Chapter Twenty-Nine
Song: Tattoed Heart- Ariana Grande
Article
I immediately told Ryan about Zach's plan on coming back in the Philippines.
"Maganda 'yan. Atleast makakabisita ka ulit kay Caitlyn." Aniya. Ngumiti ako at inabot na ang kapeng tinimpla niya para sa akin.
"I know... Hindi na rin kasi kami masyadong nakakapag-usap lalo na't ang dami ko ring ginagawa."
Caitlyn is still finishing her last year in College. Sa susunod na taon ay mag-uumpisa na siyang magtrabaho. She's pursuing an Engineering course. Kung hindi lang siguro ako mas focused sa modelling ay pwede kaming maging magkatrabaho lalo na't Interior Designing ang kinuha kong kurso noong college.
Ryan took a sip from his coffee. "O siya nga pala... Kumusta naman kayo ni Zach?"
I tried to hide my smile. "Okay naman. Ganoon parin."
"Hindi ka na niya tinanong tungkol doon sa ano niya?"
"Ano?"
"Plano niyang magpakasal sa'yo!"
Muntikan na akong masamid nang sabihin niya iyon. Grabe naman 'to! Kami nga ni Zach iniiwasan na ang usapan na 'yon tapos siya biglang ibribring up 'tong topic na 'to!
"Bakit? Binabawi niya?!" Nanlalaki ang kanyang mga mata nang itanong niya ito sa akin.
"Hindi noh! Ang sabi ko lang hindi pa ako komportable na pag-usapan ang ganoong bagay. He understands and he told me that we'll take it slow."
"Ahhhh!" He shouted. Agad akong napaangat ng tingin sakanya at nagaalalang tumingin sakanya.
Nung una akala ko may nangyari nang masama sakanya o di kaya napaso siya doon sa iniinom niyang kape. Pero 'yun pala, kinikilig lang siya.
"Napakaswerte mo talaga diyan kay Zach! Akalain mo naiintindihan niya 'yung gusto mong mangyari. Madalang ka nalang makakita ng lalaking ganyan!"
"Bakit si Tony ba hindi?"
"Duh? There's a difference between him and Tony! Tony's gay at iba ang takbo ng isip nila. Tingnan mo itong si Tony, we never brought up the topic about marriage but look where it leads us!" pinakita niya sa akin ang engagement ring nila.
"You never!? How?!"
"Ewan ko din sa isang 'yun. Pabigla-bigla, e. Pero may kutob na rin talaga akong gagawin niya 'yun. Pero syempre, nagmamaganda ako... Kunwari hindi ko alam."
Umiling ako at tumawa.
"Alam mo... Ganyan rin ako noon, e. Sa tingin ko hindi pa ako handang magpakasal kahit na mahal na mahal ko si Tony. Because just like you, I want to enjoy life first. Pero simula talaga ng magical night na 'yun! Biglang nagbago ang isip ko! Gusto ko nang maikasal agad! Kaya malay mo... Ganoon ka rin. Kaya huwag mong paghintayin ng matagal si Zach, ah?"
Umirap nalang ako at inubos na ang kapeng itinimpla niya sa akin. Hindi rin naman natin masasabi... Basta ako, papanindigan ko ang sinabi ko kay Zach.
If he's willing to wait until I'm ready edi mas okay!
Tinupad rin ni Zach ang pangako niyang papatapusin niya muna ako sa lahat ng gagawin ko bago niya ako tanungin muli sa desisyon ko.
I did so many shoots and TV commercials today. And at the end of the day, sinundo ako ni Zach.
"That's the last shoot you have for this month, right?" Tumango ako at pinagpatuloy ang pag-aayos ng aking gamit sa aking bag.
"What's your decision, then?"
Napabaling agad ang tingin ko sakanya.
"Oh, right! Uh... Well..."
"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo okay lang naman–"
"No! No! If you want to go home then I'll join you."
I saw him trying to hide his smile. Kumunot ang noo ko.
"My mother will be very glad."
I smiled nang maalala ang unang pagkikita namin noon. Sa tingin ko noong charity dinner iyon. They were so nice to me kaya naman ay agad na gumaan ang loob ko sakanila.
"When are we going to come home?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at hininto na ang kotse.
Napagtanto ko namang nandito na pala kami sa apartment kaya naman ay inalis ko na ang seatbelt ko at kinuha na ang gamit ko sa likod. Zach helped me with it.
"I'm thinking about the day after tomorrow. But I need to ask you first before I book our ticket." Sabi niya nilingon ko naman siya at tsaka tumawa.
I inserted my keys para buksan na ang apartment.
"You don't need to consult me all the time. You are free to make your own decision. If you want on the day after tomorrow then I'll be fine with it."
I opened the door to see no one. Hindi pa siguro nakakauwi si Ryan. Nilapag naman ni Zach ang mga gamit ko sa sala.
"Sam, I also want you to decide. Ayoko na kapag gusto ko, gusto mo na rin. I want us both to decide. Gusto kong masunod kung ano ang napagkasunduan natin."
I smiled. "Okay, then. We'll go home on the day after tomorrow."
I caressed his cheeks then I brought my lips to his. We're here sitting on the sofa where we made a memory that Ryan couldn't forget.
But we won't do it again of course! Baka mamaya bumukas na naman ang pinto at magulat na naman si Ryan sa makikita niya edi inasar na naman ako nun!
The day passed by quickly. Ryan offered that he'll drop us off to the airport.
"'Yung nag-rerenta doon sa condo mo, umalis na. Tapos na kasi ang kontrata kaya malaya kang tumira na ulit doon, okay?" Paalala sa akin ni Ryan. Tumango naman ako.
"Pero mas maganda na rin kung sakanila Zach ka tutuloy. Tapos matutulog ka sa kwarto niya. Tapos gagawin niyo ulit 'yung ginawa niyo noon sa so–"
Himapas ko siya sa kanyang braso. He chuckled.
"Tumigil ka nga!"
Nilingon ko naman si Zach na may kausap pa sa telepono ngayon. Buti nalang at hindi niya narinig ang kung ano mang sinabi nitong si Ryan!
"That won't happen again!" Sabi ko.
"Sus! Maniwala naman ako sa'yo. Baka nga gustong gusto mo ulit gawin 'yun, e." my jaw dropped at hinampas ulit siya sa kanyang braso.
"Huwag mo nga akong igaya sa'yo!"
"Hala! Bakit hindi ba totoo?"
"Bakit ba hindi ka parin nakakamove on doon? Ang tagal nang nangyari nun ah?" Umirap ako. Sasagot pa sana siya ngunit agad rin niyang itinikom ang bibig niya nang marinig naming nagsalita si Zach.
"Aling nangyari?" He asked. Ryan smirked devilishly at me.
"Ah! 'Yung scene niyo sa sofa!" Aniya.
"Ryan!" Suway ko. Nagpeace sign lang siya sa akin. Lumingon naman sa akin si Zach na mayroong mapaglarong ngisi sa kanyang labi. Pati siya ay hinampas ko na sa braso.
"O siya! Sige na! Mauna na ko. Zach, huwag kayong mag mile high club ah?!" Paalala ni Ryan bago siya tuluyang lumayo sa amin.
My jaw dropped. Anong mile high club siya dyan! Kahit talaga 'yang isip niya!
Zach chuckled at tumango nalang. Then he grabbed my hand.
"We're not going to do that..." I heard him whispered. I sighed in relief.
Oh, yeah! It's because he promised that we won't do it until we got...
Matagal ang naging byahe. Natulog lang ako magdamag. At nang lumapag naman ang eroplano ay sinundo kami ni Ian. Last month pa daw siya nakauwi dito. Hindi niya kasama si Kelly ngayon dahil raw maraming ginagawa.
"It's good to see you again, Sam. Excited na si Kelly na makita ka ulit." Ani Ian. Ngumiti ako.
Ako rin excited na. But I also feel sorry dahil simula nung nangyari sa amin ni Zach noon ay hindi ko na siya nakausap pa.
They dropped me off at my condo. Bumaba silang dalawa upang tulungan ako sa mga gamit na dala ko. Hanggang sa pag-akyat sa unit ko ay nakasunod rin sila.
Marami rin kasi akong inuwing gamit, e. Buti nalang rin talaga at tapos na ang kontrata ng umupa dito dahil kung hindi pa ay wala akong tutuluyan.
Hindi naman pwede sa pamilya ko, diba? Baka nandoon si Ate Isabella at baka ituloy niya rin ang plano niya sa akin doon. Mahirap na.
"Just call me if you need anything okay?" Tumango ako.
"Good night, baby." He said sweetly. He leaned in a little and his hand grabbed my jaw so he could press his lips into mine.
Kung hindi pa umubo si Ian ay hindi pa ititigil ni Zach ang pag-halik niya sa akin. I chuckled at nilingon siya.
"We need to get going, Zach... Stop your hormones, brother."
Zach hit him on his chest. Pabiro naman siyang nasaktan nang dahil doon. Nilingon muli ako ni Zach to give me a one last look.
"Good night." Sabi ko at ngumiti na rin siya bago niya tuluyang sinarado ang pinto ng unit ko.
Marami ang nagbago sa unit. Ang mga pinagbibiling gamit ni Ryan noon ay wala na. May ibang natira pero kaunti na lamang iyon. Nag-ayos muna ako ng gamit bago ako matulog.
I woke up to someone calling my phone. Hindi ko na tiningnan pa kung sino ito dahil inaantok parin ako hanggang ngayon.
"Hello–"
"You're home?!" Boses ni Caitlyn ang bumungad sa akin. Agad akong napabalikwas ng tayo.
Oh, shit! I forgot to tell her last night! Pero... Sino naman kaya ang nagsabi sakanya?
"Cait, I'm–" hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.
"Kung hindi ko pa siguro nabasa iyong article about sainyo ay hindi ko malalaman na umuwi ka pala dito!"
"Article?" Nagtataka kong tinanong sakanya.
I didn't know na may paparazzi pala doon.
"It's a hot topic dahil mukhang may balak pa raw kayong mag mile high club noon!"
"What!? Who told–"
"It's in the article!"
"We did not! Give me that damn article!"
Binigay rin naman agad ni Caitlyn ang article na iyon at sinabi niya sa akin na magkita kami bukas. Sumangayon naman ako dahil wala naman akong masyadong gagawin bukas.
Agad kong binuksan ang article na sinasabi ni Caitlyn sa akin. My eyes widened to see the number of likes and shares of this freaking article.
Supermodel Samantha Enriquez and Football star Zachary Dela Merced goes home to their hometown together and a possible mile high club on their way home?!
My eyes widened to see the comments. Sa sobrang gulat ko ay nakapaglaan pa talaga ako ng oras na magbasa.
I wouldn't be surprised anymore. They look so in love.
Goodness! Kahit talaga ang bunganga ni Ryan! Apparently, a foreign fan heard what Ryan said. Namisinterpret niya pa ito dahil akala niya ang may balak nga kaming gawin iyon!
The fan even posted a video na ginamit rin ng article na iyon upang patunay na totoo nga ang sinasabi niya.
Filipino fans immediately came into our defenses telling them that Ryan is just warning us not to do it. Pero kahit na ba!
Iba ang dating noon! Mukha tuloy may balak kami kahit na wala naman! Ito kasi talagang si Ryan!
I sighed at agad na pinadalahan si Ryan ng message.
Me:
Look what you put us into!
I sent him the link of the article. Agad niya rin namang nabasa ito. Instead of saying that he's bad about it ay mukhang natuwa pa siya!
Ryan:
😛
Ugh! I want to curse Ryan so bad!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top