Chapter 1: The FANGIRL! Choi Myung Hee

Sa Isang Kwarto na sarado lahat ng ilaw at ang taningin liwanag na makikita mo ay ilaw sa laptop. May isang Babae na nasa harap ng laptop niya at tila kinikilig sa kanyang pinapanoud sa kanyang laptop.

            “XIUMIN!!! ANG CUTE MO TALAGA!!!” Sigaw niya.

           

            “Myung Hee halika na kakain na tayo.” Tawag ng ka  niyang Halmoeni.

           

            “Saglit lang po Halmoeni! Xiumin ang Baozi ko!!” habang nakatingin parin sa kaniyang laptop.

            “Halika ka at lalamig ang pagkain!” sigaw ulit ng kaniyang halmoeni. Pinouse niya yung pinapanoud niya sa laptop at umalis na siya ng kwarto.

            Ako nga pala si Choi Myung Hee isang fangirl ng EXO lalo na kay XIUMIN!!! ang CUTE CUTE kasi niya! Isa akong 3rd year IT Student sa Seoul National University, 19 of age and still single malay mo isang araw maging kame ni Xiumin!! Kakilig naman! hehehe. Naka Tira ako sa bahay ng Lola (Halmoeni) ko dito sa Seoul kasama kasama rin naming yung Tito (samchon) at Tita (sungmo) ko sila yung nangangalaga sakin habang nasa ibang bansa yung parents ko, hindi kami mayaman saktohan lang, hindi rin gaano malaki ang bahay na tinutuluyan naming pero at least kahit ganoon magkakasama kami at Masaya mamumuhay.

            “Myung Hee dapat pag tinawag ka para kumain bumaba ka na kagad.” sabi ng aking Samchon.

            “Hay naku nanonood naman yan noong kinababaliwan niyang EXO kaya ngayon lang bumaba yan.” sambit ng aking Sungmo.

            Natawa lang ako sa naring ko well totoo naman eh.

            “Hayaan ninyo na bakasyon naman eh.” sabi ng Halmoeni ko sa kanila.

            “Eomma pagpinabayaan mo naman iyan panigurado mapapabayaan niya ang pagaaral niya. Myung Hee huwag mo ibuhos ang oras mo sa mga lalaking yan hindi gaganda ang buhay mo. Ayos lng kung hinahanganga mo sila pero huwag mo ibuhos ang lahat ng oras mo. Alalanin mo kaya nasa ibang bansa ang  mga magulang mo ay para paaralin ka.” Sabi ng aking samchon sabay subo ng kanin.

            “Arrasso.” at pinagpatuloy na namin ulit ng pagkain.

            Makalipas ang 30 minutes nakabalik na ulit ako sa aking kwarto at dali dali akong cheneck yung aking laptop at nakita ko sa latest news feed sa SNN na magkakaron na ulit ng bagong album ang EXO!!! OMG!!!! at pinagpatuloy ko ulit ang  aking pagbabasa at nalaman ko marerelease ito sa susunod na lunes!! YES!!! at gaganapin ito sa mall!! KYAA!!! makikita ko ng personal si BABY BAOZIN KO!!! kinilig talaga ako ng husto noong may narinig ako na tumunog yung aking messager ng FB noong binasa ko kung sino.

            “Si Ha Eun eonni!!! nagmessage!!” binasa ko yung message ni Ha Eun at nalaman ko na babalik na siya sa Korea kasi meron siyang bagong trabaho at dito siya pinadala at nagtatanong siya kung pwede ba siya makitira samin well ayaw nga pala niya magstay sa bahay ng mga Samchon niya.

            “Sige dito ka na tumira Ha Eun…” napatigil ako sa patytype noong naalala ko si Ha Eun  eonni ay isang professional Photographer.

             “Teka kailan kaya balik niya? baka pwede ako humingi ng tulong sa kanya!” Pinagpatuloy ko ulit ang pagttytype ko at tinanong ko na rin siya kung kailan siya babalik. nagabang ako ng isang minuto para sa reply niya. Nang biglang lumabas yung message niya.

            “Next Sunday baka nandiyan na ako sa Korea.” KYAA!!! Ayos!!! sakto yung dating niya! Pagdating niya dito sa linggo kinabukasan naman yung album launching ng EXO! Tamang tama dahil isa siyang pro for sure super quality yung mga kuha niya kaya lalabas lalo yung kacutetan ng aking Baozi!!

            “Alam ko na!! Ihihire ko si Ha Eun!!!” Sabi ko sa sarili ko at pinapatuloy ko yung pagtytype ng message para kay Ha Eun.

            Makalipas ang isang linggo, dumating na ang araw na pinakahihitay ko.

             “Bukas na ang dating ni Ha Eun!!! kailangan kong na ayusin yung kwarto ko para magkasya kaming dalawa. Saka para mapaghandaan na rin yung chart ko na ipapakita ko sa kaniya!” Kinikilig ako habang iniimagine ko yung plano ko at kinuha ko na ang mga panglinis at tinignan ko ang buong kwarto ko.

            “Ang buong araw ko ngayon ay wala ibang gagawin kung hindi maglinis ng kwarto!!!

FIGHTING!!!!” Sigawa ko at nagsimula na ako maglinis ng kwarto.

            Sunday, Gimpo International Airport, 5:33 am. Nandito ako sa Airport ganitong kaaga dahil sabi ni Ha Eun mga 6:45am daw yung dating niya sa Korea kaya susundoin ko siya.

            “Ang aga ko pala well masmaganda na yun kaisa mahuli ako.” lagi kong pinitignan yung orasan ko sa sobrang inip ko makakita ako ng bakanting upuan at umupo ako doon biglang naalala ko yung pinagsamahan namin ni Ha Eun eonni noong nasa collage pa siya.

            Nagkakila kasi kami sa Seoul National University ang course na tinake niya ay Arts and Multimedia course at ako naman ay Bachelor of Science in Information Technology. Ahead siya sakin ng 2 years naalala ko tuloy yung unang pagkikita naming.

            Naglalakad ako sa may kalsada papasok ng main gate ng University ng may nabang akong isang babae.

 

            “Sorry po.” Dali-dali kong sabi sa kaniya. Nakita ko nahulog pala yung camera na hawak niya sa semyento dahan dahan ko siya tinignan pero mukang hindi siya galit sakin.

 

            “Okay lang yun.”Sabi niya sakin. Nagulat ako sa sinabi niya.

 

            “ANONG OKAY HA EUN??!!! NAHULOG NA NGA YUNG CAMERA EH??!!” Sabi noong isang babae na kasama niya.

 

            “Okay lang yun aksidente lang naman yun.” Sabi niya sa kasama niya.

 

            “Palibhasa kasi hindi sayo yung camera na nahulog eh!” Sabi noong babae.

 

            “Bakit hindi rin naman sayo yan ha? Doon yan sa kaaway mo hindi ba?” Sabi niya ulit.

 

            “Kung sa bagay. May punto ka! Naghahanap nga pala ako ng dahilan kung pano masisira yung camera nitong mayabang na babaeng yun!”

 

            Nilapitan niya ako at kinamayan. Ako naman gulat nagulat kasi naman eh imbis na nagalit sila nagpasamalat pa sila.

 

            “Ano ba nanayayari?” Sabi ko sa sarili ko.

 

            “Anong year mo na?” tanong niya sakin.

 

            ”1st year pa lang po” Sabi ko sa kanila.

 

            “Anong course mo?” Tanong noong babaeng nabangga ko kanina.

 

            “BSIT po.” Sagot ko sa kaniya.

 

            “Hmmm.. Oo nga pala ako si Myung In at siya naman si Ha Eun? Simula ngayon friends na tayo. heheh”

 

            Simula noon lagi ko na sila kasama pero mas makasundo ko si Ha Eun kaisa sa iba.

 

 

            Tinignan ko yung orasan ko ulit at 6:29 am na pala, tumayo na ako sa pagkakaupo ko at pumunta na sa arrival gate nang airport, makalipas ng ilang minute may mga mumalalabas na mga tao at may nakita akong babae na parang ash blonde yung kulay ng buhok at nakapony may headset sa may leeg niya at parang meron siyang dalang camera bag.

             “Si Ha Eun eonni! EONNI!!!!!” sigaw ko habang nagwawave yung kamay ko para Makita niya ako at kumaway din sia sakin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top