Chapter Thirty-Two
Song: I Was Made For Loving You- Tori Kelly ft. Ed Sheeran
Expectation
"So, when did you start dating my cousin again?" Kelly asks.
Nilingon ko naman si Zach na masayang nakikipag-usap kay Ian at sa iba niyang tiyuhin. Pasado na si Ian sa pamilya nila. Kahit na nahot seat ito kanina, mukha namang gustong-gusto rin siya ng mga kamaganak nila lalo na't alam nito na matalik siyang kaibigan ni Zach.
"About eight months ago." sagot ko sa tanong ni Kelly. She smirked.
"That long, huh?" Tinaasan niya ako ng kilay. Ngumiti naman ako.
Not long and not short but it is enough for me to realize that it's Zach that I wanted to marry. It's him that I want to spend the rest of my life with.
"Ian and I started dating about eleven months ago. Next month, we'll celebrate our anniversary!"
Bakas sa mukha ni Kelly na masaya siya kasama si Ian. Kahit noon pa man, kahit magkaibigan palang ang turingan nila, alam kong masaya si Kelly lagi kapag nandyan si Ian. Kaya hindi na rin ako nagulat na sila na ngayon.
Pakipot lang rin kasi sila noon. Ayaw pang umamin kahit na halata naman na gusto nila ang isa't isa.
"I'm so happy for you! Noon pa man, alam kong may posibilidad na maging kayo, e." she smirked at that. "Paano ka niya niligawan?"
Umirap siya sa akin. Kumunot naman ang noo ko.
"Walang ligawan ang nangyari!"
My eyes widened because of that. Hindi ko akalain na hindi man lang dumaan si Ian sa panliligaw bago sila maging ni Kelly.
"Huh? Paano naging kayo?"
"Wala. Sinabi ko lang na kami na nung umamin siya na gusto niya ako." she answered confidently. Natawa naman ako.
"E, bakit pa namin papatagalin diba? Gusto niya ako, gusto ko siya. Saan pa ba hahantong 'yun? Edi dito!"
Ako naman ang umirap ngayon. Ian brings out the best in Kelly. I can see that. He made Kelly become a matured woman. Dati kasi medyo may pagkachildish siya, pero ngayon... ibang iba na siya sa Kelly na nakilala ko.
"Kayo lang naman ni Zach ang pakipot diyan noon!" pang-aasar niya.
"Noon 'yon!" pagbawi ko. "At tsaka, hindi pa siya nakakaget over kay Cindy nun."
Kelly sighed at that. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Naaalala ko noon, sobrang problemado ni Zach sa kung paano niya sasabihin sa magulang ni Cindy na nakamove on na siya," ang buong atensyon ko ay nakay Kelly na ngayon. Napaayos ako ng upo at nagpatuloy sa pakikinig ng kung ano mang sasabihin niya.
"Cindy's parents still thinks that Zach isn't over their daughter. And they're fine with that kasi alam nila kung gaano minahal ni Zach ang anak nila. That's why he had a hard time telling them about you.
"Syempre... ang hirap rin naman ikwento sa magulang ng girlfriend niya dati na nakahanap na siya ng iba diba?"
I pressed my lips into a thin line before speaking. "Nagalit ba sila?"
Umiling naman si Kelly. I sighed at that.
"Nakakagulat nga rin, e. Akala ko kasi ayaw nilang makamove on si Zach kay Cindy hangga't hindi nalalaman kung sino ang nakabangga sakanya noon. Pero nang sabihin ni Zach na masaya daw ang magulang ni Cindy para sakanya ay nagulat kami! I mean... Dapat lang diba? You and Zach are meant to be together, anyway."
"Well, maybe, that's one of the reasons why he hinders himself from showing his love for me before. Siguro ayaw lang niya na isipin ng magulang ni Cindy na basta niya nalang kinalimutan ang anak nila dahil nakahanap na siya ng iba." sabi ko.
Nagkibit ng balikat si Kelly at sinulyapan sila Ian at Zach na nag-uusap parin hanggang ngayon. Binaling niya muli ang tingin sa akin at tsaka ngumiti.
"I'm happy for you." I smiled at her. "Really... I'm so so happy for you."
"Me, too." I chuckled.
"I'm happy that you no longer need to force him to open up to you. You no longer need to ask him to let you in because I can see that he already did. He's opened everything up for you because he loves you so much, Sam. And I'm so so happy for that."
Napakasimple lang ng sinabi niya pero feeling ko muntikan na akong maiyak ng dahil doon. She pouted and tsaka lumapit sa akin para mayakap ako.
"Don't forget to invite me on your wedding, okay?" she said once she pulled away from the hug. I playfully hit her arm.
Yeah, sure. Of course, I will.
Napabaling lang ang tingin namin sa harap nang biglang magsalita ang lolo nila.
"It's performance time!" masayang sinabi nito, mukhang excited sa ipapakita ng mga apo niya.
Naupo siya sa tabi ng asawa na mukhang sabik na rin na panoorin ang inihanda ng kanilang mga apo ngayong araw. Lumingon naman sa amin sila Zach at Ian at tsaka natungo na papunta sa amin.
Zach smiled a little at me and then he seated on the chair beside me.
"Have you prepared something for me, baby?" he asked. Mapaglaro akong ngumiti sakanya. Niliitan niya ako ng mata.
"Of course, I did. You'll be surprised." I smirked at him. He boyishly smirked back.
"I've prepared something for you, too."
Nawala ang ngisi sa labi ko dahil sa sinabi niya. Oh my god! Is he proposing to me tonight?!
Hindi na ako nakapagtanong pa tungkol sa surpresang iyon dahil humarap na muli siya sa entablado kung saan naghahanda sila Peter at John.
If he's going to propose to me tonight, then, I'm going to freak out!!!
"Si Sam naman!" sigaw ni Kelly nang matapos magperform si Katarina.
Katarina plays the piano really well now. Mahirap ang piece na tinugtog niya ngayon.
Lumingon sa akin ang ibang kamaganak ni Zach. Naghihintay sa pag-tayo ko. Nahihiya akong ngumiti. Naramdaman ko namang bahagya akong tinulak ni Kelly, pinapahiwatig na ipakita ko na ang inihanda ko para sakanila ngayong gabi.
Nilingon ko si Peter at John na mukha namang nakuha ang senyas ko. I asked them to perform with me. They're really grateful for it. Sabi pa nila, they feel honored to be singing with me. Inirapan ko nalang sila nang dahil doon.
Kitang-kita ko naman ang gulat sa mukha ni Zach nang makitang umakyat rin sila Peter at John sa entablado kasama ko. Nang mahagip niya ang tingin ko ay niliitan niya ako ng mata sabay ngumisi.
"Hi," I said over the microphone.
Wala pa akong ginagawa agad namang pumalakpak itong si Kelly at nag-sisisigaw. Tumawa ako. Tiningnan ko naman ang lolo at lola ni Zach.
"Thank you again for inviting me here. It's always been an honor."
Zach's grandmother gladly smiled at me. Ganoon rin ang kanyang asawa. Tiningnan ko rin sila Tita Carmel at Tito Patrick na parehong nakangiti sa akin ngayon.
"You probably know who I'm dedicating this song to. So..." nilingon ko sila Peter at John. Tinanguan ko sila, pinapahiwatig na mag-umpisa na sila sa pagtugtog.
Ngumiti sa akin si Peter bago siya magsimulang i-strum ang gitara. I look over at John who is sitting at the cajon, he was silently tapping it. I smiled again at tsaka hinanap ang mga mata ni Zach. Niliitan niya parin ako ng mga mata hanggang ngayon. I chuckled then I started singing.
A dangerous plan, just this time
A stranger's hand clutched in mine
I'll take this chance, so call me blind
I've been waiting all my life
Please don't scar this young heart
Just take my hand
I sang the chorus alone. When I finished, it was Peter and John's turn. Everyone clapped. Napangiti naman ako nang dahil doon. After that, Peter and I started singing together. Everyone smiled when we did.
Please don't go, I've been waiting so long
Oh, you don't even know me at all
But I was made for loving you
Nang matapos kami ay nagsipalakpakan ang lahat. Zach even stood up, giving us three a standing ovation. Si Peter at John naman ay nagbobow sakanilang lahat at kumakaway pa! Tumawa ako.
Nang bumalik ako sa dating pwesto ay nginisian ko si Zach.
"It's time for you to show me what you've prepared." bulong ko. Narinig ko namang tumawa siya.
"You'll be very surprised." he answered confidently.
Lumingon siya sa harap at tsaka itinaas ang kamay.
"It's our turn now!" he said. Halos lahat kami ay napalingon sakanya. Kumunot ang noo ko.
"Saan ka pupunta?" I heard Kelly asked. Napalingon naman ako sakanila at nakitang nakatayo na rin si Ian.
Oh, these two prepared something huh?
I smirked. Lumingon naman sa akin si Zach nang mayroong mapaglarong ngisi sa kanyang labi.
"You'll fall deeply in love with me more after this." sabi niya.
Pagkatalikod niya ay napakagat nalang ako sa labi ko. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. What if... he's proposing to me now? Oh my god! Ngayon palang ay nagfrefreak out na ako!
This can't happen! When Zach's going to propose... I shouldn't freak out! I should act normal!
Inayos ko naman ang upo ko at itinuon nalang ang buong atensyon sa maaaring gawin ng dalawang ito. Ian borrowed John's cajon at si Zach naman ay hawak hawak na ang gitara ni Peter ngayon.
Kumunot ang noo ko. He knows how to play the guitar!?
This guy really knows how to surprise me!
Mamaya maya pa ay nag-umpisa na silang tumugtog. When Zach started strumming the guitar, he looked at me. He smirked.
"I told you." he mouthed. Umirap ako.
Pagkatapos noon ay kumanta na si Ian. They're singing Look After You by The Fray. I was surprised to hear that Ian has a beautiful voice. Ramdam ko naman sa likod ko na kilig na kilig itong si Kelly lalo na tuwing magagawi ang tingin ni Ian sakanya.
Bigla naman akong natakot na masira ang momentum nang dahil kay Zach. Baka kasi... mamaya... siya ang sumira sa kanta?
Hindi naman sa sinasabi ko na pangit ang boses niya. I haven't heard him sing at hindi ko siya mapapagkamalang marunong kumanta. Kaya hindi ko alam kung anong ieexpect ko.
But then, when I was about to expect an ugly outcome from him... he turns on his ability to surprise me all the damn time.
No wonder why he said that I'll be very surprised.
Akala ko sisirain na niya ang kanta. But what he did what the total opposite. He made the song more beautiful! My mouth parted. Not expecting that my boyfriend has a beautiful singing voice. I'm surprised!
"Whooo!" Sigaw ni Kelly. Nilingon ko siya.
"You didn't tell me that he can sing!" Sabi ko sakanya. Nagkibit naman siya ng balikat at mapaglarong ngumiti sa akin.
"He told me not to tell you." umirap ako at itinuon nalang muli ang atensyon sa dalawang kumakanta sa harap.
Everyone put their hands together and started swaying. Ngiting-ngiti naman ang dalawang tumutugtog ngayon. Nang matapos sila ay nagsipalakpakan ang lahat.
I felt bad for expecting a bad outcome from my boyfriend. I should've believe in him. I'm his girlfriend after all! I should support him!
Pero ano ang ginawa ko? Inexpect ko na panget ang boses niya.
Hindi bumaba si Zach sa entablado kahit na iniwan na siya ni Ian doon. Nakaramdam muli ako ng kaba.
When he inserted his hand inside his pocket ay sinundan ko ng tingin iyon. Oh my god! Is he going to propose now?
Ngumiti ito at binaling ang tingin sa akin.
"Tonight, is a very special night..." He started. Oh my god! This is it! "For someone very special to me."
Naramdaman kong lumingon ang iba sa akin. Pakiramdam ko inaasahan rin nilang magpopropose ito sa akin ngayon.
Zach checks the time on his watch. He smiled again.
"For she is celebrating her 25th birthday with us today."
My mouth parted. Tumaas ang kilay ko. What the hell? I thought he was going to propose to me today! What the freaking hell!
I expected too much didn't I? Oh god! Who the hell is celebrating their birthday today?!
I want to curse so so bad for expecting a proposal from him! Hindi dapat ganoon! 'Wag tayong umasa! Gosh! Napahiya ako doon!
"Happy Birthday, Sam!" Bati ng lahat sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko.
It's my birthday? What is it today? February...
Oh my god! It's really my birthday today! How the hell did I forget that?
Masyado na ba akong nageexpect sa proposal ni Zach at sobra na rin ba sa pagkaclouded ang isip ko na pati birthday ko ay nakalimutan ko na? Gosh!!!
Pinatayo ako ni Tita Carmel at pinapunta na muli sa harap. Pinatabi nila ako kay Zach.
"Happy Birthday, baby..." Zach whispered nang makalapit na ako.
Bumalik ang tingin ko sa kamay niya na nasa loob ng kanyang bulsa. Para siyang may kinakalikot doon.
Okay... Maybe... Ngayon nga talaga siyang magpopropose.
I bit my lip. Trying to brace myself for what's about to happen today. On my birthday.
Zach quickly pulled out that thing na hindi ko na naaninag pa masyado. Basta ang alam ko, pula iyon.
"Also, tonight... I am making my promise to the love of my life. I promise not to leave her again and I promise to do everything for her."
Oh, god! He's gonna propose?!?!
"I'm thankful that you came back into my life, Sam. So so thankful. That's why, I'm giving you something that will always remind you of my love for you."
Then he pulled out that red box. I wanted to cry pero hindi ko magawa. He's really proposi– wait. What?!
Nang buksan niya ang pulang kahon na iyon, imbis na singsing ang nasa loob noon ay isang kwintas ang naroon.
Damn you, Samantha! You expected again! Pahiyang-pahiya ka na sa sarili mo ngayong gabi.
Zach smiled at me. I tried to smile back pero hindi ko talaga maitago ang disappointment sa mukha.
Why am I expecting in the first place? He knows that I'm still not ready kaya siguro... akala niya it's unnecessary to propose to me today.
Ah! Goodness, Samantha! You're an idiot!
Kinuha niya ang kwintas sa loob ng box at pinakita sa akin ito. It's heart pendant. Mukhang mamahalin talaga. When he flipped the necklace over, doon ko nakita ang nakaengrave na letra doon.
Z & S
Inangat ko ang tingin ko sakanya.
"This is to promise that it's us, until the end..." he said at tsaka niya isinuot sa akin ang ibinigay na kwintas.
Everyone clapped. Habang ako, gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kahihiyan.
Lessons learned. Don't expect too much.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top