Chapter IV
Napatulala ako sa sinabi sakin ni Peter. Hindi ako makagalaw dahil na sa gulat.
I heard him chuckled bago niya ako lampasan niya.
Nung nakabalik na ko sa tunay kong mundo or should i say, na-stun talaga ako.Tumingin ako sa likod pero wala na si Peter.
T_____T
Dumaretso nalang ako sa canteen na 'yun parin ang iniisip ko.
"Uy bebs. Here's your food and stop frowning. Ang pangit mo" Sabi ni Nath habang binibigay niya sakin yung tray na may lamang burger, fries, beef stake at kanin. Eto lagi kong lunch pero hindi talaga ako tumataba. Y^____^
Kaharap ko sila sa lamesa dahil magkatabi sila ni Brenn na tubig lang ang hawak.
Behnilatan ko si Nathli at kumain nalang pero parang nawala ako sa mood kumain kaya kalahati lang nakain ko. Peter kasi, istorbo much!
"Honey, are you okay? Gusto mo round two like we did last morning?" Bigla-biglang sabi ni Brenn na nakangiting nakakaloko.
"Ano pinagsasasabi mo?" kunot nuo kong sagot.
"Chill voney. Nagtatanong lang ^____^"
"Ewan ko sayo! Sinira mo na nga araw ko tapos kung ano-anong imbentong kwento yang ginagawa mo--" taas kilay kong sinabi yan pero pinutol ng mukong.
"Ang daldal mo talaga kahit kailan. Kaya love kita eh ^_____^" Pa-kyot na sabi niya. ERASE! Hindi ako nakyo-kyotan sa kanya!
Hindi! Pwe!
"Love mo mukha mo!" Sagot ko sabay irap sa kanya.
Tatayo na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila.
Nagulat ako kasi nilapit niya mukha niya sa mukha ko. Yung as in malapit talaga. Namula tuloy ako, siguro tomato na ako kasi naman mas gwapo siya kay Peter, mas maputi pa siya sakin, mas makinis ang balat at mas kissable pa lips niya na pink na pink. Omo! >.< Pinag nanasaan ko mukha niya
"Lalo akong naiinlove sayo kapag nagagalit ka, My Honey" then he kissed me on the cheek. Mahina lang pagkakasabi niya nun at umalis na siya sa table namin.
"Whaaat the heck?! What round two? Bebs ano ginawa niyo kanina ni Brenn baby ko ha?! At ano sinabi niya sayo? A--at bakit pakiss kiss pa siyang nalalaman? Explain --"
Napatigil si Nathli sa sinasabi niya kasi biglang nagsalita si Brenn at pasigaw pa yun ha which is nahiya talaga ako sa sinabi niya >_______<
"And oh Voney! See you later ^____^" At nag flying kiss pa. Lord! Ano po ba kasalan ko? Promise magiging mabait na akong bata :(
Nang makalabas na si Brenn sa cafeteria, inulanan na ako ng tanong ni Nathli at iba kong classmate. Like
"Hoy Yi, sabihin mo nga yung totoo, ano ba kayo ni Brenn ha?"
"Yi! Anong gayuma pinainum mo kay Brenn myloves ko? Pahingi naman!"
"Yi, walang hiya ka, akin lang ang Brenn aketch."
"Hoy bakla walang sayo. Akin siya at ikaw Yi, ano bang meron sa inyo ha?"
"Kinikilig ako sa ginagawa sayo ni Brenn."
Puro kalabit at hoy Yi ang narinig ko ngayong araw. Sinabi ko nalang sa kanila na baka trip lang ni Brenn yung ganun.
Hindi naman sila naniwala kaya nagpanggap nalang ako na may tumawag sa phone ko at sinabi ko sa kanila na kailangan ko ng umalis kasi emergency.
Lie.
2 lang class ko ngayong araw kaya makakauwi na ko kaso lang may tumawag sa akin na anonymous number pero hindi ko sinagot.
Tumawag ulit at binaba ko naman. Tawag baba tawag baba lang. Pero nung nakukulitan na ako, sinagot ko nalang. Kainis kasi!
["Honey! Look behind you!"]
Tumingin naman ako sa likod at nakita ko si Brenn. Nakalimutan ko, sa bahay na pala siya titira at dapat walang makaka alam kaya bago siya makalapit sa akin pinagsabihan ko na siya
"Makinig kang mabuti, wag kang lalapit sakin at wag mong sasabihin na sa iisang bahay lang tayo nakatira. Got it?"
Sumagot naman siya sa kabilang linya.
["Oh sure, anything for you Voney. So I'll just follow your car hanggang sa makarating na tayo sa HOUSE NATIN"]
Sa pagkakasabi niya nun, alam kong nakangiti siya. Jusko! -_____-
"Oo na, oo na. Just be sure na walang sumusunod sayo"
["You can count on me. Sanay na ako sa patago tago sa media tapos --"]
"Blah blah blah. I know you're famous. Like i care!"
["Hahahah. Ang cute mo talaga. Sarap mong kagatin"]
"Whaa--t the!"
["Hahahaha! Tara na, ang kati na ng wig kong suot e. Bye "]
"K--"
["Wait."]
"What now?"
["Drive carefully voney, Mua"]
Hindi na ako nakapagsalita sa sinabi niya. May kiss pa yun!
>____<
Pumasok na ako sa sasakyan ko at nagdrive, nakita ko naman siyang sumusunod sa likod.
Nakadisguise nga pala si Brenn ngayon kaya walang mga reporters sa paligid niya.
Kung titingnan mo siya ng isang beses masasabi mo nalang na 'Shit ang gwapo parang artista' pero kung titingnan mong maigi makikilala mo siya na si Brenn Castillo na mas gwapo pa kay Peter Torres--
O____O
Ay erase erase, kinu-compare ko sila! No hell way! Wala akong sinabi!
--
After 20mins nakarating na ko sa bahay. Oo tama kayo ng nabasa kasi wala yung sasakyan ni Brenn sa likod.
Pagpasok ko sa bahay, nandun nanaman si Mama.
"Ma?! Anong ginagawa mo dito?!" iritadong bungad ko sa kanya.
Badtrip parin ako sa news niya! >____<
"Well nice to see you too Baby. Now hug me!" pa-baby na sagot niya sakin. Tch
Hinug ko siya at nagbeso. Balak ko na sanang hindi siya pansinin pero bigla naman siyang nagsalita.
"Where is your Future, Yi?"
"Future?" Ano nanaman pinag sasabi ni Mama na 'to?
"Yes. Future-Boyfriend-Soon-To-Be-Husband ^____^"
Nanlaki naman mata ko sa sinabi niya.
"Ma! He's not my Future Boyfriend and neither my soon to be husband!"
"Wag kang magsabi ng tapos. Hindi natin alam kung ano ang ginagawa sa inyo ng tadhana ^_____^"
"Ayoko nalang i-pray na siya makakatuluyan ko. Period."
"Ok Yi. Ayaw mong magpatalo e. So where is he na ba?" See? She doesn't care. Dahil alam niyang ako parin talo.
"Abay malay ko. Kanina sinusundan niya ako tapos pagdating dito wala na siya sa likod ko."
"Delicado ang bata na yun. Text mo yung address dito." Medyo iritadong sabi ni mama.
"Wag na. Ok na mawala siya MUHAHAHA"
"WTH! Yi. Text mo siya or else--"
"Eto na itetext na. Geez!" alam ko kung saan mapupunta yang OR ELSE niya eh. Kabadshot lang!
To: My nightmare (Brenn)
Wherever you are right now. I hope nasa mental hospital ka.
Sent
Natawa ako sa sinend ko. \m/ ^_^
"Patingin ako ng message mo. I know you Yi." nanghihinayang kong ibigay kay mama ang Iphone ko kaya hinablot niya nalang sa akin.
Trouble!
Nagulat siya at agad napalitan naman ito ng inis.
"Yi! Ayusin mo! Kung may nangyaring masama sa kanya, Ikaw ang isusumbong ko sa mom niya."
"Aayusin ko na. Tsk" Nakakainis. Parang napaka fragile niya naman na dapat hindi siya mabasag.
To: My Nightmare (Brenn)
Olf Regency name ng subdivision. Street One, Block 11.
Sent
"Ok good. Babalik ako dito mamayang gabi Yi. I'll check you two kasi baka hmm.."
"Yeah yeah! Take care."
Nag-beso na ako at umakyat na sa taas para mag bihis.
Palangiti 'tong si Mama pero ewan ko ba, parang galit na galit kapag mawala si Brenn. Tch!
Model dati si mama pero mas pinili niya ang Music company niya. Mag Bestfriend sila ng mom ni Brenn kaya dapat daw pati kami na mga anak nila magkaibigan din.
Asa.
And speaking of Brenn, hindi siya nag reply. Bahala siya kung mawala siya. Muahahaha
*Ding Dong*
Baka si Mama yun, may naiwan siguro? Bumaba ako at binuksan ang door
O_______O
Si Brenn. May dala siyang Pizza at Cake at ang ngiti niyang nakakaloko!
"Hi Voney ^_____^"
"Saan ka galing ha?! Paanong nakita ka doon ng ibang tao, ha?! Paano kung may nakasunod sayo?! Paano kung--"
"Ang sweet naman ng Honey ko. Concern na concern" Sabay pisil niya sa pisnge ko at hinalikan yun and that gave me a really weird feeling inside me.
Nilawakan ko ang pagbukas ng pinto para makapasok na siya. Baka kasi may makakita pa sakanya edi papagalitan nanaman ako.
"Hoy. Nakakailang kiss ka na sakin ah--" He cut me off
"Edi ikaw din kiss sakin" lumapit siya sa akin. Namula nanaman ako >//////>
Eto nanaman kami!
"E-eh? L-lumayo ka nga!"
"Hahahaha this is really fun. I miss this ^_____^"
"Che. Dun kwarto mo--" tinuro ko yung sa left "Wag kang papasok sa kwarto ko na yun" tinuro ko naman yung sa right. "Punta ka lang sa kusina and ask yaya Herm to cook for your food--"
"Ah no need. I know how to cook and i can go to your room anytime ^_____^"
"And why is that? Pamamahay ko 'to" Pataas kilay kong sagot sa kanya.
"Tito James told me to. Kelangan kita bantayan at babantayan mo rin ako syempre ^____^" Nakakainis. Si Dad talaga >.<
Kapag mga magulang ko na nag-utos kelangan ko talagang sundin para masunod rin nila kung anong gusto ko.
Being realistic here.
"Ugh! Kfine. If you need me, I'll be in my room" Paakyat na sana ako ng tinawag niya ako.
"Ahmm Voney?"
Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay "What?!"
"I need you ^_____^."
"Need what?!" iritang tanong ko.
"You voney. I need you! ^____^"
"Need me to do what ba?" Kainis. Hindi nalang deretsuhin. Ngiti pa ng ngiti. Tss. Alam kong cute at gwapo siya pero hindi na niya kailangan ipamukha sakin -___-
"To celebrate Voney."
"Celebrate? Wala namang dapat icelebrate."
"Meron, ang Thank you for allowing me to stay here. I brought us a hawaiin pizza and chocolate & strawberry cake. Its our favorite, right? ^____^"
"Tss. Tara! Ang daming arte, hindi nalang sabihin na kain tayo" makakatanggi ba ako jan? Favorite ko eh. ^_______^
"Hahaha ang cute mo ^____^" sabay kurot niya sa pisngi ko. Tss
"Dont mention the obvious"
Papunta na sana ako sa kusina ng tinawag niya ako.
"Ah voney, Ok lang ba sa room ko tayo? Manuod tayo movie.--" may pinakita siyang mga dvd's "I bought this nung may pinuntahan ako kanina ^____^"
"Oh sige. Game ako jan!" Hindi ko alam pero na excite ako bigla. Namiss ko rin siguro 'tong 'bestfriend' ko.
"Talaga?! Yey ^_______^" parang bata na sagot niya sakin.
Kairita!
"Oh e bat gulat na gulat ka?" umakyat na kami sa taas sa kwarto niya.
"Eh kasi kaninang umaga mo pa ako inaaway :(" ay shit nagpa-cute pa. STOP IT, gusto kong sabihin sa kanya.
I shrugged. Ang sarap pagtripan neto, guma-gwapo lalo. Ay
O____O ano bang iniisip ko. Erase grrr
Nakarating kami sa kwarto niya tapos nagtanong ako kung ano papanuorin namin.
"Horror? Hahahahaha" Ay langya tumawa pa. Alam na alam ang weakness ko.
"Bat ka tumawa? Di ako takot nu!" Bahala na mamaya. Ang yabang naman kasi -____-
"Wala lang voney, game ha. Mama panuorin natin"
"Game! Kala mo ha!"
Hindi ko pa napapanuod yun pero sana hindi siya nakakatakot masyado.
Nilagay na niya yung dvd. Nakahapa ako sa kama niya at siya naman sa floor. Nasa harap ko lang siya pero nakatalikod siya sa akin. Naiimagine niyo ba? Basta ganun.
Nag start na yung movie, kumakain lang siya ako naman takot na takot na, hindi ko lang pinapahalata baka asarin pa ako. >.<
Walang nagsasalita samin. Yung kalagitnaan na ng movie, sobrang takot na talaga ako. Nilagay ko yung kamay ko sa neck niya, nakahapa parin ako sa kama niya at sa floor parin siya nakaupo na nakatalikod. Hindi naman sa chansing ako sa kanya pero takot na talaga ako.
"Scared much?" Tapos tumawa siya. Sinakal ko siya pero binitawan ko agad leeg niya.
"No Im not. Baka ikaw"
"Hindi daw? Pero sobra makayakap sakin. Ikaw ha, chansing" hinawakan niya kamay ko na nakalagay sa shoulders niya.
Hihilahin ko sana kamay ko kaso hinigpitan niya yung pagkakahawak niya.
"Bitawan mo nga kamay ko!"
"Naah. I wont! Ang lambot kaya sarap hawakan" minasahe niya mga daliri ko. Ang sarap sa feeling. Hmmmm.
Hindi ako nakapagsalita kasi parang lumakas yung heartbeat ko at masarap yung pagmamasahe niya.
"Saan ka naman natuto niyan?" tanng ko.
"Sa assistant ko. Ginagawa niya to kapag pagod ako. You like this too huh?"
"Uh Yeah!" Alanganing sagot ko.
"You're not scared na, Voney?" ay hindi na ako nanuod. Brenn naman kasi. >___<
"I told you. Im not scared! Sus. Yan lang e"
"Haha. Ok then. Hmm voney, Can I ask you a question?"
"You just did. Retard"
"Hey don't call me that. Mean girl"
"Im not mean. Kasi..." hindi ko talaga alam na magkikita tayo ulit.
"You just what, Voney?" sagot niya ng hindi ko nadugtungan yung sinabi ko.
"Nothing"
"Ano nga?" pagpupumilit niya.
"Wala nga!"
"No need to shout! Ang hirap mong pilitin Ms. Mean" ganun parin pala yung position namin. Hawak niya parin kamay ko, nakatalikod parin siya at ako nakahapa parin.
Ewan ko ba pero komportable ako.
"Kapag ikaw lang kausap ko Mr. Retarded" totoo naman. Sa iba malambot ako.
"Oh baka nagmamatigas ka lang? Haha"
Hindi na ako umimik kasi wala narin naman akong masabi.
"Voney?"
"What again?"
"Bakit ka umiiwas sakin kaninang umaga? Natakot ako" yung boses sa pagkakasabi niya, maririnig mo na sobrang lungkot.
"Ang drama mo!"
"Im not. Curious lang kasi wala naman akong ginawang masama sayo" wala daw?
"Marami. Marami kang ginawa, kasama na dun yung nasira mo ang araw ko." medyo napasigaw ako sa sinabi ko.
Tumayo siya at hinila ako patayo. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa
Hinug niya ako O_____O
"Kaninang umaga ko pa to gusto gawin sayo Voney ^______^"
"A-ah e-eh--"
"I miss you too Voney" then kiniss niya ako sa forehead.
Dug dug. Dug dug. Dug dug
Lakas naman ng kabog ng puso ko. May sakit ba ako?
?___?
---
[A/N: Ganyan ata yung mga manhid nuh? Feel niyo rin? Hahaha ganyan kasi ako kay Yi, Manhid -____- Hindi ko rin alam kung bakit. Huhuhu
Hello nga pala kay Babe ko jan, Brenn Castillo. Hahahaha alam kong binabasa mo to :). Dedicate ko 'to sayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top