Chapter Twelve
Song: Up To You- Chris Brown
Push
I woke up to Zach pacing back and forth inside my room. May kausap siya sa kanyang cellphone.
"Then I'll fucking pay for the damage! If I didn't broke down that door, she'll probably get raped and that's the last thing I want to happen."
Pinasadahan niya naman ng kamay ang kanyang buhok. He sounded so frustrated.
"I'll ask her if she wants to press charges against him. I don't want to decide for her." Patuloy niya sa sinasabi.
Nagawi ang tingin niya sa akin. Napaawang ng kaunti ang kanyang labi nang makitang gising na ako.
"I'll call you later." Sabi niya sa kausap sa kabilang linya.
He put his phone back inside his pocket. Naglakad siya patungo sa akin sabay umupo siya sa kama ko. I moved a little para may maupuan siya.
Nang makauwi kami sa apartment kanina ay nandoon na si Ryan. Even Laura is here. They heard about what happened. Tinatanong nila ako paulit-ulit kung ano ba ang nangyari but I was unable to speak for a moment. Medyo natrauma sa nangyari.
Hindi ko akalain na kayang gawin sa akin ni Wilhelm iyon. He was so nice kaya hindi ko siya mapapagkalaman na kayang gumawa ng ganoong klaseng bagay.
I let Zach explain it to them. Tulala ako mag-damag at hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nagulat nalang rin ako at pagkagising ko ay nasa kama ko na ako.
Zach probably carried me.
"How are you feeling?" He asked.
"Still scared," sabi ko. Bumangon ako at umayos na ng upo. Nagaalala ko siyang tiningnan. "Paano kung mangyari ulit?"
"I won't let that happen." Giit niya. I pressed my lips into a thin line. Nag-iwas ako ng tingin sakanya. He looks and sounds really serious.
"Sino iyong kausap mo kanina?" Tanong ko sakanya. Para hindi na mabalik ang usapan sa nangyari kanina. Siya naman ang umiwas ng tingin ngayon.
"My lawyer." He answered simply.
Bumaba naman ang tingin ko sa kamay niyang may nakabalot ng benda. Malamang ay nakuha niya iyan sa pagsuntok niya kay Wilhelm kanina. It seems like he uses all his force kaya ganito ang sinapit ng kamao niya.
"Apparently, I need to pay for the damage I caused." He continued.
Oh! It's because he freaking broke the door down just to save me.
"Oh..."
"Do you want to press charges against him?" Tanong niya.
I was actually thinking about it. Pero ano naman mapapala ko dun? Hindi naman mawawala 'yung takot na sinapit ko kapag kinasuhan ko siya.
I shrugged. "I just don't want him near me anymore."
"Then we'll file a temporary restraining order against him so he won't get close to you. Aren't you going to charge him for sexual assault? Did he touch you anywhere?" I nodded. His jaw clenched.
I remember Wilhelm cupping my breasts. Pero bukod doon ay wala na. Umiling nalang ako at pinilit na huwag nang alalahanin pa ang nanyari.
"Hindi na, Zach. This is too much. I just don't want him near me. Ayoko ng lumaki pa 'yung issue." Tumango naman siya at hindi na nagsalita ulit. Tinitigan niya lang ako.
For a moment, I felt him trying to move closer to me but he's stopping himself. He knows his limitations. I feel like he wanted to reach for me pero hindi niya magawa.
Nakakabinging katahimikan naman ang bumalot sa aming dalawa. Palaisipan parin sa akin kung anong ginagawa niya doon. I told him not to watch pero paanong nandoon siya?
"Anong ginagawa mo-" naputol ang sasabihin ko nang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bedside table.
Caitlyn is calling me.
Nakita rin ni Zach kung sino iyong tumatawag kaya naman ay tumayo siya. He hesistated for a moment bago niya itinuro ang pinto ng kwarto ko.
"I'll leave you alone to talk to her." My mouth parted.
"Okay...."
This is too much, Zach... As much as I want you near me. Puso ko parin ang nagdidikta na gustong-gusto at mahal na mahal parin kita. I don't even think that would change.
Gustuhin ko mang manatili pa siya rito ay hinayaan ko nalang siyang makalabas na ng tuluyan sa kwarto ko. Nang isinarado niya ang pinto ay doon ko na sinagot ang tawag ni Caitlyn.
"Ate Samantha!" Her worried voice spoke on the other line.
"Cait..."
"I heard what happened! Are you okay?"
"Yeah. I'm... okay now."
"Zach... saved you..." Hindi iyon patanong. Parang hindi siya makapaniwala sa nalaman dahil sa tono ng boses niya.
"Yeah." Simple kong sagot.
"Are you working things out?"
"I don't know."
Hindi ko talaga alam ang sagot. Are we? If we're going to fix things dapat kaming dalawa. Pero mukhang siya lang iyong nag-aayos dahil hindi parin ako sigurado sa sagot ko.
"I mean... Do you want to?" Tanong niyang muli.
Gusto ko nga ba? Hindi ko naman sure kung talagang nakaget over na siya ng tuluyan kay Cindy. Ayoko namang pilitin niya ang sarili na kalimutan niya iyon dahil nakakaawa ang ginawa ko noon. I don't want him to feel guilty of what he did. I understand naman.
At kung sakali ngang handa na talaga siyang piliin ako... I don't think that I will believe him. There's just uncertainties everywhere...
Sobrang gulo lang... Ang hirap nang magtiwala ulit ngayon.
"I'm not sure." I heard Caitlyn sighed.
"Thank God he's there to save you! Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyari sa'yo na hindi maganda. Mom and Dad heard about what happened. They look worried."
Kumunot naman ang noo ko. I'm surprised they are.
Last year, they told me na gusto nilang bumawi sa akin. Pero mukha namang hindi totoo iyon. That's why I shrugged that ridiculous thought off.
At isa pa, mukha namang wala silang gana na gumawa ng effort para makabawi sa akin. It's like they're just acting.
"Tell them I'm... okay. Hindi naman ako ganoong nasaktan."
Narinig kong huminga siya ng malalim bago siya mag-salita ulit.
"I hope you work things out, Ate Sam." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya.
"W-Why?"
"You deserve him." Simple niyang sagot pero ramdam ko ang pag-ngiti niya kahit hindi ko iyon nakikita. "I hope you'll think about it."
Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Am I ready to fix things up with him again? Am I ready to risk something again?
Matagal rin akong naghintay na ako naman ang piliin niya. Nagugulohan lang ako dahil bakit bigla niyang naisipan na bumalik sa akin when he already pushed me away?
"I will." 'Yun ang huli kong sinabi sakanya then I hang up the call.
Huminga ako ng malalim at tumayo na. Lumabas ako ng kwarto.
Tahimik ang paligid nang bumaba ako. Nakita ko namang nag-iisa na si Ryan sa baba. No signs of Zach.
"Where's Zach?" I asked him.
Umalis na ba siya? Hindi man lang ako nakapagthank you sa ginawa niya.
"Pinauwi ko na." Sagot ni Ryan sabay ngumuso.
"Why?"
"The guy looks so stressed out! I think it's time for him to take a rest. Sabi ko nalang ay bumalik nalang siya sa susunod na araw." Paliwanag niya.
Pumwesto naman siya sa harap ng TV habang may dala-dalang bowl ng popcorn.
"Come here. Sit next to me." Aya niya sa akin.
Agad rin naman akong lumapit at tumabi sakanya. Hinawakan niya ang buhok ko.
"I'm so glad you're okay." He smiled at me. I did the same.
"I did not expect that he's capable of doing that to me," I said referring to Wilhelm. Tumango naman siya. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat.
"May hinala na talaga ako sa lalaking 'yan ever since na ikwento mo siya sakin noon. He keeps on nagging you because he only wants something from you. And he's the usual type of playboy. Para siyang si Xander."
Oh, Xander! I haven't heard anything from him. Ano na kayang nangyari dun sa mokong na 'yun?
"Lapitin siguro talaga ako ng mga playboy." Biro ko. Ngumuso ako.
Siguro nga...
"Uy! Si Zach hindi playboy ah!" Mabilis kong tinanggal ang pagkakasandal ng ulo ko sa balikat niya. Kunot noo ko siyang tiningnan.
"Bakit ba lagi mong pinagtatanggol si Zach?" Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Niliitan ko siya ng mga mata. Hindi kaya... "Aminin mo nga sa akin, Ryan... May gusto ka kay Zach noh?"
"Ano ba yan, Sam!" Sigaw niya sabay pinalo ako ng malakas. Tumawa ako. Lumayo siya sa akin.
"Uy! Ikaw ha? Pinagtataksilan mo si Tony! You unloyal person!" Tinuro ko siya habang pinangliliitan parin ng mga mata. He made a disgusted face.
Wow ha? Hindi naman nakakadiri si Zach!
"Alam mo... baliw ka! Sa lahat ba naman ng maiisip mo 'yan pa? I know that Zach's really hot pero jusko naman... hindi naman ako papatol sa mahal ng best friend ko!" Ako naman ang natahimik ngayon. He smirked. "Sabihin mo nalang kasi... inggit ka lang sa amin ni Tony kaya ka ganyan!"
"Ha? Bakit ako maiinggit? Kayang-kaya ko namang humanap diyan!" I playfully rolled my eyes at him.
"Hahanap pa! Meron na, e. Letter Z ba ang unang letter ng pangalan?" Pabiro siyang ngumisi. Binato ko siya ng unan.
"Ano ipupush mo na naman kami?" He shrugged at mas lalong lumaki ang ngisi niya. Umiling ako.
Something's really weird about Ryan. Hindi ko alam kung kagagawan ba 'yun ni Tony o sadyang baliw lang talaga itong si Ryan?
Sa halip na magalit siya sa ginawa ni Zach sa akin nung nakaraang taon ay eto siya at pinupush kami!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top