1 3

"Sino 'yong kasama ni Dillion?"

I looked at where Kyla pointed her finger. He's with that girl again. He once told me that she was Shane, his friend in Singapore. They're in the same university but got separated when he entered NUS and now, Shane decided to also stay here in the Philippines to finish her college and reach her dreams. She's from the PolSci department that's why I don't get the point of her, still going with Dillion. Malayo ang Political Science sa Business Ad building.

"I don't know her personally pero narinig ko na she's Shane Vegas, new student of PolSci," Carleen said with an uninterested tone.

"May something ba sa kanila?" The topic made me uncomfortable. "Tingin mo, Carleen? Bagay ba sila?"

She looked at me before shrugging. "Hindi ko alam."

"Pero tingin mo bagay sila?" Ang kulit ni Kyla.

"Hindi," Carleen answered her shortly. Ngumuso naman ito saka pinagmasdan ang dalawa mula sa malayo. They are casually talking. You will really know that they have known each other for a long time the way they talk. "Why are you so concerned about them ba?"

"Wala naman." Sumimsim siya sa milktea na binili pa nila ni Carleen sa labas ng university. "Ay, oo nga pala, Callan. If ever matutuloy ka sa Singapore in the future, saan ka mags-stay? Sama ako."

"Hmm? I don't know. Baka kumuha na lang ako ng unit malapit sa company na papasukan ko. And you? You also want to be in Singapore? Akala ko ba Korea ang dream destination mo?" I asked her. "Kasi gusto mong makita ang mga Koreans na wala namang pake sa 'yo." I mocked Carleen's voice earning laugh from her.

"Awit ka naman, lods. Realtalk," said Kyla.

We just stayed there for fifteen more minutes before deciding to leave. I even looked at Dillion but he didn't even glance at me. Nakikinig lang siya sa whatevers ni Shane. I smiled sarcastically.

Baka ako lang ang nag-isip na seryoso siya with the three months shit. 

I laughed inwardly. I am still grieving for that senseless deal.

I was silent the whole time. Hindi na bago kila Kyla ang katahimikan ko kaya hindi na sila nagtanong kung anong nangyari. Sila lang naman ang laging nag-uusap all the time habang ako, hindi ko na alam kung anong iniisip ko.

Hanggang ngayon naman ay magkatabi pa rin kami sa upuan but unlike before, we talk less. I could feel his stares but I fought the urge to look back. But I just can't stop myself. I looked at him and our eyes met. His ash-like eyes never disappoint to send amusement within me.

"What are you staring at?" I frowned at what he said.

"Ikaw ang unang tumingin," I said, not taking off my eyes on him.

Nagsukatan pa kami ng tingin. Kahit na ilang na ilang na ako, pinilit kong labanan ang nakalulunod niyang tingin. Sa huli, siya rin ang unang nag-iwas. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa saka yumuko sa lamesa niya.

Ilang sandali pa kaming nanahimik. Nakita ko ring unti-unti nang nagsisidatingan ang mga kaklase namin kaya napaayos ako ng upo.

"I missed you..."

Tinutok ko ang atensiyon sa harap nang magsimulang magsalita ang instructor. Hindi ko na masyadong pinansin si Dillion kahit alam kong panay ang tingin niya sa 'kin. Napailing na lang ako sa isipan.

"Sama ka, Callan? Mago-overnight kami nila Carleen sa bahay. Wala sila mommy kaya I'm free!" Hindi ko ata nakitang bumaba ang energy ni Kyla kahit kailan.

"Sama ka na, Callan. Chill-chill lang tayo." Carleen tried to persuade me too.

"Sinong kasama?" I asked them as I checked if I had something to do.

"Wala naman. Tayong tatlo tapos 'yong bagong jowa ko, ahe." I chuckled with what she said.

"Sabihin ko na lang sa inyo..." Sinukbit ko ang bag ko, tanda na magpapaalam na ako.

"Bukas ah? 'Wag mo nang pag-isipan. Oo ka na lang kasi desisyon ako." I waved my hands on them.

Bukas? Wala naman akong gagawin bukas. At minsan lang din naman ang overnight na sinasabi nila. Wala naman sigurong masama kung sasama ako. Gusto ko rin kasing mag-relax kahit papaano. Nakakapagod ding puro na lang pag-aaral ang inaatupag.

Natawa ako. Damn! Kailan pa ako nagkaroon ng ganitong mindset?

Ewan ko ba kung pinaglalaruan lang ako ng pagkakataon pero nakita ko na namang magkasama sila Shane at Dillion sa football field. So, she's the important thing he's talking about. Kahit na pigilan ko ang pag-usbong ng emosyon ko, alam kong unti-unti, kinakain ako ng selos.

Napaiwas ako ng tingin nang makita kung pa'no isandal ni Shane ang ulo sa balikat ni Dillion. I swallowed the lump in my throat as I feel how heavy my chest is. Napabuntong hininga ako at hindi na lang sila pinansin.

Bakit ang daling mahulog pero ang hirap umahon?

"Wow, parang kanina lang, undecided ka, ngayon tumatawag ka na. Oo na, payag na ako."

Kyla made me smile with that. Wala pa naman akong sinasabi, alam niya na agad ang gusto kong sabihin. I just told her to remind me about that overnight because sometimes, I am forgetful.

Umalis ako nang hindi man lang sila binibigyan ng huling tingin. Ayokong mas madagdagan pa ang nararamdaman kong selos kaya mas minabuti kong umiwas.

Mabuti na lang at may nasakyan agad akong jeep paglabas ko kaya hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal. Nang maka-uwi sa bahay, kataka-takang ang payapa nilang magkakasama sa lamesa't kumakain. Hindi pa sana ako sasabay kaso ang sabi nila ay may sasabihin silang importante.

Psh.

"Ehem..." My father cleared his throat. My brother shows no interest, on the other hand. "Callan, is it okay with you if I send you to Singapore?"

"What? Why?" I suddenly stopped eating. I mean, it was fine for me if it's Singapore but I still have plans here in the Philippines. Especially with my studies.

"Your sister told me that she needed someone there. Ilang linggo lang naman 'yon, Callan." Napaisip naman ako. Hindi rin naman siguro makasasama sa pag-aaral ko ang pag-stay ro'n nang ilang linggo. Pwede pa rin naman akong makibalita kina Kyla at Carleen. I'll just tell them to take notes for me.

"Hmm, sure," I answered.

The next day, masyado akong excited na umalis. Nakalimutan ko rin kahit sandali lang 'yong tungkol kay Dillion. I was just so happy that even for a short period of time, I can see the beauty of my dream country.

"Bakit parang sobrang saya mo naman ata, ha, Callan?" I looked at Carleen who's now frowning at me. "Naka-move on---,"

"I'm going to Singapore the next day." Silence followed after what I said. Napatigil din si Kyla sa kinakain niya at taka akong nilingon.

"Akala ko ba, sa graduation ka pa pupunta ro'n? Nagbago bigla?" tanong ni Kyla.

"Oo nga. Next day ka na pupunta pero ngayon mo lang sinabi sa 'min?" Bakas ang disappointment sa boses ni Carleen nang banggitin niya 'yon.

I chuckled. "Chill. I'm just going to stay there for a week or two. Babalik naman ako. My sister just needed someone right now." I smiled at them. They sighed in relief.

"Akala ko iiwan mo na kami e. Oh, basta uwian mo ako ng miniature na sealion."

"Merlion."

"Basta 'yong may lion sa huli." I shook my head. "Tuloy ka mamayang gabi, ha? Kunwari 'yon na 'yong last na magkikita tayong lahat. Chos."

I nodded. Nagpatuloy na lang kami sa pag-uusap ng kung ano-anong mga bagay pa. Hindi na nga namin namalayan ang oras.

Kinahapunan, nagpaalam na lang ako sa magulang ko na mags-stay muna sa mga kaibigan. They let me, though. Or they just don't care of my whereabouts.

"Wow, akala ko idi-ditch mo kami, Callan!" I frowned when Kyla went near me to look at me, head to toe. She even sniffed me. "Chine-check ka lang, attitude nito. Tara na nga! Naghihintay na si mareng Carleen na attitude rin. Bagay kamo kayong dalawa."

"Narinig ko na naman pangalan ko. Puro ka talaga paninira." Lumabas si Carleen na may bitbit pang sandok.

"Chos lang. Mga pinanganak na masama ang loob." Inirapan niya lang kami pareho. "Pasok na kayo. Sorry kung wala kaming swimming pool, ha? Ito lang kasi kami, ha-ha, sana sinaksak niyo na lang si Shane."

"Nandamay ka pa ng pangalan."

Nilibot ko ang paningin sa buong bahay nila nang tuluyang makapasok. Mas malaki ang bahay namin, to be honest, pero hindi kagaya ng amin, parang mas may buhay ang kanila. There is something in their house that ours don't have.

Hindi pa man ako nakaka-upo, may lumabas ng lalaki mula sa kusina. I narrowed my eyes on him. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya kaya napagawi din ang tingin niya sa 'kin.

"Ah, si Liam, boyfriend ko. Liam, si Callan, kaibigan ko." He offered his hand. I don't want to be rude so I accepted it. "Sinama ko na siya sa overnight kasi why not?"

"Buti na lang dumating ka, Callan. Gagawin sana akong third-wheel niyang si Kyla." I saw how Carleen's eye rolled. Narinig ko rin ang pagtawa ng dalawa.

Awkwardly, I sat on the sofa near me. Tumabi naman agad si Carleen habang naupo naman sa harap namin ang mag-couple.

"Bukas na alis mo, 'di ba?" Kyla asked me.

"Ah, yes. I'll leave exactly 7 am." I nodded.

"Alam ni Dillion?" I frowned at what she said.

"Bakit niya kailangang malaman?" takang tanong ko.

"Ay? Hindi na ba kayo friends? Alam niyo, ako ang naguguluhan sa inyong dalawa. Minsan, friends kayo, minsan naman, hindi. Sana sinaksak niyo na lang si Shane ulit."

Hindi ko na lang siya pinansin. Mayamaya'y umalis din sila ni Liam kasi may niluluto pa raw sila sa kusina. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Carleen sa sala. Panay ang tingin niya sa 'kin kaya hindi ko maiwasang ma-conscious.

"Do you want to say something?" She sighed.

"Hindi mo talaga ipapa-alam kay Dillion?" I chuckled.

"Babalik din naman ako. And, I don't think he had businesses with me," I spoke. I see no reason for him to know. She nodded his head.

"Ikaw bahala. Sige, doon na ako sa kusina. Kapag may kailangan ka, murahin mo lang si Kyla." She laughed.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa cellphone. Habang nagf-facebook, naisipan kong i-stalk ang account ni Shane. I don't know; I just did. Hindi naman ako nahirapang hanapin kasi friend niya si Dillion.

Ang linis ng account niya. Wala siyang masyadong pino-post except those photos of her... with him. Hindi ko na tinapos ang pangs-stalk dahil naiinis lang ako. Napagdesisyunan ko na lang na tumulong sa kanila sa kusina para hindi ma-bore.

Puro lang sila kalokohan na tatlo pero nabawasan naman ang inis ko kahit papaano. Suddenly, my phone beeped. Pinunasan ko muna ang mukha ko na nilagyan ni Kyla ng chocolate syrup. I frowned when I saw a familiar name.

Dillion:
Pupunta ka ng Singapore tommorrow? Why didn't you tell me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top