Where Are You Now?


Where Are You Now?

by LightStar_Blue



"Bella, congrats! You have a very successful book signing!" Masayang bati sa akin ni Sir Evan while shaking my hand. He is my editor in Le Saisons Publishing Corp.


"Thank you, Sir!" Sunod-sunod na ang bumati sa akin. I don't know what I feel right now. Nao-overwhelm ako sa nangyayari. Hindi ko aakalaing maraming tatangkilik ng mga akda ko. Ang munting mga novel pocketbook na sinulat ko ay mayroong bumabasa. Mapa-estudyante, tambay sa bahay, professional at iba pa. Lahat sila ay humahanga sa gawa ko. Ngayon pa lang ay gusto ko na umiyak muli.


"So Bella, do you accept our offer to be one of our writers?"

I nod. Ngayon pa lang na nakita kong maraming tumatangkilik sa gawa ko, lalo akong na-inspire na magsulat. Without Le Saisons Publishing Corp., Bella Santos is not existing in the world of published books. "Yes Sir Evan."


Napapalakpak siya. "That's great! Tomorrow, two-thirty at the afternoon ang contract signing mo sa Le Saisons Publishing building."


"Copy, Sir!" Again ay nakipag-shakehands ulit ako kay Sir Evan bago siya umalis. Unexpected ay biglang nag-ring ang phone ko which is hindi dapat dahil nag-group message ako na hindi ako pwede ngayon. Tiningnan ko kaagad kung sino ang tumatawag. It's unregistered number. Agad ko iyon sinagot. "Hello?"


"Belle! It's me Wendy. I know where Cassandra right now."


Parang sumabog ang buong sistema ko nang marinig ko ang pangalan ni Cassandra. Ang aking espesyal na kaibigang bigla na lang nawala. Biglang bumalintataw sa aking isipan ang mga alaala na kasama ko siya.



Before 10 years...



BIGLANG nagsitahimikan ang mga estudyante sa loob ng classroom ng class 4-G nang pumasok ako. Parang may dumaang anghel sa loob o mas tamang sabihin ay demonyita. Lahat sila ay iisa lang ang expression ng mukha. Pagkagulat. Pagkagulat dahil himala pumasok ako. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lamang akong maglakad papunta sa upuan ko. Pabalang akong umupo at sumubsob sa arm desk. Wala pa namang teacher kaya pwede akong matulog. Sobrang sumasakit ang ulo ko dahil kulang ako sa tulog kagabi.


Malapit na akong makatulog nang biglang may kumalabit sa akin. Sa una ay hindi ko pinansin iyon ngunit hindi naman all the time ay matitiis ko na hindi pansinin ang papansing tao na iyon. Agad kong hinarap ang taong iyon. Isang babaeng tsinita ang bumungad sa akin.


Ngumiti siya sa akin. "Hello!" Masaya niyang bati sabay kaway sa akin.


Tinaasan ko siya ng kilay. "Problema mo?"


"Bago lang ako dito at gusto ko lang makipagkaibigan sa iyo. I'm Cassandra Anne Amacio." Sabay lahad niya ng kamay.


"Who cares if you are Cassandra Anne Amacio? I don't even care who are you." Bumalik ako sa pagsubsob sa desk. Muli ay kinalabit na naman niya ako. Napuno na ako. "Huwag mo nga ako kulitin! Doon ka sa ibang tao!" Sigaw ko sa kanya at ang iginanti niya sa akin ay isang matamis na ngiti. "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?"


"Nothing. It's nice to meet you, Bella. From now on you are my best friend!" At tumabi siya sa akin.

"Whatever." Nilagay ko na lang sa tenga ko ang earphone ko bago bumalik sa pinaplano kong matulog.


----


PASIMPLE AKONG lumingon-lingon sa paligid ko. Wala masyadong tao kaya walang tatabi sa akin dito sa mesa. "Good." Agad akong umupo. Nilabas ko ang notebook at ballpen sa bag. Library is the best place para sa isang matiwasay na pagsusulat ng novellete. Nagsusulat na ako ng mga istorya simula first year high school pero tinatago ko lang iyon dahil nahihiya ako na pagtawanan ng mga tao sa oras na malaman nilang nagsusulat ako ng nobela. Ayokong mangyari iyon.


I start writing my ideas. Ang scenario ay nalaman na ng heroine na niloloko lang pala siya ng hero dahil sa isang unwanted deal with her best friend. Buong focus ko ay nasa story na sinusulat ko nang marinig ko na may humihikbi sa tabi ko. Huminto akong magsulat at napatingin sa taong iyon. Muntik na akong mapamura dahil sa gulat kay Cassandra. "What are you doing here?"


Pinunasan niya ang luha sa pisngi. "Nakakaiyak naman ang nangyari kay Louise. Niloko lang siya ni Devon."


I close my notebook. "Binabasa mo ang sinusulat ko?" Pabulong kong tanong sa kanya.


Tumango siya. "You have a very good story. Ang galing ng writing skills mo." May kinuha siya sa bag niya at nilabas niya ang isang notebook na pamilyar sa akin.


Nanlaki ang mata ko. "Bakit nasa iyo 'yan?" Inagaw ko ang notebook. I wrote my first novel in this notebook. Ine-edit ko ito kahapon.


"Naiwan mo iyan kahapon. I love that story. Kinilig ako kay Leon, super!"


Obvious nga na kinikilig siya pero hindi ako natuwa sa narinig ko mula sa kanya. Binasa lang naman niya ang story na sinulat ko. "Bakit mo binasa? Sino bang nagbigay sa iyo ng permiso na basahin mo ito?"


"Nagandahan lang kasi ako sa umpisa ng kwento kaya binasa ko na. Alam mo pwede kang maging sikat na writer kapag pinasa mo 'yan sa Amore Publishing."


"Kahit na! Nangialam ka pa rin ng gamit!" Kinuha ko ang notebook na sinusulutan ko at tumayo. "Ayoko sa lahat 'yung pakialamera." Iniwan ko na si Cassandra at hindi ko siya nilingon kahit tinatawag niya ako.


-----


TAHIMIK AKONG umiiyak dito sa rooftop ng fourth year building. Everything in my life is a mess. Naghiwalay na ng tuluyan magulang ko at hindi man lang nila naisip na nasasaktan ako. Ang masakit ay nalaman ko na may ibang pamilya pala sila at bunga ako sa bawal na pagmamahalan nila. They don't care at me. They abandoned me.


Kinuha ko ang blade ng isang scalpel na palagi kong dala. Kay daddy ito na naiwan niya sa kwarto nila. "I want to die. Hindi ko na kaya, sobrang sakit na." Patuloy ang pagdaloy ng luha sa pisngi ko. Bakit sa akin nangyari ito? Mabuti na ngang mamatay ako. Hindi ko na mararanasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.


Nang didikit na ang talim ng blade sa pulso ko ay may biglang pumigil sa kamay ko. "Papatayin mo ba ang sarili mo! Hindi iyan solusyon sa problema mo, Bella!" Kinuha ni Cassandra ang blade sa kamay ko at ibinato iyon sa malayo. Hinawakan niya ako sa balikat. "Huwag mong gawin 'yan!" Sigaw niya sa akin.

Nagpumiglas ako. "Ano bang pakialam mo? Hindi naman kita kaano-ano para pigilan ako sa gusto ko!"


"Kaibigan mo ako, Bella. Hindi solusyon ang paglaslas mo sa pulso mo para makawala sa problema mo."


"Ito lang ang solusyon ko! Ayoko na mabuhay! Gusto ko na mamatay, hindi ko na kaya." Napahagulgol ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Ang sakit na." Tinuro ko ang tapat ng puso ko.


"So sa tingin mo pagpapakamatay ang solusyon sa sakit na nararamdaman mo? My gosh, Bella! Sige, magpakamatay ka para mapunta sa impyerno ang kaluluwa mo. Sa tingin mo mawawala ang problema mo? No, Bella. Nadagdagan lang, mas malala pa. Sa tingin mo matutuwa ang mga taong nagmamahal sa'yo sa gagawin mong 'yan?" Umiling siya sa akin. "No, Bella. Maraming masasaktan. Paano kaming nagmamahal sa'yo? Paano ang parents mo?"


"They don't love me. My parents abandoned me."


Niyakap ako ni Cassandra. "Nandito pa naman kami, Bella. Ang lola mo. I saw in your notebook, your picture with your lola and you are lucky to have grandmother. Many teenager like us want to be with their grandparents. Ano na lang ang sasabihin ng lola mo kapag nawala ka? Kuwawa si lola." Pinunasan ni Cassandra ang luha sa pisngi ko.


Tama nga siya. Nandyan pa rin si lola para sa akin at alam kong hindi ako iiwan ni lola.


"Bella, kung may problema ka, sabihin mo. Huwag mong kimkimin na lalong tatanim sa puso mo. Ang problema ay hindi dinadaan sa pagpapakamatay. Sabihin mo. Ilabas mo. Nandyan ang lola mo, ako. Nandito kami para sa iyo. Tandaan mo ang pagkitil sa sariling buhay sobrang napakalaking kasalanan sa Diyos. Hindi ka Niya mapapatawad kung sakaling gawin mo iyon. Siya ang talagang hindi iiwan sa iyo. Mahal ka ng Diyos." She hold my hands. "Tandaan mo iyan."


Humagulgol ako. I don't know what I'm gonna say. Hindi tama ang gagawin ko dapat kanina. Niyakap ko si Cassandra. She is the way that God want to say to me. "Thank you Cassandra." Gumanti siya ng yakap sa akin.


--------


"CASSANDRA!" Patiling tawag ko sa best friend ko. It's been a six month noong pinigilan niya akong magpakamatay. She helps me to change. She motivates me everyday.

Ngumiti siya sa akin. "Grabe ka naman makatili sa pangalan ko. Oo na maganda na ako."


Sinimangutan ko siya. "Assuming ka naman masyado. May good news pala ako sa iyo."


"Ano 'yun?"


"Makaka-graduate ako ng high school!" Tili ko sabay yakap sa kanya. Kung hindi dahil kay Cassandra baka patuloy pa rin akong magbubulakbol sa pag-aaral. For sure hindi maka-graduate.

"That was... Great!" Kulang ang sigla sa boses niya.


Kumunot ang noo ko. "Are you okay, Cass?"


Umiwas siya ng tingin sa akin. "Oo naman. Sino nagsabi sa iyo na hindi ako okay?" Humarap na muli siya sa akin. "So anong kukunin mong kurso? Isa't kalahating buwan na lang bago ang graduation natin."


Napangiti ako. "Mass Communication major in Journalism. Cassandra, susundin ko ang advice mo sa akin. Magiging isang sikat na writer ako. Ikaw, anong kukunin mong kurso?"


"Psychology. Gusto ko maging Psychiatrist." Hinawakan niya ang kamay ko. "Masaya akong malaman na MassCom ang kursong napili mo. Aabangan ko ang published book mo ah."


"Syempre! Dedicated sa iyo ang first novel na ipapasa ko sa Amore Publishing."


"Masaya akong marinig 'yan!"


"Same school tayo ah. Walang kakalimot. Walang iwanan, promise ito Cassandra."


"Walang iwanan."


------


"BELLA, NASAAN na si Cassandra?" Tanong sa akin ng class president namin. Ngayon ang final practice namin para sa graduation at hindi pa dumadating si Cassandra.


"Jane, wala pa siya. Na-text ko na rin siya pero walang reply sa kanya." I dialed her number.

"Two weeks na siyang wala ah. Wala ba siyang sinabi sa iyo?"


Umiling ako. "Hindi niya sinasagot ang tawag ko." Sinubukan ko ulit na i-dial ang number niya.


The number you've dialed are unattended or out of coverage area...


"Cass naman." Napakagat labi ako. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi niya sinasagot ang tawag ko simula noong isang araw pa. Noong pumunta ako sa bahay nila ay wala naman siya.


"Bella, sabihan mo na lang ako kung papasok siya. Mag-uumpisa na ang practice."


Tumango ako bago sumunod kay Jane. Mauuna kasi siya sa tatawaging pangalan sa section namin kaya kailangan na niyang pumunta sa upuan niya. M-in-essage ko si Cassandra na umpisa na ang practice. Umupo ako sa designated seat ko.


Nag-umpisa na ang graduation practice. Nang isa-isa nang tatawagin ang pangalan namin ay nagsitayuan na kami. Natawag na ang pangalan namin at lahat lahat ay walang Cassandra na dumating. Nakailang ulit na ng practice at ulit na sermon mula sa teacher ay wala pa rin siya.


Sobra na akong nag-aalala kay Cassandra. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kung may sakit ba siya o may tampo sa akin.


Kinabukasan...


Today is the day. Graduation day na. Imbes na masaya ay lungkot ang nararamdaman ko. Wala pa rin akong contact sa best friend ko at wala pa siya dito sa graduation venue. Hindi ko alam kung mali-late ba siya o hindi.


"Apo, ngumiti ka naman. Darating din si Cassandra."


Ngumiti lang ako. I text her.


Bessie, papunta na ba kayo?


"Okay, students! Fall in line with your parents or guardian. Mag-uumpisa na ang commencement program!" Announce ni Ma'am Vizco.


Nagsipilahan na kami kasama ang aming guardian. Lahat ng kasama ko ay excited. Napatingin ako sa entrance ng venue at umaasang papasok na si Cassandra at mama niya ngunit wala sila. Bumuntong hininga ako.


Nag-umpisa na ang program. Naipakilala na kung sino ang dumalo sa graduation na ito, nagpasalamat na sa guardian at parents namin, nabigyan na ng medal ang mga may honor, nakapag-speech na ang Valedictorian at tinatawag na ang mga pangalan ng ibang section para sa diploma ay wala pa rin siya. Tumayo na kami nang tawagin na ang section namin. Inabang ko na tawagin ang pangalan namin.


 "Aloria, Desirein. Alvarez, Sofia. Amado, Rita..."


Nanlaki ang mata namin nang hindi natawag ang pangalan ni Cassandra. Bakit hindi natawag ang pangalan niya? Hindi pwede 'yun. Gusto kong maiyak. Hindi dahil sa saya dahil ga-graduate ako kundi ang wala si Cassandra.


"San Juan, Maria Bella..."


Naglakad na ako papunta sa stage. Isang pilit na ngiti ang binigay ko sa mga bisita na nakikipag-shakehands sa akin pati na rin sa harap ng official photographer ng graduation. Nang makabalik ako sa upuan ko ay tumulo ang luha ko.


Nang natapos ang graduation, katulad nang scenario tuwing natatapos ang ganitong program, picture taking, iyakan, yakapan, tilian at hindi mawawala ang sabay-sabay na pagbato ng sumbrero ng mga nagsipagtapos. They are all happy except me. Pilit na ngiti ang binibigay ko sa tuwing nakikipag-picture sa akin ang mga kaklase ko. Walang katapusang picture taking.


Gusto ni lola na kumain kami sa labas. Marahil ay naramdaman ni lola na ayokong mag-celebrate ng graduation kaya sandali lang kami at umuwi na kaagad sa bahay. Hindi ko na pinalit ang suot kong dress at hinubad ko na lang ang suot kong toga. Pupuntahan ko si Cassandra.


Hindi na ako nakapagpaalam kay lola at agad akong pumara ng tricycle. Kabado ako habang nagbabyahe. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa oras na dumating ako sa bahay nila. Dumaan ang sampung minuto at pinahinto ko ang driver sa harap mismo ng bahay nila Cassandra. Lalo akong kinabahan. Kumatok ako sa gate nila at sabay ng pagtawag ng pangalan niya.


Parang walang tao pero hindi ako sumuko. Panay pa rin ang pagkatok ko at ang pagsigaw. Baka hindi lang nila ako naririnig. "Cassandra! Bessie!"


"Hija, isang linggo na ata noong umalis ang nakatira d'yan."


Napalingon ako sa nagsalitang babae. "Saan po sila pumunta?"


"Hindi ko alam, hija. Walang nakakaalam kung nasaan sila ngayon at bakit sila umalis..."



Present...


"Where are you now? Cause I'm thinking of you. You show me how, how to live like I do. If it wasn't for you I'll never be who I am..."


Bumuntong hininga ako.  Dama ko ang kanta. Almost ten years kong hinanap si Cassandra. Without her, I'll never be what I am right now. I always say 'Where are you now, Cassandra?'. Ngayon ay makikita ko nga siya  Napatingin ako sa hawak kong piraso ng papel. Address kung nasaan ngayon si Cassandra. Isang mental institution.


Napangiti ako. "Natupad rin ang pangarap mo maging Psychiatrist." Pabulong kong sabi. Mayamaya ay huminto na ang sinasakyan kong taxi. Nasa harap na ako ng St. Jude Mental Institute. Nakadama ako ng sobrang excitement. Nagmadali akong pumasok at lumapit sa reception ng institute. "Uhm, Miss may doctor ba dito na nagngangalang Cassandra Anne Amacio?" Medyo kabadong tanong ko.


"Naku Ma'am wala po pero patient po meron."


Kumunot ang noo ko  "What do you mean patient?"


"Patient po dito si Cassandra Anne Amacio. Siguro po ay ten years na po siyang patient dito. Ayun po oh."


Sinundan ko ang tinuro ng nurse. Sa di kalayuan ay naroon si Cassandra. Si Cassandra na sobrang payat at tulala. Parang tinusok ng karayom ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Ten years na daw na pasyente dito si Cassandra ibig sabihin ay malapit na ang graduation namin nang ma-admit siya dito. Humarap ako sa nurse. "What happen to her?"


"Na-admit po siya na ganyan na. Tulala na po. Ang sabi po ni Doc na na-trauma po si Cassandra dahil palagi po siyang minamaltrato at niri-rape ng stepfather niya. Nakakalungkot lang po at maagang nasira ang buhay niya. Ngayon lang po ulit siya nagkaroon ng bisita after three years."


"Pwede ko ba siyang lapitan?"


Tumango ang nurse sa akin. "Huwag lang po kayo magtanong ng bakit? Baka po marinig ng ibang pasyente at baka ma-trigger ang sakit nila." Pabulong na sabi ng nurse.


Tumango lang ako bago naglakad papunta kay Cassandra. Kumuyom ang kamay ko. Galit ang nararamdaman ko para sa stepfather ni Cassandra at awa para sa kanya. Naiiyak ako para sa kanya. Umupo ako sa katapat na upuan ni Cassandra. Ngumiti ako at kinuha ang kamay niya. "Cassandra, naaalala mo ba ako?" Walang responds sa kanya. "Cassandra si Bella ito. Ang best friend mo." Tumulo ang luha ko. Isang tulalang Cassandra lang ang nasa harapan ko. "Sorry kung ngayon lang kita nabisita. Sobra kitang na-miss."


"Sorry kung hindi man lang kita dinamayan sa problema mo. Sorry kung hindi man lang kita naprotektahan. Sorry." Napagulgol ako at nilapit ko sa mukha ko ang kamay niya. "Simula ngayon ay hindi na ako mawawala sa tabi mo. Kung dati ay ako ang niligtas mo. Ngayon, ako naman ang liligtas sa iyo. Nandito na ako. Wala nang kakalimot sa iyo. Walang iwanan." Niyakap ko siya. "Pangako iyon, Bessie."


Mayamaya ay naramdaman ko ang pagbasa ng damit ko at ang isang yakap. "Bella..."


~Wakas~


COPYRIGHT © 2018 by LightStar_Blue

All Rights Reserved

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top