Prologue

Naglalakad ako sa gitna ng simbahan, ramdam ko na nakitingin ang mga tao sa akin, mas nakakaramdam ako ng kaba kaya mas napahigpit ang hawak ko sa mga bulaklak habang naglalakad.

Gosh I hate crowded places, ayoko rin na tinitignan ako, bigla akong nakakaramdam ng kaba tulad nalang ngayon pero kaylangan kong alisin itong kabang nararamdaman ko at baka matapilok ako, napaka importante ng araw na ito, ayokong masira to dahil sa katangahan ko.

Huminga ako ng malalim at saka mas nagfocus sa paglalakad ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa lahat ay minamasdan ako. Malapit na ako sa katotohanan.

-Fast forward-

"And now I announced you as husband and wife, you may now kiss the bride." Banggit ng pari

Eto na ata yung pinaka hinihintay nang lahat. Sabay sabay kaming kinilig at naghiyawan nang tuluyan na ngang hinalikan ng lalaki ang bestfriend ko.

Oo teh bestfriend ko ang kinasal, baka umasa kayo sa part na ako yung kinakasal, this day is very important since wedding day 'to ng pinaka matalik kong kaibigan.

Ngiting ngiti akong lumapit sa kaibigan ko upang batiin sila, sobrang natutuwa ako na nakilala na niya yung lalaking para sa kanya.

"Jessica! Omygash congratulations I'm so happy for you, finally sure na akong di ka tatandang dalaga, so gawa agad kayo kase gusto ko na nang inaanak." Bati ko at pabirong sabi ko sa matalik kong kaibigan.

"Salamat, hoy grabe ka naman 25 pa lang ako di agad kami mag aanak kaloka 'to." Sabi niya at natawa pa.

"Hoy ikaw Arwin alagaan mo si Jessica, pag ito tumawag sakin na umiiyak, sasakalin kita." Pabiro kong sabi sa asawa ng kaibigan ko

"Parang di kaibigan grabe sa sasakalin hah, don't worry I'll love and take care of her." Sabi niya sabay hawak sa kamay ni Jessica

Talaga naman sobra ang kilig ko, sobrang saya ko para sa kanilang dalawa, parang dati lang di sila nagkakasundo parang mga aso't pusa kung kapag magkasama pero tignan mo naman sila pala ang para sa isa't isa.

--
Kanya kanya kaming sakay sa mga sasakyan para pumunta sa reception, aba ito yung isa sa hinihintay ko aba kakain talaga ako nang marami bahala na si batman kung lolobo tyan ko.

Pagdating namin sa reception meron munang registration sa pinto para isulat mga names namin at para malaman kung anong table kami.

Nung ako na dapat ang magsusulat kukunin ko na yung ballpen pero may nakaunang humawak nun, tinignan ko kung sino to pero di ko kilala, para akong timang na napatulala sa kanya, napansin niya atang nakatingin ako sakanya kaya tiningnan niya rin ako, nginitian niya lamang ako at saka ibinigay sa akin yung ballpen sabay sabing "Your turn to write your name." Pagkasabi niya nito ay umalis agad siya saka pumasok sa reception.

I started to write name at tinignan ang list ng tables para malaman ko kung saan ako uupo. Nang makita ko na ito ay kaagad akong pumasok at hinahanap ang table.

Maya maya lang ay pinayagan na kaming kumuha ng food kaya tumayo na rin ako para pumila.

Nang makakuha na ako ng pagkain ay nagsimula na rin akong kumain, at maya maya lang ay nag simula na rin ang program.

Nag eenjoy akong kumain nang tinawag ang aking pangalan, di ko pala napansin na ako na yung magsasalita, Maid of honor kase ako.

Kaagad akong nagpunta sa harap at talagang nilamon ako ng kaba, ewan ko ba sanay naman akong humarap sa madaming tao pero kapag mga gantong klaseng event or what kinakabahan ako.

Sinimulan ko na ang pagbabasa ng sinulat kong message para kay Jessica, habang binabasa ko to naiiyak ako, hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa na ang kaibigan ko.

"Ewan ko ba Jess, masaya ako para sainyo pero may part sa akin na nalulungkot dahil hindi na tayo magkakasama araw araw, nasanay akong magkasama tayo simula bata, nagaalala din ako noon pano pag nag asawa kana, iyakin ka pa naman. Pero salamat kay Arwin kase alam kong aalagaan ka niya, subukan ka lang niyang paiyakin, lagot siya sakin. Congratulations for both of you forever third wheel na talaga ako sainyo!" That was my last part of my message for them, nakita kong may mga natawa, naiyak sa pagsasalita ko. Lumapit ako kina Jess para yakapin silang dalawa.

Pagkatapos ay bumalik na agad ako sa upuan at kumain ulit.

Tinawag ng emcee lahat ng bridesmaid at ako na maid of honor.

I am secretly wishing na di mapupunta sakin yung boquet although di naman ako naniniwala sa ganun pero kahit na basta ayoko, di ko talaga sasaluhin.

Pumwesto ako sa pinakagilid para di mapunta sakin pero talaga naman ang kaibigan ko mapang trip, nang tumalikod siya sinakto niya na mahagis to sa pwesto ko, no choice napunta sakin yung boquet, nagsigawan lahat ng mga tao, ako lang yung hindi natuwa sa nangyari pero ngumiti nalang ako saka bumalik sa upuan.

Sumunod naman ay ang sa mga lalaki, hindi ko pinagtuunan nang pansin yun mababaliw lang ako. Bakit naman kase ganto ang mga kasalan.

Yung garter daw ay napunta doon kaibigan ni Arwin, talaga namang mas naghiyawan lahat.

Tinawag ako at yung lalaki na may garter, no choice ako kundi tumayo na lamang at tumabi dun sa lalaki. Nagkatinginan kami saglit nahihiya akong ngumiti pero siya naman ay ang laki ng ngiti.

"Wow looks like magiging couple kayo, bagay kayo looking forward to your wedding!" Pabirong sabi ng emcee kaya nagsigawan ang lahat kinilig ata sila.

Umiling lang ako kase nahihiya na rin ako.

Ang dami pang sinabi ng emcee na di ko maintindihan ang natandaan ko lang ay pinaupo na kami pero sa Isang table na lang daw para mag kadevelopan kami, jusq sarap sakalin ng emcee.

Tumabi lang ako sakanya at saka nag phone, hindi kami nag papansinan hanggang matapos ang program.

Anong oras na rin nang matapos ito kaya nagmamadali na akong umuwi dahil may klase pa ako kinabukasan.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top