Chapter Twenty-Five

Song: Two Is Better Than One- Boys Like Girls ft. Taylor Swift
Surprise
A week after MET gala, naimbitahan naman akong dumalo sa Cannes Film Festival. I swear ever since Zach and I confirmed our relationship, nagsunod-sunod ang mga offers sa akin.
Kaya hindi rin naiwasan ng mga tao na magsuspetya tungkol sa relasyon namin. Some were thinking that it's only for a show. They think that we're just using each other for the sake of our career. Baka daw sa ganoong paraan mas makilala kami sa kinabibilangan naming trabaho.
But we're not! Not anymore!
We made it real. Kung dati, we were just faking it. Ngayon, totoo na! Totoo na 'to. At wala nang bawian.
Kung dati kayang kaya kong bawiin ang relasyon namin, ngayon hindi na. Hindi na talaga!
Mag-isip na sila ng kung anu-ano. Basta ang mahalaga ay nagmamahalan kami ni Zach. Others may not believe us, but that doesn't matter. Hindi naman kami naging magkarelasyon para pag-isipin ang mga tao kung totoo ba 'tong relasyon namin o hindi.
Pagkababa ko sa aking kwarto ay nakita ko si Ryan na mahimbing na natutulog sa sofa. He should be at work right now! Bakit nandito pa siya?
Lumapit naman ako sakanya para iyugyog siya hanggang sa magising siya. He groaned at me when he woke up.
"Go away, Samantha!" aniya sabay tumalikod sa akin at tsaka tinakpan ang kanyang mukha gamit ang isang throw pillow para mas maituloy pa ang kanyang tulog.
"Wake up!!!" niyugyog ko ulit siya. Tinampal niya naman ang kamay ko. "Huy! Wag ka ngang ano diyan! Tony's working so hard for your future together tapos ikaw tatamad tamad ka diyan! Naku! Pag mag-asawa na kayo hindi pwedeng ganyan ka nalang lagi! You should work hard, too!"
Hindi ko alam kung tinatamad lang ba itong si Ryan o sadyang tamad lang talaga siya? Ilang beses na rin kasi itong late kung pumasok. Hindi naman siya umaalis kapag gabi para mapuyat siya ng husto.
Umiling ako at hinila na si Ryan hanggang sa bumagsak siya sa sahig.
"Aww!!!" he shouted. Tiningnan niya naman ako ng masama sabay inayos na ang pagkakaupo. "Ano bang problema mo?"
"Late ka na para sa trabaho mo. 'Yun ang problema ko."
"Oh, ano naman? Huwag mong nang problemahin 'yun kasi hindi mo naman trabaho 'yun." Umirap siya sa akin sabay pinikit ulit ang mga mata para makatulog na ulit.
My jaw dropped. I can't believe that it's okay for him to arrive late at his work again. Inilagay ko naman ang kamay ko sa aking baywang at tamad na tiningnan si Ryan.
"What did you do last night?"
Hindi niya ako pinansin.
"What?" I asked again.
"I planned for the wedding, okay? Nagsearch ako sa internet ng mga ideas at hindi ko na namalayan ang oras."
I sighed heavily. Kaya naman pala.
Ever since they got engaged kasi sobrang hands on na nitong si Ryan para sa kasal nila kahit napagkasunduan nilang next year nalang ang kasal.
"Next year pa naman ang kasal niyo ah? You still have a lot of time to plan for the wedding. Kung gusto mo tulungan pa kita sa pagpaplano?"
"Kaya nga! But I just want our wedding to be perfect na dapat ngayon palang ay pinaplano ko na ang lahat." Ryan pouted. Umupo naman ako sa tabi niya. "Tsaka you don't need to. Ang kasal niyo nalang ni Zach ang asikasuhin mo."
Tinaasan ko siya ng kilay at sabay tinulak. He chuckled lightly, medyo antok pa.
"We're not getting married..."
"Tss... doon din naman hahantong ang relasyon niyo."
"We're not sure."
"Ugh! Why are you so nega? Can't you see your future with Zach?" Ryan glared at me.
To answer that question, well... of course I do! Last year pa! Kaso nga, may mga bagay tayong hindi natin inaasahan na mangyari kaya lahat ng mga imagination ko na rin na iyon ay naglaho bigla.
And also, I just don't want to rush our relationship. Hindi nga namin alam kung hanggang sa huli ay kami parin, e. We've been only dating for how many months. Hindi naman sapat ang buwan na iyon para mapatunayan mo na hanggang sa huli ay kayo parin, e.
Love takes time.
Umiling na lamang ako at tumayo na. "I'm heading out. I'll go to Versace's office for my gown."
Napaayos naman ng upo si Ryan sa narinig. He widened his eyes at me. "What's with Versace?"
"Uhmm... they want to make my gown for the Cannes Film Festival. I'm going there to pick up the gown."
"Sasama ako!" nagulat ako nang bigla siyang tumayo.
"You have work."
"Then I'm going to ditch work. Isang beses lang naman, e!"
Nilakihan ko siya ng mata. I can't believe my best friend right now. Ganoon na ba siya kafan ng mga big time designers na willing siyang hindi pumasok sa trabaho para lang makapunta rin doon?
"You're not going to do that!" pagpigil ko sakanya.
"Why not? Isang beses lang naman, e. Tsaka they've known me to be the most punctual employee. It doesn't really matter."
"And that's going to change if you'll join me."
"Ugh! So KJ! Isang beses lang naman, Sam!"
Umiling ako at nilagpasan na siya para makaligo na.
We were on our way to the Versace store. Isinama ko na si Ryan kasi kawawa naman. Para siyang batang nagtatantrums kanina. I gave in and made him join me pick up my gown.
I was busy watching Ryan put on some powder when suddenly my phone ring. Agad kong kinuha ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Zach?" panimula ko.
"Hi, baby..." he sounds extremely tired.
"Training's done?" tanong ko. Lumingon naman sa akin si Ryan sabay ngumisi. He continued putting powder on his face.
"Mhmm..." tumango naman ako kahit hindi niya nakikita. "Can I see you today?"
"Uhhh..." bigla akong nag-isip ng sagot.
Sa totoo lang ay pupwede naman kaso... mukha kasi siyang pagod. Sa halip na magpahinga na siya ngayon, igugol niya pa ang oras niya para bumyahe papunta sa apartment.
"Maybe you should take a rest. At isa pa, wala rin kasing tao sa apartment."
"Oh? Where are you going?"
"Picking up my gown. I told you I got invited at the Cannes Film Festival, right?"
"Oh, yeah. That's next week."
"Yup. And I'm leaving in two days. Maybe... I'll just see you tomorrow, then?"
"That will do. But can I join you in that event?"
Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko kasi alam kung pupwede ba akong mag-sama ng isa pa. The organization only invited me. Tsaka kung pasasamahin ko siya, ilang araw na naman siyang aabsent sa training nila. Ayoko naman nun.
He needs to focus on his training because they're going to Super Bowl! I mean... ang tagal na nilang goal na makapasok sa Super Bowl. He needs to exert more effort on getting better.
Hindi naman sa ayaw ko na makasama siya... I just don't want to hinder him from reaching his goal. And a week away from each other won't hurt, right?
"I'm not sure, Zach... at tsaka one week iyon. Kung sasama ka sa akin, one week ka rin wala sa training niyo. Baka pagalitan ka na ng coach niyo niyan."
"I'll explain."
"No, Zach. Tsaka, one week lang naman."
"One week is too long!" reklamo niya. Napangisi ako. "I can't be apart from you for a week!"
I chuckled lightly. Lumingon naman sa akin si Ryan sabay ngumisi.
"Sus! We've been apart for a year nga, nakaya mo naman." Sabi ko.
Nanlaki ang mga mata sa akin ni Ryan. "That's mean!"
I shutted him off at mas itinuon nalang ang atensyon sa kausap ko ngayon.
"Tss... I can't believe you're still bringing that one up." Ani Zach. "Anyways, I'll see you tomorrow. And also, on the day before you leave for Cannes. Okay?"
"Okay..."
Tinotoo niya naman ang sinabi niya na kikitain niya ako ngayong araw. He helped me pack my things tapos dito na rin siya natulog. The next day ay sumama silang dalawa ni Ryan para ihatid ako sa airport.
Laura is already there waiting for me. Pati na rin ang mga mag-aayos sa akin para sa event ay nandidito na. Ako nalang talaga ang hinihintay.
Nalate kasi ako ng gising. Hindi ko namalayan ang oras. Medyo napasarap siguro ang tulog ko sa tabi ni Zach. Ito namang si Ryan hindi kami ginising kahit na alam niya namang kailangan kong umalis ng maaga. He's already awake when we got down.
We were rushing the whole time para lang makaabot kami sa flight. Zach has to drive fast at buti nalang hindi siya nahuli for overspeeding.
Dali-dali ko namang kinuha ang mga bag ko sa compartment ng kotse ni Zach. When he closed it, isinandal niya naman ang sarili niya doon habang tinitingnan ako.
Humarap ako sakanya at nagpakawala ng malalim na hininga. I pouted.
"I'm sorry I had to rush you."
"No worries. It's okay."
Ngumiti ako at lumapit sakanya. Ryan is talking to Laura. Siguro ay iniimbita na para sa kasal nila next year. Ganon talaga siya kahands on na maaga palang ay nag-iimbita na agad siya ng mga bisita.
"I'll see you next week?" sabi ko. Tumango naman si Zach at inalis na ang sarili sa pagkakasandal sa kanyang kotse.
He pulled me closer to hug me. "Make sure to call me when you get there, okay?"
"Okay..."
Bago ako umalis ay pinatakan niya ako ng isang malalim na halik. I waved at him bago na tuluyang pumasok sa airport. Kumaway rin ako kay Ryan pagkatapos ko siyang yakapin.
Feeling ko naging mabilis lang ang naging byahe kahit na may isang stop over kami sa Hong Kong. All in all, sixteen hours or so lang naman kami bumyahe.
This better be good.
Mabilis na sumapit ang araw para sa event. Nilingon ko ang gown ko na nakasabit sa gilid. It's a black colored gown embroidered all the way from its bodice to its skirt.
Habang inaayusan ako ay biglang nagtext sa akin si Zach.
Zach:
What are you doing right now?
Nagtipa naman agad ako ng irereply.
Me:
Make up is almost done. Heading off to the event in fifteen minutes.
Zach:
I see. You must be busy. Text me when you're heading out, okay?
Me:
Okay.
Natapos rin naman agad ang make-up artist sa kanyang ginagawa. My hair is already fixed. Kinulot lang nila ang laylayan nito at inayos. Isinuot naman sa akin ng stylist ko ang isang crystal necklace. Iniabot niya rin sa akin ang isang pares ng hikaw.
Pagkatapos noon ay isinuot na sa akin ang aking gown. My stylist genuinely smiled at me. He looks very satisfied with it.
"Very beautiful, Sam." Ani Laura sabay iniabot sa akin ang aking clutch. I smiled at her.
"Thanks."
Ilang minuto kaming nanatili para sa pictures hanggang sa napagdesisyonan na naming lumabas. We were on our way to the elevator nang binuksan ko ang aking clutch para kuhanin ang aking phone. Nagulat naman ako nang wala iyon sa loob.
"Uh... I'll be right back. I'll just get my phone." Sabi ko.
Nilingon ako ni Laura. "Let Yuri get the phone for you."
Naging alerto naman ang isa sa mga assistants. Aalis na sana siya ngunit pinigilan ko siya.
"No. I'll go get it. It's okay." Ngumiti ako sakanya to assure her that it's okay. Ayoko rin naman kasing iasa sa ibang tao ang mga bagay na kaya ko namang gawin, e.
Naglakad ako ng mabilis papasok sa kwarto. Inaayos na iyon at nagulat sila nang makita muli ako. Sinabi ko naman sakanila na may kailangan lang akong kuhanin at aalis na rin agad ako.
When I grabbed my phone tiningnan ko kung may text na ba doon si Zach. I stopped in my tracks when I realized that he told me to text him kapag aalis na ako papunta doon sa event.
Dali-dali naman akong nagtipa ng text sakanya. Nang isend ko ito ay agad rin naman akong lumabas.
I was busy inserting my phone inside my clutch when someone grabbed my wrist and covered my mouth so that I wouldn't make any noise.
Naramdaman kong ipinasok niya ako sa isang kwarto. Sobrang dilim dito na hindi ko agad nakita kung sino man itong dumampot sa akin. I was seriously panicking inside pero nang buksan niya ang ilaw ay para akong nabunutan ng tinik.
I felt so relieved to see that it's just Zach. Akala ko kung sino na.
But what is he doing here? Akala ko ay nasa training siya! 'Yun ang sabi niya sa akin kanina. Ngumiti naman siya nang makita ang gulat na gulat kong ekspresyon.
"Hi." He greeted.
"What are you doing here?" I asked. Nagugulohan parin ako pero hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. He really can't last a week without me, huh?
"I told you a week is too long to be apart from you. I had to come here, too."
"That's unnecessary! We talk almost all the time!"
"That isn't enough for me, baby..."
Unti-unti naman akong napangiti nang sabihin niya iyon. He's so cute! Nang pinisil ko naman siya sa kanyang pisngi ay agad niyang inalis iyon.
Arte!
"I miss you..." sabi ko at ipinulupot ang aking braso sa kanyang leeg. Ngumiti ako sakanya.
"See? You'll miss me more if I didn't come here." His hands gently made its way to my waist.
"Hindi ka ba papagalitan ng coach mo?"
"I already explained. He understand." Tumango ako. Pinasadahan niya naman ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "You look really beautiful in that dress."
Tumango ako at tinitigan lang siya. When I couldn't hold myself anymore, I crashed my lips into his. Hindi naman siya nagulat sa ginawa ko dahil agad rin naman siyang nakabawi.
He pinned me against the wall habang marahan akong hinahalikan. Hindi ko na napansin pa ang oras hanggang sa makarinig ako ng mga tao na nag-uusap sa labas.
"Where is she?" I recognize that voice to be Laura's.
"She just headed off a while ago. You did not see her?"
"No. We've been waiting at the elevator for ten minutes! We're going to be late."
Kinagat ko ang labi ko at hinarap naman si Zach.
"I guess, I need to head off now..."
Naintindihan niya naman agad at bahagyang lumayo sa akin. Pinatakan niya ako ng isang halik bago ako tuluyang pakawalan.
"I'll see you later. What time is the event going to finish?"
"I don't know. Maybe I'll just ditch or something? Para samahan kita dito?" ngumisi siya sa sinabi ko. Inipit niya ang takas ng buhok sa aking tainga at hinalikan muli.
"You can't do that. I'll just see you tonight. Dito lang ako. I'll also watch the red carpet on TV so I can see how it goes."
Tumango ako at lumabas na. Nilingon ko muna ang buong hallway para siguraduhing walang nakakita sa aking lumabas dito.
When the hallway's cleared... doon na ako nagtungo muli sa elevator. Laura sighed in relief when she saw me.
"Where have you been?!" aniya sabay hila sa akin patungo sa elevator. Pilit kong pinipigilan ang saking sarili na huwag mapangiti pero mukhang imposible talaga.
Zach just surprised me. I can't believe he did that!
Akala ko naman ay okay lang sakanya na hindi kami magkita ng isang linggo. This guy is just really full of surprises.
I came up with this lame excuse that made Laura's forehead creased. But in the end, naniwala naman siya. Sa tingin ko nga naniwala lang siya dahil late na kami, e. She has no time to scold me anymore.
Sa tingin ko rin ay hindi ako makakapagfocus sa event. I'll keep on thinking about Zach! Or maybe texting him! Ugh! I just couldn't wait for see him again tonight.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top