Mabababaw pa... Pero bakit ganito? Halos mabaliw na ako tuwing pumapasok sa kukute ko iyong nangyari. Shit...
Cressida Jaci Salazar, tumino ka!
Tinalikuran ko siya habang binoblower pa rin ang sariling buhok. I don't want to compliment his morning face now... Kahit gaano pa siya ka attractive tignan ay talagang hindi...
"Where?" Tanong niya ulit.
"I'll do a drug test." Firm kong sagot at pinatay ang blower.
Tumayo na ako. Hindi siya nakasagot sa aking sinabi. Nariyan pa rin ang mga titig niya. Naging seryoso nga lang iyon. Bahagya siyang tumango at halos mapamura ako nang pinasadahan niya ng kaniyang palad ang sariling buhok na may kahabaan sa magkabilang side.
"Use my car,"
Bago pa ako makaangal ay pumasok na siya sa doon sa isang pinto. Kuryos akong sumunod. Tumigil lang sa may pintuan. Hindi ako nagkamali. It's another room. With the same designs of the main room.
"Magtataxi na lang sana ako but since ikaw ang nag-offer, why would I decline?" Sabi ko at nagkibit-balikat.
I saw him opened a layer of a cabinet with a minimalist design.
"Pwede ba akong pumasok?" Curious ako kung ano ang ginagawa niya.
"Yeah,"
Napakunot agad ang noo ko nang makita kung ano ang laman ng cabinet na iyon. The cabinet is not an ordinary cabinet. Sa labas ay mukhang kahoy but in the inside are glasses. Almost fifteen car keys ang nakita ko roon. Iba-iba ang modelo. Mas lalo akong naging kuryos. Just how rich is this guy? At bakit parang ang humble niya? I mean, hindi ko pa siya naririnig man na naging hambog. Ang pagiging masungit ba ang sariling kahulugan niya ng hambog?
Bumaling siya sa akin at ibinigay ang isang smart car key. Genesis ang nakasulat roon. It's not the black car na ginamit namin. It's a different car.
"Just click the key. Mahahanap mo roon ang sasakyan."
I bit my lower lip, "Okay..."
Hindi na ako nagpasama sa garahe. I know he's busy with his own responsibilities kaya I will do my own thing.
Clinick ko ang smart car key nang marating na ang garahe. Maraming nagmamasid na mga tao sa paligid. Bawat sulok ng bahay ay may tao. Mapa housemaid, gardener, grass cutter, lahat sila ay napatingin sa akin. I couldn't see the woman from last night. Tanging mga workers lang sa mansiyon.
Pumasok ako sa asul na Genesis. Mukhang bago rin. O kaya ay nagamit niya na at sadyang malinis lang siyang tao at maalaga sa mga gamit kaya bago pa rin tignan ang kotse. Huminga ako nang malalim bago iyon pinaandar. I drove lots of car kaya hindi ako nahirapan palabas ng village.
Dumiretso agad ako sa laboratory para magpa drug test.
"You'll get the results tomorrow, Ms. Salazar. Probably at nine in the morning." Ngumiti sa akin ang babaeng nag assist sa akin doon.
"Okay, thank you."
Pinaharurot ko rin agad ang sasakyan. Pinark ko iyon sa parking space ng Amalia. It is a place for caffeine. Dito kami madalas tumatambay nina Anna noon. Lalo na kapag bakasyon. Kaya malakas ang kutob na nandito sila.
Hindi ako nabigo. I saw them sitting beside the window. Nagtatawanan habang nagkekwentuhan. Kumirot ang dibdib ko pero pinagsawalang-bahala ko na lang. I need to end this. Everything.
With elegance and poise, nilapitan ko sila. Malayo pa lang ako ay nakuha ko na ang kanilang atensyon. They stopped laughing. Tatlong lalaki at apat na babae. All of them were my friends.
"Oh... Here you are!" Greeting them with a sweet smile. Of course, plastic.
Hindi sila nakagalaw. Mukhang natuod sa kinauupuan dahil sa presensya ko. May mga hindi kayang tumingin sa akin kaya iniwas na ang mga tingin. Ang iba ay kinuha ang cellphone at iyon ang pinagkaabalahan. Pinigilan ko ang sariling sumabog dahil ayokong gumawa ng isa pang gulo.
"Hindi niyo naman ako sinabihan na tatambay kayo dito!" Humalakhak ako. Nakita ko ang isang frappe na hindi pa nababawasan kaya kinuha ko. "Would you mind?" Sabi ko at ngumiti ulit pagkatapos humigop doon.
Ang ilan ay umiling. Mas lalo akong ngumisi.
"Guys... Come on! Ano ba naman kayo! Hindi niyo man lang ako isasali sa pinag-uusapan niyo kanina?" Humalakhak ulit ako.
Malakas ang kutob ko na ako ang pinag-uusapan nila kanina. Nakumpirma ko nga dahil pagkatapos ko iyong sabihin ay nagsulyapan. May mga tumikhim pa. Mga putangina!
Inilapag ko ang frappe at hinarap si Anna. Kanina ko pa siya napapansing masama ang mga titig pero hindi ko muna pinuna. Simula nang dumating ako hanggang sa maupo sa tabi niya. Now, this is the exciting part.
"Hey, Anna! Long time no see!" Sabi ko at pabiro pa siyang kinurot sa pisngi.
Para akong duduwal. Shit! Ang dumi! But I am satisfied by her change of expression.
"What the hell, Cressida!?" Galit niyang utas at lumayo nang kaunti.
Tumawa ako, "Oh, sorry! I didn't mean to..." I smiled at her.
Umismid siya at kinuha ang bag.
"You know, we should go." Aniya at nauna nang tumayo.
Nang akmang tatayo na rin ang iba ay hinampas ko ang lamesa. Wala pang masyadong tao sa Amalia kaya bukod sa nagsiserve na waiter sa kabilang table at naglilinis na waitress, walang ibang nakakapansin sa amin. Malaki-laki rin naman ang lugar kaya may kalayuan ang kanilang counter and all.
"Oh? Saan na kayo pupunta niyan?" Mula sa malambing na ngiti, pinalitan ko iyon ng sarkastiko.
Mukhang nasindak ang iba kaya naupong muli. Si Anna pa lang ang nakatayo. Tumitig ako sa kaniya. Kitang-kita na ang inis sa kaniyang mukha.
"How about you, Anna?" Nakangisi kong sabi. "I forgot!" Hinawakan ko pa ang nakangangang labi. "Don't tell me you'll do a drug test just like what I did?" Nawiwili kong tanong.
"What!?" Ngayon galit na galit na siya.
"Hala! Hindi?" Umatras pa ako at sinapo ang noo. "Sorry! Akala ko kasi iyon ang punta mo!" Ngumisi ako at tumawa. Tumigil at humakbang palapit sa kaniya. "Bakit ayaw mong subukan? Tignan natin kung sino ang papalit sa pangalan ko sa mga articles na pinalabas mo!" Lumabas na ang inis ko.
She gasped. Napaatras pa. Napatingin siya sa mga kaibigan niya sa table. By observing her actions, mukhang na gaslight niya ang mga ito na ako ang druggie sa aming dalawa. She cleared her name. She thrown her sins in a fiery pit. Walang ibang mahalaga sa kaniya kung hindi ang pagtakpan ang sarili at sirain ako. But I won't let that happen anymore.
"W-What are you talking about!?" Lumiit ang boses niya at halatang natatakot sa kung ano pa ang sabihin ko.
I showed a devil smirk, "Little did you know... you are digging your own grave." Tinapik ko ang braso niya. "So, if I were you, ayusin mo ang pangalan ko bago ko pa masira ang sa'yo." I said, a matter of fact.
Umamba akong tatalikod pero agad niya akong nahila. Kinaladkad niya ako patungong restroom.
"How dare you touch me!" Sigaw ko at inagaw ang aking kamay.
Nanggagalaiti niya akong tinuro, "How dare you come back here, Cressida! Ganiyan na ba kakapal ang mukha mo at bumalik ka pa dito while your name is already a wreck?" Tumawa pa siya.
Ngayong nakalayo na kami sa table ng mga kaibigan niya ay lumakas na ang loob niya.
"Wala akong kasalanan kaya ako bumalik! Alam nating pareho ang ginawa mo! Kaya ipabura mo na lahat ng articles nang sa gano'n ay hindi mo malaman kung hanggang saan ang kaya kong gawin." Banta ko sa kaniya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon. Someone is calling her. Sinagot niya iyon.
"What!?" Galit niyang binaba ang tawag at mabilis ang mga kamay na pinindot-pindot iyon. "Damn you, Cressida!"
Ihahagis niya na sana sa akin ang cellphone niya nang may humila sa akin. Sa wall iyon tumama at agad na nasira sa lakas ng pagkakahagis niya.
Kumalma ang sistema ko nang makita ang taong humila sa akin. With a formal black suit and a pair of slacks paired with an expensive leather shoes. With his hair that was styled slicked-back. Ang galit na mga mata ang bumungad sa akin.
"Bakit ang reckless mo?" He seriously stated.
Tumikhim ako at napalunok. Bahagyang binawi ang aking kamay.
Ang gulat na mga mata ni Anna ang nakita ko. Nakatingin siya sa lalaking humila sa akin. Humakbang pa ang paa niya paatras at nakita ko ang nanginginig niyang mga kamay at labi. Naningkit ang mga mata ko.
"You... You're the guy who brought down all the articles about Cressida! Bakit mo siya tinutulungan?!"
Binalingan ko ng tingin si Miguel na seryoso ang itsura at sa akin lang nakatingin.
What... who brought down what? Articles? Anong mga articles? Kinuha ko ang cellphone sa sling bag. I tried searching for my name. Wala akong ibang makita kung hindi ang socials ko. Sinuyod ko na lahat ng social media platforms. Wala talaga. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at dumapo ang mga mata sa kanang kamay ni Miguel na nakalahad kay Anna.
"I'm Attorney Adrian Casamayor, Miss Salazar's attorney."
Nalaglag ang panga ko dahil sa narinig. SHIT? MIGUEL IS WHAT!? Hindi ko ma process ang mga nangyayari. Saglit! Ang daming nangyayari! Oh My God!
"What attorney? B-Bakit may attorney?" Tinignan ako ni Anna. "Cressida, ano 'to!?" Naghyhysterical na siya.
Gulong-gulo rin ako kaya hindi ako nakapagsalita. Narinig ko na lang ulit ang baritonong boses ni Miguel.
"My client will go through a lawful procedure. I expect you get your attorney by the end of this day. What you did is an unlawful act. See you in court, then."
Bago ko pa maproseso ang lahat-lahat ay hinatak na niya ako palayo doon. Laglag pa ang mga panga ng lahat ng tao sa Amalia nang makitang hila-hila ako ng isang gwapo--Anong gwapo?! Cressida, seriously!? At this very moment ay pinupuri mo na naman siya?! Nababaliw na yata talaga ako...
Akala ko ay mapoproseso ko na ang lahat-lahat pero nadagdagan ang gulo sa utak ko nang may humarang sa amin na isang lalaking nakangisi.
"Umuwi na pala ang anak ng gobernador!"
Damn! Everything is going unexpectedly!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top