Chapter 2

We're walking nang bigla na naman akong matapilok nung hahakbang na ako sa escalator, buti naalalayan niya agad ako, nangingiti ako nang palihim ewan bakit parang nakakakilig to.  Napansin kong may mga taong napapatingin samin, nagworry ako baka isipin na mag jowa kami nakakahiya.

Pumasok kami sa isang room na ang mga invited lang ang pede, napaka ganda dito, naka carpet din kaya medyo natuwa din ako kase di na ako mahihirapan mag lakad.

"Ang ganda." Sabi ko

Sobrang saya ko ewan ko ba, siguro dahil sa first time ko lang makapunta sa gantong ka sosyal na lugar, may mga chandeliers pa sa taas tatlo yun.

Tas may dalawang malalaking pintuan na magkahiwalay.

Bumitaw ako sa pagkakapulupot ng kamay ko sa braso niya at nag pasalamat, bubuksan ko na dapat yung pinto pero mas nauna niyang binuksan yun para makapasok ako, napaka gentleman niya naman nakakatuwa.

"Thank you, you're such a gentleman." Sabi ko at ngumiti sakanya, napansin kong ngumiti rin siya.

Umupo muna kami sa ibang table, dahil hindi pa namin alam anong table arrangements.

Anong oras pa lang mag 3 na nang makarating kami dito pero 6 pa ang start ng event. Medyo nag worry ako kase baka mabored ako.

Magkakatabi kaming lahat sa isang table maya maya ay inutusan muna kami ng isang older from the host club ng organization, sabi maglagay daw muna kami ng mga oranges sa bawat table, tatayo na sana ako para tumulong pero sinabi ni Pres Jason na huwag na daw kase nakaheels daw ako. Kaya ayun naiwan ako, nanonood lang ako sa mga tao dun kase nag run through para sa event.

Nang matapos na nilang malagyan ng oranges yung bawat lamesa bumalik na agad sila sa pagkaka upo.

Buti nalang bigla akong kinausap ng isa sa kasama namin. Nagkakwentuhan kami about sa organization namin, nakakatuwa kase akala ko mabored lang ako dito.

"Jason, Aly, come here kayo nalang dito ang tumulong sa technical team." Tinawag kami ni sir Jomar kaya lumapit kami

Iexplain sa amin kung anong dapat mga gawin kaso nagbago ng desisyon si sir Jomar, wag nalang daw ako kaya bumalik na ako sa pagkakaupo.

Habang nakaupo kami nag kekwentuhan silang tatlo, na out of place talaga ako gusto ko biglang makauwi.

Tinignan ko sila bigla kase bigla silang nag picture sa isa't isa

"Omg Pres Aly, pede ko ba kayong picturan ni Pres Jason? Para you know for documentation na rin kase pareho kayong president diba!" Sabi ni Michael

"Halah nakakahiya pero sige." Sabi ko kaya tumayo ako sa tabi ni Pres Jason para mag picture, inabot ko na rin sakanila yung phone ko para may remembrance rin sa akin.

Saka ko lang narealize na ang tangkad pala sobra ni pres Jason, hanggang balikat lang ako kahit naka heels ako. Bakit ba ako pinagkaitan ng height?

After namin mag picture ay nagpasalamat ako.

"Pres sama ka samin? Mag pic kami sa labas." Tanong ni Sec Michael

Tumangi naman ako tas iniwan ang bag ko at sumunod sa kanila.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nag pi'picture sila, gusto ko rin mag papic kaso nahihiya ako, kaya ang ginawa ko ay pinucturan ko rin sila.

"Hey, picturan kita." Biglang sinabi ni Pres Jason, kaya napangiti ako at binigay sa kanya yung phone ko.

Nahihiya ako, it is my first time that someone will take a picture of me na hindi ko naman kaclose.

After nun ay siya naman ang pinicturan ko, in fairness ang photogenic niya, ang gwapo pa. Omygadh self what are you saying!

"Send mo sa gmail ko para malinaw" sabi niya

"Sure, later I'll send it since wala pa akong load ngayon." Sabi ko at ngumiti

Matagal tagal din kami sa labas para mag picture bago kami nagpasyang pumasok na ulit.

We're just having fun, buti nga di na awkward kase nagkakausap at biruan na kami.

Maya maya ay nanghingi samin ng tulong yung nagsama sa amin, they asked if pedeng kami muna ang nakatoka sa registration, so we said yes.

Habang nasa labas kami ng pintuan sinabihan kami kung anong gagawin, meron doong mga gifts or na ibibigay sa bawat darating, kami tas kami rin ang mag bibigay ng mga id nila at hahanapin ang names nila para makapirma sila at malaman kung anong table sila uupo.

Habang wala pang masyadong dumadating inaayos muna namin yung mga gifts para hindi na hussle mamaya.

Unti unti na ring dumadami yung nagsisidatingan, mga nakapila na sila at walang sawa kaming bumabati ng good afternoon at welcome sa bawat dumadating. Natatawa kaming apat dahil para kaming mga staffs sa hotel.

Ang toka sa akin ay taga bigay ng id, si Kent naman ay taga bigay ng ticket para sa raffle raw mamaya, si Michael naman ay taga assist para sa pagpipirma sa registration, and si Jason naman ang taga bigay ng gifts.

Biglang dumami yung nagsidatingan meron ding mga nakapasok na hindi pa namin nabibigyan ng id at gifts kaya kaylangan namin hanapin sa loob yun.

Hinanap ko muna sa list yung names and table para alam ko yung pupuntahan, nung nakita ko na naglakad ako para kumuha sana ng gifts.

"Bakit ka kumukuha?" Tanong ni Jason

"May mga hindi kase nabigyan ng id at gofts na nasa loob na so dadalhin ko sana." Pag explain ko sa kanya

"Ganun ba sige ako na magdadala nitong mga gifts samahan na kita." Sabi niya at tumango ako bilang tugon at pumasok na nga kami.

"Anong table?" Tanong niya sa akin habang palingon lingon

"Table 8, ayun!" Sabi ko at nakita ko yung table kaya lumapit na kami doon

"Good afternoon po, you forgot to take your id's and gifts po kanina sa registration table, so we brought it here." Magalang kong sabi sa kanila

"Thank you iha at iho." Sagot nila na mas nakapag pangiti sa akin

Inabot na ni Jason yung mga regalo at lumabas na kami.

Pag balik namin ay napaka raming mga tao doon, merong mag aasawang matanda na magkakasama, binigay ko yung id nila, kaso apat sila di nila kayang dalhin yung mga gifts kaya nagpatulong ako kay Jason na dalhin yung mga regalo.

Kumuha kami ni Jason nang tig dalawang regalo saka sumunod sa mag aasawa, nalingat lang ako saglit ay nawala na sa paningin ko yung mag asawa kaya hinanap ko yung table.

"Anong table nga ulit sila?" Tanong ko

"Table 3 ata?" Di siya sigurado sa pagsagot

"Eh wala namang table 3 nalibot ko na to kanina wala namang ganun." Sabi ko

"Ay baka VIP 3" sabi niya

"Ay oo nga no sige" sagot ko kaya pinuntahan na namin yung table nayun hindi nga kami nagkamali at andun nga sila.

Hindi agad ako nakaalis kase kinausap pa si Jason. Di ko naman alam kung ano yun.

"Bakit ang tagal mo?" Sabi ko

"Sakit sa ulo nag ienglish sakin, nagpapatulong sakin para sa food pero nagtawag na ako ng waiter." Natatawa niyang sabi kaya natawa rin ako

Matagal din kaming nag aasikaso sa registration, ang sakit na ng paa ko sa pagkakatayo at panay lakad, maling desisyon talaga na nag heels ako eh nakakainis.

"Arg ang sakit na ng paa ko" sabi ko

"Heels pa, umupo ka muna medyo humuoa naman na yung mga tao, pahinga ka." Sabi ni Jason saka ako pinaupo

Umupo naman ako at nagpasalamat, jusqpo halos isang oras at kalahati ata akong nakatayo at panay lakad, ayoko na masakit sa paa, gusto ko na mag tsinelas.

Dinner time narin at ang haba ng pila sa food area, pero kami di agad kumain dahil may mga dumadating pa rin.  Nang pansin namin na wala na masyadong dumadating napag desisyunan naming kumain na.

I was shocked when all of them offer me plate, natawa silang tatlo sa reaksyon ko dahil lahat nga sila ay may hawak na plato na ibibigay sana sa akin.

Omygash self what to do? Kaninong plato tatanggapin ko? Omygadh nakakahiya.

May tatanggapin na sana ako nang yung dalawa ay ginamit nalang yung plato, kumuha na ako ng sarili kong plato pero napansin kong nakaoffer pa rin sakin yung hawak ni Pres.

"Ahm sakin?" I asked

"Yes, but if you don't want, edi wag." Sabi niya

Natawa ako sa pag sabi niya ng edi wag.

"Salamat, here sayo nalang itong nakuha ko." Pagpapasalamat ko at binigay sakanya yung hawak ko

In short exchange plates kami ang kulit diba.

Fudge ang daming pagkain anong gagawin ko? Gusto kong makain lahat. Haynako kukuha nalang ako ng lahat ng food para matikman ko pero small portion lang.

Kumuha ako ng rice, pasta na mukhang kanin sorry di ako sosyal hindi ko alam ang tawag, chicken, patatas na pang mayaman, steak. Yun kinuha ko then kumuha rin ako ng dessert na brownies na bite size at creme brulee.

"Ano to? Leche flan na baliktad?" Natatawa sabi ni Michael natawa rin ako ako kase di naman leche flan yun

"Oh that's creme brulee, try niyo masarap yan." Sabi ko tas napatango sila

Kukuha pa sana kami ng biko kaso sabi namin nakakakain naman na kami nun so wag nalang.

Bale dalawang plato ang dala ko, isang for meal isa rin para sa dessert.

Umupo na ako sa table namin at talaga naman bakit si Pres ang katabi ko nakakahiya.

Napansin kong napatingin sa pinggan ko si pres at natawa.

"Why?" Sabi ko

"Ang liit mo ang dami dami ng kinuha mo, mauubos mo ba yan?" Sabi niya

"Minsan lang naman saka kanina pa ako gutom, ikaw nga mas madaming pagkain eh." Sabi ko at ngumiti

"Kain na" singit ni Kent sa usapan namin pres

Nag start nalang ako kumain, omygadh ganto ba ako kabroke at ngayon lang nakatikim ng mga gantong pagkain?

Unti unti na akong nakaramdam ng busog kahit ang onti palang nang nakakain ko.

"Oh baka naman busog ka na tas pinipilit mo nalang?" Biglang sabi ni pres, napansin niya atang bumagal ako sa pag kain kaya ngumiti nalang ako

"Sarap ng brownies, try mo pati tong nasa taas oh white chocolate masarap, try mo magugustuhan mo." Sabi ulit ni pres habang kumakain ng brownies

"We? Sige" nakangiti kong sabi at tinikman yun

That was the first time na nakatikim ako ng gantong brownies, I cannot explain but sobrang sarap talaga, balance na balance yung tamis niro at hindi nakakaumay.  Sinunod kong kainin yung creme brulee.

Matapos kong kumain ay nag simula na rin yung event.

Habang may nag sasalita sa unahan nag phone muna ako kase wala akong maintindihan. Bigla akong kinausap ng mga kasama ko.

"Bakit wala kang kasama?" Tanong ni Michael

"Busy lahat ng members ko eh" sagot ko

"I see" sabi nila

Tas si Michael and Kent naman ay may sariling mundo, naguusap sila mukhang sila yung pinaka close sakanilang tatlo. Nakakaramdam ako nang pagka urat dahil wala man lang akong makausap.

Nagulat ako nang biglang nagsalita si Jason, napaka lapit niya sa akin hindi ko alam kung pabulong tong ginagawa niya or sinadya niya dahil malakas yung sound system.

"So ms. Pressy looks like you're bored?" Sabi niya at malapit pa rin sa akin

Para akong hindi makakahinga dahil ang lapit lapit niya sa akin, kahit kailan wala pang lalaking lumalapit sakin nang sobra. He's the first one to do this, bakit parang hindi ako makahinga? Bakit ang hirap kumilos kahit pedeng pede akong lumayo kaagad sa kanya? C'mon body do something.

"Ah ahm hah? Hehe ahm medyo bored nga" nauutal kong sabi saka nag iwas nang tingin.

"Why? Is it because wala kang kausap? Same here I'm also bored." He said then medyo lumayo na sa akin

Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya.

"Eh ikaw bakit ka nabored? Kase ako bukod sa walang kausap medyo boring lang talaga kapag puro nagsasalita yung nasa harap wala man lang entertainment, ang boring." Pag explain ko

"Same reason lang, by the way baka isipin mo sobrang tanda namin sayo hah." Bigla niyang sabi

"Hah bakit naman? I mean mas matanda naman talaga kayo sakin diba? Kase magkaiba ang age limit ng org natin." Sabi ko

"Grabe ka naman sa'min anong akala mo sa'min gurang?" Sabi niya kaya natawa naman ako

"Pede rin just kidding" sabi ko na lang

"How old are you?" He asked

"I'm 21 turning 22 within this year and you?." Sagot ko saka ngumiti

"I'm 25, oh diba di kami sobrang matanda" sabi niya

"We? Akala ko 30 ka na charot! Baka di niyo ako isama sa projects niyo" pabiro kong sabi

"Sama mo" sabi niya

Magsasalita sana ako nang may lunapit samin, yung asawa ng pres ng may sponsored org namin.

"Hello, is it okay if you will distribute these sanitizer sa bawat tables? We forgot kase kanina eh." Sabi niya

"Ah yes po akin na po ako na po ang mag distribute." Sabi ko

"Salamat, enjoy the night" she said saka umalis na

Tatayo na dapat ako pero hinawakan ni Jason yung braso ko

"Why? Ahm let go of my arms po, anong meron?" Sabi ko

"Umupo ka nalang, ako nalang mag distribute." Sabi niya na ikinagulat ko, saka kinuha niya na yung hawak ko na mga sanitizer

"Ako yung sinabihan eh" sabi ko

"Lalaki ako kaya ako na saka kanina ka pa kaya panay reklamo na masakit ang paa mo." Sabi niya

"Ang bait naman ni pres, bakit di ka tumakbong president ng bansa?" Pabiro kong sabi

Natawa lang siya saka tumayo at dinistribute na yung mga sanitizer.

"Uy san yun pupunta anong gagawin nun?" Tanong ni Michael

"Mag bibigay ng sanitizer sa bawat table, ako nga po dapat ang magbibigay kase ako yung sinabihan pero ayun siya nalang daw, desisyon siya" pag explain ko sa kanila

"Ay wow bakit naman sa mga members namin na babae gentleman naman siya pero di ganyan ka sobra" natatawang sabi ni Michael

"Oo nga" pag sang ayon ni Kent

May sinabi pa silang dalawa pero hindi ko na ito naintindihan dahil biglang may tugtog yun pala may sasayaw na mga dancer.

Hindi na rin bumalik sa table namin si Jason baka dumeretso sa technical team.

Hays matagal tagal pa bago matapos ang event paano ko na lilibangin ang sarili ko?




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top