Chapter 2

Chapter 2

Mga Ganiyang Damit




"Under maintenance this summer vacation, Lola? I may be your granddaughter but I'll say that this is the lamest idea you have ever thought of. Vacation is one of those reasons kung bakit nag-eexist itong beach. Especially this summer. Malamang ay maraming mga taong mangangailangan ng restaurant. Maraming mga nagbabakasyon! And also, talagang magrereklamo ang lahat ng nagsi-stay dito dahil walang pagkain! As in, wala, Lola! So, I'm telling you to postpone the construction of your restaurant so you won't have a complaining visitor like me."


Ang pagreklamo kay Lola sa phone call ang una kong ginawa nang dumating ang umaga. I mean, hindi ako nakakain kagabi and I have the right to complain kasi sila ang nagdesisyon na dito ako magstay sa Maison. It's the name of the beach house. Kanina ko lang napansin noong dumungaw ako sa bintana.



"Good morning, hija. Kumain ka na ba?" Sarcastic ang tono ni Lola na ikinaikot ng mga mata ko.

"Lola, you're not even listening."

"I'm listening, hija. Hindi lang kita maintindihan. May eggs and vegetables naman sa ref, hindi ba? All rooms have it. And the manager told me that your room is all set. Hindi naman iyon nagsisinungaling sa akin."

"I don't want to gain weight, Lola. And eggs in the evening? No way! And also, wala man lang room service itong Maison. I so dislike this place. At isa pa iyang manager nito. I didn't even met that person pero ayoko na sa kaniya. One thing a manager should, S-H-O-U-L-D, Lola ha? Kailangan niyang ipaliwanag sa akin ang lahat. You instructed the manager, right?"

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Anong oras pa ba?"

I checked my watch, "It's eight," Sagot ko.

"That's what I'm saying. Mahaba pa ang araw. Hindi lang naman ikaw ang aasikasuhin ng manager. Besides, how about you roam the place muna bago ka magreklamo?" Tumawa pa siya.




Umirap ako at pagkatapos ng ilang segundo ay nagpaalam na ako. Hindi ko man lang nahanap ang solusyon sa problema. Tinawanan pa ako! My goodness, Bantayan Island! Gutom na gutom na ako at saan ako kakain? Magluluto ng itlog?

Iyon na lang ang ginawa ko. No choice. Maraming itlog sa ref. Isang tray yata iyon lahat. Parang gagawin akong manok ng lugar na 'to dahil sa dami. Hindi naman ako gaano kahilig sa itlog. Dalawa lang ang niluto ko. Nasunog pa iyong isa.


"What!? They have this shampoo? This is so expensive!"


Buti na lang talaga at na exceed ng banyo ang expectation ko. I stayed in hotel noon pero I can say that the bathroom of this place is much better. From the product's brand to the smell. Ang expensive! Ang linis pa!


"Now this is what you call heaven!" Sigaw ko at sumayaw-sayaw pa.





Tahimik kong nilalagyan ng tuwalya ang aking buhok noong narinig ang katok sa pinto.



"Five minutes!" Sabi ko at nagtoothbrush.


Kumatok pa iyon ulit. Bakit ba katok nang katok? Ano ba kailangan nila?


"I'm brushing my teeth!" Sigaw ko.



Hindi tumigil iyong katok kaya padabog kong tinapos ang ginagawa at inalis sa ulo ang tuwalya. Binilisan ko ang paglalakad patungo sa pintuan.



"What do--" Hindi ko natapos ang sasabihin noong mabuksan ko na ang pinto.



A guy with his tight white shirt and expensive jeans paired with a branded shoes showed. A statuesque. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at hinarap ako ng nakakunot ang noo.

Nanliit ang mga mata ko. If I'm not mistaken, ito iyong lalaki kagabi. Iyong galing gym. Iyong gwapo. Pero magkadikit pa rin ang mga kilay. Masungit. Madilim pa rin kung makatitig.




"You open your door looking like that?" Ang manly ng boses nitong masungit na 'to. Deep. Sexy.

Inayos ko ang suot-suot na bathrobe at umirap. "What do you need?" Kung masungit siya, mas masungit ako.



Umigting ang kaniyang bagang. Yes! Nakita ko iyon!




"Nevermind. Hanapin mo na lang ako mamaya." He sounded so authoritative.

"What? At bakit naman kita hahanapin?"

Pinanliitan niya ako ng mga mata, "I'm Adrian Miguel Casamayor, Miss Cressida Jaci Salazar. Narinig kong hinahanap mo raw ako. So, I'm here."




Ang tono niya ay parang sarkastiko. You know that tone when someone sounded so irritable? Iyong obvious na nga, tinatanong pa raw? Ganoon!




"Ikaw?" Hinead-to-foot ko rin siya. "The manager?" Sarcastic ko rin siyang sinagot.

Kung sarcastic siya, I'm even more.

"Is there a problem?" Hindi talaga naghihiwalay ang mga kilay niya.

"No!" Irap ko. "I don't need you. Now, please excuse me." Ngumiti ako at pinagsarhan siya ng pinto.




Bumuntong-hininga ako nang malalim. That gorgeous guy is the manager? He looks young! I mean, maybe he's older than me but he's still young. Mature iyong features niya pero not that mature. At basi sa pakikipag-usap niya sa akin, he's not that mature. Hindi nagkakalayo ang edad namin. Sigurado ako.

Well, if he's the manager, ano naman ngayon? I will find all informations about this place without his help. Kung ganoon lang naman kasungit ang manager, huwag na lang.



"Anong rules ang mga ito? Bakit masyadong demanding?"

Ginawa ko talagang maghanap ng impormasyon tungkol sa Maison. I'm staying here for a month or two kaya kailangang may alam ako.

"Ganiyan po talaga dito, Ma'am. Mula noong itinayo ito ay iyan na ang rules na kailangang sundin." Sagot sa akin ng babaeng staff, hindi ito iyong kagabi.

"And what's the consequences?"

Umiling siya at ngumisi, "Depende po sa kay Sir Minggoy."

"Who the hell is Minggoy?" Napangiwi ako.

"Si Sir Adrian po. Miguel. Minggoy. Iyon kasi ang pinapatawag niya sa amin. Palayaw niya po."




Mas lalo akong napangiwi. Miguel? Minggoy? His nickname sounds so bad! Nagtutunog unggoy! Kahit na masungit iyon, he still deserve to have a decent nickname. Hindi iyang ganiyan. Ang pangit.

Naglakad ako palabas ng Maison. Sumunod sa akin ang staff.

It's eleven in the morning and the sun is at it's peak. Dumidiretso sa balat ko ang init dahil tank top ang damit ko. Nakashort shorts lang rin ako. Hindi naman ako sensitive sa init ng araw kaya okay lang. Besides, hindi pa rin naman ako umiitim dahil lang dito.




"How much is the entrance fee here?" Tanong ko noong maglakad-lakad sa gilid ng dagat.



May mga naliligo kahit na ang init. Ang iba ay nagsu-sunbathing pa. Mga foreigner ang mga iyon. Marami rin pa lang visitors dito.




"Five thousand pesos po per head."

Napatingin ako sa staff, "What? Bakit ang mahal?" Hindi ko mapigilan ang pagkomento dahil kahit na mayaman kami ay malaki pa rin ang halagang iyon kung sa entrance fee lang igugugol.



To think na hindi naman gaano kaganda itong beach resort. There's no interesting din.




"Kasama na lahat sa five thousand. The services, beach houses, cottages, and everything except of course, sa Maison and the restaurant. But overall po ay mas makakatipid sila dito kumpara sa ibang beach nearby." Paliwanag nito.

"Per day ba iyang five thousand?"

"Yes, po."

"How about my stay? May bayad rin ba?"

I'm the owner's granddaughter kaya.

"Secret lang po ito, ah..." Lumapit siya sa akin. "Libre po ang pagsistay sa Maison pero dapat kwalipikado ka sa mga requirements na hinihingi."

Nangunot ang noo ko, "What requirements?"





I waited for her answer pero nagkibit lang siya ng balikat at sinabing confidential raw. Hindi ko na pinilit. It's their job to keep it kaya bakit pa ako makikisali. So, that's it? Maison is a free vacation house? Bilib rin ako kay Lola sa business niya dito. Ano ang makukuha niya sa mga nagsistay dito kung walang bayad? Whatever that is, kanila na rin iyon. I don't know much about business kaya hindi na ako manghihimasok.

Kumain ako sa restaurant sa kabilang beach resort. Wala namang something boundary sa mga beach dito kaya nakapasok ako doon. I ordered those dishes na familiar sa akin. I payed for the entrance fee and everything bago bumalik sa Maison. May napapansin akong ilang tumititig sa akin at ang iba ay ngumingiti pa. Iyong ibang employee rin sa restaurant kanina ay inusisa ako. Mababait naman kaya maayos ang pakikitungo ko sa kanila.

Nalaman kong tapos na raw sa pag-aayos ang restaurant ng resort kaya doon na ako naghapunan.




"Oh, hi Cress!" May bumati sa akin noong lumabas ako ng restroom.

It was the girl from last night. Iyong mukhang lasing pero hindi.

"Evangeline, right?" Sabi ko na lang at inalala na kailangang makisama ako sa mga tao para may makuhang impormasyon dito.

She nodded, "May lipstick ka?" Nakatitig siya sa labi ko.



Bahagyang tumaas ang kilay ko. I don't really like it when someone uses my things. Hindi naman ako nagretouch sa restroom. Long-lasting at transfer-proof madalas ang bullet lipsticks ko kaya may kulay pa rin ang labi ko. Sa ganitong scenarios ay isa lang ang ginagawa ko.



"Naiwan ko sa Maison. Sorry," Sabi ko at ngumisi.

"Oh, ganoon? Sige!"

Tumango ako at lalagpasan na sana siya nang magsalita ulit.

"Puntahan na lang kita mamaya sa room mo, kung okay lang naman?"




Itinago ko lalo ang pagtaas ng kilay. Iniwasan ko ang kaniyang mga titig at wala sa sariling tumango na lamang. God. I have never met a girl like her. Hindi ba niya natunugan na ayokong magpahiram at pupuntahan niya pa talaga ako? I hate this place.

Alas diez ng gabi noong may kumatok sa pinto. Katatapos ko lang maghalf-bath.

Hinanda ko na kanina iyong lipstick ko. The cheapest one. After niyang gamitin iyan ay itatapon ko na lang. Call me sensitive pero ganiyan na talaga ako noon pa lang.



"Sandali lang..." Sabi ko at marahang binuksan ang pinto.

"Hi!" Bumungad sa akin ang babaeng magulo ang buhok.

"My goodness!" Napaatras ako sa gulat.

"Oh, sorry!" Aniya at inayos na ang buhok.

"You scared me!"

Nagpeace sign pa iyon, "I said sorry, okay? Galing kasi akong Mr. DIY. Muntik ko na ngang makalimutan na pupuntahan pala kita. Buti na lang madali akong maglakad. Hehe." Ngumiti pa siya.


She's really weird. Mukha na naman siyang lasing. But I don't smell alcohol. Baka mild smell alcoholic drink lang ang ininom niya?



"Pasok--"

"Ganda ng room dito, 'no?" Nakapasok na pala siya.

"Oo... I like the room."

"Ito ba iyong lipstick na ginamit mo ngayong araw?"


Umupo siya sa sofa at kinuha ang lipstick sa mini table doon. I sat in front of her saka tumango. Pareho ng shade iyong lipstick na hawak niya at ang lipstick na ginamit ko kaya hindi niya naman siguro mapapansin na hindi iyon ang ginamit ko.



"Pwede kong itest?"

Tumango ako, "Yeah, sure."

Akala ko ay sa labi niya ilalagay. Sa kamay niya pala.

"Oh, what shade is this?" Namangha siya at tinignan ang packaging.

"It's sunset," Sabi ko.




Bagay naman iyong shade sa kaniya. Maputi rin siya. Magkasing puti yata kami. Mukha siyang lasing but she looks elegant at the same time. Mayaman rin ito. I can say that.




"Did you know? Siyempre hindi." She laughed. "I collect lipsticks. Kaya lahat ng shades na nandito sa Bantayan Island ay meron ako. This sunset shade is new to me. I like it's warm tone. Anyways, thank you, Cress! " Sabi niya at ibinalik sa akin ang lipstick.

Unconsciously akong napangiti. She seems interesting. Malayo sa impression ko sa kaniya noong una. Akala ko ay she's the type of person na mahilig manghingi ng gamit nang may gamit. I was wrong. She's not like that pala.

"No worries... I also like this shade." Sagot ko. "Oh, wait here."

Tumayo ako at dumiretso sa kwarto. Kinuha ko ang lipstick pouch ko at inilahad iyon sa kaniya.

"I bet maraming lipstick shade na wala rito sa isla so... here's my lippies! Tignan mo!" Sabi ko.

Her eyes twinkled. Halatang nasisiyahan sa bawat pagtingin niya sa mga gamit ko.

"Saan ba ang room mo?" Tanong ko maya-maya.

"It's room 14. Medyo malayo sa room mo." Sumagot siya habang tinatry sa kamay ang mga lipstick ko.



Mag-iisang oras bago niya matapos tignan ang lahat nun. Marami na rin akong nalaman tungkol sa lugar. She even shared her life about me. It's her second time to stay here. Nasiyahan raw siya dito kaya bumalik. She lives in Siargao. Medyo malayo rin.




"Thank you, Cress!" Aniya at inihatid ko na sa may pintuan, "Oo nga pala. Just call me Vanj next time. We're friends naman na, 'di ba?" She smiled.



Hindi agad ako nakasagot. Friends... Is a deep word now. Hindi lahat ng makikilala ay magiging kaibigan. Madalas ay gagamitin ka lang pala at tatraydorin sa huli. So I should set my boundary higher. I've had enough of shits from my friends.



"Silence means yes?" Tumawa pa siya at umalis na.



Pinagmasdan ko siyang lumalayo. Evangeline seems really nice. A friend from this island... I think she will be my first friend kung ganoon? Let's see, then kung ano ang kahihinatnan ng pakikipagkaibigan niya sa akin. We don't know people. She might be hiding behind a mask. It's either a shade of good or bad side. Sa ngayon, makikisama muna ako sa kanila.



Naalimpungatan ako alas dose ng madaling araw noong ikalimang araw ko sa resort dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto.



Uminit agad ang ulo ko. It's midnight for pete's sake! Sinong baliw ba ang mang iisturbo ng ganitong oras?! Plus, I hate noises!




"Ano ba?!" Padabog kong binuksan ang pinto.



Nangunot ang noo ko nang makitang isang lalaki ang kumatok. Hindi iyon pamilyar sa akin. Ngayon ko pa lang iyon nakita. Nasinagan ng ilaw mula sa hallway ang kaniyang mukha kaya napaatras ako.

"S-Sino ka?" I trembled when I saw his face.

Ang mga mata nito ay nanlilisik na nakatingin sa akin. Ang itim pa ng eyebags nito. Ang magulo rin nitong buhok na may kahabaan ay nakakatakot tignan. Desente naman ang damit niya pero ang dungis-dungis ng mga kamay niya. Nakapaa pa. Humakbang siya patungo sa akin habang tinititigan ang katawan ko pababa at pataas.



Kumapit ako sa aking damit na tanging see-through nighties at mas napaatras pa.



"Damn it!" Wala na akong ibang reaksyon kung hindi ang mapasigaw nang pumasok siya at isinara nang pagkalakas-lakas ang pinto.

Kahit na nanginginig ay pinilit kong kunin ang mop na aking nakita sa gilid.

"Don't you dare!" Tinutok ko sa lalaki ang mop.



Ngunit hindi iyon natinag. Hinawakan niya ang dulo ng mop at walang hirap iyong kinuha sa akin. Hinagis niya iyon sa may sala.

"HELP!" Sigaw ko at naghanap ng iba pang pwedeng ihampas sa kaniya.



Shit! An island is an island! It's dangerous! I have read an article that said islands are dangerous! There are lots of scary stuffs. Akala ko ay hindi iyon totoo, but this guy in front of me is the evidence! DAMN! I should have known!

Parang maiiyak na ako sa sobrang takot pero ginawa ko ang lahat makalayo lang sa lalaki.





"Damn this!" Mabuti na lang at nakita ko ang frying pan sa kitchen.

Nakasunod iyong lalaki. Ang nakaharang lang sa amin ay ang maliit na table.

"Sino ka ba?!" Sigaw ko ulit.



Shit this place! Ilang ulit na akong sumigaw pero wala man lang nakarinig! Bukas na bukas ay aalis ako rito! Kahit saan ako magstay, just not here! I fucking hate this place!

I bit my lip habang iniisip kung saan dapat dumaan. Ang liit ng pagitan namin! Mas nanlisik ang mga mata ng lalaki at mas nanginig pa ako.


Bumuntong-hininga ako. Shit! Bahala na! Pumatong ako sa mesang hindi gaano kataas at hinampas iyong lalaki sa balikat.



"Ouch!" Aniya at ininda ang paghampas ko.

"What the hell do you want from me?! Money? I can give you money! Ano pa?!"

Huminto siya. Tinitigan ulit ako. Ang katawan ko... at sumagot.

"Katawan mo," Ngumisi iyon.

Hindi ko na hinayaang makapagsalita ulit. Hinampas ko ang kaniyang katawan. Wala na akong pakealam kung nasasaktan siya!

"Pervert!" Sigaw ako nang sigaw habang siya ay iniinda ang paghampas ko sa kaniya.

"Aray..."




Natauhan ako noong mapaupo na siya sa sahig at tila nanghina. Nabitawan ko ang frying pan.



Saktong bumukas ang pinto. Napaatras ako noong umiyak ang lalaki. Maraming taong pumasok sa kwarto. Hinawakan ako ni Evangeline. Iyong lalaking sinamahan ako noong unang araw ay narito rin. Ang iba ring staff at employees. Pero nakakapagtaka... ang iba ay may dala-dalang mga gamit. There was a rope, a first-aid kit, and... syringes na wala pang gamit.




"Okay ka lang?" Tanong ni Evangeline.

Hindi ako makatingin sa kaniya dala ng nginig ko. Did I... hurt him that bad? But... hindi naman ganoon ka sturdy iyong frying pan... Magaan naman iyon...

Umingay lalo ang room ko noong dumating ang isang lalaking may dala-dalang isang pack... ng lollipop?



"Sshh... You're safe..." Marahang sabi ni Adrian sa kaniya.



Napaawang ang labi ko. Namuo ang mga luha sa mga mata at ang tanging nagawa ay ang lumabas. Hinabol ako ni Vanj pero hindi ko siya pinansin.



My tears fell from my eyes. Kagat-kagat ang labi ay dumiretso ako sa dagat. Huminto ako. There's the full moon. The waves were calm. The wind was cold. The silent atmosphere... made me cry more.




"Miss Salazar!" May baritonong boses akong narinig mula sa likuran.

Pinawi ko ang mga luha at galit iyong tinignan.

"WHAT!?" Sigaw ko.

It's the manager... Adrian.

"Why are you here?" Madilim ang titig niya.

"What?" I scoffed. "Ano bang problema niyo? Ako iyong naagrabiyado pero mas nag-aalala pa kayo roon!" Patuloy ko siyang sinigawan.

Mas dumilim ang titig niya. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Can't you read the situation there? Sa ginawa mo ay hindi ikaw ang naagrabiyado. Dumudugo iyong ilong ng lalaki dahil sa ginawa mo. Ikaw? You're fine!"

"God!" Tumawa ako. "Same! Do you hear yourself? Nakita mo ba ang buong sitwasyon?! No, right? Sino ka para sabihan ako niyan? You don't know the fucking whole situation so don't you dare fucking say something!" Tumulo ulit ang mga luha ko dahil sa sobrang inis.

"That guy... has a mental condition... He is scary, oo pero hindi iyon nananakit. Bago ka rito kaya gusto niyang makilala ka. Walang masamang intensyon iyon." Kumalma ang kaniyang tono.



I damn hate this guy!



"So, anong pinapalabas mo? Na ako ang may kasalanan dito? Kasalanan ko ba na nakakatakot siyang tignan?! Na kahit sinong babae ay mag-aakalang may gagawin siyang masama! Is being innocent a sin?!"

"What? Wala akong sinabing ganiyan!" Nakita ko na ang ugat niya sa leeg.



I really won't make comment about his face right now. Kahit gaano pa siya kagwapo ay talagang hindi ko aaminin sa sarili iyon ngayon.




"Anong wala?! Sana kasi ay alamin mo muna ang buong isturya! That guy is a damn pervert, Mr. Casamayor. He was looking at me so intensely. He even stare at me head-to-toe. And what I did was a self-defense. Kung hindi ko iyon ginawa ay siguradong rape victim na ako ngayon!" Diniin ko bawat salitang sinabi.

Humakbang siya palapit kaya napaatras ako nang wala sa oras.

"Watch your tone, woman. Curse one more time and I will make you shut that mouth." May riin niyang sabi.



Umatras iyong mga luha kong nagbabadya na namang lumabas. Dumiretso ang kamao ko sa mukha niya.

Halatang nagulat siya. Yes! I learned how to punch. I attended a boxing lesson when I was in highschool. Kasama ko roon si Daddy and I also learned how to make a strong fist. Kaya siguradong masakit iyong pagkakasuntok ko sa kaniya.

"I fucking hate you!"


Matapos kong sabihin iyon ay tumakbo ako palayo sa kaniya.


"Miss Salazar! Saan ka pupunta?" Rinig na rinig ko ang mga yapak niyang nakasunod sa akin.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

"I really hate this place!"



Ilang ulit ko nang sinabi iyan pero ngayon ko lang napatunayan na talagang ayoko dito. Tama pala ang kutob ko na hinding-hindi ko mahahanap ang kapayapaan na kailangan ko. I should have gone abroad.

Dahil sa bilis ng takbo ko ay hindi ko namalayang may bato akong naapakan. Natisod ako at natamaan pa ng maliit na shell ang aking tuhod. Nakita ko ang dugo na galing doon.




"Ouch..." Sambit ko noong humapdi.

Hawak-hawak ko iyong tuhod ko noong naabutan ako ni Adrian.

Nilapitan niya ako at lumuhod sa buhangin para tignan ang sugat ko.


"Shit..." Mahinang mura niya.

"This is your fault." Sabi ko.



He looked at me. Hindi na madilim. Hindi rin masungit. Iba. Hindi ko ma-explain ano. It was different.



"Bakit ka ba kasi tumakbo?"

I stiffened when he touched my knee. May inilabas siyang puting panyo galing sa bulsa at ibinalot iyon sa aking tuhod.

"You were chasing me..." Mahina kong sabi.



Inangat niya ang tingin. Ang liit na lang ng distansiyang namamagitan sa aming dalawa. Ngayon ko lang siya napagmasdan nang ganito kalapit.



He really has this attractive features. Lahat. Mapa kilay, mata, pilikmata, ilong, labi, at panga... Lahat ay attractive tignan. I have seen a lot of handsome guys in the city pero iba siya... His face is rare... Something is different about this guy.



I blinked my eyes multiple times nang marealize na kanina pa ako titig na titig sa kaniya. Lumayo siya nang kaunti at tumayo na. Naglahad siya ng kamay.



"It's cold... balik na tayo." Aniya sa marahang boses.


Dahan-dahan akong tumango at tinanggap ang kaniyang kamay. Ang lambot no'n...



"Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya.

Binawi ko na ang kamay ko, "O-Oo naman! Hindi naman ako pilay--Aray!"



Muntik na akong matumba noong ginalaw ko ang kaliwang paa ko. Shit... Na sprain yata ako sa pagkatalisod kanina. Damn that rock!



"Sabi ko na nga ba hindi."


Bago pa ako makareact sa sinabi niya ay binuhat na niya ako. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam pero parang may kung anong namumuo sa tiyan ko. Hindi ko maipaliwanag.



"A-Ano ba... Pwedeng piggy back ride na lang?" Hindi ko alam bakit ako nautal!


Sinulyapan niya ako saglit at sa unang pagkakataon ay napagmasdan ko ang kaniyang pagngisi. Mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Nag-iwas ako ng tingin. Dumapo iyon sa biceps niya. Ang hard nitong tignan. Siguro sa gym ito namamalagi tuwing day off. Dahil sa mga biceps niya ay parang ang gaan-gaan ko lang. I swallowed hard. What am I thinking?

Ipinukol ko na lang tingin sa madilim na langit.




"Gaano ba kalala ang kondisyon ng lalaki kanina?" Tanong ko maya-maya.

"Maayos naman siya noon. Biglang nag-iba ang mga kilos kaya inaalam pa namin."

Nangunot ang noo ko, "Sa Maison iyon nagsistay? What is really that place? It's not an ordinary vacation house, is it?" Naalala ko ang lahat ng nalaman kay Vanj. Marami iyon pero alam kong hindi kumpleto plus iyong sinabi ng staff sa akin na mga requirements.

"It's a vacation house, Miss Salazar." He firmly answered.

Tinignan ko siya saglit, "I heard something sa staff the other day. What requirement did I passed bakit ako nandito?"



Inayos niya ang pagkakahawak sa aking baywang kaya napalunok ako.




"You're twenty-one?" Iniwasan niya ang aking tanong.

Umirap ako, "Yes..." Sinagot ko na lang rin siya.



Baka confidential talaga iyon. Tumahimik na lang ako hanggang sa marating namin ang Maison. Hinatid pa niya ako sa room ko. Wala nang tao roon at ang mga nagulo ay maayos na.



"I want you to say sorry to the guy earlier. Alam kong natakot ka pero makakatulong sa kondisyon niya ang pakikipag-usap mo sa kaniya. He's a good guy, Miss Salazar."

Ngumuso ako at umirap.

"Ayoko nga. Siya naman iyong may kasalanan." Sabi ko.

Nagdikit ang mga kilay niya. Bumalik iyong masungit na lalaki na kanina ay nawala.

"That attitude... I will fix that by the end of this month."




Nalaglag ang panga ko. Tumalikod na siya. Nanatili akong tahimik. Pinagmasdan ko na lamang ang kaniyang likod na papaalis. I bit my lower lip and stopped myself from... smiling.




"Also..." Pinawi ko ang ngiti nang lumingon siya ulit. "Iwasan mo munang magsuot ng ganiyang mga damit nang sa gano'n ay hindi mo na iisiping mamanyakin ka dito." He paused. "Good night, Cressida."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top