2 2
"Wow, gamit na gamit utak ko. Konti na nga lang e."
Habang nasa canteen, dumating nang magkasabay sina Carleen at Kyla. Katatapos lang siguro nilang magsagot. Nauna lang naman ako ng ilang minuto at alam naman nila kung saan ako pupunta sa sandaling 'to.
"Sana lahat may utak. Nauna pang tumakas utak ko kaysa sa 'kin." Sabay rin silang naupo na akala mo'y pinag-aralan nila 'yon. I was just there, sitting unresponsively while having my breakfast. "Hala, ngayon mo pa lang kinakain breakfast mo? Sumbong kita kay Dillion."
"Don't. Mag-iingay na naman 'yon." I stopped her. Kilala ko 'yong lalaking 'yun, hindi ako no'n tatantanan kapag nalaman niyang hindi ako kumain ng breakfast sa tamang oras. "Nagmamadali ako kaya hindi ko na nakain."
"Wushu, ito na. Ite-text ko na." She pretended that she was typing on her phone.
"Sabihin mo rin may kasabay kumain. 'Yong topnotcher kamo ng BS II, hihi." They're pertaining to the guy from the BS II. "Dali na."
"You'll disturb him. Nasa exam pa 'yon." That's true. Nage-exam pa 'yon malamang at baka tumakas pa kapag nagsalita ang dalawang 'to. Knowing him. "Mamaya niyo na sabihin. Samahan ko pa kayo."
"Tapang naman po. Sabihin ko rin na kausap mo si Oreo?"
"That's a lie. He just asked me something out of your concern," I defended. Totoo naman. That Oreo guy just approached me to ask about direction.
"Ito na. Gagalit ka agad. Hindi ko naman talaga sasabihin, baka maghiwalay kayo nang maaga. Kahit naman bitter ang role ko sa inyo, hindi naman ako desperada na maghiwalay kayo. Wala pa nga kayong one month, ang grabe ko naman." She chuckled.
"Talkative ass." I hissed.
"Bastos 'to. Sana mag-away kayo ni Dillion tapos hindi ka suyuin."
"Hindi ka sana makapasa," I backfired.
"Hoy, grabe naman 'yon. Friendship tayo, 'di ba?"
Hinayaan ko lang siya sa kadaldalan niya. There's no sense of talking to her. Mamaya naman ay mananahimik na rin 'yan. Nakikinig lang ako sa usapan nila ni Carleen. Minsan, pinag-uusapan nila ang sagot nila sa isang item. Nagtatalo pa sila, e pareho namang mali.
This is the last day of our examination. Sa ngayon, hindi ko na muna iisipin kung tama ba lahat ng nasagot ko. I need to rest my mind even for a meantime. Gamit na gamit ngayong taon e. Ano na lang sa third year at fourth year? That would be a disaster.
"May outing daw buong block. Sama tayo!"
"G ako. Ikaw ba, Callan?" I looked at Carleen when she asked me. Alam niya naman ang magiging sagot ko, nagtatanong pa.
"I don't know if my parents will allow me." What a lame excuse.
"Stop me nga. Isa kang suwail na anak. Nasunod nga gusto mong course, ito pang outing? Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga. Naku naku, ha." I just laughed at Kyla's word. She's right. Hindi talaga ako palalabas. Especially gatherings. "Ang boring ng buhay mo. Pa'no ka kaya nagustuhan ni Dillion? Gawin ko rin kayang boring buhay ko para magka-Dillion din ako? What do you think? I'm open for suggestion."
"Dzai, kahit magkaroon ka pa ng pinaka-boring na buhay, hindi ka na magkaka-Dillion. Tanggapin mo na lang na mas bagay kang exchange gift."
"Heh, ang yabang mo, Carlutay. Belat ka."
And they started arguing again. Really, their days won't be completed without them, teasing each other. It's as if they're going to get sick if they don't fight. What a kid.
Ilang sandali pa kaming nanatili ro'n para magpalipas ng oras hanggang sa mag-aya silang lumabas. They didn't give me time to decline. Basta na lang nila akong hinila palabas kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama. Inisip ko na lang na ito ang treat ko sa sarili ko.
Kung saan-saan lang kami pumunta pero ang pinakagustuhan ko lang ata ay noong tumambay kami sa isang tricycle na may dalawang street foods. Ang daming pagkain kaya malamang ay mauubos ang pera namin.
"Hi, libre mo ba, Callan? Wow, oo? Thank you."
"Huh? Wala na akong pera." I scratched my head.
"Gaga, ang patay gutom mo. Mahiya ka nga, sis," suway ni Carleen.
"Char lang. Afford ko 'to, 'no. Chinacharot ko lang si Callan para ngumiti naman. Ako ang naaawa sa nakakakita sa kanya e. Buti na lang may itsura, kung wala? Mukha siyang Grumpy Gorilla."
"Hindi ngingiti 'yan sa pambubuwiset mo." Carleen rolled her eyes. "Saka hayaan mo na 'yan. Baka yayaman siya kapag sumimangot lagi."
"Sisimangot na lang din ako kung gan'on."
"Hindi bagay sa'yong nakasimangot. Mukha kang pusa na pinagkaitan ng ulam."
"Talaga ba, Carleen? Pakyu." Sinubo ni Kyla ang kinuha niyang kikiam. "Kamukha mo pala 'tong kikiam. Parehas kayong kulubot." Carleen just mocked her words.
Napatingin ako sa phone ko nang mag-vibrate ito. Nai-silent ko pala kanina bago mag-exam. I frowned when Dillion sent me ten messages and five missed calls. Galit ba 'to sa 'kin?
"Hello." I cleared my throat when I answered his call.
"Where are you? I checked you in your classroom and you weren't there. You're not also at the canteen." His voice sounds different on the phone. It sends me a feeling I can't name.
"Nasa bar kami! Naghahanap ng pogi. Si Dillion ba 'yan?" I glared at Kyla which made her laugh.
"Gaga ka talaga. Ayan, lumamon ka lang d'yan." Mabuti na lang at pinatahimik siya ni Carleen.
"We're... uhm... outside." I tried to remain calm. Ilang sandali namang nanahimik si Dillion sa kabilang linya. I even checked if the call ended but it's still ongoing. "H-hello? Are you still there?" I heard him sigh.
"Yeah. Pupuntahan kita, asa'n ba kayo?"
"Rodriguez road, do'n sa may nagtitinda ng street foods," I told him.
After saying he loves me, pinatayan niya na ako ng tawag. Napailing na lang ako bago muling itinago ang phone. His voice is tired but he still decided to go here. Pwede namang dumiretso na lang siya sa unit niya at magpahinga. Magkikita rin naman kami.
"Sana all, susunduin. When kaya may susundo sa 'kin? 'Yong hindi sana labag sa loob."
"Chaka mo, walang susundo sa 'yo. Kung meron man, sapilitan."
"Kaibigan ba talaga kita, Carlutay? Nakaka-ano ka. Suntukan tayo, beh?"
Inubos ko na lang ang pagkain ko habang hinihintay si Dillion. Gamit-gamit naman niya ang kotse ng papa niya kaya mabilis lang siyang makararating dito. Ito na rin pala ang huling gabi ng stay ko sa unit niya.
"Wow, sana all naka-kotse. Retshked. Sorry, ito lang ako, haha, sana sinampal niyo na lang si Shane."
"Psst, hoy. Hindi ka pa rin talaga maka-move on kay Shane. Wala namang ginawa sa 'yo 'yong tao." Si Carleen na lang ata ang makasasaway kay Kyla sa kadaldalan niya.
"Oh, sige. Si Ursula na lang. Oh, sabihin mong walang ginawa sa 'kin 'yong gaga na 'yon."
"Sus, nauntog ka lang sa kaniya, nagmaktol na r'yan. Tantanan mo 'ko."
"Ah, basta. Sana hindi siya magkaroon ng lovelife kahit kailan."
"Gags, nauna pa nga sa 'yo magkaroon."
"Trial card is waving, duh!"
Hindi ko na naman maintindihan ang topic nila kaya pinili ko na lang na 'wag makisabat. I just focused myself on Dillion who's now approaching us. Suot-suot niya pa ang uniform nila. He's on his bored attire but that doesn't change his looks.
Binati niya sina Carleen at Kyla nang tuluyang makalapit. Kyla offered her something but he just shook his head politely. Hinawakan ni Dillion ang pulso ko, pababa sa aking kamay kaya naman naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
"Uuwi na kayo? Ingat!" Carleen waved her hand on us.
"Hindi ba kayo sasabay?" Dillion asked them. "I can deliver you home so I can assure that you're safe."
"Hindi na. May jeep naman. Kaya na namin ni Kyla 'to, 'di ba hoy?" Nakita ko pang pinanlakihan niya ng mata si Kyla kaya natawa ako nang mahina.
"Oo naman. Daming ebas. Alis na kayo. Gusto mo dugo? E di 'wag."
"Are you sure you can handle yourselves? I mean, it's dangerous to travel alone." Dillion still tried. Nakamasid lang ako.
"Dangerous. Sila ang matakot sa muscle ko. Kaya na namin 'to."
"Yes, yes. Ayaw naming maging third wheel, hihi." Naramdaman kong napatingin sa 'kin si Dillion dahil sa sinabi nina Kyla na noon ay pinasadahan pa ang magkahawak naming kamay. Nakita ko ring mamula ang tenga niya.
"Hmm, kayo b-bahala. Dito na kami." Dillion pulled me with him. Kumaway na lang ako sa mga kaibigan ko para magpaalam.
Tahimik lang kami habang tinatahak ang daan pauwi. Kung ano-ano na ang hinalungkat ko sa kotse niya para maiwasan ang awkwardness pero sa huli, pinili ko na lang pumirmi. Ang tagal namang byahe 'to. Parang hindi naman ganito katagal dati.
I looked at him when he held my hand. His eyes are fixed on the highway so he didn't look back. He tightened the grip when I tried to get my hand which made me smiled. Hinayaan ko na lang siyang paglaruan ang kamay ko habang nagda-drive siya. Hindi ko alam kung pa'nong napakalma ako ng hawak niya. I found this comforting.
"Callan?"
Napabalik ang tingin ko sa kanya nang muli niya akong tawagin. Tumingin din siya sa 'kin kaya nagtama sandali ang mata namin ngunit agad niya din 'yung ibinalik sa daan. "Oh?" I answered him. Nadinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "Bakit?"
"Wala. I love you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top