Chapter XIII
Pumasok ako sa bahay nang makarating ako agad kila Nathli. Andun naman siya sa pintuan nila nag-aabang.
“Sexy natin ngayon beb ah” sabi ko. Naka High weighs short shorts siya na denim tapos yung pang top niya plain white long sleeves at naka wedge heels na white. Ang ganda lang talaga kasi ng bestfriend ko, ngayon ko lang na-appreciate. Hahaha
“Alam ko. Ikaw rin, as always beb” sabi naman niya papalapit sakin at nagbeso.
“Sya nga pala, ano yung sasabihin mo sakin? This better be good kasi nagmadali talaga akong nagdrive papunta dito--” hindi na natuloy yung sinasabi ko kasi hinila niya ako bigla papasok sa bahay niya.
“Pumunta dito si Brenn kaninang umaga“
“Si B-Brenn?” sabi ko. Si Brenn pumunta dito sa bahay niya e hindi pa nakakapunta dito si Brenn
“Wag mo akong tanungin kung paano nakapunta si Brenn dito kasi kahit ako hindi ko alam pero alam mo kinikilig parin ako sa kanya pero nawawala yun kapag nakikita kita kasi naalala ko na hindi na pala talaga siya single” Sabi niya na as if nabasa niya iniisip ko.
“Hindi kami, nanliligaw palang siya beb.” Sabi ko tapos dumaretso ako sa kainan nila. Alam na niya na kakain ako basta ang deretso ko sa hapagkainan nila.
“Doon parin punta nun beb. Btw, may iniwan sakin dito si Brenn, dalawa yun e. Yung isa sa sunod ko nalang daw bigay sayo.”
“Huh? Bakit sa sunod pa?” bakit hindi nalang ngayon e nandito narin naman ako. At saka yung reaction ni Nath ngayon parang wala lang. Hindi tulad nung nakaraan araw na patay na patay siya kay Brenn. Why kaya? O____O
“Eto oh” Sabi niya na parang hindi niya narinig yung tanong ko sa kanya at may inabot siya sakin isang box ng sapatos at may note sa taas.
“Nakaka inggit ka beb alam mo yun? Limited edition yung shoes na yan. Ang sweeeet sweet niya talaga *o*” sabi niya. Binuksan ko yung shoes tapos Wow :O napa nganga ako. Ang ganda.
“Akin nalang kasi si Brenn beb para everybody happy. Hahahahaha” Tawa lang ng tawa si Nath. Ako naman naka tingin lang sa note na kasama ng sa sapatos.
[A/N: See Yi's shoes photo at the side if PC user. If phone naman makikita niyo naman agad yan sa first page ng chapter na to. Gusto ko rin kasi ng ganyang shoes kaso wala e, hahaha kanye west ^___^]
Ang sabi kasi sa note is:
See you in Boracay, Baby.
Nalungkot ako bigla. Kasi naman umalis ng walang pasabi T_____T
“Bukas na yung punta natin ng Boracay beb. Wag ka nga sumimangot jan. Di bagay” Sabi ni nath tapos pinat niya likod. Bigla naman akong sumaya kasi bukas nap ala yung punta naming ng Boracay. Hindi ko manlang napansin.
3RD PERSON’S POV
Wala masyadong nangyari sa araw ni Yi. Parang bumalik yung dati niyang pamumuhay. Yung simple lang. Wala si Brenn sa skwelahan at pati na rin si Peter pero nung gabi na practice nila e andun si Peter. Kinukulit nanaman ni Peter si Yi, may dala pa nga siyang Finn na stuff toy kasi paborito ni Yi ang adventure time.
“Peter.” Sabi ni Yi ng mahinahon. Hindi naman daw kasi pwede na dala-dalawa yung manliligaw niya. Isa lang sa kanila ang dapat niyang sagutin, yung isa masasaktan at alam niya sa sarili niya na si Brenn talaga ang mahal niya pero may mali kasi every time sweet sa kanya si Peter, kinikilig rin siya.
“Nanliligaw si Brenn sakin. Alam mo naman yun diba? Hindi pwedeng dalawa kayo. Isa sa inyo masasaktan.” Sabi ni Yi pero parang wala lang kay Peter yun sinabi ni Yi. Ang tigas ng ulo, stubborn much!
“I can beat him.” See? Ang tigas talaga ng ulo niya. Alam naman ni Peter na makukuha niya si Yi kay Brenn. Sa lahat ng bagay na lamang sa kanya si Brenn, si Yi nalang ang kayang niyang agawin dito.
“Just so you know, hindi ako nagpapaligaw sayo. Ni hindi nga ako pumayag” sabi ni Yi at tumalikod na para umuwi.
Ngumiti ng nakakaloko si Peter. Alam niya kasi na sa gagawin niyang panliligaw kay Yi, walang magagawa si Yi. “She’ll fall for me. I know” sabi ni Peter sa isip niya. Hindi naman ganun kahirap mahalin si Peter dahil na rin sa maraming babae ang humahabol sa kanya e talagang hindi yun impossible. Kailangan niya lang ibahin ang strategy niya sa panliligaw ‘kuno’ niya kay Yi.
Nakarating si Yi sa bahay niya. Nanibago siya kahit ilang araw palang si Brenn sa bahay niya. Napaisip si Yi kung bakit maagang umalis si Brenn sa bahay at bakit hindi nalang pina-umaga kaya medyo nagtampo siya.
Bukas na sila pupunta sa Isla. Excited na siya kahit pangilang beses na niya itong pumunta doon. Siguro dahil na rin sa kasama niya mga matatalik niyang kaibigan except kay Peter.
'Anong gagawin ko kay Peter? Ang tigas talaga ng ulo niya kasing tigas ng bato ni darna' naisip ni Yi. Sa sobrang kakaisip niya sa anong gagawin niya sa lalaking matigas ang ulo, nakatulog siya.
Kinaumagahan. Nalate siya ng gising. Nagising lang siya sa kanina pang kumakatok sa pintuan ni Yi, para na nga daw mawawasak. Natakot si Yi, kumuha siya T-square na ginagamit niya sa pang drawing sa engineering subject niya. Sino ba naman yung pupunta sa bahay mo at kakatok ng ganitong oras? Magnanakaw? Lalong nagpanic si Yi. Hindi niya alam kung bubuksan niya ba ito.
Kung bubuksan niya to baka sakalin siya o deretsong sasaksakin siya ng kutsilyo tapos deds na siya. Walang magawa si Yi, natatakot na siya. Kailangan niya maging matatag, pupunta pa siya ng Boracay. Nagulat siya sa inisip niya, Boracay? Nanlaki ang mata niya. Late na siya sa byahe nila.
"Putcha ka Yivone Parker. Sisirain ko na tong pinto na to. Kanina pa tayo late, kung hindi mo pa bubuksan yung pinto. IIWAN KA NA NAMIN!" sigaw sa labas ng kwarto niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil kanina naging OA siya na akala niya magnanakaw ito o kung ano man na pumapasok pasok lang sa bahay niya.
Binuksan na niya ang pinto at mukha ng lahat ng kagrupo niya ang nakita niya. Lahat sila masasakit ang tingin kay Yi. May naramdaman si Yi, takot ito. Mas nakakatakot pa sa kaninang pinag iisip niya. Naramdaman ni Yi na mainit ang dugo ng lahat sa kanya. May naalala siya 'Al iz wel' ngumiti siya sa kanila
"Hey guys! Musta? Ready na ba kayo?" yan ang nasabi ni Yi. Tina try niya ang best niya na maging positive. Nang dahil sa sinabi niya mas lalong naramdaman ni Yi uminit ang paligid niya. Hindi sila umimik sa sinabi ni Yi. Mas lalo silang nainis. Late na nga sila sa flight nila, yung moymoy pa na mukha at pag uugali ni Yi ang tumambang sa kanila
"Ah guys. Umiinit ata. Tara may ice cream sa baba" dagdag pa ni Yi. Ramdam niya ang init, sobra!
"Put*ng in* YI! Ice cream? Alam mo ba kung anong oras na?" sigaw sa kanya ni LG. Tumango naman si Yi at yumuko.
"Ako nalang bibili ng ticket natin. Sorry po talaga" sabi ni Yi at tumalikod na para maligo. Lahat sila nag-sigh nalang
[A/N: Hindi ko alam kung ano yung SIGH sa tagalog. Hihi n____n]
Habang naliligo si Yi, wala siyang kaalam alam na nilalamun na ng mga kasamahan niya yung ice cream na sinasabi niya kanina. Ilang oras na rin naghintay yung mga kasamahan niya sa lahat e dapat lang silang kumain sa pamamahay ni Yi.
After 12356789 years. Lumabas na si ng kwarto na dala na ang kanyang mga gamit.
"Tara na po" sabi ni Yi. Wala na rin naman silang magawa lahat dahil nangyari na ang nangyari. Siya narin naman yung bibili ng ticket nila e so wala na silang dapat ikabahala. Lahat lang kasi sila excited sa beach kaya na badtrip sila kaninang umaga.
Pumunta na sila ng airport. 45 minutes to kalibo and 20 minutes pumpboat, gateway to Boracay. Lahat silang tuwang tuwa ng makarating na sila ng kanilang hotel. Doon sila nagstay sa Discovery Shores, malapit sa beach, automatic lahat. Perfect para sa kanila ang ganung hotel. Si Yi napansing wala si Peter kaya napatanong siya kay Nath na nakikisabay sa kasiyahan na nagaganap
"Beb, nasaan si Peter?" Natatakang niyang tanong. Nagulat naman si Nath sa biglang pagtanong ni Yi sa kanya
"bakit mo siya hinahanap?" pang aasar ni Nath.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top