Chapter Twenty-Two
Song: Beautiful Things- Tori Kelly
Food
Dumiretso ako sa penthouse ni Zach kahit na alam kong wala pa naman siya doon.
Their practice starts at six o'clock in the morning and it ends at six o'clock in the evening. So, they basically have twelve hours of training.
He gave me the keys to his penthouse a few days ago. At sinabihan niya na rin ang mga guard doon na papasukin ako. Dumiretso ako sa kusina. Tiningnan ko ang ref para makahanap ng pwedeng lutuin mamaya. I checked the time it's already five o'clock.
Isang oras nalang at babalik na siya rito. I decided to cook pasta. Gabi na at dapat hindi na masyadong heavy pa ang kakainin namin. Gusto ko sanang kumain ng kanin. Dahil nakakamiss ito. Of course, as an asian, hindi talaga mawawala sa sistema mo ang pagkain ng kanin kahit na bawal pa ito sa trabaho mo.
Our agency is prohibiting us from eating white rice. Brown rice daw ay pwede pero ayoko ng lasa noon. Kaya minsan ay sinusuway ko sila.
They can't do anything about it! Ginusto ko ito, e.
Habang nag-luluto ay may sumagi naman sa isipan ko. Hindi ko akalain na kaya ko palang mag-isip ng ganito na parang handang handa na sa kung ano mang mangyari sa aming dalawa.
Paano kaya kung ikasal kami? Will I quit modeling and focus on being his wife? At mag focus na rin sa magiging anak namin?
Goddamnit, Samantha! Anong anak ka diyan? E, hindi pa nga kayo nagsesex even though you two made out a lot.
Hindi ko na rin talaga alam kung paano nakokocontrol ni Zach ang sarili niya sa akin. Sometimes I feel his hard on on my stomach whenever we make out while he's on top of me.
Maybe he just respects me so much. Tumango tango ako sa naisip.
Tsaka wag muna akong pakasiguro na ako talaga ang papakasalan ni Zach. Malay mo mag-sawa siya sa akin... o di kaya... makahanap siya ng iba...
I groaned when I realized that. Hindi ko ata kakayanin. At hindi pa ata ako handa sa mga ganoong bagay. Just not... yet.
Nawala lahat ng iniisip ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kanyang penthouse. Dali dali kong inayos ang pagkain at binitbit palabas ang mga ito.
"Hi! Kumain ka na ba?" I asked. Nalipat naman ang tingin niya sa akin.
He's wearing a white tshirt and an athletic shorts habang may tuwalya na nakapatong sa kanyang balikat. Binaba niya ang kanyang duffel bag sa sofa at lumapit sa akin. Nilapag ko rin ang pagkain sa lamesa at hinintay ang kanyang gagawin.
Alam ko na naman iyon kahit pa di siya lumapit. Hindi ko nga alam na ganito siya kaclingy na sa lahat ata ng oras gusto niyang hinahalikan niya ako.
He pressed a kiss on my lips at tsaka bumaling sa niluto kong pagkain. He smiled.
"What did you cook?" Hinawakan niya ako sa baywang at idinikit sakanya.
"Uhm... carbonara. I can't think of anything. Kung gusto mo ng iba ipagluluto nalang kita." Papasok na sana ulit ako sa kusina ng pigilan niya ako.
"No. This will do. Come on, let's eat." Aya niya sa akin. Nauna na siyang umupo. I did the same.
We ate quietly.
Naalala ko ang pagkikita namin ni Xander kanina. Should I tell him?
Hindi ba dapat ay honest kami sa isa't isa dahil doon mas tumatatag ang relasyon niyong dalawa? 'Yung walang sikreto.
"Uhm... Zach." I called. Lumingon siya sa akin at pinunasan ang labi.
"Yes?" Sabi niya at hinintay ang aking sagot.
"I saw Xander a while ago." Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Did you two talk?"
"Yeah..." his eyes turns cold. Parang ayaw niyang malalaman na nag-usap pa kami ni Xander.
Oonga, Samantha! Dapat hindi mo na kinausap pa ang isang 'yon! Pero nagulat lang rin kasi ako kaya di ko rin masisisi ang sarili ko.
"What did he say?" Nagulat ako sa tono ng pananalita niya.
Is he mad that I talked to Xander? Oh my god! Sasabihin ko pa ba na sinabi ni Xander na miss niya ako? Mamaya mas lalo pang magalit 'to, e. Pero sabi nga nila...
Honesty is the best policy.
"Uh... wala naman. Nagkamustahan lang tsaka..."
Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil lumingon na naman siyang muli sa akin habang nakataas ang isang kilay. Taray naman!
"He told me he missed me." Napakagat ako ng labi nang sabihin ko iyon. Binitawan niya ang kubyertos at isinandal ang sarili sa upuan.
Tumungga siya ng tubig. Kinakabahan ako. Paano kung magalit siya?
Pero wala namang ginawang masama si Xander. Sinabi niya lang naman 'yun. Kaya di siya magalit sa akin.
"Zach..." tawag ko sakanya ng hindi siya mag-salita.
"Does he want you back again?" He asks coldly.
"No." Agad kong sinabi nang mapanatag siya. Kasi baka 'yun lang naman ang kinakabahala niya.
"I won't let that happen." dagdag ko. He nodded. Inilagay niya ang kanyang braso sa likod ng aking upuan at hinila iyon palapit sa kanya.
"Dapat lang." He whispered. His tone sounds very dangerous. Nakakatakot pakinggan.
Parang pinagbabantaan niya ako. Napairap ako sa kawalan. As if naman gagawin ko iyon? Siya lang naman 'yung ex na binalikan ko, e! Although, dalawa lang naman sila ni Xander.
Kinaumagahan ay maaga siyang umalis sa penthouse niya para sa training. Wala akong shoots or anything ngayon kaya dito lang sana ako sa penthouse niya.
Kaso naalala ko... may apartment pa nga pala ako na kailangan ko ring uwian. Kung doon naman ako, wala rin akong gagawin doon. I'll only get bored. Wala rin si Ryan doon dahil nasa trabaho siya.
Nagisip ako ng pwedeng gawin maghapon. Ngunit ni isa walang pumasok sa isip ko. Mabubulok na ata ako dito sa penthouse ni Zach. Halos ata lahat ng movies na mayroon siya rito ay napanood ko na and I'm still bored!
Paano kaya kung pumunta nalang ako sa training ni Zach? I'll bring him foods!
Tama! 'Yun nalang ang gagawin ko kaysa mabulok pa ako lalo dito. Oh my god, Samantha! Akala ko ba si Zach ang clingy bakit parang ikaw rin?
Napailing ako at natawa nalang sa sarili. After kong makapag-ayos ay dumiretso na ako sa isang restaurant para bilhan ng pagkain si Zach. Though di ko pa alam kung saan sila nagtetraining, magbabakasakali nalang ako na doon sa malapit na stadium sila madalas.
Nagthank you ako nang ibigay sa akin ang waitress ang inorder kong pagkain. Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang mga paparazzi na nakasunod sa akin.
Don't tell me na pati sa pupuntahan ko ay nakasunod rin sila?
Lumiko ako papasok sa entrance ng stadium. The guards let me in nang makilala kung sino ako. Habang ang mga paparazzi na nakasunod sa akin ay hindi na pinapasok. Buti naman!
Nakarinig agad ako ng ingay nang makapasok ako. Zach's team is busy with their training. Hinanap ko kung nasaan siya. Sa dami ba naman nila at sa naglalakihang katawan ng mga kasama niya ay ang hirap niyang hanapin sa buong field.
Isa pa, sobrang laki nitong stadium. Naglakad ako palapit sa mga upuan. Hawak hawak parin ang pagkain na dala.
Nang makaupo ako ay ipinatong ko ito sa aking hita. I continued to roam my eyes around the field hanggang sa makita ko na siya. He's shirtless habang nagbabatuhan sila ni Ian ng bola. After that ay tumakbo sila patungo doon sa endline.
Nakakapagod naman pala ang ginagawa nila. No wonder why he looks tired all the time. Tapos kasali pa sila sa Super Bowl ngayon kaya puspusan ang traning na ginagawa nila.
I waited for him to notice me pero hindi siya lumilingon dito. He seems so focused with his training.
Gosh! Maling mali ang pagpunta ko rito. He doesn't need any distraction!
Tumayo ako at ipapaiwan nalang sana ang pagkain na dala ko nang biglang lumapit sa akin ang isang medyo matandang lalaki.
"Hi. Do you need anything?" He asked. Nalipat naman ang tingin niya sa pagkaing hawak ko.
By looking at him, napagtanto kong siya ang coach nila. With a whistle on his hand at mukhang terror pa ang isang ito.
"Uhm... Actually, I-I..." nauutal ako sa aking sinasabi. Nakakatakot kasi itong matanda. He's looking at me like he doesn't want me here.
Ayaw nga naman niya ng distraction sa mga players niya! Bakit pa kasi ako nagpunta dito?
"I... Brought this for you." Sabay abot sakanya ng pagkain. Tinaasan niya ako ng kilay sabay tumawa.
Samantha! You stupid girl!
"For me?" Ulit niya. Hindi makapaniwala.
"Y-yeah. For you!" Inilahad ko sakanya ang pagkain.
Stupid, Sam! This is for Zach bakit mo binibigay sa coach niya?
He chuckled at kinuha ang isang ito. Nagulat ako sa biglaan niyang pagpito sa kanyang whistle. Halos lahat sila ay napatingin sakanya. Even Zach. He's now looking at me with a surprised expression.
"Zach! Come here!" He shouted. Agad namang sumunod si Zach.
Oh no! Is he gonna scold him?
"Sam..." tumingin sa akin ng saglit si Zach bago binalik ang tingin sa kanyang coach.
"This girl right here... is your girlfriend, right?" His coach asks.
"Yes, coach." Walang pagaalinlangan niyang sagot. His coach chuckled.
He turned to me and smirked. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. Nakita kong itinulak naman nung coach ang pagkain na dala ko kay Zach.
Tiningnan ito ni Zach at bumaling ng tingin sa akin.
"I told you no girlfriends allowed in your practice... but this one..." he pointed at me. I anticipated for his answer.
Sige. Ayos lang kung bawal na ako dito. Mali naman talaga ang pagpunta ko dito, e.
"Is an exception." Agad akong napaangat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Really, coach?" Gulat na tanong sakanya ni Zach.
"Yeah..." tumawa ang coach niya. Kumunot ang noo ko sakanya at nakitawa na rin. "Just as long as she keeps on bringing me foods, I'm fine with it."
My mouth parted and so is Zach's. Hindi makapaniwala na binigyan ko ng pagkain ang coach niya. That was supposed to be his! Kung hindi lang talaga ako natakot sa coach niya ay malamang binigay ko na sakanya ang pagkain!
"Thank you for this, Ms. Samantha!"
Pinakita niya sa akin ang pagkain na sana ay kay Zach. He patted Zach on his shoulder at iniwan kami doon. Sinundan lang namin siya ng tingin. Agad na napalingon sa akin si Zach.
"What the hell, Sam?"
I just shrugged my shoulders. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa nangyari.
So... pagkain lang pala ang katapat ng coach nila? Edi lagi na pala akong magdadala ng pagkain. Para lagi lagi rin ako dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top