Chapter 5
Chapter 5
Halik
Napaatras ako nang buksan ni Adrian ang pinto ng mansion.
"Bakit ang dilim?!" I exclaimed.
May bumangga sa paa ko kaya napatalon ako. Saktong bumukas ang ilaw.
A huge living room welcomed the view. Iyong tipong parang plaza ang laki nito. With those mint-colored sheets and throw pillows. Beige curtains and peach paints. Tumingala ako. Huge chandeliers with an extravagant designs are hanging in the ceiling. Ang taas ng kisame. Inilibot ko ang paningin. I saw a huge gold door from afar. Glass-windowed ito kaya nakita ko ang kakaibang kitchen doon. Shit... I can't process everything... It's too much for me to explain. But my conclusion is... Miguel is damn rich.
"Why is no one here, Minggoy?" Curious kong tanong.
Ang laki-laki ng bahay pero walang katao-tao. Walang sumalubong sa amin. Nakasarado pa ang pinto. Ang mga ilaw ay nakapatay lahat.
Masungit niya akong tinignan.
"Istrikto nag may-ari nito." Sagot niya at nauna nang maglakad.
Nangunot ang kilay ko, "Ha? Hindi ikaw ang may-ari nitong bahay? Pero pwede rin namang ikaw tutal ay istrikto ka naman." Sumunod ako sa kaniya at humalakhak.
May inabot siyang bagay sa may hagdanan. Pinindot niya iyon. May dumaan sa paa ko na vacuum cleaner.
"That thing..." Sabay turo ko roon.
Tumango siya at yumuko para kunin iyon. He pushed a button and it turned off. Itinago niya rin agad sa table sa gilid na designated for robots.
"This is not my house." Aniya at umakyat sa hagdan nilang malawak at mataas.
"Is this your father's house?" Sumunod ako sa kaniya.
Sa lawak ng mansion ay ayokong pumirmi lang doon sa ibaba. Baka umikot pa ang paningin ko nang wala sa oras at sumakit rin ulo ko.
Napansin ko ang paghinto niya. Hindi rin agad siya nakasagot. Binalingan niya ako ng tingin at seryosong tinignan. Damn... that serious face... is making him more attractive. Tuwing kasama ko talaga siya ay hindi ko mapigilan ang pagpuna sa itsura niya. Bakit naman kasi ganiyan siya ka charming? He's a statuesque! Ilang ulit ko nang sinabi iyan pero hindi pa yata sapat para i justify ang pagkakagawa sa kaniya.
Tumikhim ako at lumapit sa kaniya. Nasabayan ko na siya sa paglalakad.
"Oo..." Mahina niyang sagot sa kanina ko pang tanong.
Nagkibit-balikat ako, "I will guess! Wala siya dito?"
"I don't know." Mabilis na ang lakad niya kaya binilisan ko ang hakbang para lang makasabay sa kaniya.
"Kung wala siya, sino ang nagsi-stay dito?"
Huminto siya sa harap ng kulay gray na pinto. Napanganga ako noong mabuksan niya iyon gamit ang kaniyang card. DAMN! Parang hotel lang!
"Hanggang alas nuebe lang ang duty ng lahat dito. When the clock strikes nine, patay na ang lahat ng ilaw."
Kusang bumukas ang ilaw. Nilakihan niya ang bukas ng pinto at masungit akong tinignan.
"May tanong ka pa ba?"
Umiling na ako at pumasok. His room was dark themed. Mapa kurtina, bed sheets, pillow sheets, at ang ginamit ring pintura. May malaking painting ng moon na naka frame sa malaking study table niya. Lumapit ako doon. May nakita kasi akong picture niya. High school pa yata siya doon. May eye glasses pa. Nagmumukha tuloy siyang isang genius kid pero hindi naman nerd tignan.
"Minggoy, kailan 'to?"
Binalingan ko siya ng tingin. May hinahalungkat siya sa cabinet niya.
"Hmmm?" Hindi niya yata narinig dahil may nalaglag na makapal na libro na may nakasulat na LAW.
Kinuha ko ang picture at nilapitan siya. Sinulyapan niya ang hawak kong picture at kinunutan ako ng noo.
"Grade 9," Masungit niyang sagot at nagpatuloy sa paghahalungkat doon.
Ngumisi ako at pinagmasdan uli ang picture. Masyado pa siyang baby face doon pero talagang masungit na ang itsura. Alam mo 'yon?
"May photo album ka ba?"
Mabuti na rin itong may pagkakaabalahan ako habang busy pa siya. Baka mamaya ay dalawin pa ako ng antok.
Hindi niya ako sinagot. Umismid na lang ako at umupo sa upuan sa study table niya. Maraming ballpens sa organizer niya. May mga nakapacked ring highlighters and pilot pens. Mayroon ring journal notebooks. May mga librong malinis na nakahanay sa gilid. May nakita akong isang maliit na notebook kaya kinuha ko.
"Is this your secret diary?" Tanong ko at abala sa pag-usisa dito.
"Hindi naman. It's just a notebook."
Napahilig ako nang sumagot siya. Kumabog nang mabilis ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan bakit basta sobrang lapit niya na pala... Naaamoy ko na ang kaniyang mabangong hininga at masarap sa ilong na pabango. Halos mapapikit ako pero pinigilan ko. Darn, Cressida. Nababaliw ka na ba?
"This is my photo album, Cress. May kukunin lang ako sa labas. Dito ka muna, alright?" Inilapag niya ang makapal na photo album sa table.
Para akong batang tumango sa kaniya. Kahit na andami kong ginagalaw sa gamit niya ay hindi siya nagagalit. Akala ko nga hindi niya ipapakita sakin ang photo album niya pero binigay niya naman.
Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti
na siyang ikinakunot ng kaniyang noo. Masungit lang siyang tumango at lumabas na ng kwarto.
"Oh... he's so pogi..." Iniscan ko agad ang mga pictures niya. Nakakainis! Wala man lang akong nakitang pangit na itsura. May ipapakita na sana ako sa kaniya tuwing magsusungit siya. Hindi ba siya dumaan sa pangit stage? Dire-diretso ang pagiging gifted sa mukha ganon?
Napansin kong ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin bumabalik siya bumabalik. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit niya ay lumabas na ako ng kwarto at hinanap siya.
Marahan lang ang lakad ko pababa ng hagdanan. Nakita ko ang kaniyang nakatalikod na katawan sa may sala at tatawagin ko na sana nang makarinig ng yapak mula sa likuran.
"Who are you?"
Hinarap ko iyon. It's a fine looking woman in her forties, I guess. Nakasuot ng violet night gown. Ang intimidating tignan ng kilay niya.
"Oh... You're that lady from the news!" She exclaimed and elegantly laughed.
Uminit ang ulo ko dahil sa tawang iyon.
Tumaas ang kilay ko, "May nakakatawa ho ba?" Naiinis kong saad.
She stopped laughing. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik. Mas lalong nag-init ang ulo ko. I don't like her vibe! Sino ba 'to? Adrian's mother? Kaya ba masungit ang lalaking iyon ay dahil nagmana siya dito? Not bad! Parehong gwapo at maganda pero masusungit naman.
Mukhang na offend ko yata sa tonong ginamit ko.
Nagkibit-balikat siya, "I presume you're with Adrian?" Aniya at sumulyap sa likod ko.
Saka ko naamoy ang pabango niya. Marahan niyang hinawakan ang balikat ko at tinabi ako nang kaunti saka siya humarap sa babae.
"Don't talk to her, please." May riin niyang sabi.
Halos hindi ko na makita ang babae dahil sa lapad ng ma muscles na likod ni Adrian. He's also that tall kaya mas nahihirapan ako.
"Why? Another disgrace for this family, Adrian? Oh, come on! You're too much for us. Wa'g mo nang idagdag ang babaeng iyan." Humalakhak ang babae.
Aapila na sana ako pero napansin ko ang mabilis na paghinga niya. Tumaas-baba ang kaniyang likod. Hindi ko man kita ay alam kong naiinis na siya.
"Please excuse us." Utas niya at hinawakan ang kamay ko.
Myghad! Akala ko ay susungitan niya ang babae! Na disappoint naman ako.
Sumunod ako sa kaniya ngunit hindi pa kami nakakailang hakbang ay nagsalita ulit ang babae.
"You're still as disrespectful. Bakit ka pa bumalik dito? Nevermind! Basta dapat bukas ay wala ka na dito. Maliwanag ba?"
Nasilayan ko ang nakabusangot na mukha ni Minggoy nang nilingon niya ang babae.
"I don't plan on staying here so don't worry."
Mabilis akong nahila ni Minggoy pabalik sa kwarto. Ang dami kong tanong kaya uunlakan ko siya ng mga ito.
"Is she your mother?" Tanong ko at umupo sa sala.
May dala pala siyang mga librong makakapal. Inilapag niya iyon sa study table. Hindi niya ako pinansin. Nakabusangot lang ang itsura niya habang inaayos ang bedsheet sa kama.
"Ano bang ginagawa mo sa Bantayan?" Iyon na lang ang tinanong ko baka sagutin niya pa.
Napahilig ako sa sofa nang wala sa oras dahil inilapit niya ang kaniyang katawan sa aking mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan bakit.
"Matulog ka na. It's past midnight." Pinatayo niya pa ako.
Agad akong tumutol.
"Hindi naman ako inaantok, Minggoy! Kaya ikaw na lang ang matulog, okay?"
At kahit na subukan kong matulog ay hinding-hindi ako makakatulog dahil sa isiping kwarto niya ang tutulugan ko. For goodness' sake, sinong makakatulog do'n? I would rather stare at his face all night...
Masungit niya akong tinignan.
"Marami pa akong gagawin, Cressida. Wala akong oras para matulog. So, just sleep. Bagong laba ang bedsheets ng kama. Bagong bili rin ang punda ng mga unan ko so don't worry about the dirt kasi wala iyan sa kwarto ko, okay?"
"I'm not worrying about the dirt! Alam ko namang malinis..."
Malinis siyang tao kaya malinis rin ang kwarto niya. Hindi naman ako nagda doubt sa cleanliness level niya. Talagang ayokong matulog at hindi rin ako inaantok. Hindi ko yata siya napansing natulog kahit saglit man lang ngayong araw. This guy's a vampire. A hot vampire. Humagikhik ako sa naisip. Napatigil lang nang mas lalong sumungit ang itsura.
Tumikhim ako, "Hindi ka matutulog, hindi rin ako matutulog then walang matutulog! Solved!" Proud kong sabi at nginitian siya kaso naramdaman ko ang pag-angat ng buong katawan ko dahil SHIT! Kinarga ako na parang sako!
"Ibaba mo ako, Adrian!" Tumili ako at pumiglas pero hindi nag work.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang ilapag niya sa kama. Hinila ko siya. Nadaganan niya ako. Ang bigat! Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang marealize na sobrang lapit na ng agwat ng mga mukha namin. Napalunok ako nang wala sa oras.
"Adrian..."
Halos malusaw ako sa mga titig niyang kakaiba. Parang may gusto siyang sabihin... o gawin pero kinokontrol niya ang sarili. Damn this guy... Bakit ang gwapo?
Tumikhim ako saka siya tinulak. Mukhang natauhan siya sa pagtulak ko.
Ilang minuto nanatiling gano'n ang tibok ng puso ko. Kumalma lang iyon nang may maisip.
Sinulyapan ko siya. Likod niya lang ang nakikita ko. Seryoso siyang nakaupo sa harap ng study table niya at may kung anong sinusulat. Hindi niya ba maiwan ang trabaho niya? Is being a manager that serious? Hindi man lang siya matutulog. Paano na ang sleep schedule niya niyan. Shit, ba't ba ako concern?
Tumayo ako. Nakuha ko ang atensyon niya. Dumiretso ako sa maleta ko.
"What are you doing?" Masungit niyang tanong.
"I'm changing my clothes, okay?" Nagpatuloy ako sa ginagawa.
"Sleepwear?" Tanong niya.
Umiling ako, "Nope... Dress! Pupunta akong bar."
Kapag kasi hindi ako nakakatulog, tumatakas ako sa bahay at pumupunta ng bar. Ako lang mag-isa. Inaantok kasi ako sa mga inuming nakakalasing. Effective sleeping pills: Alcoholic drinks.
"I am not letting you, Miss Salazar. Anong oras na at aalis ka pa? Hindi pwede."
Ngumisi ako nang sa wakas ay makita ang pulang sexy dress ko. Iyon ang susuotin ko sa bar! Damn! I missed bars!
"What's this crap?" Hinablot niya bigla ang dress ko.
"Adrian! Gimme that!" Inis kong sabi at inabot iyon pero itinaas niya ito kaya hindi ko maabot.
"I told you, hindi kita pinapayagan." Dumilim ang tingin niya sa akin.
"Oh, come on! Ayokong ma bored dito! Hindi ako makatulog! Kailangang may gawin ako. Wala rin naman akong nakakausap dito dahil busy ka kaya pupunta akong bar!"
Tumalon-talon ako pero hindi ko pa rin maabot.
Naningkit ang kaniyang mga mata at mas dumilim ang titig sa akin. Hindi ako nagpatalo! Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kapag sinabi kong matulog ka, matulog ka. Pupunta ka lang ng bar kapag kasama ako. Kung gusto mo ng kausap, fine! Mag-usap tayo! Kausapin mo ako dito. Tanungin mo kahit ano, sasagutin kita. Basta hindi ka pwedeng umalis."
Umismid ako.
"Ayoko nga! Pag sinabi kong magbabar ako, pupunta talaga ako! Ayoko na ring kausapin ka, busy ka naman kaya hindi kita iisturbuhin. So, just let me go, okay?"
Malalim ang pinakawalan niyang buntong-hininga. Nakita kong mas naging seryoso siya. Mas pumogi lalo. Pinasadahan niya ng palad ang buhok at dahan-dahang ibinigay sa akin ang aking dress.
Disappointed kong tinanggap iyon. Ano ba 'yan... parang mas gusto kong pagbawalan niya ako. Damn! I really am crazy!
Tatahakin ko na sana ang daan papuntang restroom nang maramdaman ko ang marahan na pagtulak niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Sinalubong ako ng lamig ng tile na wall ng kaniyang kwarto dahil isinandal niya ako roon. I saw how his eyes turned darker. Lalo na nang inilapit niya pa ang kaniyang katawan sa akin. Trumiple ang bilis ng tibok ng aking puso. Nawala ang lamig na naramdaman ko dahil sa init ng kaniyang presensya.
"Cressida... I told you to sleep..." Mabibigat ang kaniyang paghinga.
I bit my lower lip when he leaned closer. Naamoy ko na ang kaniyang mabangong hininga. Ang kaniyang magkabilang-kamay ay nasa bawat gilid ko. Mukhang pinagbabawalan akong makawala.
"Pero hindi mo ako pinakinggan..." Mas lalo siyang lumapit sa akin.
Magkadikit na ang mga dibdib naming dalawa nang dumapo sa aking batok ang kaniyang kanang kamay. The next thing I know... ay hinahalikan niya na ako.
Kusang pumikit ng mga mata ko dahil sa mga halik niya. Mabababaw... Kalmado... Maingat... Iyon ang iginawad niyang halik sa akin. Nangatog ang mga binti ko at hindi ko na yata kaya pang tumayo nang matagal. Napansin niya sigurong wala na akong lakas dahil hinawakan niya nang mahigpit ang aking baywang. Unti-unti kong ibinuka ang labi at tinanggap ang mga halik niyang nakakabaliw at nakakalasing. Napunta ang mga kamay ko sa kaniyang kwelyuhan. Dahil doon ako kumuha ng lakas ay nagusot ko ito.
Pakiramdam ko ay may nabubuo sa aking katawan dahil sa mga halik niya. Pinasandal niya ako lalo sa wall. Hinahalikan pa rin ako. Dahil button-shirt ang kaniyang damit ay hindi ko napigilang iunbutton ang pinaka upper nito. Napapasulyap na ako sa kaniyang matipunong dibdib at napapalunok. Nasa ikalawang butones na ako nang hulihin niya ang mga kamay ko gamit ang isang kamay niya lang. Hindi na lang ako pumalag pa. Oo na! Halikan na lang...
I was ready for more nang tumigil siya bigla.
"B-Bakit?" Mabilis ang paghinga ko habang tinatanong iyon.
Hindi ko na lang dinugtungan dahil ang lasing niyang mga tingin ang tumatak sa akin.
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang mga kamay ko at lumayo nang bahagya. His face became dead serious. Madilim ang kaniyang titig sa akin at maya-naya'y pinasadahan ng palad ang buhok. I bit my lower lip. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang init ng aking mukha dahil sa nangyari. I saw how he licked his lower lip. Bumuntong-hininga siya at tila pinapakalma ang sarili. Naglaho ang seryosong mukha niya bago nagsalita.
"Kakailanganin mo bukas ang maraming lakas kaya kailangan mo nang matulog..." Damn! For the first time in history! Ang lambing-lambing ng kaniyang boses! Damnit!
Kinagat ko pa ang labi. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking labi. Kasabay ay ang pagdilim ulit ng titig niya. I pressed my lips. I could still feel him in it. Nasaksihan kong muli ang pag bilis ng kaniyang paghinga bago ako tinalikuran.
"Matulog ka na, Cressida."
Paano, Adrian? Kung naghalikan tayo? Na hindi ko maipaliwanag pero... Shit!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top