Chapter Twenty-Seven
Song: I'm Yours- Alessia Cara
Plan
The next morning ay maaga akong nagtungo sa kwarto ko. Kahit anong oras kasi, maaaring kumatok doon si Laura.
Naiinis pa ako sa sarili ko kagabi dahil nakalimutan kong magdala ng damit! Akala ko kasi makakabalik pa ako sa kwarto ko nang gabing iyon pero hindi na pala. Hindi na nga rin namin namalayan na nakatulog na pala kami, e. Nagising nalang ako nang maabutan kong pumasok ang room service sa loob ng kwarto ni Zach.
Sinulyapan niya ako nang makitang gising na ako. He said thanks to the guy then he immediately closed the door.
"I ordered foods. I figured you're already hungry since you didn't eat anything last night." Aniya.
Kumain rin naman kami agad pagkatapos noon. Neither of us speaking. Hindi ko alam pero ito na ata ang pinaka awkward na breakfast namin.
Siguro dahil sa akin iyon. Kada kasi makikita kong tumitingin siya sa akin, agad akong nagiiwas ng tingin.
At alam ko kung dahil saan 'yon!
It's because of what he said last night! He shocked me by saying that he'll wait until we get married. I mean... May plano agad siya?
Gosh! Marriage is scary. Once na matali ka na sa taong 'yon, wala ka nang labas.
Hindi naman sa ayaw kong matali kay Zach... pero... hindi ba sobrang aga pa para sabihin ang bagay na ganoon? I don't even have plans on getting married yet tapos siya... He's scaring me!
Lumabas ako ng kwarto niya nang suot suot parin ang gown ko. I should've planned ahead. Alam ko namang pupunta ako sa kwarto ni Zach sana talaga nagdala na ako ng damit, e.
Hindi isinarado ni Zach ang pinto niya hanggang sa masigurado niya na nakapasok na ako ng kwarto ko. Nagulat nalang kaming dalawa nang bigla kong nakita si Laura na papalabas sa kwarto niya.
Agad akong napalingon kay Zach at nakitang sinarado na niya ang kanya habang ako... Sinusubukan paring ipasok ang susi sa door knob.
Ngunit bago ko magawa iyon ay nabitiwan ko pa ang susi! My eyes widened at agad na nilingon si Laura na malapit nang lumabas. Mabilis kong kinuha ang susi at nagmadaling pumasok.
"Samantha!" Sigaw ni Laura. My breathing hitched.
Busted!
"Why are you... still wearing your gown?" She eyed me from head to toe. Nakita ko namang ngumisi siya.
Tiningnan ko rin ang sarili. Nag-iisip ng pwedeng irason sakanya.
"Uhh... I like this gown. It's... really... It's... It's my favorite gown now." I reasoned out.
Kung pwede lang talagang sampalin ko na ang sarili ko ng ilang beses ngayon ay malamang ginawa ko na. Napakatangang rason!
Umiling si Laura sabay tumawa. "Silly girl... Do you think I don't know what you're doing last night?"
Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling. "I wasn't doing anything last night! I was just sleeping!"
Umiling ulit siya. She crossed her arms over her chest at isinandal ang sarili sa pintuan.
"Zach, open the door and come outside please."
My jaw dropped when she eyed Zach's room just across mine. Unti-unti namang binuksan ni Zach ang pinto niya at nahihiyang ngumiti kay Laura.
"Hi... Laura..." Bati niya.
"Hi, Zach." She greeted back at tsaka binalik ang tingin sa akin. I bit my lip at nag-iwas ng tingin.
"I'm sorry..."
Buti nalang rin at hindi nagalit si Laura sa akin nang dahil doon. She also let Zach accompany me in one of the red carpets that I attended.
Ilang araw pa kaming nanatili sa Cannes hanggang sa umuwi na kami. Hinayaan na rin ni Laura sa sumama si Zach sa amin.
Wala na rin naman daw siyang magagawa.
Though I know that Zach and I's relationship is cool ay hindi ko parin talaga maiwasan na maging awkward kasama siya. I just couldn't forget what he told me that night!
Kung tatanungin ko naman sakanya ang tungkol doon, mukhang wala rin naman siyang pakialam.
"I'll see you tomorrow." Ani Zach nang ihatid niya ako sa apartment. Tumango ako. He leaned down a little to press a kiss on my lips.
"Text me when you get home." Sabi ko. Tumango siya at agad ring nagtungo sa kotse niya.
See? Awkward! Hindi naman kami ganyan dati!
I opened the door of my apartment at agad na sumalubong sa akin si Ryan.
"Oh! Sinundo ka sa airport ni Zach?" Tanong niya. Umiling ako.
"No. He followed me to Cannes."
"No way!" Natatawang sinabi ni Ryan.
"Ask Laura if you don't want to believe me." Dumiretso ako sa sofa at naupo doon.
I'm so tired from all the travelling. Pero kahit na ganoon ay gusto ko na agad ipaalam kay Ryan ang sinasabi sa akin ni Zach ilang gabi na ang nakalipas.
"Ryan..." I called. Lumingon siya sa akin habang inaayos ang mga maleta ko.
"Hmmm?"
"Paano kapag may nagsabi sa'yo na maghihintay siya hanggang sa ikasal kayo... Should you act awkward about it?"
Nilingon ako ni Ryan at natatawang ngumisi. Tumabi siya sa akin at hinarap ako. Itinuko niya ang kanyang siko sa ulo ng upuan.
"Of course not! Ang sweet nga nun, e. At least he has plans on getting married," tinaasan niya naman ako ng kilay. "Bakit? Sinabi ba ni Zach sa'yo 'yon?"
Nag-iwas naman ako ng tingin at hindi na sumagot.
"Oh my god! He did?!" Napaayos ng upo si Ryan at muli akong iniharap sakanya.
He made me tell him everything. Simula sa umpisa. He was smiling the whole time habang ako naman ay natatakot parin.
Marriage is really scary!
"Ayaw mo nun!? At least may plano na siyang pakasalan ka!" sabi niya. I hit him playfully on his chest.
"Hindi naman natin sigurado 'yun! Tsaka... Marriage is scaring the hell out of me. I still don't have plans on getting married... yet. At kung magpopropose man siya sa akin ano mang oras ngayon, I don't think I'll..." Hindi ko na naduktungan ang sinabi ko. Sinabunutan ko ang sarili ko.
"Ugh! This is so frustrating! How can you just let yourself say yes to Tony? Aren't you scared?" Tanong ko sakanya. Umiling siya at ngumisi.
"Why would I be scared? It's the person I love proposing to me! At tsaka, kapag mahal mo talaga ang isang tao, wala ka nang maiisip kung hindi ang makasama sila habang buhay. Siguro ganoon ang nakikita ni Zach sa'yo."
Pinikit ko ang mga mata ko. If Zach is planning to propose to me anytime by now... I don't think I can answer yes.
Noon naiinggit ako sakanila Tony noon. Pero ngayon na mayroon na kaming relasyon ni Zach, I just want to enjoy it first. No need to make everything quick.
We need to take it slow. We need to enjoy ourselves first.
Palabas ako ng coffee shop ngayon nang bigla akong nabunggo ng isang tao. Muntikan pang tumapon sa akin ang kapeng dala dala ko para sa shoot na pupuntahan ko ngayon. Buti nalang talaga hindi tumapon sa akin dahil umagang-umaga ay mababadtrip agad ako.
"I'm sorry..." Ani ng taong nakabunggo sa akin.
Inangat ko naman ang tingin ko sakanya. "It's oka-"
Natigilan ko nang makita ko kung sino ito. "Xander..."
Nag-angat rin ng tingin sa akin si Xander. He smiled a little at me.
"Sam... It's been a while. How are you?"
Nahihiya akong ngumiti pabalik. "Uhh... Okay naman... Ikaw?"
"Just visiting Alisha here."
"Oh! You two are..." I paused for a while. "Together?"
"Yeah." Sagot niya.
Hindi na ako nagulat pa. Well, I'm happy for them.
"Oh! I'm happy for you two." Ngumiti sa akin si Xander.
The last time we saw each other, he told me that he misses me. Well, maybe, he misses me as a friend and nothing more.
Masyado ko rin sigurong nilagyan ng malisya iyon.
"I heard about you and Dela Merced."
"Oh!"
"I'm happy for you, too..."
Dahan dahan akong tumango. I feel like I'm talking to a different Xander. He's changed. Hindi na siya 'yung Xander na nakilala ko. Maybe Alisha changed him.
She did a great job though.
"Thanks," sabi ko. Ngumiti ako sakanya. "I should get going. I still have a shoot to get to."
Tumango naman siya at pinagbuksan na ako ng pinto.
"Oh! Sure. I'll see you around." Tumango naman ako.
Lalabas na sana ako nang bigla naman siyang mag-salita.
"Uh... Sam..." Tawag niya ulit sa akin. Hinarap ko siya.
"Alisha told me something... about your sister." Natigilan ako doon. Ang buong atensyon ko ay nasa kanya na ngayon.
"What about her?"
"She's dating her brother, right? Well, she's staying at their house at the moment and she told me that she heard them talking about you... I mean it's not my place to tell but she told me that they're planning something. Hindi ko alam kung ano ang plano nila but I want you to be careful, Sam."
My mouth parted because of what Xander just told me. Isabella is planning what?
Hindi pa ba siya napapagod?
Hindi agad naproseso sa isip ko ang sinabi niya. Sa huli ay tumango na lamang ako.
"O-Okay... Thank you for telling me."
'Yun na ang huli kong sinabi bago ko siya tuluyang lagpasan para pumunta na sa shoot.
Seriously, what is she planning now?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top