2 4
"Fucking alarm clock."
Sinubukan kong abutin ang alarm clock kahit nakapikit pa. Hindi ko maalala kung in-activate ko ba 'yon kagabi pero wala na akong panahon para alalahanin. Inis akong bumangon sa higaan ko't agad na dumeretso sa banyo.
"You're going somewhere?" I looked at Cleo when he asked me. Tumango lang ako sa kaniya. "You're not having your breakfast yet."
"Sa labas na ako magbe-breakfast. Nagmamadali ako." Kumaway na lang ako saka dire-deretsong lumabas sa gate.
I just told the driver the location. Alas-siyete pa lang naman ng umaga, hindi naman siguro ako gan'on ka-late? Ang usapan namin ay before seven-thirty. Hindi pa 'yan. And it's as if may magagawa siya kapag late nga ako.
"Kanina ka pa? Sorry, natanghali ako ng gising."
Pagdating na pagdating ko sa restaurant na napag-usapan namin ni Dillion, agad ko siyang pinuntahan. Mabilis ko lang naman siyang nahanap dahil hindi gan'on kalaki ang napili niyang place.
He's frowning but when he saw me, it vanished. He even waved his hand at me.
"Not really." Inayos ko pa ang buhok ko saka naupo sa harap niya. "Hindi pa ako nago-order. I'm waiting for you so you can decide what to eat." Tumango na lang ako saka naghanap ng kakainin ko.
Nakita ko ring pumili na siya ng bibilihin niya. Ilang araw na lang ay magpapasukan na naman kaya minabuti naming magkaroon ng bonding magkasama kasi malamang, magiging hectic na naman ang schedule namin pareho.
Napatingin ako sa kaniya at nakitang sobrang seryoso ng mukha niya habang namimili. His thick brows are furrowed. Kumikibot-kibot naman ang labi niya dahil sa mahinang pagbanggit ng kung ano. Agad akong napaiwas ng tingin nang lumingon siya pabalik.
"What are you staring at?"
"W-Wala." Fucking stutter. "Nakapili ka na?" I tried to change the atmosphere.
"Hmm, hindi ako makapili. Ikaw na lang. Kung ano'ng sa 'yo, 'yon na lang din ang sa 'kin." I mentally rolled my eyes because of what he said.
I called the waiter to tell him our orders. Bahala siya kung hindi niya magustuhan 'yon. Kapag hindi, e 'di ako na lang ang kakain. Tumingin na lang ako sa labas habang hinihintay na dumating ang pagkain.
Kung hindi ko nakilala si Dillion, malamang sa Singapore ako nagbakasyon. Malamang ngayon kumakain na 'ko mag-isa sa isang restaurant do'n o kaya naman nililibot ko na naman ang Orchard Road, inuubos ang natitirang oras. O kaya naman nagpapalamig sa Botanic Garden.
Ilang buwan na rin simula no'ng huli akong pumunta do'n at nami-miss ko na agad ang bansang 'yon. I am planning on going back there again on sem-break? Or maybe in Christmas break. Matagal pa naman 'yon pero nando'n na agad ang isip ko.
Wala pang pasukan, bakasyon agad ang iniisip. Tsk tsk, Callan.
"Thank you."
Ilang sandali pa kaming naghintay bago dumating ang pagkain. Mukha namang nagustuhan ni Dillion ang napili kong pagkain. O baka nagustuhan niya lang kasi gusto ko. Knowing him.
"Where do you want to go next after this?" Minutes after, Dillion tried to open a talk. I stopped eating for a while to think of a place to go. I know no good places here, especially since half of my life was inside my room.
"I don't know any. Ikaw, do you suggest something? Somewhere?" I asked him.
"Movie is so overrated so pass. Reading together is, uh, boring so no." Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hinayaan siyang mag-isip ng lugar na pwedeng puntahan. Hindi pa nga kasi kami tapos kumain, kung saan na naman napunta ang isip niya.
Sinabihan ko siya na saka na muna isipin 'yon at kumain na lang muna. Hindi niya na rin naman ipinilit kaya payapa akong nakakain.
"Malapit na ang start ng sem." Natural na ata sa kanya ang pagiging madaldal. "We won't see each other again. I'm sad."
"May weekends naman. O kaya sa lunch break." I tried to lighten up his mood. "Hindi naman gan'on kalayo ang Departments natin. I'll try to visit you when I have time." I smiled so he smiled back.
"Asahan ko 'yan."
"Subukan ang sinabi ko kaya 'wag mo 'kong sumbatan kapag hindi ko nagawa. I didn't promise anything, okay?" Mahina lang siyang tumawa.
We just talked about some random things while consuming our food. Hindi na namin namalayan ang paglipas ng oras, basta natagpuan na lang namin ang isa't isa na nakaupo sa isang wooden bench sa park malapit sa restaurant na kinainan namin. Tahimik lang kami habang nakamasid sa mga taong dumadaan.
I glanced at him when he held my hand again before playing with it. Nakatingin siya ro'n kaya hindi ko napigilang mapatingin din. Pinagsalikop niya ito na para bang ayaw niyang pakawalan. Mahina naman akong natawa sa mga naiisip. Ang baduy.
"What do you think of road trip?" After a couple of minutes, he spoke. Napakunot naman ang noo ko, hindi siya maintindihan.
"Hmm? What do you mean?" Sinubukan kong bawiin ang kamay ko dahil namamawis na pero hindi niya ako hinayaan. Napangiti ako saka tumingin sa mukha niya. "Gusto mong mag-road trip? Sinong kasama mo?"
"Tayong dalawa, sino pa ba?" His face is crumpled as if he's annoyed. Inaasar lang, pikon talo naman nito. I pinched his cheek because I found his expression cute. "Idiot."
"Jerk."
We stayed there for like an hour. Nagpaalam na ako sa kanya na uuna na nang makitang alas dyes na ng umaga. Baka nagtataka na ang magulang ko kung nasa'n ko.
I laughed at my thoughts.
Really, Callan? Do you think they give a fuck? Jokes on you.
He insisted to take me home but I rejected him many times. I know that he had things to be done, too, so I want him to finish those first. Kaya ko namang umuwi mag-isa. At ayoko ring isipin niya na responsibilidad niya ako sa lahat ng pagkakataon.
"Call me when you get home, okay?" He kissed my forehead. Napatingin pa ako sa paligid, baka may nakakita. Tumango lang ako at ngumiti.
"Drive safely. Bukas na lang o sa susunod na araw."
Sa mga sumunod na araw, hindi na kami masyadong nagkikita. Sinabi niya sa 'kin may problema ang pamilya niya kaya hindi ko maiwasang mag-alala. But he made sure that everything is fine. Tumatawag din naman siya kapag may oras para i-update ako.
"Kumusta?"
One time, he called again. Hindi ko kaagad 'yon nasagot dahil nasa CR ako. Malalim na ang gabi no'n at naghahanda na ako para matulog kaso bigla siyang tumawag.
"Ayos naman. Why are you still awake? You should sleep," he said in a worried voice. It seems that he's tired because of his voice's tone.
"Ikaw? Bakit hindi ka pa natutulog?" Umupo ako sa ulunan ng kama ko, tinakluban ang kalahati ng katawan at pinatay ang ilaw. "Gabi na, Di, ano pang ginawa mo?" I heard him heave a sigh.
"May pinagawa lang ang parents ko. Matutulog na rin naman ako." I even heard him chuckle. Ilang sandali pa kaming nanahimik, hindi ko alam kung nakahiga na ba siya o ano. I even checked if the phone call is still on-going.
"Hey, you're still there?" Ilang segundo pa ang makalipas nang hindi pa rin siya sumasagot. Napakunot naman ang noo ko dahil do'n. Before I could even speak a word, I heard his soft snores.
Tinulugan ako.
A smile plastered on my lips because of that, at the same time, I felt pity for him. Maybe he's really tired today. Sana maayos agad ng pamilya niya kung ano man ang pinagdadaanan nila. I just wish him goodnight before ending the call.
To: DILLION
Idiot. You slept while we were on call. Wish you won't fall in your dream.
Kinabukasan, hindi katulad ng dati, sabay-sabay kaming kumain buong pamilya. Tahimik lang ang buong lamesa, tanging tunog lang ng pagbangga ng kutsara sa plato. We act like we don't know each other.
The silence broke when my father cleared his throat. We all looked at him to listen to what he was going to say. Pero nag-iwas din ako ng tingin nang mapatingin siya sa'kin.
"Ilang araw na lang ay pasukan na ulit," panimula niya. Napataas ang kilay ko pero pinili ko pang manahimik. Ano naman ngayon? "Have you already fixed all your requirements? Ayokong mag-last minute kayo, madaming maaabala."
"I am already done with mine," my brother said proudly.
"I-I still have one more to fix, but I can do that soon," Cleo spoke.
"I am," I said in a low voice.
Nagpaalam din ako na mauuna na nang matapos. Nothing really happened that day. Hindi ko rin nakausap si Dillion for some reason. Tumatawag naman 'yon kapag walang ginagawa kaya hindi na ako nag-initiate ng call. Maybe he's just busy.
"Eh?"
Gabing-gabi na nang makatawag ako ng tawag mula kay Dillion. Hindi din ako makatulog kahit hatinggabi na. Tinanggal ko saglit ang salamin ko para kamutin ang mata pero agad ding sinuot saka pinindot ang answer option.
"Bakit ka napatawag? Akala ko tulog ka na." Pinagpatuloy ko ang pagsusulat ko.
"Inaantok ka na ba?" Ang lalim talaga ng boses niya kapag nasa call kami. Huminto muna ako sandali saka pinakiramdaman ang sarili. Hindi pa din naman ako nakakaramdam ng antok. Tumingin ako sa orasan at nakitang maga-ala una na pala. "It's fine if you---"
"Hindi pa naman, bakit?" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at sumagot na agad ako. Ilang segundo pa na hindi siya nagsalita. Don't tell me tinulugan na naman ako nito?
"Tingin ka sa labas ng bintana mo." Kahit hindi ko nakikita, base sa boses niya ay para itong nakangiti. Kumunot naman ang noo ko saka tumayo, sinilip kung anong meron sa labas.
"Anong ginagawa mo r'yan?" Kunot noo kong pinanood siya na kumaway sa'kin. Naka-suot lang ito ng pantalon saka itim na hoodie jacket habang naka-upo sa trunk ng sasakyan niya. Kahit na nakasaklob ang hood, alam kong siya 'yon base sa postura. "Kanina ka pa ba r'yan? Sandali, bababa lang ako."
"Ngayon-ngayon lang." Nadinig ko pa ang mahina nitong pagtawa. "Wear jacket. It's cold," he reminded.
"Why are you even here?" I sounded mad but I'm not. I'm just worried that he gets cold. Hindi pa naman marunong mag-ingat sa sarili.
"Why? You don't want me here?" Hindi muna ako nakasagot dahil baka may magising ako sa bahay. Pinilit kong magdahan-dahan para hindi ako marinig na lumabas ng bahay. Nakasuot lang ako ng short saka puting damit na pinatungan ng brown na jacket.
Nang makita akong lumabas, umayos siya ng tayo saka pinatay ang tawag. He put his hands inside his jacket. I walked towards him while frowning. Siya naman ay malawak na nakangiti saka ako sinalubong ng yakap. I can even feel him sniffing my neck that sends shiver down to my spine.
"Nagpabango ka pa?" Agad akong napalayo sa kanya dahil sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at pinagpapasalamat kong nasa madilim na parte ako.
"H-Hindi, ah." Umiwas ako ng tingin. Hindi naman gan'on katapang ang nilagay ko. At saka malay ko ba kung anong amoy ko, mas mabuti nang safe.
"I know your smell, Callan. It's fine though, but I like your natural smell more." Hinila niya ako palapit kaya wala na akong nagawa. "Amoy baby." Sinundan niya pa 'yon ng tawa. "Amoy baby ko."
"Ulol. Alis nga. Hindi mo pa din sinasagot kung bakit ka nandito." Tinulak ko siya palayo sa 'kin saka umupo sa trunk ng sasakyan, sa tabi niya. "Hindi ka ba makatulog?"
"Hmm..." He held my hand before lightly squeezing it. I felt warm the way he held it. Napangiti na lang ako sa loob-loob ko. "Bigla lang kasing pumasok sa isip ko na gumala ngayong gabi." He looked up so did I. The sky is so clear and the stars are shining brightly. There's no moon. "What do you think of that?" I glance at him before flashing a smirk.
"Why don't we give it a try then?"
"Holy crap---Jesus! Watch out!"
Halos mamatay na ako kakatawa habang si Dillion naman ay kabadong-kabado sa pagpapatakbo ko. He wants fun, right?
"This is fun! Wohoo!" I shouted as I drove faster. Mabuti na lang at wala ng mga sasakyan na dumadaan kaya malaya kong napapatakbo ang kotse niya.
"Callan, I swear, if we got into an accident..." His voice is threatening but I don't give a damn. Mas lalo lang akong natawa nang silipin ko ang itsura niya. What a kid.
"This is the best night I ever had."
Hindi ko alam kung nasaan kami napadpad. Basta ang alam ko, malayo na kami sa lahat. In the place where there is only the two of us. Kitang-kita ang buong syudad mula rito. Ang lamig pa ng hangin kahit na nakasuot ako ng jacket.
"You drive insanely." Dillion's still not moving on about me, dragging him into that situation. I rolled my eyes before snatching the can of beer he was holding. "That's mine-hey!" I can feel his death glares. "You should be thankful that I am in love with you." I laughed at his remark.
"You..." I pointed his nose before smirking. "...should be thankful that I am in love with you because if not, I bumped your car for disturbing me." I rolled my eyes on him.
Ilang sandali pa kaming nanahimik dalawa. Panay na rin ang hampas ko sa paa ko dahil sa mga lamok. Mukha namang napansin 'yon ni Dillion dahil inaya niya na ako papasok sa kotse.
"It's already three in the morning. Aren't you sleepy yet?" By the time he asked me that, I yawned. Ngayon lang ako nakaramdam ng antok. Sinandal ko lang ang ulo ko sa bintana. "May ibibigay pala ako sa 'yo. Dapat nga kanina ko pa ibibigay sa'yo para romantic." Tumawa pa siya saka kinamot ang tainga, nahihiya malamang.
"What is it?" I looked at him when he got something from the backseat. It's a small box and I had no idea of what's inside.
Dillion has his ways of surprising me.
"Couple bracelet? The fuck, ang corny mo." Sumimangot siya nang tumawa ako.
"Hindi 'to ka-corny-han. Sweet ang tawag dito. Palibhasa, tch." Nilabas niya ito.
He grabbed my arms gently before putting the bracelet. Simple lang ito, may nakaukit lang na 'D'. Natawa pa rin ako para itago ang kakaibang naramdaman ko. Something is tickling in my stomach and I love it.
"There. See?"
Tiningnan ko ang bracelet bago ngumisi at tumango. When I looked at him, I saw how his eyes glistened while staring at the bracelet I was wearing. He looked like he just saw the most precious thing in the world.
Umangat ang tingin niya sa akin saka marahang ngumiti. A wave of emotion touched my heart seeing how happy he was. Nilabas niya ang isa pang kahon at nilabas ang bracelet na halos katulad ng akin pero letter C naman ang nakasulat.
"Would you... mind putting mine too?"
"Bakit? Hindi mo kaya?" Taka ko siyang tiningnan. He just shook his head, sighing. "'Di, biro lang. Give it to me." He handed me the bracelet, smiling widely. Slowly, I put it on. A smile plastered on my face when it fitted him well. "Happy?"
"More than that." Nagtama ang paningin namin. Like in the movie, everything seems to be in slow motion. He closed the gap between us until our noses touched each other. I can feel his warm breath. "I am... more than happy." Then his lips crashed on mine.
Under the night sky, I found my comfort. I found the one whom I was sure of sharing my future with. Under the countless stars of the universe, I oath to be braver for him; for us.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top