Chapter 4

Chapter 4

Ang Mansion ng Casamayor




Sunod-sunod ang mga araw na lagi akong nakangiti. Nasa beach hut ako at ngumingisi sa mga taong hindi ko naman kilala.

"Kanina ka pa tingin nang tingin sa ointment na 'yan, ah?"

Napawi ang ngiti ko noong magsalita si Lawrence. Kasama ko pala itong lalaking 'to. Nakaupo siya sa harap kong upuan at naguguluhan na nakatingin sa hawak kong bagay.

"Nothing..." Sabi ko na lang at itinago na iyon sa bulsa.

Adrian was the one who gave it to me. Alam kong posible. Naisip ko iyon pero binalewala ko dahil bakit niya naman ako bibigyan. Wala namang rason. Ay! There is! Siya ang dahilan bakit ako nadapa kasi hinabol niya ako. Tama! Iyon ang sagot!

"Parati ka bang magdadala ng tabo sa dagat? Hindi mo naman kailangan iyan." Puna ko sa kaniya dahil maliligo na naman yatang may dalang tabo gaya ng palagi niyang ginagawa.

"Mas masaya kaya kung ganito." Ngumiti siya.

"Whatever, Lawrence." Sagot ko na lang at tinitigan siyang lumalayo na naman.

Hindi talaga marunong magpaalam. He is twenty-three in the outside but he's seven in the inside. Pero he has changed a lot and I want to know more about him. Kung bakit siya naging ganiyan. Ano ang dahilan. He's the mayor's son kaya bakit hindi ang pumunta sa psychologist ang naging option niya para gumaling. Bakit dito? Sa Maison?


Pinawi ko na lang muna sa isip iyon at siningot ang amoy ng hangin. This feels really good! The sunlight! Shit! Ang sarap ng hangin. Iyong tipong mainit pero malamig ang hangin! Grabe! Bantayan Island is getting interesting...


Nag decide akong bumalik muna sa loob. Nakita ko sa may corridor di kalayuan si Vanj na seryosong nakatitig sa cellphone.

"Vanj?" Halatang nagulat siya. "What's wrong? Parang gulat na gulat ka?" Sabi ko.

Hindi niya man lang yata narinig ang mga yapak ko. She's too occupied.

"H-Ha?" Itinago niya ang cellphone sa bulsa. "W-Wala!" Ngumiti siya at alam kong pilit iyon.

"May problema ba?" Kunot-noo kong tanong.

Tuliro ang mga mata niya at hindi agad nakasagot. Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko ang buntong-hininga niya. Hinawakan niya ang aking braso at ngumiti. Wala na iyong kaninang pag-aalinlangan.

"Kahit anong mangyari, maniniwala ako sa'yo, Cressida. Hindi naman ako uto-uto sa mga bagay na walang katotohanan kaya don't worry!"

Nagdikit ang mga kilay ko, "What are you saying?" Tanong ko.

"H-Huh?" Mukhang narealize niya na wala akong alam. "W-Wala! Kain na lang tayo sa resto!" Hinigit niya na ako.



Sinubukan kong magtanong ulit pero hindi niya talaga ako sinasagot. Iniiba niya ang usapan. Kanina ko pa napapansin ang mga titig sa akin ng mga tao habang papunta kami sa restaurant. Mas lalong nangunot ang noo ko. What is really happening here? Alam kong meron.



"What are you looking at?" Hindi ko mapigilan ang sariling mainis noong makita ang babaeng nakasabay ko sa restroom na tingin nang tingin sa akin.



Nag-iwas iyon ng tingin at nauna nang lumabas. Iba ang kutob ko. Hindi ko alam kung ano basta may nangyayari... at aalamin ko agad iyon pagbalik ko sa kwarto. Nakacharge ang cellphone ko doon.

Hindi na ako nagpaalam kay Vanj at agad nang bumalik sa kwarto. Nakita ko pa sa front desk ang mukhang may lakad na si Adrian. Nagkatitigan kami pero wala na akong oras na magpalitan ng titig kaya binilisan ko na lang ang lakad ko. Kinuha ko agad ang cellphone doon sa kwarto ng room.

89 missed calls and 100+ messages

Iyon ang bumungad sa akin. Ang daming texts. May mga dumadating pa. Mayroon ring maraming chats sa socials ko. Nangunot ang noo ko noong may makitang link na sinend sa akin ng kaklase ko noong second year college. Pinindot ko iyon at babasahin na sana nang may kumatok. Inilagay ko iyon sa kama at binuksan ang pinto.



Seryosong itsura ni Adrian ang bumungad sa akin. Halos ayaw niyang ibuka ang bibig.




"May kailangan ka?" Agad kong sabi. Kating-kati na malaman kung ano ang laman ng link na iyon.

Bumuntong-hininga siya at tinitigan ako nang seryoso, "You did drugs?"

Kusang humakbang paatras ang mga paa ko nang sabihin niya iyon. W-What...

"S-Saan mo nalaman 'yan?" Gulat kong tanong.

I never took illegal drugs but how the hell did he found out about my issue in Manila?

Nanatili siyang seryoso, "Sa news. Kaya ka ba talaga nandito para takasan ang kaso mo?"

Nag-alab ang galit ko. So, this is about that. This is about what happened in Manila? Kaya pala ganoon na lang kung umasta si Vanj? Dahil dito? Iyon ang ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya? At kaya iba ang titig ng mga tao sa akin dahil dito? Dahil may nagpalabas ng impormasyong iyon? At ang link na pinindot ko ay tungkol dito. Now, it all makes sense.

"PUTANGINA! Ganyan ka pala? Nagpapaniwala sa isang news lang! HINDI AKO DRUGGIE! Oo, ginawa ko halos lahat ng kabulastugan doon pero hinding-hindi ako gumamit ng droga!" Ginamit ko na ang buong boses ko dahil sa pinaghalong galit at poot.

Pumungay ang mga mata niya at humakbang palapit sa akin. Nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Wala na akong lakas pa na tumakbo. 

Hindi ko na napigilan ang pagbalot niya ng yakap sa akin. Bumagsak ang mga luha sa mga mata ko na kanina pa nagbabadyang lumabas.

"Nakakainis... Pumunta ako dito para man lang sumaya... Ang daya-daya niyo... Hindi niyo man lang ako pinaniniwalaan... Ikaw... Si Daddy..." Humikbi ako sa yakap niya.

Hinampas-hampas ko ang kaniyang dibdib.

"I'm so sorry... Hindi ko sinasadyang paiyakin ka..." Hinagod niya ang likod ko pero dahil sa galit ko ay tinulak ko siya nang mabilis.

"Lumabas ka muna, Adrian... Ayokong makita ka."

Tumango siya nang dahan-dahan, "Just until you get fine, Cressida. Babalikan kita dito." Umalis na siya.



Imbes na sayangin ang oras sa paghikbi ay kinuha ko ang mga gamit ko. Inilagay ko iyon sa maleta. Kinuha ko rin ang cellphone ko at binasa ang article.



C, a third-year college student, the daughter of W&C, is reported to be a druggie. It was said that she went to the police station with her parents. Due to the said 'strong' connection between the officer and the father which is the CEO of the W&C corporation, everything were buried. The abuse of power of the said CEO is now spreading around the country and the business partners. The credibility of the police power is now doubted.



I gasped. Aalis ako dito. Hahanapin ko ang taong nagsulat nitong article nito. Maraming koneksyon si Daddy, oo. Ayokong pumirmi lang dito sa isla at magpanggap na walang nangyayari. Idinamay ko na ang pangalan ng pamilya namin. Naaapektuhan ko na ang negosyo ng pamilya ko dahil lang sa isang bagay na wala naman akong kasalanan. Hahanapin ko si Anna. Si Anna na siyang may kasalanan ng lahat ng ito. Hinding-hindi ko na 'to palalagpasin pa.

Mabuti na lang at saktong may biyahe. Padilim na noong nakalabas ako ng Maison. Hila-hila ang maleta ay nabunggo ko ang isang matigas na bagay.



Tumingala ako at ang magkadikit na kilay ang sumalubong sa akin.



"Saan ka pupunta, Miss Salazar?" Naguguluhan ang tono niya at hinawakan ang braso ko.

"None of your business." Pinalis ko ang pagkakahawak niya.

"Kung saan ka man papunta, sasama ako. Hintayin mo ako dito." Tatalikuran na niya sana ako pero agad akong nagsalita.

"Aalis ako nang mag-isa. Wa'g mo 'kong sasamahan at mas lalong wa'g mo 'kong pipigilan." Kalmado ang tono ko pero bawat salita ay may diin para maramdaman niyang galit ako sa kaniya.

Ang kapal niya! Ang dali-daling humusga! Sa lahat pa ng tao dito, siya pa ang ganiyang ang tingin sa akin. Ano pa ba inaasahan ko? Ganiyan naman talaga siya noong unang araw ko dito, eh!

"Sasamahan nga kita, 'di ba?"

"I don't need your company."

"But you might want it."

Pinagdikit ko ang mga labi ko, "No! Why would I?"

"Wa'g nang matigas ang ulo, pwede ba? Sasama ako kaya hintayin mo ako dito." Akma na naman siyang aalis.

"Ayoko ngang kasama ka, Adrian! Husgahan mo lang ako nang husgahan! Wala akong pakealam." Kumurot ang puso ko nang sinabi ko iyon.

"Fine! Kung ayaw mo 'kong isama, hindi ako sasama. Pero hintayin mo ako dito." Bumuntong-hininga siya at umalis na nang tuluyan.

Umirap ako sa kawalan at tinignan ang likod niyang papaalis. Ilang beses akong napabuntong-hininga.

"Nakakainis. Ano bang plano ng lalaking 'yon? Hindi por que sobrang gwapo niya at naaattract ako sa kaniya ay pwede niya na akong kontrolin. Ang kapal niya naman talaga kung gano'n. Hinusgahan niya kaya ako. Tapos ano? Ganito? Magpapahintay siya? Hindi siya sasama?" Kinausap ko na lang ang sarili ko.

At bakit ba ang tagal niya? Kanina pa ako naghihintay dito tapos... Teka! Hinihintay ko ba siya?! Bakit ko siya hinihintay!? Shit! Nagsasayang lang talaga ako ng oras dito. Bahala ka, Adrian. Aalis akong mag-isa.

Aalis na sana ako nang marinig ko ang kaniyang boses.

"Ganiyan ang gusto ko, Cressida... You're a good girl." Humalakhak si Adrian at may dala-dalang maleta.

"Ano 'yan? Sabi ko naman diba? Ayokong kasama ka."

"Ang dami mo talagang sinasabi. Hindi naman kita sasamahan. Uuwi ako."

"Anong uuwi? Wa'g mo nga akong niloloko!"

Naagaw niya na sa akin ang maleta ko. Nauna na siyang maglakad sa akin. Sumunod ako dahil aagawin ko ang maleta sa kaniya.

"Ano ba!? Ayokong kasama ka, pwede ba!? Bakit ka ba nangengealam? Hayaan mo na nga ako!" Unang attempt ko na kuhanin ang maleta sa kaniya ay hindi ko nagawa.

"Bakit kita hahayaan?"

Shit! Hindi ko talaga naiintindihan ang lalaking 'to.

Huminto siya sa harap ng itim na kotse. Flashy masyado. Ang kintab rin. Napahinto ako nang may maalala.

"Wait... This car... Don't tell me..."

"Na ako ang sumundo sa inyo noong dumating kayo dito?" Pinagbuksan niya ako ng pinto ng front seat.

Napaawang ang labi ko at pumasok na. Umikot rin siya at pumasok na rin. Natahimik ako. Kaya pala pamilyar ang amoy niya noong unang kita ko sa kaniya. Iyon ang amoy na nasinghot ko sa puting jacket na nakabalot sa katawan ko. I bit my lower lip at saka lang napansin na umaandar na pala ang sasakyan.

"Bakit mo ba 'to ginagawa, ha? Anong pakay mo? Wa'g kang sumama pwede ba! May trabaho ka dito. You're being irresponsible!" Patuloy ko pa rin.

"Pwede bang kumalma ka muna? Bakit ba galit na galit ka?" Sinulyapan niya ako saglit.

Ang kaniyang kaliwang kamay ay nakapatong sa may bintana at isa ay nagmamaneho. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit ba ang gwapo nito? DAMN THIS! Kahit ba galit na galit ako ay pupunahin ko ang itsura niya? Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Kasalanan niya ito.

Sa labas na lang ako tumitig, "Bakit hindi? Nagpapaniwala ka kasi agad sa mga balita. You don't even fact-check."

He sighed, "Alright. It was my fault, okay? So, pwede bang hayaan mo na lang ako na sumama at manahimik ka muna? Ang sakit na ng tainga ko."

"Patuloy akong mag-iingay para hindi ka sumama! Ayokong kasama ka!"

Bumuntong-hininga siya at mukhang pagod na pagod na sa lahat ng reklamo ko, "Fine. Ganito na lang, just think na kaya ako nandito kasi uuwi ako, uuwi ka rin, nagkataon na nagkasabay tayo. Sounds lame. Bahala na. Sasamahan kita sa ayaw at sa gusto mo, get me?"

"Anong uuwi? Saan ka uuwi?! Pero, hindi! Hinding-hindi kita maiintindihan! Kaya ikaw, wa'g kang magsisi kung patuloy akong mag-iingay kasi kasalanan mo naman." Inirapan ko na naman siya

"Alright."

"Ano? Hindi ka na sasama?" Binalingan ko siya ng tingin. Nakita ko ang pagngisi niya at tinignan rin ako.

"Sasama pa rin ako. You bad girl.

"Ako pa ngayon ang masama?"

"Of course. You're a bad girl."

"I'm not a girl! I'm a grown woman!"

"A woman would respect her manager. Are you even doing it?"

"You disrespected me first. I only respect those who respects me. Besides, wala naman sa edad 'yan. Kahit na mas matanda ka ng ilang taon ay hindi kita irerespeto."

"Two years, Miss. Dalawang taon lang ang agwat natin. Kung makapagsalita ka, parang sampung taon akong mas matanda sa'yo."

"Sabi ko nga! Kaya nga hindi kita irerespeto, 'di ba? It's not like your thirty!"

"So kung thirty ako, rerespetuhin mo ako?"

Nanliit ang mga mata ko, "You? Kahit sixty ka pa, hinding-hindi kita irerespeto. Tsk!"

Hinding-hindi ko talaga siya maiintindihan. Bakit ba sasama siya? Kasi nakokonsensya siya dahil mali ang akala niya? Iyon ba? Ano pa ba ang ibang dahilan, Cressida? It's not like there's something more. Tinitigan ko siya. Hindi ko mabilang kung ilang minuto akong nakatitig sa kaniya. Basta narating na namin ang port. Dinala niya ang sasakyan niya.



Mabilis ang oras at narating na namin ang Hagnaya. Pagkababa ng sasakyan sa barge ay agad kaming nag book ng flight. Last flight ang nakuha namin.

"Let's eat first." Sabi niya at hindi na ako tumutol pa.

Tutal ay nagugutom na rin naman ako. Nakakagutom talagang bumiyahe. Ilang oras rin iyong byahe sa barge. Nakakapagod umupo. Now I understand Lola.

Hininto niya ang sasakyan sa parking space ng tanyag na restaurant sa Cebu. Kahit sa Manila ay naririnig ko itong lugar na ito. They said the restaurant serves food that are THAT delicious but it's expensive. Figures. Wala ka namang makukuhang masarap sa mura for me.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Adrian. Nagform ang biceps niya nang ginawa niya 'yon. Puting polo shirt lang ang kaniyang suot na ang pares ay magarang men's trouser na khaki. Matangkad talaga siya. Taga balikat lang yata ako. It's not that I'm not tall, he's just taller. Six footer, I bet.

Ako ang pumili ng table. Malayo sa glass window ng resto. Ayokong makakuha ng atensyon. I want this ride to be smooth. The ride to the truth. Gagawa ako ng paraan para malaman ng lahat na wala akong kasalanan. I will go through walls para ayusin ang pangalan namin. I was at fault of staining our family's name kaya ako rin mismo ang lilinis nito. At all cost.



"Hi, Sir! Ma'am! What would you like to order, po?" Nilapitan kami ni waitress na malagkit ang tingin sa nakaupo sa tapat ko na si Adrian.

Nanliit ang mga mata ko at tinignan ang order.

"Steak, medium rare. That's all." Sabi ko.

"Okay, po..." Habang sumasagot siya ay na kay Adrian pa rin ang titig niya.

Mas lalong nanliit ang mga mata ko.

"How about you, Sir?" Mas lumagkit ang titig ng waitress nang balingan siya ng tingin ng isa.

Saglit lang naman iyon dahil nilipat niya agad ang tingin sa akin. Nakakunot na naman ang magaganda niyang kilay.

"Iyon lang ang order mo?" Tanong niya, halatang hindi makapaniwala na iyon lang talaga ang order ko.

Pinaikutan ko siya ng mga mata, "Yup... That's all. How about you? Sagutin mo na ang waitress dahil kanina pa 'yan titig nang titig."

Hindi ko alam saan ko nahugot ang ginamit kong tono nang sinabi ko iyon. I sounded so... bitter!

Mas nagdikit ang kilay niya at inilahad sa akin ang menu niya.

"Mag order ka pa. Marami pa tayong oras bago ang flight. Don't worry about the time."

"Iyon nga lang ang gusto kong kainin, Adrian." Hindi ko maiwasan ang pagkainis.

"Order na po kayo, Sir. Mukhang galit na ang kasama niyo."

Humagikhik ang babae and swear! Uminit ang pisngi ko sa inis! Goodness, gracious! Bakit ba umiinit ang ulo ko dito?

"Excuse me, hindi ako galit. Talagang ayoko lang sa mga--" I couldn't finish my sentence dahil sumingit si Adrian!

"Chateaubriand and..." Sinulyapan niya ako habang kung anu-ano ang tinuturo sa menu niya. Tinignan niya ang menu, "This..." Sinulyapan niya uli ako. "This... and..." Tinignan niya ako. "What do you want for dessert?"

Umirap ako, "Fruit salad!" Painis kong sabi saka humalukipkip.

"How about you, Sir? Marami pa pong masarap dito..." Inilapit niya ang katawan kay Adrian at halos idikit niya na ang dibdib niya sa braso nito.

Todo na talaga ang pagtaas ng kilay ko dahil sa ginawa niya. Mahaderang waitress! At wala man lang ginawa si Adrian para pigilan ito! HAH! He likes what she's doing! Darn, guy! At parang iba pa ang tono ng babae. Parang iba ang tinutukoy niyang masarap. Lalo na nang mas lalo pa siyang lumapit kaya agad akong tumayo.

"Kung ano ang gusto ko, iyon na din ang gusto niya! Malinawag ba?!" Diniinan ko ang tono ko but I lowered my voice.

Ayokong makakuha ng atensyon dito. Mahirap na... I'm still in the hot list.

Lumayo nang kaunti ang babae at mukhang nagulat sa pakikitungo ko sa kaniya. Yes, girl! I don't like you so go away! Damn it talaga!

"S-Sige po, Ma'am..." Mukhang namutla pa siya bago umalis.

Umirap ako sa kawalan at bumalik sa pag-upo. Nakakunot ang noo niya sa akin.

"What?!" Inis kong sabi.

"Bakit ka nagsusungit?" Aniya.

"Whatever!" Pinaikutan ko na lang siya ng mga mata at hindi na inimik pa.

Nilantakan ko agad ang pagkain. Nahirapan pa akong i cut ang steak kaya ibinigay niya sa akin ang kaniya na naka cut na lahat.

"Thanks," Walang buhay kong sabi.



He paid for the bill. Dumiretso na rin kami sa airport pagkatapos kumain. Hindi nagtagal ay flight na namin. Dinalaw ako ng antok sa eroplano kaya nakatulog ako. Nang nagising ako ay nakadantay ang ulo ko sa balikat Adrian. Medyo naka lean pa siya sa akin para lang yata makadantay ang ulo ko. Hindi siya natulog. May hinahalungkat lang siya sa cellphone. Napansin niyang gising na ako kaya umayos na siya ng upo.



"Just continue sleeping. Gigisingin na lang kita mamaya." Malumanay niyang sabi.

"Hindi na ako inaantok." Sagot ko at tumitig na lang sa labas.


Buti na lang at sa window seat kami. Kahit ang dilim na ay nakikita ko pa rin ang ibang mga ulap dahil sa ilaw ng eroplano. Patuloy sa pagcecellphone ang katabi ko. Seryoso ang itsura. Mukhang hindi inaantok. Ano ba ang ginagawa niya? Tss. I don't care.



Pagkarating namin ng Manila ay agad kong sinabi sa kaniya ang address ng bahay.

"Shit! Andaming reporters!" Suminghap ako nang makita ang mga reporters sa labas ng gate ng bahay namin.

Paano nila nalaman ang bahay namin? At kahit gabi ay nag-aabang sila? Uhaw na uhaw sa balita? Darn...

"Sa Jones na lang siguro," Baling ko sa tahimik na lalaking nagmamaneho.

Pinaglaruan niya ang labi at tumitig sa akin. "Hotel is not a good choice. May posibilidad na may makaalam kung saang hotel ka magsistay." Sabi niya.

"I know some of my father's friend na may ari ng hotel. Hindi naman siguro." Nag-alinlangan rin ako.

"Your company's name is controversial as of now, Cressida. They may be doubting your father's name now. Hindi pa rin safe ang hotel."

Nagkagat ako ng labi. He's right. Shit. This is all my fault. Pati pangalan ni Daddy ay nasira ko na rin. This is all because of my clumsiness.

"Tatawagan ko na lang ang pinsan ko." Iyon na lang ang last resort ko. Taga Manila rin ang isa kong pinsan na babae. Medyo close kami kaya pwede lang akong manatili muna do'n.

Kukunin ko na sana ang cellphone nang magsalita siya.

"I have a place and it's safe there. Doon na lang tayo." Pinaandar niya na ang sasakyan.

"Hindi ba ako nakakaabala?" Kinagat ko uli ang labi.

Marahan siyang umiling, "Course not." Aniya.



Lumundag ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napatitig ako sa kaniya. I just realized na wala pala akong alam sa kaniya. Kung meron man, iilang detalye lang. Masyado siyang malihim. I want to know him better. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa kaniya. I have never been this interested... Sa kaniya lang talaga. He is like a dark tunnel for me. Iyong tipong wala kang makikitang kahit ano dahil masyadong madilim at wala man lang siyang dalang flashlight para ilawan ang kagaya kong curious. Hinahayaan niya lang ako. Mukhang ayaw niyang makilala ko siya...



Tinikom ko na lang ang bibig. Hanggang sa huminto siya sa harap ng malaking gate. Binaba niya ang bintana ng sasakyan niya.



"Good evening, Sir Adrian!" Bati ng guard sa kaniya.

"Good evening!" Bati niya pabalik dito.



Ngumiti ang guard at may pinindot na button para buksan ang malaking gate. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan papasok ng isang malawak na subdivision. Ang daming ilaw. May mga palm trees rin. May nakikita ako mula sa malayo. Maraming van at mga sasakyan.

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. No, scratch that. Sa harap ng isang mansion. That's better.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Bumaba ako at tumingala sa bahay. Mayroong malaking chandelier sa labas ng mansion. Nakasabit sa kisame. Inilibot ko ang paningin. May malaking swimming pool sa hindi kalayuan. Ang daming garahe. May iba't-ibang sasakyan doon. May mga sportscar pa akong nakikita.

"Tara na?"

Tinitigan ko siya. Just how big and fat is your mysteriousness, Adrian? Bakit naroon ka sa Bantayan at naging manager? Come to think of it, how come na magkakilala sila ni Lola? Just how deep is his life at bakit wala akong masisid na impormasyon tungkol sa kaniya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top