Chapter 9.1 : Plan E
P A R T 1
ix.
plan e - not too close enough
- K A T H E R I N E -
"BRUH, what happened? Parang pinulutan ng bubuyog ang mga mata mo sa sobrang pamamaga!"
Walang kasigla-sigla na umupo ako sa kalapit na upuan sa tabi ni Hailey. Kinukusot-kusot ko pa ang gilid ng aking mata habang inaabot ang mangko ng kanin na naka-puwesto sa gitna ng lamesa.
Pagkatapos ko kasi na maligo at magbihis ay naabutan ko na lamang si Hailey na nag-aalmusal na sa dining area na katabi lang ng kusina.
Katulad ko ay nakabihis na rin siya ng school uniform kung saan may disenyo ito na simpleng skirt at blouse lamang na napapaibabawan ng kulay itim na cardigan. May kulay red din ito na ribbon sa bahagi ng neck tie upang kaunting kembot na lamang ay parang nasa mundo na kami ng anime highschool stories.
"Pakiramdam ko umiikot pa ang paningin ko sa antok. Gusto ko na lang humiga." Walang kasigla-sigla kong singhap habang pilit na sinusubo ang isang kutsara ng kanin.
Naramdaman ko na lamang ang paghagod ni Hailey sa aking likuran na animo'y inaalo ako.
"Okay lang 'yan, bruh. Normal lang na maging ganiyan ka. Ang alam ko may tawag diyan," saglit siyang napatigil habang hinahawakan ang dulo ng kaniyang baba na mukhang nag-iisip ng malalim.
Itinuloy ko na lamang ang pagkain ko habang hinihintay ang kaniyang sasabihin, "Bed.. Tama! Bed weather!" Halos mapitlag ako dahil sa lakas ng pagsigaw niya kasabay ng pagpitik sa kaniyang daliri.
Kunot noo ko naman siya na tiningnan. Ano na naman kaya ang naiisip na kalokohan ng kaibigan ko? Ayoko na marinig, seryoso.
"C'mon. Bed weather, hindi mo alam? Iyong tipong bumabangon ka na nga.." saglit siya na tumigil upang tingnan ako nang nakakaloko dahilan upang mas lalong manlisik ang mga mata ko sa kaniya. "Pero nafa-fall ka pa rin!" pagpapatuloy niya na sinundan nang isang malakas at halos pamatay na tawa.
Napailing na lamang ako sa waley na banat ng kaibigan ko. Pinilit ko na lamang na ituon ang pansin ko sa pagtawa habang ang background music ay ang walang tigil at nakakarindi niyang boses.
Nang mahimasmasan ay tuluyan nitong ipinagpatuloy ang pagsira ng araw ko, "Hulaan ko, hindi ka makatulog sa sinabi ni Seven kagabi ano? For sure, pagulong-gulong ka sa kama habang pini-play ng utak mo ang mga sinabi niya. Ano nga ulit 'yon?" Natatawa niyang panunuya sa akin.
Tumukhim ito bago muling nagsalita pero sa pagkakataong ito ay pinilit niya na laliman ang kaniyang boses upang magaya ang mga sinabi ni Seven.
"Katherine, I think I already like you," saad niya habang hindi pa rin natitinag sa pagtawa.
"Hailey! Ano ba?!" Naiirita kong saway sa kaniya habang tinatakpan ang magkabilang tainga ko upang hindi ko na marinig ang mga sasabihin niya.
Upang makaiwas ay napag-desisyunan ko na lamang na tumayo at umalis. Pakiramdam ko kasi ayaw magpaawat ng magaling ko kaibigan.
"Mauuna na 'ko," walang emosyon 'kong sambit. Minsan wala talaga sa timing mang-asar itong si Hailey kaya hindi ko maiwasan na mainis na lang talaga.
Tuluyan na sana akong mag-wawalkout nang unti-unti siyang tumigil sa pagtawa at muling nagsalita pero sa pagkakataong ito ay seryoso na ang tono ng boses niya, "Bruh, huwag ka na ulit magpa-scam. Huwag ka na magpadala sa mga litanya na 'Gusto mo ba yumaman? Halika usap tayo.' Higit sa lahat, huwag ka na mag-invest ng emotions sa mga actions na malabo ang intention."
Naguguluhan na nilingon ko si Hailey. Mukhang patagal ng patagal, palalim ng palalim ang mga sinasabi niya.
Imbes na bumanat ay muli itong nagsalita habang suot suot ang isang malawak na ngiti, "Set emotional boundaries, bruh."
"Dramarama lang bruh?" I smirked.
Hindi ko akalain na matatagalan ko ang pagka-weirdo ng kaibigan ko simula elementary pa lang kami.
"Panira ka ng moment, bruhilda." Nakasimangot niyang sambit.
"Dalian mo, ayoko na malate." Ma-awtoridad kong sambit.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay mabilis akong lumabas upang pumunta sa veranda.
Napag-desisyunan ko na dito ko na lamang siyang hihintayin habang nililinis niya ang mga pinagkainan namin.
Kahit sariling family rest house nila ito ay marunong pa rin si Hailey na maglinis ng bahay. Hindi nga niya naisip na kumuha ng kasambahay para may makatulong sa ibang gawain.
Kaya naman bilang nakikitira lang sa bahay nila ay naisip ko na makihalo sa ibang gawain pero may schedule. Ngayong week nakatoka si bruhilda kaya hayahay ako ngayon.
Habang naghihintay ay naisip ko na umupo sa gilid ng hagdan.
Hindi ko maiwasan na mapapikit dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko.
Sa hindi malamang kadahilanan ay awtomatikong napalingon ako sa kalapit na bahay sa tabi namin.
Napansin ko na wala na ang mga kalalakihan kahapon na nagpapasok ng mga gamit sa loob ng bahay nila. Tahimik na ulit ito na para bang katulad noon na walang nakatira.
Pumasok na kaya siya? Isip isip ko.
Napailing na lamang ako kasabay ng isang malalim na pagbuntong-hininga.
Bakit ko ba iniisip ang mokong na 'yon?!
Halos masapo ko na lamang ang aking ulo nang muling nag-play sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.
Hindi ko alam kung mind reader ba si Hailey o may nakatagong hidden camera sa kuwarto ko, kung paano niya nalaman na literal na nagpagulong-gulong ako sa kama dahil hindi ako makatulog simula noon. Kaya naman parang sinapak ng sampung beses ang mata ko sa sobrang puyat.
Mukhang nawindang ang isipan ko sa mga sinabi nang lalaking mukhang paa na 'yon.
As if naman na magkakagusto ako sa kaniya. Ni wala nga siya sa kalingkingan ni Caian eh. Keber ko naman sa Seven na 'yon. Kainis. Ginugulo niya utak ko pati.. puso ko?
Tumigil ka Katherine Faith De Guzman. Nahahawa ka na sa landi hormones ng kaibigan mo. Remember, hindi mo pa rin nababawi ang notebook mo. Kailangan mo ng panibagong plano.
Aha!
Halos mapatayo ako nang biglang nag-pop out sa isipan ko ang salitang plano.
Dali-dali kong kinuha ang maliit na notepad sa bulsa ng bag ko at mabilis na inilipat ang bawat pahina nito sa pinaka-huling parte na sinulatan ko.
plan a - know his identity
plan b: take back and your dead
plan c: sneak peak
plan d: ninja moves
Mabilis kong crinoss-out ang mga plans na nagawa ko na. Halos pagsakluban ako ng langit at lupa nang makita na nakaka-apat na akong plano at lahat 'yon ay nabigo! Hindi ako makapaniwala.
Kilala ako bilang isang break-up planner hindi miyembro salisi gang para gawin ko 'to. Kinalawang na ba ang planning skills ko? Bakit lahat ay mission failed?!
Never akong nabigo sa pagplano ng break-up ng iba kaya naman sobrang nadidismaya talaga ako na isang Seven Gamboa lang ang magpapamukha sa akin na isa akong malaking palpak. Capslock niyo na para dama hanggang buto.
Mas lalo tuloy umusok ang ilong ko sa inis. Kailangan ko na mag-proceed sa next plan. Mabilis kong tinangnan ang sunod na nakasulat sa list of plans ko.
plan e - not too close enough
Normal lang ang magkaroon ng Plan A, Plan B, at Plan C pero ang mapunta sa Plan E?! Never ko pa 'to naranasan. Gawd. Ito na talaga ang totoong epic fail.
Hindi ko akalain na aabot ako sa ika-limang plano. Mas lalo akong kinabahan dahil ito na ang huling alas na mayroon ako. Kapag pumalpak pa ako sa pagkakataong ito, goodbye notebook. Goodbye break-up secrets. Goodbye life.
Humanda ka talaga, Seven. This time, sa akin na ang korona.
Napangisi ako nang mabilis pa sa alas-tres nang biglang may mag-pop na ideya sa isipan ko.
"Sige lang bruh. Lokohin mo lang ang sarili mo. Hindi mo lang matanggap na may katapat ka na."
Halos mapatalon ang puso ko sa gulat nang biglang sumingit sa eksena si Hailey.
"Aatakihin na ko sa pagiging mushroom mo!" Takot na takot kong sambit habang hindi pa rin binibitawan ang paghawak sa aking dibdib.
Saglit itong tumawa hanggang sa mabilis na hinila niya ang aking kamay. "Halika gora na tayo!" Nagmamadaling sambit ni Hailey.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay nakalabas na rin kami sa subdivision patungo sa terminal ng mga jeep.
Mabuti na lamang hindi Monday ngayon kaya naman walang masyadong pasahero at hindi rush hour. Nakasakay naman agad kami.
Matapos mapuno ang sinasakyang jeep namin ay lumapit na rin sa bawat pasahero ang kundoktor upang kuhanin ang bayad namin.
"Sagot ko na bruh," saad ni Hailey na kinindatan pa ako.
Napangiwi na lamang ako. Naninibago talaga ako sa kaniya. Mas kuripot pa sa pinaka-kuripot ang babaeng 'to kaya nakakagulat kung anong pumasok sa isipan niya.
Isa lang ang masasabi ko, hallelujah!
Pakiramdam ko nabuksan ang langit at nagsikantahan ang mga anghel dahil sa pagbabagong nangyayari sa kaibigan ko.
Lihim akong napangisi sa kalokohang naiisip ko. Sorry na po, nakakapanibago lang kasi talaga si Hail not so holy.
Matapos ang bayaran na naganap ay tuluyan ng umandar ang makina ng jeep. Ngunit bago pa kami tuluyang makaalis ay naramdaman ko ang pagsiko ni Hailey sa tagiliran ko dahilan upang mapunta sa kaniya ang atensiyon ko.
"Nakakainis si kuyang kundoktor panay ang sabi ng, 'Barya lang po sa umaga.' Ang kulit-kulit hindi naman tayo mga bingi. Pero on the other thought, mahirap nga naman daw kung una pa lang nagbigay ka na ng buo tapos hindi naman masusuklian," seryoso niyang sambit na nadugtungan ng isang pagngisi.
Nasapo ko na lamang ang aking ulo sa pagkadismaya. Si Hailey pa rin pala siya. Hindi pa rin siya nagbabago.
Ano ba ang mayroon sa ngayon? Napapadalas ata ang pagbanat ni Hailey. May seventeen hours pa ako para pagtiisin ang kaibigan ko ngayong araw. Iyak na ko.
"Pumara na lang kaya tayo? Hindi naman tayo masusuklian!" Natatawang niyang dagdag.
Napatakip na lamang ako ng aking mukha. Hindi ko siya kilala. Ilayo niyo ako!
PAGKATAPOS ng ilang minutong pagbiyahe ay nakarating na rin kami sa university na pareho namin na pinapasukan. Nakaabot naman kami ilang minuto bago magsimula ang klase.
Halos lahat naman ng subjects ko ay magkaklase kami kaya naman kaunting kembot na lang talaga pagsasawaan ko na ang pagmumukha ng kaibigan ko. Sa totoo lang kahit nakakasawa na parati kaming magkasama, mas gusto ko pa rin na nasa tabi ko siya. Wala naman kasi akong ibang kaibigan maliban sa kaniya. Mahina ako sa social skills. Hindi ko alam kung paano makipag-communicate ng maayos sa iba lalo na kung hindi ko naman ganoon close.
Pagkapasok na pagkapasok namin ni Hailey sa classroom ay bumungad na sa amin ang ingay na dulot ng iba't ibang boses ng mga kaklase namin na nagtatawanan at nag-aasaran.
Inilibot ko ang aking paningin upang tingnan kung bakante pa rin ba ang upuan kung saan parati akong pumupuwesto.
Ngunit halos maiwang nakaawang ang aking bibig nang bumungad ang isang pamilyar na mukha ng lalaki na nakaupo sa mismong paborito 'kong puwesto sa bandang gitna.
Mas lalo pa akong kinabahan nang mapansin na nakatuon ang kaniyang atensiyon sa akin. Tinititigan niya ako ng mata sa mata na para bang nakikipagsukatan siya ng tingin. Ngunit ang pagkakaiba lang naman ay naka-ngisi siya samantalang ako naman ay halos nanlilisik sa gulat ang reaksiyon.
Matapos ang ilang segundo ay awtomatikong kinaladkad ako ng aking mga paa papalapit sa kaniya. Napansin ko na masyadong busy si Hailey sa pakikipag-usap sa mga iba namin na kaklase kaya naman siguro hindi niya nakita na may bakulaw na nagkatawang tao dito sa loob ng classroom.
Nakalimutan ko may isa palang subject na magkaklase kami at ngayon iyon. What a beautiful coincidence to start a day but on the other thought I might use this opportunity to proceed on my next plan. This time, hindi ko na hahayaan na maging failure ulit ako. This will be my last card on hand.
"Nakalimutan mo ba kung saang upuan ka naka-assign? Just to inform you, puwesto ko 'yang kinauupuan mo." Pambungad ko sa kaniya matapos ko siyang malapitan.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ang init init ng dugo ko sa lalaking 'to. Siguro sadyang kapag nakikita ko ang pagmumukha niya, naaalala ko ang precious notebook 'ko. Nakakapanggigil.
Napansin ko bago siya magsalita ay sinuklian niya lang naman ako ng isang malawak na pag-ngisi.
Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng kakaibang kaguluhan sa aking tiyan. Sa isang iglap bigla na naman nag-play sa isipan ko ang nangyaring pagkatumba namin ni Seven sa isa't isa.
Gusto ko na talagang i-untog ang ulo ko sa inis. Napakalaking wrong timing at paepal talaga ang memories na 'to.
Erase. Erase it all brain cells!
"So," panimula niya dahilan upang bumalik ang isipan ko sa reyalidad. "Masisisi mo ba ako kung ikaw ang unang nag-trespassing sa sarili naming bahay?" Dagdag pa niya habang hindi pa rin naaalis ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.
Awtomatikong inilibot ko ang aking paningin upang obserbahan kung may nakarinig man sa mga sinabi niya. Agad naman akong nakahinga ng maluwag ng mapansin na masyadong busy ang lahat sa pakikipagdaldalan upang marinig pa ang usapan namin.
Napapikit na lamang ako habang pilit na pinapakalma ang emosyon ko. Ayoko manapak, please lang. Kalma ka lang self.
"What do you want?" I asked in between of my gritted teeth.
"Let me rephrase that. I think it's better to ask yourself, what do you have done?" He said casually flashing a sarcastic grin in between of his lips.
Halos manlaki ang mata ko sa sobrang pagkagulat ng bigla niyang itinaas ang kaniyang kaliwang kamay na may cast. Sa sobrang pagkainis ko sa kaniya ay masyado akong naging distracted to the point na hindi ko napansin na naka-benda ang kaniyang kamay.
"Amazing right?" Nakakaloko niyang tanong. Sa totoo lang hindi ko alam kung maaawa ba ko sa kaniya o matutuwa kasi kinarma na siya. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung paano ko ito nakuha?" Dagdag niya pa na parang may pinapatamaan.
"What do you mean?" Kunot-noo 'kong tanong.
Bigla na lamang akong napaatras ng isang hakbang nang tumayo na lamang siya ng walang pasabi. Muntik na tuloy magtama ang mga mukha namin. Jusme, ayoko na maulit ang mga nangyari kagabi.
Ayoko na ba talaga?
Okay, stop it landi hormones!
"Hindi ko alam kung ilang kilo ba 'yang ulo mo para magkaroon ng malaking impact sa kamay ko nang sinubukan ko na saluhin kita. But don't worry, okay lang ako kung nag-aalala ka man. Hindi naman nadisgrasya ang mukha ko, kamay lang kaya you are forgiven," sambit niya kasabay ng pagpapakawala ng isang pamatay na kindat.
Kadiri.
Halos maningkit ang mga mata ko sa pagkadismya. Totoo ba talaga itong naririnig ko?
"Ilang butas ba ang mayroon sa utak mo? Ang daming pumapasok na hangin eh." Nanggagalaiti 'kong pasaring.
"Grabe, ganiyan ka pala magpasalamat."
Awtomatikong nakaramdam ako ng pagka-guilty nang mapansin na biglang napalitan ng pagkasimangot ang nakakaasar niyang pag-ngisi.
Sabagay, siya na nga ang nagligtas sa akin ganoon ko pa siya kung itrato. Nasaan ang hustisya mo, Katherine?
Bigla ko na lamang na iniwas ang aking paningin habang pinapakawalan ang isang nakakapanindig balahibo na, "Sorry."
Sorry.
Sorry na lamang ang tanging lumabas sa aking bigbig habang unti-unti akong nilamon ng pagkahiya. Goodbye, pride. Ikaw na nga ang ninakawan ng notebook, ikaw pa ang nag-sorry. Ang fair talaga ng mundo.
Ilang segundonko rin na hinintay ang magiging reaksiyon niya.
Magkakaroon na rin ba siya ng change of heart at mag-sosorry na rin? Baka naman maiisip niya na rin na ibalik ang notebook ko? Siguro naman maappreciate niya rin ang sorry ko. Ang hirap kaya sabihin ng salitang 'yon!
Ngunit biglang bumalik ako sa katotohanan na siya si Seven.
"Don't need to say sorry, ang kailangan ko lang naman ay maging personal assistant ka!" Natatawa niyang sambit dahilan upang halos nanlilisik ang mga mata na napatitig ako sa kaniya.
Nagjojoke ba siya? Ano na naman ba ang trip niya?!
"Naka-drugs ka ba? Anong personal assistant?!" Hindi ko na napigilan na mataasan ang boses ko kaya naman may ilang mga mata ang napunta sa direksiyon namin.
Mabilis naman na naging aware ako na naka-red alarm na ang mga tenga ng mga chismosa kaya naman dali-dali kong hininaan ang boses ko. "Anong sininghot mo, pre?" Dagdag ko pa sa kaniya na sinagot niya lamang ng nakakaasar na pagtawa.
"Sa palagay mo ba makakapagsulat ako habang may pilay ang kamay ko? Kaya kailangan ko ng taong magsusulat para sa akin. Since ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa akin, why not bumawi ka tutal niligtas kita," sagot niya.
Hindi ko maiwasan na mag-init ang ulo kapag nakikita ko ang nakakaloko niyang pag-ngiti. Wala na ba siyang ibang alam na emosyon kung hindi ang ngumisi sa lahat ng oras?
Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla niya na lamang akong hinila papalapit sa puwesto nila na magkakabarkada na nasa bandang likuran.
"Alis ka muna diyan Uriah," utos nito sa lalaking nakapuwesto malapit sa bintana.
Busy ito na nagsusulat ngunit kung oobserbahan ng mabuti ang ginagawa niya ay halatang kumokopya ito sa sagot ng iba na nakasulat sa isa pang papel.
Kunot-noo niya naman na inangat ang kaniyang tingin kay Seven.
"Papi ano ba busy ako," nakasimangot nitong tugon at muling ipinagpatuloy ang hokus pokus na ginagawa.
"Libre ko." Parang isang keyword ang isang salitang sinabi ni Seven dahil sa isang iglap ay biglang nag-aliwalas ang mukha ng lalaki at dali-daling tumayo.
Napakunot na lamang ako ng aking noo nang maalala kung sino ang lalaking tinutukoy ni Seven na Uriah.
Sa pagkakatanda ko siya ang lalaking nakita ko na kasama ni Seven at Caleb sa parking lot noong isinasagawa ko ang Plan B. Mukhang magkakabarkada talaga silang tatlo.
"Ikaw naman, hindi mo sinasabi agad." Animo'y naging maamong tupa si Uriah na may pamasa-masahe pang nalalaman sa likod ni Seven.
"Oh, hi miss beautiful."
Nagulat na lamang ako nang matuon sa akin ang atensiyon ni Uriah. Mas lalo akong nagulantang nang bigla niyang kinuha ang aking kamay at unti-unting yumuko upang bigyan ng isang courteous kiss ito.
Hindi ako halos makapag-react sa sobrang bilis ng galawan niya.
Ngunit bago niya pa maisagawa ang kalokohan niya ay bigla na lamang na itinulak ni Seven ang ulo ng kaniyang kaibigan sa pamamagitan lamang ng isang daliri.
"Back off," pagbabanta nito sa kaibigan.
Mas lalo akong speechless na napalingon kay Seven. Wala na ang pag-ngisi sa kaniyang labi sa halip ay napalitan ito ng isang seryosong aura.
Hindi ko napigilan na mapangiti ng lihim. Bakit pakiramdam ko ang sweet niya?
"Grabe, ang possessive ni papi." Natatawang pasaring ni Uriah ngunit bago ito tuluyang lumipat ng upuan ay pinabaunan niya ako ng isang kindat na agad naman na napansin ni Seven.
"Isa pa, kakalbuhin na kita!" Pang-aamba nito sa kaibigan.
Muli, hindi ko mapigilang matawa sa kalokohan ni Uriah at sa pagiging pikon ni Seven.
Ngunit bago pa ako tuluyang lamunin ng kilig ay bumalik na ulit ang dating Seven. Sad.
"Hoy, huwag kang magpapadala sa mokong na 'yon. Babaero 'yon. Ang intindihin mo ay ang pagiging alalay mo. Dali, umupo ka diyan," saad niya habang itinuturo ang upuang nasa tabi niya lamang.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa pagkadismaya. Paano niya ba ako napapayag sa kalokohan na 'to? No, hindi niya ako pinapayag. Sinapilitan niya ako. Kainis!
Naniningkit ang mga mata na nilingon ko siya, "Sandali lang po kamahalan. Kukunin ko lang ang gamit ko!" pasaring ko.
Babalik na sana ako sa puwesto ko kanina nang biglang may humarang na lalaki sa daraanan ko.
Saktong pag-angat ko ng aking tingin ay bumungad ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. Sobrang pamilyar.
"Caleb! Ang tagal mo mag-cr, akala ko kinain ka na ng bowl." Natatawang pagsingit ni Seven sa awkward na position namin ni Caleb.
Sa hindi malamang kadahilanan ay parang napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa mukha niya. Sa isang iglap ay parang naging pipi ako at hindi makapagsalita. Masyado akong na-intimidate sa seryosong aura ng dati at una kong naging boyfriend.
Hindi pa rin siya nagbabago. Seryoso at tahimik pa rin ang aura niya. Ang tanging nagbago lang ay ang pakiramdam ko na napakalayo na namin sa isa't isa kahit sobrang lapit ng posiyon namin ngayon.
"E-excuse me.." Nauutal kong sambit matapos makapag-ipon ng sapat na lakas upang putulin ang awkward moment na ito with ex.
Ilang segundo rin siya na nakatayo lamang sa harapan ko na para bang wala siyang balak na magbigay ng daan para sa akin.
"Hoy ano ba, magtititigan lang ba kayo diyan?!" Paepal na pagsingit ni Seven.
Agad naman akong nakahinga ng maluwag ng unti-unti ay gumilid siya upang makadaan na ako.
Ngunit bago ko siya tuluyang malagpasan ay may kakaibang kuryente akong naramdaman ng marinig ang pamilyar na boses ng lalaki na matagal ko nang hindi nakikita.
"Long time no see, kath." Malamig at halos walang emosyon niyang saad.
Ngunit sapat na ang mga salitang iyon upang aminin ko sa aking sarili na sobrang na-miss ko na ang kababata slash ex-boyfriend ko.
× × ×
To be c o n t i n u e d . .
N O T E :
Please do comment about any grammar or typograhic error that do not seems right. It will help me a lot with future editing. Thank you for reading! God bless us all.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top