Chapter 1
Chapter 1
Pabango
Isang puting van ang naroon sa labas ng airport pagkarating namin ni lola sa Cebu. May naghihintay na chaffeur doon. Tumakbo agad iyon papunta sa amin.
"Maayung aga, Madam!" iyon ang sabi niya at nagbigay ng ngiti sa amin ni Lola.
Nangunot ang noo ko. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Is it Cebuano?
"He said good morning, Hija."
Tumango ako at inayos ang pagkakasabit ng bag sa aking balikat.
Kinuha niya agad sa amin ang aming mga maleta. Dumiretso na rin ako sa van. Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig. Ang lakas ng aircon! Inabot ko ang button at hininaan. Sakto namang dumating si lola at tumabi sa akin sa passenger's seat.
I'm not that close to anyone. Kahit kay mommy or daddy. I always had my walls. I remember. I was the closest with my friends. Mas close pa ako sa kanila kaysa sa family ko. My mom's a busy lady. Ganoon rin si daddy. Our business is all about wines kaya dumadayo sila palagi sa iba't-ibang bansa to explore and negotiate with businessmen around the world. Itong si lola naman ay hindi ko talaga ganoon ka close but I can share to her about my problems. Minsan kapag exhausted na talaga ako, I call her. But I don't let myself too attach. Masama raw iyon.
Marami kaming nadadaanan na mga skyscraper. Cebu's really a big city. Huwag na lang ikumpara sa Manila. My hometown's a huge city. Mas malaki naman iyon sa Cebu but like what I read on internet and magazines, malaki rin pala ang city na ito.
"Lola, wala bang direct flight ang Bantayan Island?"
I mean, why would we ride the van papunta pa sa ibang airport to book a flight kung pwede namang diretso na lang?
Tumitig sa akin si Lola. Nagbabasa pala siya ng newspaper.
"Wala pa, hija. They are planning about it." Sagot niya.
"Bakit raw?"
"Bantayan's an island, hija. Hindi gaano kalaki. Mahirap maghanap ng space for an airport. Right now, Santa Fe pa lang ang mayroong airport but that's a small one. They're still planning to widen the place."
"I thought Bantayan is big. It's a group of island, right?"
Of course, I researched about the place. Para may alam naman ako kahit kaunti.
Tumawa siya, "I know that place more than you do. I have been living there my whole life kaya kung ako ang tatanungin, a big airport is not that important as of now. Mas convenient ngayong gamitin ang mga barko. Sea is wider you know." Aniya.
"You mean... we will go there through a ship?" Umawang ang labi ko.
Tumango si Lola. Nangunot ang noo ko. I have never been in a ship before. I mean, riding it for hours? It will be a problem. Baka hindi pa umaandar ay nasuka na ako. That would be gross! Baka mas mabuti pa ang alak. Hindi pa ako nasusuka roon. Darn, drinks.
"Nandito na po tayo!"
Huminto ang van at lumabas na kami. May nakasulat na Hagnaya Port sa gilid. I saw three ships. Malalaki iyon at marami nang tao.
"Hali ka na, Cressida." Tawag sa akin ni Lola nang makitang nakatayo pa rin ako.
Naanod ako sa gitna ng maraming tao. Ginagawa ko ang lahat makasunod lang kay Lola. Baka mamaya ay mawala pa ako! Hindi ko pa naman kabisado.
Binilisan ko ang paglalakad noong malapit na akong mabunggo ng isang lalaking medyo mataba.
I covered my nose. Shit! The smell! I don't like the smell! Naghalo-halo ang amoy ng dagat, ng barko, at ng mga tao! Kahit ilang spray ko pa ng perfume sa damit ko ay talagang mawawala lang dahil sa baho!
"Chicharon po, Ma'am!"
Nagulantang ako nang hawakan ako ng isang babaeng may dala-dalang isang basket. May mga laman iyong chicharon. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at umismid. Inilingan ko iyon nang nakasimangot at mas binilisan ang paglalakad. Thanks God nakita ko si lola! May dala-dala na iyong ticket at kinakawayan ako.
Sinulyapan ko iyong nagbebenta ng chicharon. Sinasaway na siya paalis ng barko.
"I don't it like here, Lola." Reklamo ko agad nang makaupo na sa tabi niya.
Malaki ang barko. Island ang pangalan nito. May tatlo itong palapag at nasa ikalawa kami. Mabuti naman. Kung nagkataon at sa ikatlong palapag kami ay talagang susuka ako.
"Oh? Hindi ka pa nga nakakatungtong ng Bantayan ay ayaw mo na." Aniya, nakakunot ang noo.
Nagkibit ako ng balikat at napansin agad ang titig ng lalaki sa aking gilid. Inirapan ko iyon.
"I dislike the smell. Walang morale ang mga tao." Inalala ko iyong tindera kanina. "And... ang creepy." Baling ko sa gilid.
Titig na titig iyong lalaki buong byahe. Palipat-lipat na nga ako ng upuan pero ganoon pa rin. Ayoko talaga ng mga ganiyang lalaki! Nakakatakot ang tingin nila! I have met plenty of guys like him pero sa bar naman iyon at mas may mga alindog pa. Ito ngayon? Ugh! Damn creepy!
Sa tagal ng panahon ko sa mundo, ngayon ko lang naappreciate ang bilis na takbo ng oras.
I immediately grabbed my luggage. Kinuha ko na rin iyong kay Lola. Nauna na akong maglakad.
Inilibot ko ang paningin sa paligid. The sky was blue. No clouds at all. May mga saranggola akong nakita di kalayuan. Bukod sa kulay blue na dagat, terminal, rest area, at mga sasakyan katulad ng tricycle, kotse, at maliit na van ay wala na akong makita. An island. It looks like an island. Of course, Bantayan Island! Isla. There's no such thing as interesting here. Not yet.
Maya-maya ay nakababa na rin si Lola. Hindi naman siya iyong tipo ng matanda na kailangang alalayan. She's healthy. Above all, her elegance always stand out even if she's old. Mayroon yata talagang mga matatandang ganoon. May kausap siya sa cellphone niya. Pagkatapos ay nilapitan na niya ako.
"Maghintay muna tayo." Aniya at tumayo sa gilid ng rest area.
"Ayaw mong umupo?" Tanong ko nang mapansing wala siyang balak na umupo.
Sinulyapan niya ako, "We were sitting in the ship for hours. Pagod na akong umupo."
"May napapagod sa pag-upo?" Tanong ko sa sarili at kinuha ang cellphone sa bulsa.
Nakita kong may iilang missed calls and text messages roon. Hindi ko na tinignan. Baka mga kaibigan ko na naman iyon. Hindi ko pa sila naba block. Hahayaan ko na lang muna ang mga iyan.
"Oh! Ayan na pala!"
Kumislap ang mga mata niya noong may dumating na itim na kotse. Sobrang flashy no'n at halatang bago. Parang hindi pa yata nagagamit. By it's look, mukhang convertible iyon. So, an island is not bad, huh.
Bumukas iyong pinto ng driver's seat at tumunog ang cellphone ko. Sinulyapan ko ang pangalan ng caller. Si Mommy.
"Hello, Mom?" Ani ko at tumalikod.
"By now nasa isla na kayo?"
"Opo... Kararating lang namin..." Sagot ko.
Narinig ko sa kabilang linya si Daddy, nagtatanong kung sino ang kausap ni Mommy. Pagkatapos niyang sagutin ay hindi ko na ulit siya narinig. Galit pa rin talaga.
"We're packing our things. Aalis na rin kami maya-maya, Cress..."
Tumango ako at nagkagat ng labi, "Take care, Mom. Tell Dad for me..." Ani ko.
Marahang kinuha sa akin ang maleta ko. Binalingan ko ng tingin ang kumuha ngunit nakatalikod na iyon. Ang tangi kong napagmasdan ay ang katawan ng lalaking yumayakap sa suot na grey tshirt. Ang isa ko pang napansin ay ang... biceps nitong halatang inaalagaan. Pinilig ko ang ulo at nag-iwas ng tingin.
"Aalis na kami, Mom. Bye for now." Iyon na ang tanging sabi ko at sumunod na sa lalaki.
Dinalaw ako ng antok pagkapasok ko.
Madilim na noong nagising ako.
"Darn..." Sambit ko nang maramdamang parang sumasakit ang ulo ko.
I roamed my eyes and realized that I was still in the car. Ako na lang mag-isa roon. Tinted iyong sasakyan. Nang gumalaw ako ay may nalaglag na puting jacket. Kinuha ko iyon at yinakap ako ng amoy noon. Hindi ko pa kailanman naamoy ang ganoon pero... sobrang bango.
"Shit!" Inilayo ko iyon sa akin nang marealize na para na akong baliw na inaamoy iyon.
I am so reckless. Paano kung kani-kanino lang pala iyon? Paano kung may sakit ang may-ari no'n? Gross!
Sumilip muna ako sa bintana. Coconut trees, beach houses and huts, sea water, tourists... sand...
"Typical beach." Iyon na lang ang nasabi ko at binuksan ang pinto.
Ngunit... Kusang umawang ang labi ko nang makalabas na nang tuluyan.
A wide ground hotel in front welcomed me. Napapalibutan iyon ng maraming coconut trees na sobrang healthy tignan. Andaming coconuts sa bawat puno no'n. Green na green ang mga dahon nito. They are not tall. Kadalasan ay mabababa lang ang nakikita ko. Inilipat ko ang paningin sa gilid. Magagandang beach houses at huts ang bumungad sa akin. There are lots of it. Pero ang linis tignan ng pagkakatayo ng mga iyon. Pinapalibutan iyon ng obviously... beach. No, not just that. Beach iyon na nagtataglay ng sobrang clear sea water. I can almost see the fishes from afar. Ang ganda ng kulay ng tubig. Yinayakap ito ng napakaputing buhangin. Ang daming tao... They are laughing... Talking... And there are some who are in the sea... embracing the water's presence. The island is... indeed beautiful.
"Are you Cressida?" Napabaling ako ng tingin sa lalaking nagsalita mula sa likuran.
Napaatras ako nang wala sa oras.
"Y-Yes..." Sagot ko.
Tumitig ako sa lalaki. Hmm... This one is handsome. May mga gwapo rin pala sa isla?
Tumango iyon, "Pasok ka na raw sabi ni Mrs. Dela Cruz."
"D-Dela Cruz?" Dahil katititig sa kaniya ay nawala ako saglit sa pag-iisip.
"Yes,"
"Sino ba si Mrs. Dela--Yes! She's my grandmother! Sorry!" Sinaway ko ang sarili at nahihiyang ngumiti.
Wow! Cressida Jaci Salazar... is shy? This is new!
The guy laughed. And swear! He laughed so handsomely! I fixed my hair. Kahit wala namang gulo iyon. I even fixed my dress kahit wala rin iyong mali! Damn!
Bumalik ako sa huwistiyo nang mauna iyong maglakad. Nakalimutan ko ang ganda ng lugar. Sumunod agad ako sa kaniya. Pumasok siya sa ground hotel at sinalubong ng isa pang lalaki na halatang kaibigan niya. Sumulyap sa akin ang lalaki at binigyan ako ng ngiti. Ngumiti ako pabalik at binasa ang malaking nakasulat sa may front desk. Vacation House de Salazar. On the wall, hanging, is the word Maison. Highlighted and with it's own strokes of gold. Hmm... The name's nice.
"Mrs. Dela Cruz told me to accompany you in your room." Nagsalita iyong lalaki at nauna sa aking maglakad.
Binilisan ko rin ang paglalakad. "What is this place?" Tanong ko.
As far as I know ay sa lungsod ng Santa Fe nagsi-stay si Lola. She own a beach resort. Itong beach yata ang pagmamay-ari niya. At ang ngalan ng kaniyang resort ay Salazares Beach Resort. Malayo sa imahinasyon ko. Akala ko ay normal na malaking bahay lang ang tinitirhan ni Lola. But this... is not a normal place. It looks like a ground hotel for Pete's sake!
"Bahay-bakasyonan. It's your grandma's." Ngumiti siya at napuna ko na naman ang mukha niya.
Pinilig ko ang ulo at tumikhim. "She lives here?"
"No. Minsan lang siya bumibisita rito."
I stopped, "Wait! This is not her house? Then, why am I here?!"
Ang ibig bang sabihin ay kaya wala si Lola ay dahil sa mismong bahay niya siya nagpahatid kanina? Darn! At bakit dito niya ako pinahatid? Akala ko ba ay sa kaniya ako magbabakasyon?
"Dito ka niya pinahatid. Oh, wait." Tumunog ang cellphone ng lalaki at sinagot iyon. "Yes, Mrs. Dela Cruz. Opo, nandito..." Inilahad niya sa akin iyon.
Kinuha ko agad, "Lola, bakit nandito ako? I should stay with you! Hindi dito!" Reklamo ko agad.
"Hija, your Dad told me to accompany you there. Diyan ka magsistay for the vacation. Wala namang masama riyan. My beach resort is beautiful, isn't it?"
Umismid ako, "It's so-so... Well, anyway, tell me your address. Diyan ako magsistay."
"Cressida Jaci Salazar, this is your Dad we are talking about. Akala ko ba ay hindi ka na susuway sa kaniya? Talagang pupunta ka ba talaga dito para isumbong kita sa kaniya?"
Damn it. Kung makapagsalita si Lola ay parang ina talaga siya ni Daddy. Nagkagat ako ng labi at sinulyapan ang lalaki na naghihintay sa akin.
"Ang dami ko pang tanong, Lola. Pumunta ka na lang dito, please?"
"May schedule ako bukas, hija. Hayaan mo at nariyan naman palagi ang manager ng resort. Ibinilin rin kita sa kaniya. Nagkita na kayo?"
Nangunot ang noo ko at bumaling sa lalaking kasama. Is this handsome guy right here the manager?
"Ibababa ko na ang tawag, hija. Magpakabait ka diyan." Bilin niya at nagpaalam na.
Nang naputol ang tawag ay kinausap ko agad ang lalaki.
"Ikaw ang manager nitong beach?"
Ngumisi iyon. "Hindi, Miss. May pinuntahan pa iyong manager. Ibinilin ka muna niya sa akin. Tara na?"
I nodded. Imposible rin naman siguro. I think mas matanda siya sa akin pero hindi gaano katanda. Still, bata pa para maging manager.
He lead the way. Huminto siya sa tapat ng pintong may nakalagay na 26. Room number yata iyon.
"Your room..." Aniya at binigay sa akin ang susi.
"Okay, thank you!"
Ngumisi pa iyon ng isang beses bago umalis. I smiled. Mabait at gwapo pa ang lalaki. Staff ba iyon dito? Employee? Turista? Or napag-utusan lang talaga? Baka nga ganoon. Kutis mayaman iyon kaya imposibleng nagtatrabaho siya dito. Pwede iyong maging artista. O kaya ay model. Ano namang imomodel niya? Brief? Tumawa ako sa naisip.
Pagpasok ko sa room ay naroon na ang maleta ko sa gilid. Binuksan ko agad iyon at nangunot ang noo nang makitang wala na iyong laman. I saw a cabinet kaya binuksan ko rin. Naroon na ang lahat ng mga damit ko. Ang personal necessities ay naroon na rin sa vanity table sa gilid.
"Ang sipag yata ng employees dito." Sambit ko at tinignan ang kabuuan ng room.
Ngayon ko lang nakita kung gaano iyon kalaki. Malaki ang kama. Queen size yata. Ang banyo rin ay malaki at malinis pa. Ang kurtina ng room ay halatang malinis. Hindi pa ginagamit. Mabango rin iyon. May mga sosyal na tsinelas akong nakita sa gilid. Mayroon pang sariling aircon at ref. May kusina rin at sala. Ang TV ay maliit lang. Twenty-one inches lang yata. Overall, sumisigaw ng kayamanan ang room. Panira lang ang TV. Nobody's perfect talaga.
Mag-a-alas otso na noong naisipan kong kumain. Tapos na akong maghalf-bath at nakapagbihis na rin.
"No foods?" Sabi ko nang buksan ang ref.
Kalaki-laking ref at walang lamang pagkain. Raw vegetables at eggs lang ang naroon. For Pete's sake hindi pa naman ako marunong magluto and I don't feel like eating vegetables this time of the day.
"I hate this place." Reklamo ko at lumabas na ng kwarto.
I saw a female staff kaya nilapitan ko iyon.
"Yes, Ms. Salazar?" Ngiti niya.
"Where's the restaurant here?" Mataray kong sabi at nagkibit ng balikat.
"Under maintenance pa po kasi ang restaurant. Ipinaayos kasi ni Mrs. Dela Cruz. Wala po bang pagkain sa ref niyo?"
Umirap ako, "Pupunta ba ako dito kung mayron?" Sambit ko. "Huwag na lang pala. Hindi na lang ako kakain."
Iniwan kong nakatunganga ang staff roon. Kahit na halatang mas matanda iyon ng ilang taon sa akin ay hindi ko na ginalang. Ano bang klaseng establishment ito, Lola? Wala man lang extra mini like really really mini restaurant man lang para kainan? Under maintenance pa naman iyong restaurant. Bakit walang pagkain na nakaready para sa akin? What do I expect from an island? Of course bare minimum lang talaga ang ibibigay na service nito sa kahit sino. I'm starting to dislike this place.
"Ouch!" Napahinto ako noong may mabangga.
"Hey, there!" Isang babaeng mukhang lasing ang bumungad sa akin.
Tinaasan ko iyon ng kilay, "I don't know you." Sambit ko at lalagpasan na sana iyon nang pigilan niya ako.
"Oops! Teka lang naman!"
Humarang siya.
Nangunot ang noo ko. She looks like my age.
"I am Evangeline Morres! Ikaw ang bagong dating lang, hindi ba?" Masigla niyang sabi.
Mas lalong nangunot ang noo ko. Kanina ay mukha siyang lasing. Pero ngayon, parang hindi naman.
Hindi na ako magtataka kung bakit alam niyang kadadating ko lang. Well, I am the granddaughter of this place's owner.
Nilagpasan ko ulit ang babae. Baka mabuntunan ko pa siya ng inis ko. Ayoko namang may record na agad ako gayung kadarating ko lang rito.
"Narinig kita kanina. Kausap mo iyong staff. Gaya ng sabi niya ay under maintenance ang restaurant ng beach. Isa ako sa nag-ayos ng mga gamit mo sa room kanina. May laman naman iyong ref, hindi ba?" Sunod-sunod na sabi nito.
Ugh! I really hate noises. But... for my father's sake ay makikipagplastikan muna ako. Just until this vacation ends.
Sasagot na sana ako nang may magsalita.
"Hindi iyan marunong magluto."
Binalingan ko ng tingin ang lalaking sumagot. Nagsiabot ang mga kilay ko nang makita ang isang lalaking tanging itim na sleeveless ang suot at grey shorts. Pinagmasdan ko ang mukha nito. Hindi mapigilan ang pag-awang ng labi. Basa ang buhok nito. May tumatagaktak pang pawis sa noo. Mukhang galing gym. Napalunok ako nang dumapo ang paningin ko sa biceps niya. Ang huli kong natitigan ay ang mukha nito. Serious-looking guy. Eyebrows not that thick. Nose is pointed. Lips are natural heart-shaped. Sharp jawline. How... statuesque.
Tinitigan ko siya sa mga mata. Saktong umihip ang malakas na hangin at nilipad ang buhok ko. His gaze darkened. Tumalikod iyon at saka ko naamoy ang pamilyar na pabango.
That guy... This place... I hate them both! Bakit alam niyang hindi ako marunong magluto? Halata ba sa itsura ko? Whatever the answer is, I don't like his attitude. How dare he make comment about me. Gwapo pa naman. Sayang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top