Chapter 4
Bumalik si sir Jomar sa amin para sabihin na malapit na raw dumating yung grab kaya chineck ko ang mga bag ko dahil baka may maiwan ako.
I simply take my last brownies and cover it to my plastic and tissue saka nilagay sa baga, aba masama mag sayang.
"Sir! Pede po ba naming iuwi yung bote?" Tanong ni Kent na tinutukoy yung glass bottle ng water na nasa lamesa namin.
"Go ahead, also iuwi niyo na yung mga oranges" sabi ni sir kaya nagkanya kanyang kuha sila ng oranges at glass bottle ng water.
Medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil tapos na ang gabi, nag iisip ako na makikita ko kaya ulit sila? Makakasama ko kaya ulit sila lalo sa mga ganitong event?
"Hey you looked so down Aly" narinig kong sabi ni Jason na kasabay kong naglalakad
"Nah I'm just tired ang my feet hurt" panhangatwiran ko
"Mag tsinelas ka na kaya?" Sabi niya
"Nah nakakahiya nasa hotel tas ganun Saka pauwi na rin naman tayo." Sabi ko
"Want me to help you to carry your bags?" Bigla niyang tanong
"No, I can carry it naman di naman mabigat saka madami ka ng dala oh." Sabi ko sa kanya kaya tumango na rin siya
Muntik na naman ako matapilok nung umapak ako sa escalator mabuti nalang nahawakan ako ni Jason kaya napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko at tiningnan siya sa mata.
"Kulit mo kase eh ayan tuloy." Sabi niya saka bumitaw sa braso ko
"Salamat" sabi ko sa kanya at nagpatuloy kami sa paglalakad maya maya lang ay nakarating na rin kami sa ground floor pero di agad kami lumabas dahil wala pa naman.
I was looking for something to sit in but walang mauupuan, I have no choice but to remain standing even na masakit ang paa ko.
I just took some pictures para malibang ang sarili ko.
"Hey pres, let me take a picture of you there, puro selfie lang ginagawa mo eh" biglang sabi sa akin ni Jason kaya napangiti ako
"Sure, thank you" sabi ko saka ibinigay sa kanya yung phone ko at pumwesto na kung saan ako mag picture.
He took a lot of shots of me kaya sobrang natuwa talaga ako.
"Jason, picture'an din kita dyan, give me my phone" sabi ko, mabuti na lang at pumayag siya kaya natutuwa akong kinuhaan siya ng litrato
Mygadh how can this man be real? He's so handsome.
After nun pinakita ko naman sa kanya yung picture niya at mabuti naman nagustuhan niya yun.
I took some selfie again kase baka dumating na yung sasakyan namin, nang biglang sumingit ulit si Jason kaya in the end kaming dalawa na yung nag picture.
"Ikaw talaga kanina ka pa panay singit" sabi ko sa kanya
"Gusto ko eh" pagkasabi niya nun ay tinawag na kami ni sir Jomar dahil andun na raw ang sasakyan.
Pagkalabas namin ay nandun na nga ito, si sir Jomar ay umupo sa tabi ng driver doon sa harap, sumunod na pumasok si Michael at doon sa pinaka likod umupo, sa next na line naman ng upuan ay naunang pumasok si Kent, sumunod si Jason tas huli akong umupo.
Nang nasa loob na kaming lahat ay umandar na yung sasakyan.
Ngayon ko lang maramdaman yung labis na pagod, pagod ako gusto kong matulog pero hindi ko ata kayang matulog na puro lalaki ang kasama, may tiwala naman ako pero di maalis sakin yung worry dahil babae naman kase ako.
Isinandal ko ang ulo ko sa head board pero medyo nahirapan ako kaya sa bintana ng kotse ko isinandal ang ulo ko, umayos ulit ako nang pagkakaupo dahil hindi naman talaga ako makatulog.
Napatingin ako sa katabi kong si Jason, medyo natawa ako dahil nakatulog ito at tila hindi komportable sa pwesto niya. Tumingin na lang ulit ako sa daan at saka tinext and mama ko na kaalis pa lang namin.
Halos mapatigil ako sa pag hinga nang maramdaman kong may ulo nang nakapatong sa balikat ko at pag tingin ko nito hindi nga ako nagkamali na nakasandal ang ulo ni Jason sa balikat ko.
Ramdam ko na sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito, ngayon lang nangyari ito sa akin na may lalaking isasandal ang ulo sa balikat ko.
Gusto ko sanang magreklamo dahil para akong mamatay sa hirap huminga pero nakita kong mahimbing itong natutulog. Mukhang pagod na pagod talaga siya, hayaan ko nalang siya kahit ako yung nahihirapan dahil nga hindi ako makahinga at sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ayaw ko ring gumalaw baka magising ko siya.
Biglang nagpreno yung driver kaya nagalaw yung pwesto niya at nagising kaya umayos siya nang pagkakaupo. Akala ko ay okay na pero nakatulog na naman siya sa balikat ko kaya hinayaan ko lang siya.
Heart, please calm down, nahihirapan ako.
Nakaramdam din ako ng antok at ang alam ko ay nakaidlip ako kahit sandali, pagmulat ko ng mata ay napansin kong nakasandal pa rin ang ulo niya sa balikat ko habang ang ulo ko naman ay nakasandal din sa ulo niya. Nang marealize ko ang pwesto namin ay inayos ko agad ang sarili ko at tinanggal ang pagkaka patong ng ulo ko sa kanya.
Napatingin ako sa kanya at talaga namang sobrang himbing ng tulog niya, talagang pagod na pagod siya.
Napadaan kami sa may hams kaya nagising ulit siya kaya medyo natawa ako sa naging aksiyon niya.
Nagulat ako ng kusa na siyang sumandal sa balikat ko, hindi tulad kanina na napasandal siya dahil sa tulog, dahil ngayon sinadya niya talagang isandal ang ulo niya sa balikat ko at mas idikiti ang katawan niya sa akin. Nakaramdam ako ng sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko, para akong nag exercise dahil sa sobrang bilis nito.
"Mabigat ba ako?" Bulong niya sa akin kaya medy nagulat ako, gising talaga siya. Why did you lay your head on my shoulder mr. Jason you're taking my breath away shems.
"Hindi, sakto lang" sagot ko sa tanong niya
"Hmm okay, can we stay like this?" Bigla niyang tanong, I don't want to be rude, may part sakin na gusto ko nang umayos siya ng upo pero mas nangingibabaw sa akin na manatili kami sa ganung pwesto.
"Ahm yes of course, just lay down your head, take a rest" sabi ko na medyo nauutal, nahihirapan talaga ako dahil sa epekto ng ginagawa niya sa akin.
Nararamdaman kong mas idinikit niya yung ulo niya sa may leeg ko at ramdam ko yung hininga niya, ibig sabihin naka harap siya sa may leeg ko. Bawat dampi ng hininga niya ay yun naman ang dahilan kung bakit mas nahirapan akong huminga. How can we stay like this? He's taking my breath away.
"You smell good" komento niya kaya medyo kinilabutan ako, nakainom ba ito? No imposible pala na uminom to.
"Btw I'm Jason" nagulat ako sa bigla niyang pagpapakilala, although I already know his name, nagpakilala to casually and I know he introduced his self as a man not as a president of an organization.
He offered his hands to me kaya tinanggap ko yun, shet ang lambot ng kamay. Tumingin ako sakanya saka ko napagtanto na malapit ang mga mukha namin sa isa't isa.
"I'm Alyson" sabi ko at nakipag hand shake sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya
"No, I need to know your real name" he said
"Do I look like I'm lying? My name is Alyson, and I know you're confused kase iba name ng fb ko but yah Alyson is my name" I explained to him kaya tumango siya at binalik ang pagkakasandal nito sa balikat ko.
Mahina lang ang boses naming dalawa, sapat yun na kami lang ang nakakarinig kaya alam kong iisipin lang nila ay natutulog si Jason sa balikat ko.
Nagulat ako dahil hinawakan niya ang braso ko at ipinwesto ang kamay ko sa taas ng kamay niya, tila ba may hinihintay itong gawin ko, hindi ako inosente o tanga para di malaman kung ano yun, he wants to hold my hands.
His hand is open while my hand is closed, I don't know what to do.
Should I hold his hand too? Huwag ko ba itong hawakan? Madidisappoint ba siya kapag hindi ko ito hinawakan? Pag hinawakan ko ito what will he think? Iisipin niya ba na parang ang easy to get ko naman? Shet ano na self anong gagawin ko, I'm still in the state of being shocked, this is the first time that man wants to hold my hand omygash I really don't know what to do, I can also feel my heart beats faster than before dahil sa ginawa niyang ito.
"Sorry, you don't have to hold my hand" bigla niyang sabi parang nanlumo, bigla itong umayos ng upo at hindi na isinandal ang ulo sa balikat ko.
Medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil nga di na siya sumandal sa akin, oo gusto kong umalis to kanina pero huhu ano ba ang gulo ng damdamin ko.
Chineck ko yung phone ko kung nagchacharge ito nang maayos nang mapansin kong nakapaikot ang wire nito sa mga braso ni Jason.
Medyo ginalaw ko yung kamay niya para sana ay makuha ko yung wire pero nagulat ako kase hinawakan niya yung kamay ko, akala niya ata makikipaghawak ako ng kamay, masyado akong nagulat sa pangyayari kaya binawi ko agad ang kamay ko saka inayos yung wire ng power bank ko.
Nakita kong nahiya siya sa ginawa niya, aba kahit ako nahiya ako, masyadong mabilis lahat hindi nag paprocess nang maayos ang utak ko.
The remaining minutes sa byahe namin ay hindi kami nagkapansinan, masyadong awkward ang nangyari my gash, I cannot face him. Nang makadating na kami sa bababaan namin ay bubuksan ko sana yung pinto pero di ko mabuksan, nagulat ako nang may braso na sa harap ko na inaabot yung pinto at alam kong si Jason yun kaso hindi niya rin mabuksan.
"Bukas na dito, nakalock ata dyan" sabi bigla ni Kent kaya napatingin kami doon at nauna na nga siyang bumaba.
Nang makababa na siya ay inoffer niya yung kamay niya para maalalayan ako dahil naka heels pa ako, tinanggap ko naman iyon dahil kailangan ko naman talaga ng alalay.
"Salamat" nahihiya kong sabi at ngumiti
"Finally I can wear my slippers" sabi ko
"I'll help you, wala pa namang jeep" sabi ni Jason
Uupo na sana ako nang pinatayo niya ulit ako kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Why?" Sabi ko
"Wag ka na umupo, makikitaan ka, nakadress ka pa naman, let me" sabi niya saka siya lumuhod sa harap ko
Hindi nag paprocess ang utak ko kaya hinayaan ko siya, hinawakan niya yung paa ko at tinanggal ang heels ko at sinuotan ng tsinelas ko, ganun din ang ginawa niya sa kabila.
"Wow prince charming at Cinderella" sabi ni Kent
"Hoy kayong dalawa may something ba?" Singit bigla ni sir Jomar kaya bigla akong kinabahan shet
"Wala po, he just helped me po" sagot ko nakita ko namang parang ayaw maniwala sa akin ni sir Jomar
"Grabe ka naman mag biro sir, tinulungan ko lang, kanina pa po nagrereklamo eh" sagot naman ni Jason saka nakita naming tumango si sir Jomar pero halatang ayaw pa rin maniwala.
Nakakainis naman may dumating na agad na jeep, meaning to say uuwi na sila Jason.
Nakita kong sumakay na sila at huling sumakay si Jason at ang tagal talaga niyang nagpaaalam sa akin, kung hindi pa siya sinabihan nila Michael hindi pa siya sasakay.
Nag wave ako sa kanila at nakaramdam ako ng lungkot, iniisip ko kung kelan ulit kami magkikita, mamimiss ko sila.
"Ehem" kunwareng ubo ni sir Jomar sa tabi ko
"Hehe yes po?" Sabi ko
"Sure ka wala talagang you know?" Pangungulit ni sir
"Wala nga po" nahihiya kong sabi
"Ayokong maniwala, di ka naman ganun kina Michael kanina, kanina ko pa kayo tinitignan lahat buong event, don't deny it Aly" sabi ni sir
"Promise po wala" sagot ko at umiwas ng tingin
"Let's go inside muna sa 7/11 while we are waiting for your parents" aya sa akin ni sir kaya napahinga ako nang maluwag dahil hindi na niya ako pinilit pa
Tiningnan ko yung phone ko at hindi na ako nagulat kung ala una na.
Naghintay pa ako sandali at dumating na nha Sina mama, oo madami pang tao ngayon pero nagpasundo talaga ako dahil anong oras na at ang dadaanan pa papunta sa amin ay madilim at for sure wala ng tao, I just want to go home safe.
"Sir, my parents are here na po" sabi ko
"Hello po ma'am and sir, thank you po sa pagpapahiram niyo sa anak niyo, sa susunod po ulit." Magiliw na sabi ni sir sa parents ko at nagpaalam na nga kami para makauwi.
Sumakay nalang kami sa tricycle para mabilis.
Isinandal ko yung ulo ko kay mama dahil nakaramdam na ako ng sobrang pagod at antok. Ilang minuto lang ay nakauwi na kami.
Pagpasok ko ay binigay ko kay mama yung naiuwi kong brownies saka nagpalit ng damit at naghilamos.
Pagkatapos kong maghilamos pumasok na ako sa kwarto ko at humiga.
"Finally, makakahiga na rin." Sabi ko at humiga sa kama
Kinuha ko ang phone ko at binuksan yung wifi saka ko nakita na may nag chat sa akin, nung una ay hindi ko alam kunh sino yun pero nang mabuksan ko yun nakita ko na si Jason yung nagchat sa akin.
"Sorry about sa nangyari kanina" yun ang chat niya sa akin
Ilang minuto akong nakatingin sa chat niya pero hindi ko ito binubuksan, nang nagchat ulit siya.
"Ingat" yan ang chat niya kaya napag desisyunan ko nang mag reply sa kanya.
"Apology accepted, I'm really confused sana wag na ulit mangyari yun." Reply ko sakanya, nakita ko namang typing siya, aba bilis ata nito mag seen.
"I'm really sorry, kahit ako nagulat ako sa ginawa ko, promise hindi ako ganun kaya sorry talaga"
"I'm still saying sorry dahil sino ba namang babae ang matutuwa sa ganung kilos, first time lang nating nagkita at nagkasama tas ganoon pa, nahihiya ako sayo" reply niya kaya madali along nagtype para maka reply sa kanya.
"Nah It's okay, nangyari na saka don't worry wag ka na mag sorry" reply ko sakanya
"Btw ingay pala sa byahe" chat ko ulit sa kanya
"Salamat pres, nakauwi ka na? Pahinga ka agad" chat niya sa akin
Nakaramdam ako ng pagbilis ulit ng tibok ng puso ko dahil sa chat niyang iyon
"Yes, I'm already home, actually nakahiga na ako" reply ko
"Sige, chat ako pag naka uwi na ako" reply niya
Shems why do I feel different? Why does it sounds like he's updating me even na hindi kailangan. Omygadh don't assume self.
Bahagya kong sinampal ang mukha ko dahil sa pinag iisip ko, napa balikwas ako nang nagvibrate ulit ang phone ko, pagtingin ko nito ay nagchat na ulit si Jason kaya hindi ko mapigilan na mapangiti nang mabasa ko palang ang pangalan niya. Shit self
"Nakauwi na ako, mag aayos lang ako at matutulog na ako" chat niya sa akin
Magrereply sana ako nang sumagi na naman sa isipan ko yung pagtangka niya na hawakan ang kamay ko kanina, why? Bakit ganun? Aishhh this is frustrating! Mababaliw ako kakaisip.
"I'll sleep na, goodnight pres" reply ko sa kanya kahit di pa ako matutulog, masyado akong naguguluhan
"Me too, goodnight pres" last chat niya at nag react nalang ako ng heart dun para di na mag reply.
Nakatitig lang ako sa kisame pakiramdam ko mababaliw na ako, sa tuwing pumipikit ako para matulog ay naaalala ko yung pagtangka niyang paghawak sa kamay ko, at lahat ng pakikitungi niya sa akin kanina.
"Arg! This is frustrating! What did you do to me Pres!!!" Naiinis kong sabi at napasabunot sa buhok ko
"How can I sleep if lagi kong naaalala lahat ng nangyari, I just want to rest, and please heart calm down, bakit ganito ang epekto mo sa isang lalaki? At talagang sa kakakilala lang na lalaki" pagkausap ko sa sarili ko, mababaliw na ata ako
Ilang oras pa ang nakalipas bago ako nakatulog.
Nagising ako nang 7am dahil may gagawin pa ako. Napangiwi ako dahil medyo masakit ang ulo ko sobrang kulang ang tulog ko halos dalawang oras lang ata ang tulog ko.
Bumangon na ako para mag asikaso at maligo, pagkatapos kong maligo ay kumain na ako, habang kumakain ako bigla ko na namang naalala yung pag hawak niya sa kamay ko at yung pag uusap namin habang kumakain.
"Fudge, bakit ba lagi kong naaalala yun" naiinis kong bulong kaya nagmadali na akong kumain.
Hindi pa rin ako mapakali kaya napagpasyagan ko na wag na tumuloy sa lakad, aasikasuhin ko nalang yung need kong idrawing dahil dl na rin nun, baka mapagalitan ako ng tl namin.
I spent my whole morning on drawing some work related stuffs.
"Fudge this is tiring, I love my job but sometimes I feel exhausted, eto na lang palagi kong ginagawa" sabi ko sa sarili ko naginat inat saka tinitignan ang phone ko kung anong oras na.
"Fudge it's already 1:47pm! I haven't eaten my lunch yet, omygash I have to attend my training pa" naiirita kong sabi kaya nagmadaling kumain at naligo ulit dahil naiinitan ako.
Inasikaso ko ang mga dadalhin ko, nilagay ko na yung tatlo kong face towel, pulbo, alcohol, bottled water, and my purse sa bag ko.
I look myself to my mirror.
"Ang haggard ko, ganto pa talaga kapag working student and busy sa org? Nagiging panget?" Naiiling kong sabi kaya kinuha ko ang suklay at scrunchie ko para itali ang buhok ko.
I just tied my hair in bun since ayokong nakalugay ang buhok ko at kahit anong sagabal kapag nag training ako.
I picked up ny bag and checked my phone to see what time is it. It's already 2:20 kaya lumabas na ako sa kwarto.
"Ma, alis na po ako puntang training" paalam ko sa mama ko at tumango lang siya kaya umalis na ako
Pagdating ko sa sakayan ay naghintay pa ng pasahero, mabuti na lang ay hindi matagal ang naging paghihintay dahil may dumating kaagad.
"San po kayo ma'am?" Tanong sa akin ng tricycle driver
"Training center sa dulombayan po kuya" sagot ko
Habang nasa biyahe ay naalala ko na naman si Jason, gosh grabe naman to bakit lagi ko nalang naaalala.
Nangmakarating na ako ay nagbayad agad ako at pumasok sa training center.
Pagpasok ko ay nakakita ko agad yung kaibigan ko na nakaupo sa bench kaya dumeretso ako sa kanya.
"Ivy!" Sigaw ko kaya napatingin siya sa akin at nag wave sa akin kaya nagmadali akong tumabi sa kanya
"I miss you girl!" Sabi ko at niyakap siya
"Grabe hah? Kakakita lang natin nung nakaraang araw teh, saka di mo naman ako namimiss basta basta, may sasabihin ka ano?" Sabi nito at natatawa siya well half true naman yung sinabi niya pero na miss ko talaga siya
"Hoy namiss kaya kita, but yah Hahahah I have something to tell" sabi ko sakanya
"Go on is that chika?" Sabi niya
"Last night kase" pagsimula ko
"Ano? Nabastos ka ba ng kasama mo?" Sabi niya agad
"Hoy potek, patapusin mo kaya ako" sabi ko kaya natawa siya
"Oo na, anong meron kagabi? Looks like super interesting tong sasabihin mo do I need to record this?" Pabiro niyang sabi kaya natawa kami pareho
"Kase naman this one man na nakasama namin hindi na mawala sa isip ko" pagsimula ko itutuloy ko sana kaso tumili si Ivy kaya napatingin sa amin lahat ng tao doon
"Hoy potek yung bibig mo, nakakahiya" sabi ko kaya tumigil agad siya
"O to the M to the G! OMG! So who's this man? Anong nangyari omygash di mo pa kinekwento kinikilig na ako, go bilissss spill the tea omygash" kinikilig niyang sabi kaya napailing ako
"So ayun na nga, he's gentleman, pagpasok pa lang namin eh nagpaka gentleman agad siya, he even guided me papuntang venue dahil ilang beses akong matapilok, dinala niya rin yung bag ko tas sabi niya humawak daw ako sa braso niya, nahihiya ako pero ginawa ko nalang kesa naman madulas ako bigla doon diba" pag kwento ko sa kanya
"Shala ang gentleman nga, continue kinikilig ako" sabi niya
"Tas ayun hanggang sa nasa venue na kami he continued being gentleman to me, I mean mabait din naman dalawa niyang kasama but siya lang yung sobrang alam mo yun, basta ganun Ivy, tapos sobrang caring niya pa sa akin, tas siya yung halos naglaan ng oras para magkausap kami, as in, tapos Ivy ang sarap niyang kakwentuhan, he even shared to me some of his life story ganun, basta ganun mygash" tuloy ko ulit sa kwento ko at kita ko namang kinikilig talaga si Ivy
"Tuloy! Bakit mo tinitigil, nabibitin ako" sabi niya
"Tapos ayun yung kakain na lahat sila nag offer ng pinggan eh hindi ko alam kanino tatanggapin ko kaya tinigil nila, kumuha ako ng pinggan then nakita kong nakaoffer pa rin sa akin yung hawak nyang pinggan, btw Jason is his name nakalimutan kong sabihin" kwento ko ulit
"Hala teh ekis sa J, trauma yan wag mo na ituloy" sabi niya kaya hinampas ko siya
"Charot lang tignan mo to affected agad" pang aasar niya sa akin kaya inirapan ko siya saka tinuloy yung kwento
"Basta ang sweet, ang caring at ang gentleman niya sa buong araw halos na magkasama kami, then yung nagulat pa nga ako nung may sayawan kase teh tapos ayun niyaya niya ako, that was the first time na may nagaya sa akin sumayaw, it is his first din na mag aya ng isasayaw, ayun sumayaw kami, para akong ma suffocate pag kasama ko ang presensya niya lalo nung sumasayaw kami, I don't know Ivy, iba epekto niya sa akin." Sabi ko at napayuko
"omygash girl, tell me more details lalo nung nagsasayaw kayo" sabi niya at naging seryoso
"So ayun na nga habang nagsasayaw kami narealize ko na siya ang first ko sa lahat lol, first man who became gentleman to me, caring, sweet, and nakasayaw. Habang nagsasayaw kami naguusap kami, kapag nagkakatinginan kami ang lakas ng tibok ng puso ko, para akong mamatay Ivy, and ang nakakahiya pa is nakuhanan kami ng litrato sa ganung posisyon, mababaliw ata ako"
"Omygash, for real? Anong posisyon niyo yung detailed kase dzai nakakainis ka" sabi ni Ivy at hinampas pa ako
"Naka lagay yung kamay ko sa balikat niya tas yung kamay niya nasa waist ko, tapos medyo magkatitigan kami, medyo nakatingala ako tas medyo nakayuko yung ulo niya since matangkad nga siya, ganun." Pag explain ko sa kanya
"Omygash, buti buhay ka pa, kung ako yun baka mamatay ako sa kilig, so kamusta si puso mo that time?" Pang aasar niya sa akin
"Ewan, basta sobrang lakas ng tibok ng puso ko para akong mawawalan ng hininga sa totoo lang" sabi ko sakanya
"Tas after namin sumayaw bumalik na kami sa table, so bale buong gabi kwentuhan kami, kain ganun, hanggang sa uuwi na kami puro ganun nangyari." Pagtuloy ko sa kwento ko
"I see, may kasunod pa? Btw pakita mo sakin ang picture niyong dalawa mamaya" sabi niya kaya tumango ako
"Yung pauwi na kami ayun ang gentleman niya talaga tas nung hinihintay nga namin yung grab sabi niya picture'an niya daw ako so ayun, tas sumunod is siya pinicturan ko then nung nag selfie ako sumingit ulit siya" pagtuloy ko sa kwento
"Shala ni kuya panay singit sa picture hah" natatawa niyang sabi pati ako natawa kase totoo naman
"Tas eto yung hindi ko malilimutan Ivy, hindi ako nakatulog kagabi nang maayos dahil sa nangyari sa sasakyan" Sabi ko, medyo nag aalinlangan pa ako
"Hmm interesting yan, go on tell me" sabi ni Ivy na mas naging seryoso, tumingin muna ako sa kanya bago sinabi ang lahat
"Nung nasa sasakyan na kase kami magkatabi kami, then suddenly nakatulog siya sa balikat ko, grabe yung puso ko that time first time may makatulog sa balikat ko, tapos minsan magigising siya then pag nakatulog ulit ayun nasa balikat ko na naman siya." Sabi ko at nararamdaman ko ang puso ko na parang nagwawala dahil nag rereplay sa utak ko yung nangyari.
"Omygash" yun lang ang nasabi niya
"Then nung nagising ulit siya, nag expect na ako na sasandal na naman siya sa balikat dahil tulog pero yung time na yun sinadya niya ng sumandal sa balikat ko, nagtanong pa siya kung mabigat daw ba siya tas sagot ko hindi, then nag ask ulit siya if pede daw ba kaming mag stay ng ganun, shet talaga Ivy, pedeng pede akong umangal sa sinabi niya pero ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at pumayag ako" nahihiya kong kwento
"Teh para naman atang mag jowa kayo dun, pero omygash grabe si kuya hah! Kinikilig ako teh why so sweet pres, why?!" Sabi niya at napalakas na naman ang sabi ng why kaya ayun nakatingin na naman sa amin ang lahat kaya tinakpan ko ang bibig niya.
"Then Ivy eto yung pinaka confused ako sa lahat ng ginawa niya sa akin, nagpakilala ulit siya in casual way not as being president, nagtaka ako but syempre nagpakilala ulit ako, after that a moment of silence ang nangyari then he suddenly wants to hold my hands, naka open yung hands niya kase nilagay niya sa taas nun yung kamay ko, but sa sobrang confuse ko at di alam ang gagawin nakaclose lang ang hands ko kaya ayun nahiya na siya tas di na ulit kami nag usap dahil ang awkward, hanggang makadating kami sa binabaan, tinutulungan niya pa rin ako but sovrang awkward na talaga." Mahaba kong explanation sa kanya
"Shet I'm speechless Aly, why? All of sudden makikipag holding hands? First time niyong nagkita tas ganun, shet kahit ako sa posisyon mo maguguluhan talaga ako, bakit ganun?" Sabi niya
"Speechless pero ang daming sinabi, but yah kahit ako naguguluhan" sagot ko sa aknya
"Hindi kaya gusto ka niya? I mean bruh siguro yung mga ginawa niya is pedeng maconsider na ganun talaga siya, friendly, gentleman, but the fact that he attempts to hold your hands? Iba na ata yun that's not being friendly na saka yung pag demand niya na mag stay kayo sa pagkakasandal niya sa balikat mo, omygash ang speed niya naman nag bibigay agad ng mixed signals kahit first day pa lang! Mygash nakakastress Aly" sabi niya kaya kahit ako napaisip sa sinabi niya
Magsasalita pa sana ako nang makita naming dumating na si coach, kaya nagmadali kaming pumunta sa pila.
"Later, let's continue this chika" sabi niya kaya tumango ako at nagsimula na nga kaming mag training.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top