Chapter 3

Matagal ding wala dito sa table namin si pres Jason. Buti nalang medyo nakikipag usap sakin sina Kent at Michael.

Maya maya tinawag nila yung waiter para humingi ng coffee, pero sabi ng waiter titignan niya raw muna kung meron.

Sinabi nila Kent na kapag meron ay bigyan kami sa table namin nang tatlo.

Maya maya lang ay dumating din ang coffee namin, I don't normally drink coffee pero go iinom ako ng coffee ngayon kase minsan lang to at inaantok rin ako.

Pag inom ko napaubo ako di ko inaasahan na sobrang pait pala buti na lang may binigay saming sugar at sweetener kaya nilagay ko to.

Nang malagay ko na iyon ay hinalo ko ito nang mabuti saka sinimulang inumin.

"Hmm much better" bulong kong sabi

Madami pang mga nagsalita bago tuluyang makabalik sa table namin si Jason, as soon as he sit to his chair he looked at me and gave me a smile.

"Hi" he said

Tumango at ngumiti lang ako bilang tugon, di ko kayang makipagtinginan sa kanya, nahihiya ako na ewan. Nag kunware akong naka focus sa sinasabi ng speaker pero ang totoo nyan ay wala akong maintindihan dahil medyo hindi ako mapalagay sa presensya ni Jason.

"Ang galing ng kumanta kanina no?" Bigla niyang sabi

Habang wala pa kase siya dito sa table kanina ay may kumanta for entertainment purpose ganun, and yes ang galing talaga, sumasabay pa nga ako sa pagkanta nito kahit high note na, keri ko naman pero pinigilan ko ang sarili ko baka ma carried away ako at mapabirit ako.

"Ah oo nga" sabi ko

"Taas ng boses eh, ang galing, sana ganun din ako kagaling kumanta" sabi niya saka tumawa

"Magaling din naman akong kumanta" bulong kong sabi

"Ano?" Tanong niya, buti naman at di niya naintindihan

"Kako oo magaling nga kumanta" sabi ko

Magaling naman talaga kase, kaya ko rin naman yun jusq

I simply took my phone to take some photos of me.

Habang nag selfie ako nagulat ako bigla siyang lumapit para makita sa cam, nagulat ako at nahiya kaya ako na mismo ang dumikit sa kanya para makapag picture kaming dalawa.

I took 2 pictures of us then nag phone na ulit ako, so ayun awkward atmosphere na naman.

I opened the gallery to checked my photos, but I found myself smiling while looking to our pic. Nung narealize ko ito kaagad kong pinatay yung phone ko at tumingin sa kanya, good thing is nakafocus siya sa phone niya, for sure naman is di niya nakita na tinitignan ko ang pics naming dalawa.

Maya maya ay binigyan kami ng alak sa table namin, hindi ko alam yun pero sure kong mahal yun saka hindi naman kase ako umiinom. Bibigyan na dapat ako but I said that I don't drink.

"Legal age ka na pres ah pero bakit di ka umiinom?" Kent asked

"It's not my thing also my parents are strict, ayoko rin naman talagang uminom." I explained to them

Nakita ko silang tumango tango, napatingin ako kay Jason since wala din siyang alak.

"You don't drink?" I asked

"Yes, di ako umiinom" he said proudly

Well nakakaproud naman talaga yun, napangiti ako sa nalaman ko na hindi siya umiinom.

"Ikaw, wag mo silang tutularan, ako tularan mo, matino" pabirong sabi ni Jason kaya natawa ako

"As if naman I have plans to drink" natatawa kong sabi

Since about pag inom na ang topic namin nagkwentuhan kami about nga sa pag iinom, although di ako makarelate nakikijoin pa rin ako, ang saya nilang kausap. Napag usapan din nila yung about sa mga scenario raw kapag may nag aaya ganun kase merong namimilit meron ding hindi.

Basta tumagal yung usapan namin hanaggang sa nagtatawanan na kami. Then ayun silang dalawa na naman ang nag uusap, then kami ulit ni Jason ang naguusap.

I was amazed when he suddenly started talking to me about his life, I became more interested to know him more.

We're in the middle of conversation when Kent and Michael called the waiter.

"Yes po ma'am and sir?" Sabi ng waiter

"Can we have more ice pa po? And do you have dessert pa?" Michael asked

Napangiwi ako sa narinig ko na nanghihingi pa sila ng yelo, potek mapaparami ata inom nang dalawang to.

"Yes we can give you that po, and about sa dessert po yes po meron pa, those are rocky road brownies and biko" sagot naman nito

"What do you want guys?" Michael asked

Nagulat ako kase kasama pala kami sa mag oorder

"Kahit ano" sabay naming sagot ni Jason kaya bigla kaming napatingin sa isa't isa at medyo natawa ako at nag iwas nang tingin

"Okay, so we'll have rocky road brownies" sagot ni Michael

"How many po?" Waiter asked

Tinanong kami nila Michael kung Ilan kaso di talaga namin alam

"Madami po" pabiro nitong sagot

"Copy that sir" sagot ng waiter saka umalis agad

"Omygash, did he take that seriously?" Gulat kong tanong sakanila, kahit sila eh nagulat din kase nagbibiro lang naman sa madami

Maya maya ay bumalik yung waiter at hindi lang siya mag isa pero may kasama pa siya, may dala silang yelo at potek ang daming brownies, tig tatlo kaming lahat bawat plato.

I was too stunned to speak

"Pano natin uubusin ito" natatawa nilang sabi

Kase naman ang dami dose lahat yun jusqo, binalak namin na alukin yung kasama namin sa table pero sabi nila ayaw daw nila.

"Mygash they take it seriously, ang dami" natatawa kong sabi

Namomroblema rin ako kase ang dami nito, I know na hindi ko ito mauubos.

"Yaan mo na, andyan na eh, kainin mo na lang masarap naman" sabi ni Jason

"Sabagay, saka baka masayang" sabi ko at nagsimulanh kainin yung isang brownies.

Habang kumakain ako nagkekwento si Jason about sa life niya, even ang pagiging working student niya noon nakwento niya, oh diba kulang nalang ata buong buhay niya ikwento sakin.

"Wow, ang hard working mo naman pala" sabi ko na may pagkamangha

"Sakto lang, need mabuhay eh" natatawa niyang sabi

Napatawa rin ako, ewan nakakadala yung ngiti at tawa niya.

"Yes, that's true need kumayod para mabuhay" I said saka kumain ulit

"How about you?" Bigla niyang tanong

Medyo kinabahan ako kase hindi naman ako pala kwento sa buhay ko lalo naman sa kakakilala ko lang.

"Oh me? Kala ko ikaw lang magshare eh, charot." Natatawa kong sabi

"Loko, kanina ka pa panay tawa at ngiti" bigla niyang sabi kaya napatigil ako sa pag ngiti

"Oh about that, ganun talaga ako pag komportable ako sa kasama ko, I often smile and laugh even na no need nun" pag explain ko sakanya at napatango naman siya

"So ayun na nga I'm currently 2nd year college taking secondary education, actually what I really want is multimedia arts or anything na course related to arts and graphics however masyadong mahal yung tuition so yah nag teacher ko, but I also love this course naman, teaching is my passion talaga kaya okay lang sakin." Mahaba kong kwento

"Continue" sabi niya habang nakatingin sakin, aba talagang nakikinig siya

"I am also a working student right now." Sabi ko

"We? Anong work mo?" Tanong niya

"I'm and digital artist sa iba't ibang company, merong international meron ding dito lang sa bansa, pero yung sa dito sa bansa mag start pa lang yung company bale kasama ako sa mga first employee and artist talaga, yung may ari kase ng company siya yung nagpasok sa akin sa international company." Pag explain ko sakanya tas sumubo ulit ako ng brownies

"Wow so you're an artist pala" sabi niya at tumango ako

"Galing naman, magkano sinesweldo mo?" Sabi niya

"Hmm that's controversial since we both know na bawala sabihin ang exact amount ng sweldo, but just let me say ahm 5digits, huhu hoping na maging 6digits na" sabi ko sakanya

"Saka may isa pa akong pinagkakaabalahan since I'm an artist naman, I am making some NFT din kaya ayorn" sabi ko

"What's that?" Tanong niya

"Oh yung NFT? Medyo mahirap iexplain lahat but let's just say that I am selling my artworks sa digital world" sabi ko at ngumiti

"Wow, so madami ka nang nabenta?" Sabi niya at tumango ulit ako

"Galing, ang successful mo naman ata pahingi ng gracia" pabiro niyang sabi sa akin

"Loko, I'm broke" sabi ko naman sa kanya

"Magkano na ang kinita mo dun sa pagbenta?" Tanong niya

Medyo nagalinlangan akong magsabi kase sobrang personal and controversial na nun but naalala ko eh sovrang transparent nga ng mga transaction so no need din na itago.

"Ah ahm hehe" medyo nagalinlangan talaga ako

"Ahmmm???" Sabi niya

"Fine, 6digits" I said then saka uminom ng juice

"Wow" he said with amusement

"Try to close your mouth mr. Pres" I said kaya bigla niyang itinikom

"Then you should treat us sa susunod na pagkikita" pabiro niyang sabi

"Nah I'm broke" sabi ko

"Ikaw lang ata yung broke na may 6digits na pera" sabi niya nang pabalang

"I'm dead serious since halos lahat ng kinikita ko naman walang napupunta sa akin, deretso yun sa mga bayarin but still naman nakakapag ipon ako and di ko ginagalaw yun." I explained to him kaya napatango siya

"But yah let treat three of you pag nagkayayaan tayo." Seryoso kong sabi

"Ay kasama sila? De joke lang, sineryoso mo naman yung treat" sabi niya kaya natawa na naman ako

"Oh tignan mo ito, tumatawa na naman" sabi niya

"Sorry, just a jolly person" sabi ko

Napahaba pa ang kwentuhan namin, ang saya niyang kausap, nawala talaga yung worry ko at pagka bored ko. It was really nice spending my night while talking to him. I learned more about his self, I felt happy since I think he's also comfortable to me that's why he shared his life story to me.

"Kaya mo pa ba kumain?" Sabi niyq nang mapansin atang mabagal akong kumakain

"Actually I can't na talaga, I'm not a fan of sweets, pero sayang kase" sabi ko sakanya at ngumiti

"Then stop eating" sabi niya

"Would you like some?" Sabi ko then inoffer sakanya

"Busog na rin ako, ayan ph naubos ko na yung sa akin" sabi niya kaya napatango ulit ako

"Wait, I'll just go to cr" sabi ko kaya tumango siya

Medyo hindi na masakit yung paa ko since matagal na rin akong nakaupo. Pinagbuksan ako ng staff ng pinto kaya nagpasalamat at ngumiti ako dito.

Dumeretso ako sa cr para umihi at mag ayos na rin ulit ng sarili.

Pagkatapos kong umihi ay naghugas agad ako ng kamay at nag alcohol, I looked ny self in the mirror.

"I looked like a mess" sabi ko habang nakatingin sa salamin

Inayos ko yung hair ko then nag apply ulit ng lipstick at blush on, nilabas ko rin ang eyelash curler ko at mascara.

"Done" sabi ko

I took out my phone to take a selfie at tinignan ito kung okay, once na nasatisfy ako sa itsura ko ay napag pasyahan ko nang bumalik sa loob.

Nang makapasok ako ay binati agad ako ni Jason

"Hi, you look more pretty, nag retouch ka?" Bati niya at napansin nga niya na nagayos ako

Nahihiya akong tumango, aba sino ba naman hindi mahihiya he just said that I look MORE pretty, does it mean pretty na ako kahit di ganun medyo maayos itsura ko kanina? Shemsss I think kinikilig ako, no Alyson hindi ka kinikilig mygash.

"Hey, are you okay?" Bigla niyang sabi kaya napatingin ako sakanya, nagtama ang aming mga mata at nakaramdam ako na biglang nag init ang mukha ko at medyo pagkahirap sa paghinga.

"Hoy, pres okay ka lang?" Ulit niyang tanong habang hindi pinuputol ang tingin niya sa akin.

"Yes, I guess" sabi ko at inalis ang tingin ko sa kanya

"We? Btw did you put blush on? Ang pula mo but still it looks good on you" sabi niya tas ngumiti

Napahawak agad ako sa mukha at binuksan yung camera ng phone ko para makita ang sarili ko, nakita ko nga na mapula ako, pero I swear I did put some blush on but hindi yun sobrang dami napaka onti lang nun.

"Ah hehe yes I put some, anyway thank you" sabi ko sakanya na nahihiya at biglang iniwas ang tingin

Tumingin ako sa phone ko at nagpanggap na abala pero ang totoo ay nabuksan ko na ang lahat ng apps sa phone ko.

"Wow feeling busy pero binuksan lahat ng apps sa phone" nagulat ako sa pagbuling ni Jason sa tenga ko

Paglingon ko sa kanya ay ang lapit lapit ng mukha niya sakin, shit this is bad, halos hindi na naman ako makahinga dahil malapit ang mukha namin sa isa't isa. Buti na lang ay naka focus ang lahat sa nagsasalita at nasa dulong table kami kaya hindi kami mapapansin.

"Shit" bigla akong napasabi nun at nilayo ang sarili ko sa kanya

"Wow nagmumura ka pres?" Natatawa niyang sabi

"No I didn't, I was so shocked, mygash you're so close to me kaya" sabi ko at yumuko

"I'll pretend I didn't hear that, don't worry sometimes napapasabi rin ako ng ganyan." Sabi niya na may mahinang pagtawa

Nagfocus ulit kami sa mga nagsasalita, actually I cannot remember kung anong part na ito ng program basta nakinig na lang ako.

Everytime na may nangyayari sa harap nakakarelate si Jason ay nasasabi niya agad sa akin, I was shocked since ang dami pala naming similarities katulad ng pag drawing, pagiging dancer, and pag declame noon.

Nasa last part na kami ng program which is fellowship, party, and raffle.

Ang nag host naman nun ay yung kasama namin kanina si sir Jomar, nagulat kami kase may kasamang sayawan naman pala, pinatayo kaming lahat pero ako lang ata ang tumayo para sumayaw.

"C'mon pres Aly, join us, dance with us, diba dancer ka rin" aya sa akin nila Jason

Natatawa akong umiling.

"Go pres Aly alam naming sumasayaw ka, kasing galing mo yung mga dancer sa harap" natatawang sabi ni sec Michael

Tumatawa lang ako pero di talaga ako sumayaw kase nahihiya ako.

Nang matapos ang sayawan ay nag raffle naman, talagang umaasa kami kase baka mabunot kami kahit sa consolation price, pero wala, sayang pero sana kahit sa second hanggang first prize nalang ay mabunot kami.

Pagkatapos ng raffle sa consolation price ay nagpatuloy ulit sa sayawan, most of them are couple, mga magaasawa.

"Hey, let's have a dance" napatingin ako kung sino ang nagsabi nun at nakita kong nakangiti si Jason

Napatingin ako sa kamay niya saka balik ang tingin sa mga mata niya, napansin king medyo nahiya siya kaya napahawak siya sa batok niya.

"May I have this dance with you?" He asked again then inoffer niya ulit yung kamay niya

"Wow the moves pres sa kapwa pres hah?" Biglang salita ni Michael, kaya napatingin kaming dalawa sakanya, napansin ko rin binababa na ni Jason ang mga kamay niya

"Manahimik ka Michael" saway ni Jason sa kanya

"Totoo naman ah, diba Kent?" Sabi nito sabay tawag kay Kent na busy sa phone

"Ah oo, crush mo ba si pres Aly?" Pang asar ni Kent saming dalawa kaya nagulat ako sa sinabi nito kaya medyo napalayo ako kaya napatingin silang tatlo sa akin.

"Just kidding pres, pinagtitripan lang namin si Jason, go on dance with him minsan lang yan mag aya ng babaeng isasayaw" sabi nito kaya mas lalo akong nahiya

"You know what Aly wag na lang tayo sumayaw, pasensya ka na sa kanila na asar pa tuloy tayo." Sabi ni Jason sa akin

"Ah ahm no, let's dance, I don't want to be rude, niyaya mo ako so yah let's dance." Sabi ko nakita ko namang naging maaliwalas ang mukha niya kaya napangiti ako

Tinanggap ko yung kamay niya saka kami naglakad papauntang dance floor.

"Go two pres! Pres Aly ikaw unang isasayaw nyan sa tanang buhay niya" malakas na pagkakasabi ni Michael kaya halos kadamihan ata dito sa loob ay napunta saming apat yung atensyon. May mga older na nagsabi ng "ayiee" tila kinilig pa kaya mas lalo akong nahiya

"Hey, you sure? Nahihiya ka na, we can go back naman di pa tayo sumasayaw" nag aalalang tanong ni Jason pero umiling lang ako

Nang makarating kami sa dance floor ay inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya habang ang kamay niya naman ay nasa bewang. Nagkatinginan kaming dalawa tila ba hindi na naman ako makahinga dahil ganto kaming dalawa. Sabay naming sinasabayan ang ritmo ng kanta.

"So ahm is it true? That I am the first one you asked for a dance?" Nahihiya kong tanong saka medyo yumuko

"Yes, how about you, is this your first time dancing with a man?" Sagot niya at ako naman ang tinanong

"Yes, this is literally my first time, I never expect that one man will asked me for a dance" pagamin ko na medyo natawa

"Why? Di ka ba pumupuntang prom noon? I mean you're pretty, I expect na may naging first dance ka na talaga" sabi niya kaya tumingala ako at tinignan siya sa mga mata.

Why do you have pretty eyes and eyebrows man? Isip ko.

"That's true, di ako pumupuntang mga prom, I just don't want to go, it's not my thing" pag explained to him

"I see, so that's why pala, kase ang ganda mo naman kaya nagulat ako" sabi niya kaya feel ko namula na naman ako

"Do you really need to say I am pretty every single time?" Nahihiya kong sabi

"Damn, pres you're blushing" natatawa niyang sabi kaya napahawak ako sa mukha ko

"Stop teasing me Pres" sabi ko at tiningnan ko siya sa mata, nakita kong medyo umiwas siya ng tingin

Nagpatuloy kami sa pagsayaw, ramdam ko yung mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko, it is my first time that I allow someone else to hold my waist.

Maya maya ay kumanta yung babae ng Mabagal.

Napangiti ako dahil gusto ko ang kantang ito, hindi ko napansin na habang sumasayaw kami ay napapakanta na ako.

"So ms. Presy is singing huh" sabi niya nang nakangiti kaya bigla akong napatigil sa pagkanta

"Why did you stop? Ang ganda ng boses mo, continue" sabi niya at medyo nilapit sa akin ang mukha niya kaya mas napatingin ako sa kanya.

"Ahm I felt shy bigla eh" sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya

Nagulat ako nang may biglang flash sa tabi namin, kaya napatingin ako at nakita ko na photographer yun.

"Did you take a picture of us?" Gulat kong tanong

"Yes po ma'am, ang ganda niyo pong tignan dalawa eh lalo kanina, naghanap lang ako ng timing na mapicture'an kayo" pag explain sa amin ng photographer

"We? Patingin kuya" biglang sabi ni Jason kaya napatingin din ako sakanya

Seriously? Titignan niya talaga mygash.

Pinakita sa amin ng photographer yung picture at mas lalo ata akong namula nang makita yun, side view yun ng pwesto namin ni Jason kanina, medyo nakatingala akong nakatingin sa kanya, kitang kita yung ngiti ko sa picture habang si Jason naman ay medyo nakayuko at nakangiti ring nakatingin sa akin.

"See, ma'am and sir, you two look lovely lalo sa pic na 'to" sabi ng photographer saka nagpaalam na ring umalis.

Nahihiya na ako kaya di ko magawang tumingin sa kanya.

"We looked liked we're couple doon sa pic" natatawa niyang sabi at tumango na lang ako.

Tinapos namin ang kanta saka nagpasyang bumalik na sa table since medyo lively na rin yung next song. Habang pabalik kami ay magkadikit lang kaming naglalakad hanggang sa makabalik kami sa table namin, hinila niya yung upuan para makaupo ako, shems why so gentleman?

"Thanks" sabi ko saka umupo at sumunod na siyang umupo

"Welcome back love birds" pang aasar sa amin ni Michael

"No, we're not love birds" depensa ko at natawa sina Michael at Kent sa reaksyon ko, nakita ko namang napailing lang si Jason.

Napairap ako kase medyo nainis na nahihiya ako.

"Hindi raw love birds but you two almost kissed kanina" sabi ulit ni Michael na natatawa

"Omygash, we didn't! Diba Jason? Wala yun jusq!" Naiinis kong sabi dahil nahihiya na ako

"Ah yes wala yun" sabi niya

"Just kidding, calm down Pres Aly, inaasar ko lang kayo and where did the Pres go? Why do you call him Jason all of sudden?" Sabi ni Michael kaya nagulat ako sa tanong niya

"Stop Michael, you also call me Jason sometimes" sagot ni Jason kaya tumigil na rin silang dalawa sa pang aasar sa amin.

Uminom ako ng juice at napangiwi ako dahil tumabang yun kase natunaw na yung mga yelo na nakalagay, kaya nilagay ko na ulit to sa lamesa.

"Want mine? I haven't drink it pa naman" biglang alok sa akin ni Jason ng juice niya

"No, thanks I'll just drink some water instead" I said and smiled, he just nodded his head

Nag start na ulit yung raffle for 3rd and 2nd price and guess what wala pa rin talagang nanalo sa aming apat, ang malas naman.

Nagsayawan ulit but thia time is mas lively yung song at for mga olders kase sila yung nagrequest ng song, nakaupo lang kaming apat habang ang ina ay mga nagsisisuwian na kase anong oras na.

Nakakatuwa nga eh kaya sinabayan ko yung kanta sa paggalaw ng ulo, balikat at katawan ko, napansin ko ring ganun din ang ginagawa nila Jason kaya napangiti ako.

Hanggang sa natapos ang kanta ay nagtinginan kaminh tatlo at sabay sabay na tumawa kahit walang nakakatawa, basta alam ko sa sarili ko na nag eenjoy ako.

At last nag raffle na rin for grand prize which is 50inches smart tv, mygash sino ba namang hindi may gusto nun diba.

And ayun malas talaga walang nanalo saming apat kaya natawa nalang kami. Last part na ng program which is sayawan na pero pede na rin namang umuwi, madami na rin ang mga umuwi.

Lumapit samin si Sir Jomar para magtanong.

"Guys would you like to stay pa or go home na?" Tanong niya samin kaya nagtinginan kaming apat na tila hindi alam ang isasagot.

"Siguro po uwi na tayo sir since may babae rin tayong kasama." Sabi nila

"I see, sige just wait for awhile" sabi ni sir

"Pres, babyahe ka raw mag isa, kaya mo ba?" Sabi nila Kent

"For your information I know how to commute but alam kong mag grab tayo kaya di niyo ako mauuto." Sabi ko kaya tumawa silang tatlo

"Bakit niyo naman kaseng ginawang grade 2 na uto uto, di naman bata si Pres" natatawang sabi ni Jason

"Pres Jason can you take me a picture here kunware pov ganorn bilis" sabi ko

"Ayoko nga" sabi niya, aba attitude to damot

"Sige na, maya maya aalis na kase tayo" pagpumilit ko kase gusyo ko talaga

"Just kidding, hand me your phone I'll take a picture of you" sabi niya kaya ibinigay ko sa kanya yung phone ko

After a few shots he gave me back my phone

"Posing ng grade 2" sabi niya kaya tinitigan ko siya ng masama

"Bwiset ka" sabi ko at inirapan siya kaya narinig ko siya tumawa

"Arrange yourselves, nakapag book na ako ng grab" sabi ni sir Jomar

Yun na yung hudyat para magasikaso na kami dahil uuwi na kami.

Ang bilis ang gabi, uuwi na agad kami hays.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top